Chapter 03
102721 Chapter 03 #HatemateWP
Gusto ko lang mawala 'yung pangungulit ni Joseph. 'Yun lang naman ang hinihingi ko. Pero ang binigay sa 'kin, doble ng problema. 'Di ko rin alam sino'ng puwede kong sisihin kasi choice ko naman 'to. Tumanda na talaga 'kong laging mali ang desisyon. Good luck na lang talaga sa 'kin pagka-graduate kung saan ako pupulutin ng malas at mali-maling choices ko sa buhay.
'Buti nga sakto 'yung dating ni Je kaya 'di na ulit nakapasok sa room si Joseph. Ayaw talaga ni Je na magkaklase sila. Two years silang pinaghiwalay ng section noong SHS.
'Di pa nagsisimula ang unang class, may iniisip na agad ako. Dumagdag pa na sabi ni Je, may meeting 'yong mga applicants ng org. Gusto ko pa namang lumabas after class para kumain habang nag-iisip-isip.
Kay Deion, na lumipat na sa second row sa tabi ng bintana, agad ang tingin ng mga bagong dumadating. Nakaka-amuse nga silang panoorin e. Unang step pa lang, napapatingin agad kay Deion—o sa kanila ni Mark kasi agaw-pansin din 'yung tawa ni Mark na 'di ko alam kung dahil saan. Kanina pa siya bulong nang bulong do'n na parang bubuyog, 'tapos biglang tatawa nang malakas. Parang 'di bagong salta.
Si Mark, na siyang may kapal ng mukha sa kanilang dalawa, lang ang bumabati at nakikipag-usap sa mga kaklase naming nagdadatingan. May mga naghe-hello kay Deion at nagtatanong kung sila 'yung bagong dagdag pero tinatanguan lang niya. Hindi man lang ngitian na akala mo ginto ang smile niya. 'Taas talaga ng tingin nito sa sarili niya.
"Nag-text si Jo," sabi ni Je kaya inalis ko na ang tingin kina Deion. Pinakita niya sa 'kin 'yong phone niya at inirapan ko lang. Ilang days ba bago matanggap ni Jo na taken na 'ko?
"Sabihin mo, hindi mo alam kung sino." Hindi naman talaga alam ni Je kung sino 'yung 'boyfriend' ko dahil wala siyang kailangang kilalanin. Nagtagal ang tingin niya sa 'kin bago nagkibit-balikat at itinago na lang ang phone niya sa bag.
'Buti na lang hindi late 'yong prof namin sa unang course. Kapag may klase, ibig sabihin wala akong ibang puwedeng isipin kundi 'yong inaaral namin. Walang Joseph na nangungulit, walang Mark na nang-aasar, walang Deion na nakakainis ang mere presence. Pero after one hour and 30 minutes, balik na naman ako sa reality ng gulong pinasok ko.
"Kaklase daw natin," sabi ni Je pagkaalis na pagkaalis ni sir. Napalingon ako sa kaniya, at sure akong si Joseph 'yong kausap niya sa phone, at gets ko naman kung ano 'yong pinag-uusapan nila.
Hassle namang isekreto kay Je dahil lagi kaming magkasama. Saka, parang okay lang na malaman niya dahil alam naman niya 'yong sitwasyon. Siya pa mismo ang nagsabi na hindi ako titigilan ng kakambal niya hanggang mukhang may chance.
Lumapit ako nang kaunti para bumulong. Wala naman akong balak i-announce sa buong room 'yong kalokohan ko. "Nakikita mo 'yun?" Pasimple kong tinuro sina Deion gamit ang labi.
May 30 minutes morning break bago ang kasunod na class, kaya may ibang lumabas muna. Nakatayo lang si Deion sa pintuan at mukhang hinihintay si Mark na parang kakandidatong senador dahil kanina pa kung sino-sino ang kinakausap.
"'Yung ex mo?"
"'Di ko nga 'yan ex," paglilinaw ko kaagad. Nagkibit-balikat lang ulit si Jerica sa 'kin. E hindi naman talaga! Hindi ba siya naniniwala? "Kaklase ko lang 'yan nung Junior High. 'Yang dalawa."
Tumango siya. "Ah . . . okay. 'Tapos?"
"E 'di ba sabi mo . . . parang titigil lang si Jo kapag may boyfriend na 'ko?"
Kumunot ang noo niya. "So nagkabalikan kayo nu'n?" sabay pasimple niyang turo kay Deion.
"'Di ko nga siya ex," mas mariin kong sabi. Natawa lang siya. Hindi nga kasi! "Crush ko lang 'yan nung high school, okay na? Masaya ka na?"
Umiling lang siya sa 'kin, natatawa pa rin. Tingnan mo 'to, parang 'di kabigan. "Okay, medyo naiintindihan ko na 'yung sinasabi mo. Pumayag naman siya?"
'Yon ang 'di ko alam. Sapilitan 'yong nangyari kanina kasi desperate times call for desperate measures. Pero puwede ko pa bang bawiin kay Joseph 'yong nakita niya at sinabi ko? E di lalo 'yong naghinala. Lalo akong kukulitin at hindi titigilan.
"Ewan. Papayag 'yan. Wala naman 'yang pakialam e." Wala namang ibang mag-uusisa bukod kay Joseph. At sa kasupladuhan nung isa, sure naman akong imbes na i-entertain niya si Joseph, ii-ignore niya lang. Pabor naman sa 'kin 'yun.
May isang class pa before lunch. Sabi ni Je, halos parehas lang daw 'yong sched namin kay Joseph puwera na lang sa mas late matatapos ang last class ng kakambal niya. So, sure akong pagdating ng lunch, susugod na 'yon dito lalo na't nakita niyang naglayo agad kami ni Deion paglabas niya ng room kaninang umaga.
Kaya pagkatapos naming mag-usap ng groupmates ko sa History, iyon na agad ang inisip ko. Sigurado akong tatakbuhan ako ni Deion mamayang lunch, at nakakainis na ako na naman 'yung naghahabol. Wala e, hindi siya cooperative kahit naman noon pa. Ngayon ngang tapos na yata silang pag-usapan 'yung presentation for next week, at kinakausap siya nung groupmate niya, panay tango at iling lang siya. 'Di ko pa nakitang bumuka ang bibig niya for the past ten minutes.
"Gwapo, 'no?"
Napalingon ako sa kagrupo ko. Nakatingin siya kay Deion. Kanina ko pa nga nao-observe na parang may kaklase kaming artista dahil panay sulyap at nakaw-tingin ang mga tao kay Deion.
"Sakto lang," sagot ko. Napasimangot siya. Immune na ako sa pagmumukha ni Deion dahil four years straight ko 'yang sinamba. Wala naman masyadong nagbago bukod sa medyo pumuti siya nang kaunti at kumapal lalo 'yong kilay niya. Malaki 'yong tinangkad, humaba nang kaunti 'yong buhok na baka 'di lang niya trip pagupitan, at lumaki 'yong braso.
Nilipat ko sa orasan ang tingin ko. Hindi kami bati. Hindi kami bati. HINDI KAMI BATI.
"Ang taas naman ng standards mo," bulong nitong groupmate ko at medyo natawa. Tumango ako. Mataas talaga. Hindi 'yon abot ni Deion kahit gaano pa siya katangkad. "'Tingin mo, may girlfriend 'yan?"
Nagkibit-balikat lang ako.
Ang bagal ng oras. Hindi ko alam kung gusto ko nang matapos 'tong period para tigilan na ako nitong ka-group ko sa pagtatanong tungkol kay Deion, o ayaw ko dahil alam kong susulpot si Joseph agad-agad.
"Pero parang ang tahimik niya masyado, ayaw ko sa ganu'n . . . . May kuya kaya 'yan?"
Wala. Parehas babae ang kapatid niyan 'tapos mas matanda. Kung ako sa isang 'to, hindi na ako aasa. Hindi ako umimik dahil mukhang sarili lang naman niya ang kinakausap niya.
Pagka-dismiss na pagka-dismiss, hinanap agad ng mata ko si Deion na hindi pa naman nakakatakbo paalis. Tama din ang hinala kong magpapakita si Joseph dahil nakita ko agad siya nung may nagbukas ng pinto para lumabas. Humigpit ang hawak ko sa bag 'ko. For someone na crush ako, parang walang pakialam si Joseph sa comfort ko.
"Paalisin ko ba?" tanong ni Jerica sa 'kin. Nilingon ko isya. Sa pinto nakatutok ang tingin niya.
"Sabayan mo na lang mag-lunch, kawawa naman. Sabihin mo, kasabay ko si Deion."
"E 'yung Mark?"
Oo nga pala. Napalingon ako kay Mark na nakaabang kay Deion na may hinahalungkat sa bag niya. Kailangan kong sumabay sa kanilang dalawa. Package deal nga pala 'tong mag-BFF na 'to.
Bago pa 'ko makapag-isip kung saan kukuha ng hiya para sabihing sasabay ako sa kanila, naubos na mga blockmates namin at nakapasok na si Joseph sa room. Nakangiti pa siya nang sabihing mag-lunch kami na parang hindi niya nalaman kaninang umaga na may 'boyfriend' ako. I mean, okay lang namang mag-aya, pero hindi ba talaga niya kayang mag-take ng hint na ayaw ko?
"Sorry, kayo na lang," I said, sa pinaka-nice na way na kaya ko, at sinamahan ko ng ngiti. Labag sa loob na pumunta ako kina Deion na, surprisingly, nakatingin din sa 'min. Nakakangawit i-maintain 'yung ngiti paglapit ko sa kanilang dalawa ni Mark.
"E di tayong lima na lang." Talagang humirit pa si Joseph. Huminga ako nang malalim. Kailan ba ako naging malabo sa kaniya na hindi ko siya gusto?
"Puwede naman,' di ba?" tanong ni Joseph kina Mark. Nakatingin lang sa kaniya si Deion na kanina pa naka-poker face.
Lumipat ang tingin sa 'kin ni Mark, parang nagtatanong. Nakita naman niya 'yung nangyari kanina. 'Buti marunong makiramdam 'to kahit na annoying siya minsan. "Hayaan na natin 'yong dalawa, p're. Two years nag-LDR 'yan e." My gosh. Gusto kong manabunot. "Ako na lang sasabay sa inyo, puwede ba?"
"Okay lang ba, Je?" tanong ko kay Jerica na naka-laser eyes na sa kakambal niya habang nasa may upuan niya pa rin. Hindi ko alam kung okay kay Je na may kasama siyang hindi niya gaanong kilala at maingay.
Tumango lang siya. Pagkatapos, lumapit siya at hinigit na niya si Joseph paalis. Pinagalitan pa at sinabihang 'wag manira ng moment.
Si Mark, bago umalis, binulungan pa kami ng enjoy. Kung may nag-e-enjoy man dito, siya 'yon.
Hinintay kong makaalis talaga nang tuluyan 'yong tatlo bago harapin ulit si Deion na hindi pa rin nagsasalita. Nakatingala lang siya sa 'kin at hawak-hawak 'yong strap ng bag niyang kalong-kalong niya. Hindi siya 100% cooperative pero helpful 'yong pagiging suplado niya dahil hindi naman siya kumokontra sa mga sinasabi ko.
"So . . . " Ayaw ko dito sa harap niya dahil kung makatingin siya sa 'kin, parang nang-aakit. Tutusukin ko ang mata nito e. "Ayun. Thanks."
"Sino ba 'yon?" tanong niya. Marunong pa pla siyang magsalita. Akala ko whole day siyang mapapanisan ng laway e.
"Kakambal ni Je." Umangat ang mga kilay niya. Need ko bang mag-provide pa ng details? "Crush daw . . . ako." Walang siyang inimik ulit. Mukha tuloy akong nagre-report dito. "'Di ako tinitigilan. Ikaw lang ang nandito kaninang unaga. Wala akong choice. Kaya . . . 'yun. Gets mo na?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Pa'no kung ibang tao 'yung nandito?"
"'Di ko alam." Hindi ko talaga alam! Kung si Mark, baka ginawa ko pa rin kasi magkakilala kami. Kung total stranger gaya ng iba naming kaklase, malamang hindi. Baka ang naging flow ng storya ko kay Joseph ay LDR pa rin kami ng boyfriend ko hanggang ngayon.
"Naniwala 'yon? Sigurado ka?" tanong niya. Tumahimik na lang ako. Bukod sa makulit si Joseph, parang ang biglaan naman kasi talaga. Sorry naman. Wala akong better idea. "Ano 'yon, Grade 4?"
Huminga ako nang malalim. Naiirita ako sa tono niya pero ako naman ang nagsabit sa kaniya dito kaya wala akong karapatang awayin siya.
"Hayaan mo na. Sakto ka naman du'n sa d-in-escribe ko sa kaniya. Wala ka nang kailangang gawin." Except sa magpakita. At dahil may pagka-model student naman 'to nung high school at baka hanggang ngayon, lagi naman siyang magiging present at makikita siya ni Joseph.
Umangat ulit ang dalawang kilay niya. "D-in-escribe?"
"Matangkad. Suplado." Mamamatay muna ako bago amining guwapo siya.
Kumiling ang ulo niya sa gilid na parang naghihintay pa ng idudugtong ko. 'Taas talaga ng tingin nito sa sarili niya. Marami ba siyang good qualities?
"'Yun lang."
"Sure ka? 'Yun lang?"
"Ano pa ba dapat?" 'Pakayabang talaga nito, pasimple nga lang.
Umiling siya. 'Tapos, tahimik na ulit kami. Kaya niyang tumagal nang 'di nagsasalita kahit na magkaharap kami. Walang nagbago. Wala pa rin siyang initiative na magtuloy ng convo. Baka ayaw lang talaga akong kausap.
"'Yun lang," sabi ko dahil hindi ko alam ano ba'ng kailangan kong sabihin para magsalita siya ulit. Wala man lang akong nakuhang input niya.
"Kailan ka titigilan nu'n?"
"'Di ko alam," umiling ako, "pero makakahanap din 'yun ng bago. Baka next sem okay na."
Sabi kasi ni Je sa 'kin noon, may ibang crush si Joseph nung Junior High na transferee din. Ilang years niyang naging crush, pero nag-transfer out kaya hindi na niya nakita ulit. 'Tapos, dumating ako.
Parang tuwing may makikilala siyang bago, nalilipat do'n 'yung fixation niya. Hindi na naman niya ako makikita lagi kung 'di siya pupunta nang pupunta dito, kaya possible na makahanap din 'yun ng ibang crush na mas madalas niyang makita at mas malapit sa kaniya.
"Five months lang 'yun, o mas maikli," dagdag ko. "Wala ka namang gagawin. Accessory lang naman kita 'pag nandiyan si Joseph. Magpapakapogi ka lang diyan."
Ilang beses siyang mabagal na kumurap bago umangat nang bahagya ang dalawang kilay. "Ano ulit?"
"Five months lang kako," sagot ko at tumikhim.
Traydor na bibig. Sabi na nga ba dapat hindi ko tinitigan 'tong pangit na 'to nung History e.
"After that?"
"E di tapos na."
"Hindi 'yun." Umiling siya. "After nung sinabi mong five months, ano'ng sinabi mong kasunod?"
"Wala kang gagawin. Display ka lang."
"'Tapos?"
"Anong 'tapos'? Wala na 'kong sinabi."
Napangiti siya.
Ang unang step sa pag-gain ng strength ay alamin ang weakness mo. Sabi ko nga, weakness ko 'yung guwapong matatangkad.
Nilipat ko ang tingin sa orasan. Binilang ko 'yung numbers dahil baka may nawawala. Sinundan ko 'yung paggalaw ng kamay para din malipat ang focus ko.
"Girlfriend kita?"
Mabilis na bumalik ang tingin ko sa kaniya. "Hindi." Umangat ulit ang kilay niyaz. "Basta 'pag may nagtanong, 'wag kang sasagot. Kahit si Joseph pa. Ako na'ng bahala du'n."
Dahan-dahan siyang tumango. 'Tapos, nagkibit-balikat. "Basta hindi abala sa 'kin."
Wow. Okay, Mr. Busy Man. "Wala bang magagalit?"
Kumunot ang noo niya. Hindi talaga uso sa kaniyang magsalita. Parang dapat one look 'tapos gets ko na kaagad 'yong tinatanong niya.
"Baka may magagalit, sabihin mo lang."
"Anong magagalit?"
"Girlfriend, boyfriend, special friend, o kung sinomang friend. Gets mo?" Ayaw ko namang masyadong lumaki 'yong masasabit ko.
Umiling siya.
"Good."
"Good, kasi?"
"Para walang problema," sagot ko. Ano bang iniisip nito? Good kasi ayaw kong taken siya? 'Di 'yon ang iniisip ko 'no! Feelingero talaga.
Tumango lang siya.
"Okay. 'Yun lang." Obviously, hindi ako sasabay sa kaniya mag-lunch. Lalo na nang kaming dalawa lang? Magpapasaksak muna ako.
"Okay." Tumayo na siya at nanliit naman ako sa height niya. Wala akong choice kundi tingalain siya nang kaunti.
"Okay."
"Okay din."
Tinaasan ko siya ng kilay. Buong lunch ba kaming mag-o-okay-an dito? Bakit 'di na lang siya umalis?
Napalingon ako sa pinto nang magbukas 'yon. Akala ko kaklase namin, pero hindi pamilyar 'yong kulot na babae. Napatingin siya sa 'kin, 'tapos kay Deion. "'Di pa kayo magla-lunch?"
"Magla-lunch," sagot ni Deion kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya. Kilala niya? Nilingon niya 'ko.
"Sure kang walang magagalit?" tanong ko ulit.
Tumango lang siya. Hindi man lang siya nagpaalam sa 'kin nang umalis sa harap ko. Narinig kong sinabihan niya ng "Tara na, Mags" 'yong babae bago isara ang pinto.
Binalik ko ang tingin sa orasan. Parehas pala kami ng iniisip. Ayaw niya din akong kasabay mag-lunch.
Bumalik na lang ako sa upuan ko. Nawalan ako ng ganang kumain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top