Chapter 07

120121 Chapter 07 #HatemateWP

Ano'ng probability na masasagasaan ng truck si Deion pauwi? Maho-holdap? Maisasakay sa van at maitatakbo somewhere?

Hindi naman siguro siya bobo sa kalsada. Sa laki niyang 'yon, imposible ring hindi siya makita ng mga saskayan. Marunong naman siyang tumawid. 'Yung sa holdap . . . mukha namang magko-comply si Deion kung hingiin ang wallet niya. Maisasakay sa van? Mabigat siya, kaya ba siyang buhatin nang basta-basta?

Sabi naman niya, tatawagan niya si Mark. Magpapasundo ba siya? Mas mataas ba ang probability na dalawa silang mapahamak sa daan?

"Billie!"

Napatigil ako sa paglalakad. Inangatan ko ng dalawang kilay si Jerica na busy sa drafting table niya. "Bakit?"

"Kanina ka pa lakad nang lakad," puna niya. Napasandal ako sa frame ng pinto ng kuwarto. Talaga ba?

"May hinihintay lang ako," palusot ko. Ano'ng hihintayin ko e b-in-lock ko nga 'yon sa Messenger? Hindi niya rin naman alam ang number ko kaya paano niya ako maite-text? Saka, gusto ba niya akong i-text in the first place?! "Sorry."

Nagbuntonghininga si Je. Binalik niya ang tingin sa ginagawa. Na-distract ko yata siya. Kanina pa ba ako palakad-lakad? Hindi ako mapakali e.

"Umupo ka muna. Ano ba'ng hinihintay mo?"

Hindi mapang-asar si Je kagaya ni Mark, pero hindi kaya ng pride kong sabihin na naghihintay ako ng update kay Deion. Mas kaya ko pang ipaglandakan 'yong 77 ko sa plate kaysa sabihin 'yon. "Si Mommy. Naghihintay akong transfer ng pera."

"Magkano? Wala ka pa bang allowance?" Nilingon niya ako at tinamaan naman ako ng guilt. Hindi ko alam kung magaling lang talaga akong umarte o masyadong tiwala sa 'kin 'tong si Je e. "Pahiramin muna kita."

"'Uy, hindi na," kontra ko. Hindi ko naman kasi talaga kailangan ng pera. Sana nga allowance na lang ang pinoproblema ko ngayon. "Uupo na lang ako. Go ka na diyan sa ginagawa mo. Pipirmi na ako."

"No, seriously," umiiling niyang sabi. Dinampot niya ang phone niyang nasa gilid ng table niya. "Magkano nga? Kailangang-kailangan mo na ba?"

"Hindi talaga, promise." Paulit-ulit ko siyang inilingan. "Hinihintay ko lang mag-reply si Mommy. Gumawa ka na diyan, 'wag mo 'kong intindihihn."

Nagtagal ang tingin niya sa akin bago ilapag ulit ang phone niya. "Sure ka?"

Tumango ako. Sinenyas ko 'yong ginagawa niya. "'Tuloy mo na 'yan." Kapag gumagawa ng requirement si Je, kahit naman noon pa, ayaw niya talagang naaabala. Dere-deretso siya hanggang sa matapos.

"Mukha ka kasing problemadong-problemado diyan," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hindi naman 'uy," kontra ko sabay tayo. "Grabe ka, ha?" Maka-problemadong-problemado naman 'tong si Je! Ano 'ko, super duper concerned? Problemado lang, 'no. Saktong concern lang. Pumasok na ako sa kuwaro at dumapa sa kama para hindi na ako makontra ni Je.

Kanina pang 7 PM umalis si Deion. Alas-diez na. Hindi ko alam kung naiuwi ba siya ni Mark nang kumpleto ang buto at walang gasgas ang tuhod.

Nakailang repeat na ako sa utak ko na nakauwi siya nang ayos, at hindi dapat ako bothered. Pero sabi rin ng isang small voice sa ulo ko, ma-bother ako kasi ako ang huling kasama. Wala naman akong way para alamin kung safe siya dahil wala akong contact sa kaniya. Kay Mark, mayroon pa . . . pero aasarin ako no'n nang malala. Mamaya magtanong pa 'yon bakit ko hinahanap si Deion sa kaniya, ano'ng isasagot ko? Malisyoso pa naman 'yun.

Itinago ko ang phone sa drawer ko. Out of sight, out of mind, 'di ba? Iisipin ko na lang na wala akong cellphone. Iisipin ko na lang din na nakauwi nang ayos si Deion.

Matulog na lang kaya ako at gumising nang sobrang aga para gumawa ng schoolworks? Wala akong magawa ngayong gabi dahil sobrang distracted ng utak ko at healing pa 'yong sugat ko roon sa 77 kong grade.

Wala pa yatang 15 minutes, kinuha ko na ulit ang phone ko galing sa drawer. Nakakainis naman kasing utak 'to e. Hindi matahi-tahimik. Hindi rin ako makakatulog nang ayos nang may ganitong iniisip. Ayaw ko namang pumasok nang lutang bukas.

Huminga ako nang malalim bago hanapin ang convo naming natabunan na ng maraming chats. Isa pang malalimang inhale-exhale ang ginawa ko bago i-click ang Unblock. Nakakainis talaga. Nakakainis. Last na talaga 'to. Next time, 'di na ako papayag na ako ang huli niyang makakasama bago siya umuwi. Ang lakas niyang kumain ng konsensya e!

Takot man ang mga daliri ko, dere-deretso akong nag-type. Kapag nag-reply siya, iba-block ko na agad, promise. Wala naman na kaming ibang pag-uusapan. At so far, hindi ko pa siya nagiging groupmate. Walang reason para i-keep siya as contact sa social media.

Billie: Nakauwo ka ns?

Billie: Nakauwk ks na?*

Billie: Nskauwi k na?

Billie: NAKAUWI*!!

Nabitiwan ko ang phone ko sa kutson. Hinagip ko agad ang unan ko at sinuntok 'yon. Magta-type na nga lang, hindi pa maayos! Ano ba namang daliri 'to. Trip yata talaga akong ipahiya ng universe ngayong araw, grabe. Kapit na kapit ang malas.

Luluwa yata ang mga mata ko nang makitang na-seen niya agad 'yong mga chat ko. Nagbilang ako ng segundo. Umabot na ng 10 pero wala man lang reply kahit na like sign! Binaba ko nang todo ang pride ko for this 'tapos 'di man lang siya maka-reply.

B-in-lock ko siya ulit at tinago ko na talaga ang phone ko sa drawer.

Bahala siya. Sa kaniya na concerned, ayaw pa niya. Napakaarte! Gaano ba kahirap mag-type ng dalawang letter O? Na pumindot ng like emoji?

Natulog ako nang masama ang loob. Nasira 'yong two-year streak ko nang gano'n-gano'n na lang? May araw din sa 'kin 'yong lalaking 'yon.

* * *

'Yong sama ng loob ko, nag-grow nang todo habang tulog ako. Kaya naman pagkagising ko, bad trip pa rin ako. Nagtanong na naman si Je kung kailangan ko ba ng pera dahil mukha na naman daw akong problemado, at paulit-ulit na naman akong humindi.

May bagong tubong pimple pa ako sa pisngi. Wala talagang mabuting dulot 'yong lalaking 'yon e. Umagang-umaga, kamalasan ang binungad sa 'kin.

"Gusto mo bang mag-breakfast muna?" tanong ko kay Je dahil nagkape lang kami bago umalis ng apartment. Bukod kasi sa pagkain talaga ang pinagbubuntunan ko kapag naiinis, mas mabilis din akong magutom. Hindi naman Design ang unang klase ngayon kaya wala namang fear kahit pumasok kami nang 10 minutes late.

"Ikaw bahala," sagot ni Je. Pinag-link ko ang braso namin at sabay kaming dumeretso sa canteen. Maaga pa namang pumapasok 'yong malas, e ayaw ko pa siyang makita, kaya kakain na lang ako.

Pagkatapos naming kumain, nagpahintay pa ako kay Je dahil bumili ako ng sandwich. Ayaw ko pa talagang pumasok kaya dine-delay ko, pero alam ko namang ayaw ma-late nitong kasama ko. Nakakahiya rin namang pumasok nang super late, kaya wala 'kong choice.

Mabibigat ang mga hakbang ko papunta sa classroom. Ano'ng probability na may sakit si Deion ngayon at hindi siya pumasok? What are the chances na late siyang nagising?

Hinihiling ko pa lang na hindi siya ang una kong makita pagpasok ng classroom, pero pati iyon ipinagkait sa 'kin. Napairap na lang ako nang masaktuhang palabas siya ng room bago pa mahagip ni Je ang doorknob.

Nag-thank you pa si Jerica kay Deion dahil pinagbukas niya kami ng pinto. Hindi ko na lang siya tiningnan. Mamaya yabangan niya pa akong na-ignore niya ako sa chat.

Buong umaga tuloy, nakasimangot yata ako. Hindi nga pinag-uusapan ng mga tao sa paligid ko 'yong 77 ko, pero mainit naman ang ulo ko kay Deion kaya ang hirap mag-focus. Ang hirap din niyang hindi pansinin kasi ang laki-laki niyang tao—mahahagip at mahahagip siya ng line of vision ko.

Nakakainis talaga e. Bakit pa kasi sa section namin nailipat 'yan? Masama talagang nasira 'yong dalawang taong out of sight, out of mind.

Lunch lang ang ticket ko para tumakas sa kamasalan sa classroom. Pagka-dismiss sa 'min sa History, dali-dali kong inayos ang mga gamit ko. Hindi ako puwedeng magpaiwan dito dahil baka maaya na naman ako ni Ate Maggie na samahan sila ni Dieon, e ayaw ko nu'n. Silang dalawa na lang ang magsama, 'wag na nila akong idamay.

Napatigil ako sa pagsukbit ng bag sa balikat nang tumigil 'yong malas sa tapat ko. Inangatan ko lang siya ng kilay dahil wala akong balak na kausapin siya. Hindi niya nga ako magawang reply-an, kaya bakit ko pa siya kakausapin? Marunong din ako mandedma, 'no.

Hindi siya umiimik. Nakatayo lang siya roon na parang naghihintay na hulugan ko siya ng barya sa tapat para magsalita o gumalaw. Hindi ko alam kung may de-pihit ba isya sa likod na kailangang kong pihitin para magsalita siya.

Umatras ako nang bahgaya nang maamoy 'yong amoy gatas galing sa kaniya. Dapat bawas-bawasan ko na ang contact sa isang 'to.

Ito lang ang perks kapag aware ka na sa mga bagay-bagay—alam mo na 'yong dapat iwasan. So dapat hindi ko na talaga siya tingnan, pero hindi 'yon maiiwasan, kaya hindi ko na lang siya kakausapin. Hindi ko na rin siya sasamahan kung saan-saan. Madali lang namang mag-pretend na may isa akong blockmate na multo.

Basta kailangan kong dumista-distansya. Delikado na 'yong nagka-concern ako kagabi. Bakit ba kasi ako nagkaka-cocnern sa taong wala namang pakialam sa 'kin?! 'Di ko alam kung ano'ng kailangan kong gawin para matauhan nang tuluyan e.

Hindi siya nagsalita, kaya umalis na lang ako sa tapat niya. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon at nagdere-deretso na lang ako palabas.

'Yan, puro siya ganiyan. 'Pag nakaalis na saka hahabol-habol. Bahala siya.

"Jo!" Napalingon sa 'kin 'yong kambal, na 'buti nahabol ko pa. Kasama pati nila si Mark na nawili na yatang makitropa. Sinamaan ko ng tingin si Mark bago lumapit doon sa kambal. Nakikiagaw ng friends 'tong si Mark. Doon nga siya sa BFF niya.

"Umalis ka nga dito," sita ko kay Mark. Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya na parang 'di ine-expect 'yon.

Tinuro niya ang pisngi niya, 'yong spot sa mukha ko na may bagong tubong pimple. "In love ka yata, Billie?"

Sinamaan ko siya ng tignin. Nakikitropa na nga lang siya, may gana pa siyang mag-comment sa pimple ko. Ano'ng in love-in love? Stress 'yan! Dahil sa stress sa friend niyang parang bato.

"'Wag mo ngang dinidikitan si Je." Sumingit ako sa pagitan nila. Paulit-ulit kong tinampal ang braso ni Mark. "Umalis ka dito."

"Bakit mo ba ako pinapaalis?" tatawa-tawang tanong ni Mark. Ang kapal ng mukhang manguwestiyon. Parang hindi saling-kitkit sa 'min.

"Mark?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Ate Maggie. Narinig kong nagbuntonghininga si Mark at mukhang balak pang takasan 'yung pinsan niya kaya tinaboy ko ulit siya. Sisima-simangot siyang sumama sa pinsan at best friend niya.

Napunta ang tingin ko sa shoulder bag ni Ate Maggie na nakasukbit sa balikat ni Deion. 'Tapos ay sa kamay ni Deion na nakakapit sa braso ni Ate Maggie.

Inalis ko na ang tingin sa kanila nang marinig kong bumulong ng mura si Jo. "Tara na nga," aya ko sa kambal. Mukhang walang balak umalis si Jo sa kinatatayuan niya dahil pinanonood niya pa rin sina Deion, Ate Maggie, at Mark na nakalalayo na.

"Jo, tara na," ulit ko.

"Bakit gano'n ang boyfriend mo?" Lumipat sa 'kin ang masama niyang tingin. Tinikom ko na lang ang bibig at inilingan siya para i-drop 'yong topic, bago siya sapilitang hilahin para maglakad na. "Sumosobra na 'yon, ah?"

"Wala nga 'yon," sagot ko na lang.

Inangatan ko ng kilay si Jerica nang mapansing nakatitig siya sa 'kin. Inilingan lang naman niya ako bago umiwas ng tingin.

Thankfully, nakakain naman ako ng lunch in peace dahil hindi na nagtanong 'yong kambal. Pagkatapos naming kumain, naiwan kami ni Jo sa table dahil bibili si Jerica ng tubig. Imbes na pag-usapan si Deion, inilabas ni Jo 'yong notes niya at nagpatulong sa 'king review-hin siya para sa quiz niya after lunch.

Naglapag si Je ng sandwich sa tapat ko habang nagku-question and answer kami ni Jo. "Thank you," sabi ko at itinabi iyon sa gilid. Ililibre ko na lang siya ng pamasahe mamaya.

"You're welcome."

Napaangat ang tingin nang hindi boses ni Jerica ang narinig ko. Deretso lang ang tingin ni Deion sa daan at hindi na ako tiningnan bago naglakad paalis. Kasunod niya si Ate Maggie na kumaway saglit sa 'kin, at si Mark na ginulo ang bangs ko.

* * *

Hindi ko pa kinakain 'yong binigay ni Deion kaninang lunch. Lumamig na lang iyon sa bag ko kasabay ng pagtibay ng pride ko. Hanggang last period, hindi ko siya tiningnan. Hindi ko siya kinausap, pati si Mark. Hindi rin naman kailangan kaya mas madali sa 'kin.

Pinapunta kami sa hall dahil sa org, kaya wala akong choice kundi tiisin na pakalat-kalat si Deion sa paligid for another hour or two. Pagdating naman namin sa venue, hindi na kagaya ng dati na isang monobloc chair lang ang pagitan namin dahil nauna kami ni Je na dumating, kaya maswerte pa rin ako.

Before pa ako makapag-rejoice na malayo siya sa akin, iginrupo kami ng residents. At siyempre, dahil magnet ako ng malas, kasama ko sina Deion at Mark. At si Ate Maggie pa ang in-assign na senior sa 'min. Kung tama ang pagkakarinig ko sa announcement sa mic na ang lakas ng echo kanina, dalawa ang naka-assign na ahead sa 'min, pero hindi ko alam kung sino 'yong isa dahil mukhang kulang pa 'yong nasa table namin.

'Buti na lang kasama ko si Jerica. Napabuntonghininga na lang ako. Kulang din ang upuan kaya nakatayo lang ako sa gilid ng table at nilapag ko na lang ang bag ko sa sahig dahil medyo mabigat. Si Je na lang ang pinaupo ko sa natitirang upuan. Ayaw ko rin namang umupo doon dahil katapat na katapat ni Mark. At katabi ni Mark 'yung malas.

"Dito ka na, Billie," offer ni Mark sa 'kin na parang nananadya.

Umiling ako. Katabi ni Deion si Ate Maggie. Magpapa-77 na lang ulit ako sa plate kaysa umupo roon.

"Mangangalay ka niyan," dagdag ni Mark. Umiling lang ako ulit. Mabuti na 'yong mangalay kaysa mapilayan naman ang pride. Aba, 'di naman ako papayag na maka-strike two si Deion sa pride ko.

"Arte . . ."

Nagpanting ang tainga ko sa binuling nung malas pero hindi na lang ako umimik. Narinig kong sinita siya ni Ate Maggie.

Oo, maarte talaga ako; buwisit siya.

Ayaw magpatalo ni Mark kaya nag-stay siyang nakatayo. Hindi ko pa rin t-in-ake 'yung upuan niya. E di dalawa kaming mangalay.

"Hintayin lang natin si Yael," sabi ni Ate Maggie. Hindi ko kilala kung sino 'yong tinutukoy niya. Baka 'yong nawawala sa 'min?

Nagpakilala si Ate Maggie sa 'min. In-explain niya 'yung event na mangyayari after midterms. Event ng juniors 'yon pero kasama kami sa prep. Maikli lang 'yong paliwanag niya, 'tapos medyo awkward na ulit after kaya inutusan niyang magpakilala isa-isa.

"Wait, anong oras na ba?" tanong niya sabay kalabit kay Deion na nasa table lang ang tingin. Inilipat ko kaagad sa paa ko ang tingin ko. "Oh my, God. Bakit basag ang phone mo?"

Narinig kong tumawa si Mark. Napaangat tuloy saglit ang tingin ko sa basag na phone na pinag-uusapan. Hindi naman ganoon kalala, sa screen lang 'yong crack . . . pero medyo malaki. Parang kapag hindi pina-repair agad, masisira nang tuluyan  'yong display. Hindi naman siguro kailangang problemahin ni Deion 'yun dahil kaya niyang bumili ng bagong phone, kahit mamaya pa, agad-agad. Akala ko pa naman durog talaga na pati katawan, wasak. Sayang. Sasabihin ko sanang karma niya sa hindi pagre-reply sa 'kin kagabi, pero puwede na rin 'yang kaunting basag.

"Alam mo kung bakit, Mags?" si Mark. Nagtanong si Ate Maggie kung bakit, pero tumawa lang nang malakas ulit si Mark. Sinamaan siya ng tingin ni Deion. Umiwas ako agad nang sa akin lumipat ang tingin niya.

Pinauna tuloy ni Ate Maggie si Mark na magpakilala dahil tawa raw nang tawa. At dahil malaking pauso si Mark, nagdagdag pa siya ng relationship status sa dulo. Pinasusunod niya si Deion na umiling lang. Nang ako na ang lingunin niya, sinamaan ko siya ng tingin. Ayaw kong sumunod, 'no.

Ipinasa tuloy ni Ate Maggie doon sa isa niyang katabi, 'tapos pinaikot na sa table. Hindi naman na masyadong awkward dahil mukhang magkaka-block rin 'yong iba naming kasama. Ang problema ko lang, gumaya silang lahat sa format ni Mark—name, block, bakit Archi, isang interest, at relationship status.

Wala naman si Jo dito, at wala naman kaming c-in-onfirm na kahit ano sa mga ka-block namin ni Deion, kaya puwede naman siguro akong magsabi ng single, ano? Si Ate Maggie lang naman 'yong problema, pero hindi rin naman siya sinagot ni Deion nung tanong siya nang tanong, so bahala na lang silang dalawang magpaliwanagan. Mas okay ding sabihin ko 'yong totoong single ako, kasi baka mamaya may pogi pala sa paligid na may interes sa 'kin. Sayang 'yung opportunity.

Huminga ako nang malalim pagkatapos ni Jerica. Wala akong choice kundi sumunod dahil baka isipin pa ng mga tao sa group, ang arte-arte ko.

Magsasalita pa lamang ako nang mapaisod ako sa gilid dahil may biglang sumulpot sa tabi ko. Nilagapak ng bagong dating 'yong drawing tube niya sa mesa. "Sorry, late," aniya at natawa. "May nasimulan na kayo, Maggie?"

Nakailang kurap ako bago ma-process ng mata ko ang nakahain sa harap. Hindi niya in-"ate" si Ate Maggie, so baka magka-batch sila o mas matanda siya. May dalawang dangkal din yata ang tangkad niya sa 'kin. At grabe 'yong nose bridge niya, mas mataas pa sa grades ko sa unang Design plate. Ito na ba 'yong pambawi ng universe sa pagbibigay sa 'kin ng malas lately?  

Hindi ko narinig 'yong sinabi ni Ate Maggie. Ang narinig ko lang ay tumawa ulit itong bagong dating.

"Hi!" Nilibot niya ang tingin sa table. Dahil sa lighting sa hall, kita ko 'yong kintab ng mukha niya dahil sa pawis. Pero mukha pa rin siyang mabango. Puwede ba 'yun? Nagkakaroon na ng mukha ang amoy?

"I'm Yael, 'wag niyo na 'kong i-'kuya." Natawa siya ulit. "Sorry, late. Tinakbo ko pa 'yung faculty e. Nag-Archi ako kasi . . . wala lang." OMG, tumawa siya ulit. "Mahilig akong . . . ano ba? Kumain? Mag-basketball minsan? At siyempre, very single. Walang time."

Nahigit ko ang paghinga nang lingunin niya ako. My gosh, nakangiti pa siya.

See? Hindi lang naman si Deion ang matangkad na guwapo sa mundo. "Ikaw? Ano'ng name mo?"

"Billie," wala sa sarli kong sagot.

Tumango siya. "Billie," ulit niya. Single?"

Wow. Napakurap-kurap ako. 'Yun agad?

"LQ."

Kasabay ng pag-alis ng tingin sa 'kin ni Kuya Yael ay ang panlalaki ng mga mata ko. Nilingon ko si Deion na sandali lang akong tiningnan dahil nilingon niya agad si Kuya Yael. "LQ kami," aniya at umangat pa nang bahagya ang kilay.

Sinundan 'yon ng tawa ni Mark. Nagdere-deretso si Deion sa pagpapakilala na parang walang nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top