Chapter 09

122021 Chapter 09 #HatemateWP

Okay naman ako for the next few hours. As much as I hate to admit, gumaan-gaan ang mood ko dahil nabawas-bawasan ang isipin ko sa midterms ng Design. Hindi naman ako magpapabuhat, 'no, pero big help 'yong hindi ko sosolohin 'yong gawain. Mukhang hindi rin naman napilitan si Deion na igrupo ako, kaya na-minus-an din 'yong atraso niya sa 'kin. Bawi na siya roon sa hindi pagre-reply.

Masuwerte na ako roon, kaya parang ang sama naman kung magrereklamo ako sa isa pang inconvenience of the day: overtime ang next class. Pasimple ko lang na tinitingnan iyong wall clock dahil noong nahuli si Ken na tumingin sa wristwatch niya, natawag siya at pinasagot para raw 'mabilis na kaming matapos at kung lunch na lunch siya.' Hindi yata good mood si Ma'am ngayon, at ayaw ko namang mapahiya sa class for the second time today if tatawagin ako, kaya siniguro kong hindi ako mahuhuli kapag nagche-check ng oras.

After kaming ma-dimiss (finally), sabay-sabay yata kaming nagtayuan para makalabas. Hindi ko na iniisip kung nandoon si Jo at naghihintay. Dahil kanina, nahuli siya ni Ma'am na nakasilip sa pinto at natanong kung bakit nandoon. For sure umalis na si Jo dahil 30 minutes yata ang OT ni Ma'am.

Nagpaalam lang ako kay Je na uuwi ako saglit, bago dali-daling nakisabay sa siksikan ng mga lalabas para mag-lunch.

"'Uy, sis, saan ka pupunta?" tanong ni Mark na tinulak 'yong pinto pabukas at pinauna akong lumabas. Naamoy ko si Deion sa tabi niya.

"Uuwi ako," sagot ko. Sinabayan ako ng dalawa sa paglalakad. Parehas lang naman ang way, kung pupunta man sila ng canteen. Wala si Ate Maggie, himala. Hindi na rin siguro nahintay na matapos ang class namin.

"Ha? Sa bahay ninyo? Bakit?"

Umiling ako. Nagmamadali akong maglakad, pero pakiramdam ko nahuhuli pa rin ako dahil sa laki ng hakbang ng dalawang lalaki sa gilid ko. "Sa apartment lang. Maglilinis saglit, 'tapos magpapalit akong damit," paliwanag ko.

Dahil malamig sa room, ang lamig din ng ulo ko dahil basang-basa ang buhok ko nang pumasok. Hindi na natuyo nang tuyong-tuyo. 'Yong basang spot sa likod ko, hindi rin gaanong natuyo kaya malamig din sa pakiramdam.

"Bakit may pa-change outfit, sasayaw ka?" Sinamaan ko ng tingin si Mark. Tinawanan lang niya ako. "Baka ma-late ka ulit, sure kang uuwi kla?"

Napabuntonghininga ako. Bakit kasi nausuhan na nga ng OT si Ma'am, sinagad-sagad niya pa? "Kaya nga e. Bibilisan ko na lang."

"Graphics 'yong class na kasunod, gusto mo bang ma-late ka ulit sa major?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil doon. Naitikom ko ang bibig dahil natakot ako roon sa sinabi niya.

"Okay, tama," tumatango kong sabi. May grace period naman pero baka nga hindi ko matantiya ang oras. Medyo nakakadala 'yong nangyari kanina sa Design.

Pumihit na ako pabalik. "'Balik na 'ko." Tinapik ko si Mark sa braso para magpaalam.

"Basang-basa 'yung likod mo," puna ni Mark. "Pawis ba 'yan?"

"Basa kasi 'yung buhok ko kanina pa."

"'Di ka ba lalamigin niyan?"

Nagkibit-balikat lang ako. Keri naman 'yung lamig. Kaso sure ako mamaya after ng last period, sobrang init na sa labas. Baka ubuhin ako 'pag gano'n.

"May t-shirt naman ako, 'yon na lang isuot mo."

"Sure ka?"

Tumango siya. Nilingon niya si Deion na halos malimutan kong kasama namin. Kung hindi dahil sa pabango niya, hindi ko talaga mararamdaman ang presence niya e.

Binalik ni Mark ang tingin sa 'kin. "Kuhanin ko lang?"

Tumango ako. "Thanks, pero sa room na 'ko. Mamaya mo na lang iabot pagbalik niyo."

Sayang naman ang oras kung babalik kami ng room para lang doon. Walang kadala-dala si Mark bukod sa wallet na hawak niya kaya sure akong nasa bag niya sa taas 'yong t-shirt na tinutukoy niya.

"'Di ka na magla-lunch?"

Umiling ako. Hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Kumaway ako kay Mark, at tiningnan lang saglit si Deion, bago tuluyang umalis para balikan si Jerica na naiwan sa classroom.

* * *

Hindi naman nagtagal sina Mark at Deion. Umupo agad si Deion sa puwesto niya. Si Mark, sa akin dumeretso. May inabot siya sa 'king itim na t-shirt, pagkatapos ay may nilapag pang plastic bag sa arm desk ko.

"Ano 'yan?" Sinilip ko 'yong laman. "Magkano 'to? Bakit ka bumili?" tanong ko. Hindi naman ako nagpabili ng lunch sa kaniya.

"'Wag mo nang bayaran," umiiling niyang sabi. "Galing 'yan du'n kay Sungit," itinuro niya si Deion na walang kamalay-malay na pinag-uusapan namin siya, "tig-isa kayo," sabay turo niya kay Jerica. "Magpalit ka na ng damit mo."

Pinanliitan ko siya ng mata, pero tinawanan lang niya ako. May hidden agenda ba 'tong dalawang 'to kaya biglang bumait? O overthinker lang ako? Baka naman nagbabayad lang talaga si Deion sa mga kasalanang nagawa niya sa 'kin? Wow. Natutong makiramdam? Marunong ma-guilty?

Binigay ko kay Jerica 'yong lunch para sa kaniya. Sabi ko tanggapin na lang niya dahil sayang naman ang pagkain. 'Tapos, pumunta muna ako ng banyo para magpalit ng t-shirt dahil ang lamig na talaga ng likod ko.

Napaamoy ako sa t-shirt pagpasok ko sa cubicle. 'Di na ako nagtatakang amoy Deion dahil parang kambal-tuko na sila ni Mark.

Patay tayo niyan, baka hanap-hanapin ko 'yong amoy. Maliligo na lang ako sa pabango ko mamaya pagbalik ko ng room.

Ginamit ko na lang 'yong hinubad kong t-shirt para tuyuin nang bahagya ang buhok ko. Naging komportable rin ako sa t-shirt ni Mark na halos hanggang siko ko na ang sleeves, at makapal nang kaunti ang tela. 'Yon nga lang, 'yong amoy, delikado. Kung puwede lang talagang i-disable ang sense of smell, ginawa ko na.

Bumalik ako sa room pagkatapos i-ponytail ang buhok. Papunta ako sa puwesto ko sa tabi ni Je pero napatigil sa may gilid ng upuan ni Mark dahil nakangiti siya sa 'kin. 'Yong weird na ngiti, kasi nakangiti siya for no reason? Hindi ko tuloy alam kung may something 'tong t-shirt niya. Wala namang langgam. Wala namang butas. Ch-in-eck ko naman 'yung likod bago ko isuot dahil baka may nakadikit na sticky note o kung ano, pero wala naman. Wala naman yatang hidden meaning 'yong print sa harap. 'Problema nito?

"Ba't ganiyan ka tumigin?" tanong ko kay Mark. Umiling lang siya at natawa.

Napatingin ako kay Deion dahil nakatingin din siya. Hawak niya ang phone niya kaya nakita ko na naman iyong line ng crack sa salamin. Akala ko bibili na siya ng bagong phone.

"Bakit nga?" tanong ko ulit kay Mark. Umiling lang siya at sumubsob sa desk niya. Kinapa ko tuloy ulit ang likod ng t-shirt. Wala namang nakadikit. Ch-in-eck ko 'yung etiketa kung nasa likod dahil baka baliktad 'yong pagkakasuot ko, pero tama naman. Ano'ng tinatawanan nito?

Lalo lang nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakatingin pa rin si Deion. 'Tinitingin-tingin din ng isang 'to?

Inalis ko ang tingin kay Deion at dumeretso na sa upuan ko. Nga lang, paglingon ko ulit sa kaniya, nakahabol-tingin pa rin siya. Binalik lang niya ang tingin niya sa phone niya nang taasan ko siya ng kilay. Ano namang trip niya?

* * *

Pagkatapos ng last period, nag-'thank you' ulit ako kay Mark sa pagpapahiram ng damit niya. Nag-promise akong ibabalik ko kaagad bukas at lalabhan ko na ngayong gabi.

"Gusto mo iyo na 'yan e," sabi ni Mark. Sumimangot lang ako. "Oo nga, sis, okay lang talaga."

"Ewan ko sa 'yo. Basta, ibabalik ko." Napalingon ako kay Deion na nakatingin na naman sa 'kin. Actually, kanina pa siya nakatingin—after lunch hanggang ngayon. Akala yata niya hindi ko napapansin. "Bakit ka ba nakatingin? Ano ba 'yon?" tanong ko.

Umiwas lang siya ng tingin. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon at basta-basta na lang akong tinalikuran. Tingnan mo 'tong isang 'to, parang tanga kausap. 'Di ko alam kung hinihintay niyang bayaran ko 'yong lunch na dala nila kanina ni Mark para sa 'min ni Jerica e.

Malakas ang tawa ni Mark sa tabi ko. "Sige na, Billie. Ingat kayo pauwi, a?"

Tumango ako. "Okay."

Ginulo ni Mark ang bangs ko bago habulin si Deion na parang walang balak na hintayin siya. Ang tapang-tapang niya talagang mag-walk out, e bobo naman siya sa daan. Kapag siya naligaw, tatawanan ko siya.

* * *

Kinabukasan, maaga na kaming pumasok ni Je. Feeling ko, for the next four years, hindi na ako magpapa-late ever. Nakakadala 'yong nangyari sa Design.

Wala pang 10 minutes after, dumating na sina Mark at Deion. Kinuha ko kaagad sa bag ko 'yong t-shirt na hiniram ko. Naubos na 'yong amoy gatas at napalitan ng amoy ng sabon.

Lumapit ako kay Mark at nilapag 'yon sa desk niya. "Nalabhan na 'yan."

Umangat ang tingin niya sa 'kin mula sa phone niya. Kinuha niya 'yong t-shirt na nakaplastik, nilipat niya sa desk ni Deion. "Paps, nalabhan na raw."

Kumunot ang noo ko. Nilingon ko si Deion na simpleng kinuha 'yong t-shirt at nilagay sa loob ng backpack niya.

Nahagip ko ng kurot ang braso ni Mark. "Akala ko ba iyo 'yon?"

Parang hindi siya makapag-decide kung tatawa siya o iindahin 'yong kurot ko. "Ano naman? Naisuot mo na ih."

"Ang epal mo talaga."

Doon siya tuluyang natawa. "Ba't ka ba galit?"

Sinimangutan ko lang siya. Paglingon ko ulit kay Deion, nakatingin na naman siya sa 'kin. Hindi na ako nagsalita. Kinurot ko na lang ulit si Mark bago ako bumalik sa upuan ko. Hindi na ako magte-thank you, 'no. Ipasa na lang ni Mark kay Deion 'yong pagte-thank you ko kahapon tutal hindi naman pala kaniya iyong hiniram ko.

So kaya pala amoy Deion 'yong t-shirt ay dahil kaniya mismo 'yon. Bakit ko ba 'yon hindi naisip? Lesson learned: 'wag magpapaniwala kay Mark.

Pagdating ng lunch time, si Jerica lang ang kasabay ko. Wala si Joseph at ayaw ko namang sumabay kina Mark dahil kasama nila si Ate Maggie. Wala naman akong problema kay Ate. Hindi lang talaga kami close saka baka awkward din for Jerica.

Ten minutes late na kaming d-in-ismiss kinahapunan. Ang plano ngayon, uuwi kami nina Je nang sabay-sabay, kaya hihintayin namin si Jo na ma-dismiss din. Nga lang, naharang ako ni Mark bago pa ako makalabas ng room. Umisod naman siya nang kaunti at sinenyasan si Je na puwedeng dumaan. Nilingon ako ni Je na parang nagtatanong kung pwuede na siyang umuna, kaya tumango ako.

Tiningala ko si Mark. Ano na naman bang trip nito? "Ano 'yun?"

"Dinner muna tayo, Friday naman e."

Pinanliitan ko sya ng mata. Amoy set-up na naman 'to. "Tumabi ka nga diyan."

Natawa siya. "Dali, pag-usapan na rin natin 'yung sa midterms. Ano?"

Napabuntonghininga ako. Kung usapang project, siyempre bawal akong tumanggi 'no. Inampon na nga lang ako e, mag-iinarte pa ba ako?

"Uuwi kami ngayon."

Umangat ang dalawang kilay ni Mark. "Nagmamadali ka ba?" Napasimangot ako. "I thought friends?" dagdag niya pa na parang nananadya.

"So gagamitin mo pala yang pagiging friends natin against me?"

Natawa lang siya ulit bago ako hawakan sa balikat at igiya palabas ng room. "Hindi naman, pero sumama ka na. Ngayon lang naman e. Tayong tatlo lang nina Sungit," aniya at itinuro si Deion na nasa labas na at parang hinihintay lang kami.

"Sasabihan ko lang si Je," sabi ko at nilabas ang phone. Nag-text lang ako na baka hindi ako sumabay pauwi. Lintik talaga 'tong si Mark. Kapag ako ginabi nang todo sa daan, sa kaniya ko isisisi.

Sumunod lang ako sa kanilang dalawa ni Deion, kung saan man sila pupunta. Pinaghintay kami ni Mark sa bukana ng parking. May sasakyan palang dala ang isang 'yon?

Hindi kami nag-imikan ni Deion. Madali lang naman siyang i-ignore kung lalayuan ko nang bahagya para hindi ko siya maamoy.

Bumalik si Mark nang naka-itim na four wheels. Dere-deretso lang si Deion papunta sa front seat na parang walang kasama. Kumatok ako sa pinto sa likod bago pumasok.

And, my gosh. Napahanap ako ng panyo ko sa bulsa ng pants at tinakluban agad ang ilong at bibig ko. Bakit amoy Deion naman dito?!

"'Di ka ba sanay sa kotse?" tanong ni Mark at sinilip ako saglit.

"Okay lang. Go na," sagot ko, hindi tinatanggal ang panyong nakataklob sa ilong at bibig ko. Nagpupumilit pa rin ang amoy na pumasok sa ilong ko.

Hindi naman siya mabaho, 'no. Ayaw ko lang maamoy. Sa bilis kong ma-attach, naku, baka pati sa amoy magkaroon ako ng attachment. Mahirap na 'no.

Sa ramen place kami tumigil. Bago bumaba, sabi ni Mark e ililibre daw nila ako ni Deion. Gusto kong tumanggi pero sayang 'yong matitipid ko, kaya tumango na lang ako. Siya naman ang nag-alok at pandagdag funds din 'yon. Ang laki kaya ng nagagastos ko sa printing.

Sa table for four kami pumwesto. Kay Mark ako tumabi, at pinaupo naman ni Deion sa tabi niya 'yong bag niya. Sabi ko kay Mark, bahala na siyang um-order ng kahit na ano for me. Hindi naman ako choosy, lalo na't libre.

Umiinom ako ng kase-serve lang na tubig nang may kuhanin si Deion sa bag niya. Parang may na-block sa lalamunan ko kaya hindi agad pumasok ang tubig nang mapansin kong eyeglasses iyon. Nasamid tuloy ako!

"Okay ka lang, sis?" tanong ni Mark na natatawang inabutan ako ng tissue at tinatapik sa likod. Tinaboy ko ang kamay niya. Nang-aasar lang 'to e!

Pasimple kong sinilip si Deion. Ngayon ko lang siya nakitang nakasalamin. Hindi kaya siya nagsasalamin sa klase.

Binaba ko kaagad sa menu na hawak ni Mark ang tingin ko nang lingunin ako ni Deion. 'Kainis. Feeling ko tuloy alam niya kung ano ang pumapasok sa isip ko at tuwang-tuwa siya deep inside. At bakit ba siya tumitingin? Para malaman kung tinitingnan ko siya? 'Kainis talaga.

Masarap naman 'yong pagkain, pero magkaka-stiff neck ata ako dahil kung hindi sa pagkain ay kay Mark lang ako nakatingin. Kasabay ng paglunok ko sa noodles ang paglunok ko sa pride ko kasi, oo na nga, guwapo na nga!

Bakit ba lumabo ang mata niya? Parang mas bagay sa kaniya 'yong look na nakasalamin e. Mas mukha siyang suplado. At ewan ko rin ano'ng nakakaguwapo sa mas mukhang suplado. May problema talaga yata sa 'kin at naguguwapuhan ako sa mga mukhang hindi ako papansinin.

Napapadyak ako sa sahig nang mapatingin ako sa kaniya. Napatingin tuloy sila sa 'king dalawa ni Mark. Nagkunwari na lang tuloy akong may inaapakan sa sahig. Ang guwapo talaga, nakakainis. Nakakaiyak.

By the time na natapos kami kumain, bumuhos na ang ulan. Napabuntonghininga na lang ako. Hassle na ngang mag-commute, sasabayan pa ng ulan.

"Sa 'kin ka na kaya sumabay pauwi? Uuwi din naman ako," suggestion ni Mark sa 'kin. Nasa may entrance pa rin kami ng restaurant at tinitimbang ang lakas ng ulan at oras. Magkaiba ng way ang apartment na inuuwian ko at condo na pinagse-stay-an nilang dalawa. May kukuhain pa kasi ako sa apartment kaya need kong bumalik bago umuwi. "Sa terminal lang naman tayo maghihiwalay. Para 'di ka na rin mahirapan mag-commute."

I assume na si Deion 'yong mag-uuwi ng kotse after. E hindi ba mahina siya sa directions? Marunong ba siyang mag-drive?

Saglit ko siyang tiningala. Suot niya pa rin ang salamin niya. Hmp.

"Hindi 'yan umuuwi," tukoy ni Mark kay Deion. "Siya ang binibisita. Baby bunso 'yan e."

Pumalatak si Deion at sinamaan saglit ng tingin si Mark. Pinigilan kong matawa dahil baka sa akin lumipat ang tingin niya. Bunso naman talaga siya.

Bago pa mapatay ni Deion si Mark sa sama ng tingin, in-unlock na ni Mark ang kotse at nauna nang sumugod sa ulan. Inunahan ko na rin si Deion. Sinampal na naman ako ng amoy ng gatas pagkapasok ko ng backseat.

Naabutan kami ng traffic. T-in-ext ko si Jerica at tinanong kung nasaan na sila ni Jo. Sunod, t-in-ext ko si Mommy na gagabihin ako ng uwi dahil sa project. Nag-reply agad si Mommy, bukas na raw ako umuwi nang madaling araw. Okay, one problem down.

Nakabuntot lang ako kina Mark at Deion. Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ako nang makarating kami sa unit nila. Kuwento ni Mark, kay Deion daw 'yon at nakikitira lang siya. Siya na rin ang nagsabing dating pinag-stay-an ng ate ni Deion 'yun, pero wala nang tao ngayon kaya sa kanila na.

Talagang walang balak si Deion na umambag sa convo. Kung wala si Mark dito, baka napanisan na ako ng laway. Tahimik din naman si Je, pero hindi gaya ni Deion na parang wala talagang pakialam sa tao sa paligid niya.

Inilapag ko ang bag ko sa dark brown na couch. Malinis at walang gaanong laman ang place, kaya mas mukhang malaki ang space. Ni walang centerpiece sa low table sa tapat ng flat screen TV at couch. Hindi kagaya sa bahay namin na maraming naka-magnet na papel at kung ano-ano, malinis na malinis ang kulay silver na ref. Wala ring nakapatong na kahit na ano sa taas. May dalawang buri placemats lang sa dark wood na dining table for four. Aside from that, super empty na talaga ng place. Siyempre, habitable 'no. May aircon, may fan, at mukhang kompleto naman ng gamit.

"Sa kuwarto na lang tayo," sabi ni Mark. Wala naman akong kaso roon dahil may tiwala naman ako sa kanilang dalawa, kahit ayaw ko kay Deion for a different reason. Nilingon niya ako. "Mas mabilis ang internet sa kuwarto e. Okay lang ba sa 'yo?"

Tumango ako. Siya na ang dumampot sa bag ko at pinasok iyon sa kuwarto. Pagkatapos, sinenyasan niya akong sumunod. Nilingon ko si Deion na sa kabilang pinto dumeretso. Banyo ba 'yon o kuwarto niya?

Banyo siguro. Dalawa kasi ang kama sa kuwartong pinasok namin ni Mark. Isang mukhang full double, at isang single sa opposite side. Sa wakas at may nagpakita ring display. May picture frame sa maliit na table na katabi ng full double bed, at may flower vase doon sa kabila.

Kay Deion itong mas malaking kama for sure. Picture nilang tatlong magkakapatid 'yong nasa frame eh. Mukhang sa graduation event.

Pagpasok ni Deion, ibang t-shirt na ang suot niya. Umupo ako sa kama ni Mark at naghintay kung ano ang gagawin namin.

Sa tapat ng drafting table pumwesto si Deion, pagkatapos ay may inalwas sa bag niyang mga papel. Nagbuntonghininga siya bago ako harapin. Napaayos naman ako ng upo. Bakit ba hindi niya hubarin 'yong salamin niya? Nasha-shock ako e.

Hinigit niya iyong upuang nasa tapat ng isa pang drafting table. "Dito ka."

"Okay." Sumunod na lang ako. Ako na nga lang ang sinabit, hindi pa ba ako susunod, 'di ba? "Sisimulan na ba natin?"

Tumango siya. Nilingon ni Deion si Mark na nakatayo lang sa may pinto. Kinunutan ko nga siya ng noo dahil ang creepy niyang nakangiti doon habang naka-crossed arms. "Calendar."

"Yes, boss," tugon ni Mark bago pumunta sa maliit na cabinet na katabi ng single na kama. Nilapag niya sa harap ko iyong sheets ng kalendaryo hanggang October.

For the next few minutes, iyon ang inasikaso namin. Puwede raw kasing magpa-initial checking pero once lang, kaya gusto ni Deion na makapagpasa agad ng draft para alam na ang lilinisin sa final output. Tagasagot lang naman ako ng tanong niya sa mga deadlines at nai-schedule nang activities e, 'tapos lahat ng 'yon nakuha ko pa sa mga messages ni Jerica sa 'kin. Nino-note niya 'yon sa kalendaryo.

"Ang lamig." Niyakap ko ang sarili at hinimas ang braso. Inangat ko ang tingin sa aircon. Hindi ba nilalamig 'tong dalawang 'to? Kagagaling lang namin sa ulan kanina ah?

"Oo nga e," sabi ni Mark at natawa. "Paps, hihinaan k—"

Sabay yatang napaawang ang bibig namin ni Mark nang biglang damputin ni Deion sa table iyong remote ng aircon at ipasok sa cabinet niya. "Mag-jacket ka na lang."

"Naiinitan ka?" parang 'di makapaniwalang tanong ni Mark sa kaniya. 'Yon din nga ang tanong ko. Parang ang nipis naman nung white t-shirt na suot niya.

Hindi ba siya tinatablan nung lamig? Ganoon siguro talaga kapag makakapal ang balat at matitigas ang mukha.

Hindi sumagot si Deion. Umiling na lang si Mark bago tumayo at dumeretso sa aparador. "Billie, ikaw? Jacket?"

"Kuhain mo 'yung akin," sagot ni Deion na parang siya ang tinatanong. At teka nga, ano raw?! "Ikuha mo na rin ako."

"Hinaan na lang kasi natin 'yung aircon, paps."

"Ayoko." Tumigil si Deion sa pagsusulat at hinarap si Mark. "Kumuha ka na lang ng jacket diyan."

Natawa si Mark. "Okay, okay."

Siniguro kong makikita ni Deion 'yong simangot ko nang saglit niya akong tingnan. Ano na namang paandar nito?! Ayaw na lang hinaan 'yung aircon e! Saka puwede namang jacket ni Mark ang ipahiram sa 'kin, kailangan kaniya pa?! Nakakainis 'to. Bahala nga siya.

"Hindi ka nilalamig?" tanong ni Mark nang ipatong ko lang sa hita ko 'yong inabot niyang jacket. Umiling ako. Kaya ko namang tiisin pa 'yung lamig, with the power of pride, duh.

Napatingin na naman sa 'kin si Deion. Tinaasan ko siya ng kilay, hinahamon siyang magsalita, pero binalik niya lang naman ang tingin sa sinusulat niya.

Nagyelo na yata ang mga braso ko, pero hindi ko talaga sinuot 'yong gray na jacket. Pinagra-rub ko na lang ang mga palad ko para uminit kahit papaano. Buwisit talaga 'tong si Deion. Kapag ako nangatal dito, kasalanan niya.

"Isuot mo na kasi," sabi niya pagkaalis na pagkaalis ni Mark ng kuwarto. Tumawag kasi 'yung nanay niya yata.

"Hinaan mo na 'yung AC."

"Bakit ba ayaw mong isuot?"

Inirapan ko na lang siya imbes na sumagot. Pero siyempre, noong tungkol na sa concept ng draft ang pinag-uusapan namin, sumasagot na ako. Professional 'to 'no. 'Di ako nandadamay ng feelings sa school works.

Napalunok na lang ako nang hindi ako tinantanan ng lamig. Lintik na aircon. Labag sa loob ko tuloy na sinuot ang jacket. Nahuli kong sumulyap si Deion sa 'kin. Inirapan ko lang siya nang mahuli kong nangingiti na siya. Tingnan mo. Nag-eenjoy talaga siyang nababangasan ang pride ko.

"Nasaan na si Mark?" tanong ko. Hindi pa rin kasi bumabalik. Nilamon na ba siya ng cellphone?

"Ewan. 'Tingnan ko saglit sa labas, baka napagalitan sa tawag," sagot ni Deion.

"Puwedeng humiga du'n?" Tinuro ko 'yung kama ni Mark. Nangangalay na ako sa upuang walang sandalan. Siyempre hindi ko naman itatanong kung puwede akong humiga sa kama niya 'no. Saka mas malayo sa aircon 'yung kama ni Mark kaya mas okay roon.

"Oo. Kama 'yun e."

Inirapan ko lang ang kapilosopohan niya. Hinubad niya ang salamin at sinabit sa neckline ng t-shirt bago magpaalam ulit na sisilipin si Mark sa labas.

Humiga na ako sa kama ni Mark. 'Buti naman at hindi amoy Deion 'tong unan niya. Gusto kong magkumot pero nahihiya ako kay Mark kaya tiniis ko na lang ang lamig. Kahit anong yakap ko sa sarili ko, at kahit anong kapal nitong jacket ni Deion, tumatagos ang lamig.

Pumikit lang ako saglit. Pagmulat ko, sabi nung digital clock na nakapatong sa taas ng cabinet ni Deion, alas-cinco na.

Napabangon ako agad. Suot ko pa rin ang jacket ni Deion pero balot na ako ng mabigat na comforter. Si Deion, tulog pa rin yata at nakatalikod sa 'kin, nakaharap sa pader sa kabilang side niya. Mukha siyang shawarma. Balot na balot din siya ng comforter na kagaya ng sa akin.

Nasa'n si Mark? Siguro nagtabi 'yong dalawa sa kama ni Deion. May tumpok kasi ng unan at kumot sa tabi niya eh. At OMG, 5 a.m. na! Dito na ako natulog? Hindi ko matandaan kung nagising ako nung bumalik si Mark o nagdere-deretso 'yung pagkakapikit ko e.

Hinanap ko kaagad ang phone ko at nag-text kay Mama na on the way na ako pauwi. Ano ba yan, wala man lang akong kamalay-malay na nakatulog na ako dito. Hindi man lang ako ginising nung dalawa. At si Mark, hindi na siya umuwi? Sabay dapat kami kahapon, ah?

Maingat akong lumabas ng kuwarto dahil natutulog ang mahal na prinsipe. Wala si Mark kahit saan. Baka lumabas na naman? O baka iniwan ako no'n dito? Paano ako makakaalis? Gigisingin ko pa si Deion? Ayaw ko nga.

Kumatok muna ako sa pintong pinasukan ni Deion kahapon, just to make sure na walang tao, bago buksan. Banyo nga, tama ako. Pumasok ako at ni-lock ang pinto para makapag-ayos bago umalis.

Maya-maya lamang ay narinig kong may bumukas na pinto. Gising na si Deion? O hindi . . . ? Baka bumalik na si Mark? May naririnig akong tunog ng plastik. Bumili ng breakfast? 

Pinaspasan ko ang pagtatanggal ng pagkakabuhol ng buhok. Naghilamos muna ako pagkatapos at tinuyo ang mukha bago buksan ang pinto. "Mark—"

Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang hindi si Mark ang makita kong naglalapag ng plastic bags sa counter. Nanuyo yata ang lalamunan ko nang ma-recognize kung sino sila. Imbes na si Mark ang tumambad sa 'kin, isang babae at isang matandang lalaking magkamukhang-magkamukha ang takot sa 'kin ang nakita ko. Sabay pang kumunot ang noo at umawang ang bibig nilang dalawa. Parehas na parehas ang paghagod ng tingin nila sa 'kin mula ulo hanggang paa, parang ch-in-oreograph. Oh my gosh.

"Who are you?" Rinig ko ang taray sa boses niya. "Jacket ni Deion 'yan," turo niya sa suot ko.

Hindi ako nakasagot agad. Literal na nanliliit ako kasi ang laki ng tangkad niya sa 'kin. Mas matangkad pa yata siya kay Deion. Oh my gosh.

OMG.

Ayoko na dito!

Umangat ang dalawang kilay niya, at parang naka-program na magsabay sila ng expression ng tatay niya. Pumaling ang tingin ko sa isa pang babaeng nakatingin lang sa akin habang sumisipsip sa lollipop.

OMG. OMG!!!

Paa ko ang unang nakakilos. Nagmamadali akong bumalik sa kuwarto ni Deion at niyugyog siya para magising. "Huy! May tao!"

Nagsalubong ang kilay niya at mukhang walang balak bumangon. "Ano?"

"Andiyan ate mo!" Nahampas ko siya sa braso na nagpangiwi sa kaniya. Kasi naman! Ayaw pang gumising!

"Okay, okay . . ." aniya na parang hindi 'yon big deal bago may abutin sa gilid niya. Napairap na lang ako bago kuhain 'yung salamin niya at ako na mismo ang naglagay sa kamay niya. Sinuot niya iyon. "Sinong ate?"

"Parehas!"

Doon siya parang tuluyang nagising. Nilingon niya ako na parang nakakita siya ng multo. May gustong magta-tumbling sa dibdib ko nang makita siyang nakasalamin nang mas malapitan, magulo ang buhok, at may marka pa yata ng panis na laway sa gilid ng labi, at puta wala pala siyang t-shirt (bakit hindi mag-t-shirt kung nilalamig, 'di ba?!) pero mas lamang ang kaba ko 'no! Nakikita ko lang sa pictures ang mga kapatid niya pero hindi ko naman nakikita masyado sa personal!

"Shit, tabi," sabi niya. Lumayo ako sa cabinet niyang nagmamadali niyang binuksan. Kakukuha niya pa lang ng puting t-shirt sa pinakababang drawer nang magbukas ang pinto.

Nakarinig ako ng tawa. "Wala siyang t-shirt, Ate."

Napatigil kami parehas ni Deion na parang nahuli kaming may ginagawang masama. Sumilip 'yong mas matanda niyang ate at tatay niya sa kuwarto, parehas na nanlalaki ang mga mata.

Gusto ko na lang lumubog sa lupa. Hindi naman dapat 'to big deal pero 'yung mga tingin kasi nila e! Parang may ginawa tuloy kaming kung anong hindi dapat e wala naman!

"Oh my God ka!" tili ng ate niya na. Sinabayan 'yon ng mas seryosong tawag sa kaniya ng tatay niya. "Deion."

"Po?"

"Labas. Bilisan mo."

Narinig kong nagbuntonghininga si Deion bago ako sulyapan at iwan sa kuwarto kasama ng dalawa niyang ate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top