Chapter 02

102521 Chapter 02 #HatemateWP

Hindi pa ako tapos paulanan ng malas ng mundo. Umagang-umaga, may nangatok sa 'min ni Je. Gising na naman kami dahil parehas kaming mabagal maligo, pero parehas pa kaming disoriented dahil half-tulog pa kami.

Mukhang walang balak si Je na iwanan yong kape niya kaya ako na ang nag-check kung sino yong nasa labas.

Sa bintana lang ako sumilip.

Patay na.

"Kapatid mo," sabi ko kay Je.

Napatigil siya saglit sa paghalo sa kape niya. Mukhang wala pa rin siya sa wisyo dahil nakailang kurap siya sa 'kin bago magsalita, "Seryoso?"

"Maaga pa. Wala pa akong powers mag-joke." At wala rin akong gana mag-joke kasi sigurado akong may damuho sa classroom mamaya.

Hindi pa naman bulakbol 'yon si Deion kaya sigurado akong araw-araw 'yon papasok. Hindi naman puwedeng ako 'yung mag-skip nang mag-skip dahil lang sa kaniya. Ano siya, importante? Hassle din magpalipat lalo na't walang valid reason.

"Sino'ng hanap?"

Ayun ang tanong.

Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko, namomroblema na agad ako.

Mabait si Je, super. Totoo 'yun. Tahimik lang siya pero marunong namang makisama. Pero 'yung kakambal niya, ibang usapan na. Nice din naman siya sa 'kin nung una, pero ayun, naging too nice. Hanggang sa naging clingy na siya sa 'min ni Je. Akala ko nga clingy lang siya kay Je dahil kambal sila. 'Yun pala, sa 'kin na kumi-cling. Two months pa lang niya yata akong kilala, crush na daw niya ako. Ang naisip ko nung time na 'yon, ang creepy niya.

'Tapos, naalala kong first month pa lang nung first year, crush ko na agad si Deion. So parang wala naman akong karapatang i-judge si Joseph kasi naging ganoon din naman ako. Saka sabi ko, baka happy crush lang. Baka mawawala din.

Pero hindi 'yon nawala. Okay lang naman sa' kin; hindi naman ako suplada. Pero minsan, parang hindi na alam ni Joseph 'yung boundaries niya.

Kagaya ngayon, agang-aga, nandito siya. Pero bakit ba ako mag-a-assume na e kasama ko sa apartment 'yung kambal niya? Baka si Jerica naman 'yung pinunta.

Ang hirap ding ma-annoy kay Joseph kasi iniisip na parehas lang kami. Kung annoying man ako kay Deion noon, bilib na ako sa galing niyang magtimpi. Pero sabagay, mukha namang walang pakialam 'yon sa mga tao sa paligid niya, kaya siguro ganu'n. Ang tagal nga niya akong hindi pinansin e.

"Sige na nga, ako na," sabi ni Je, nahalata sigurong ayaw kong makita 'yong kapatid niya. Ilang beses ko na 'yong ni-reject—pasimple o deretsahan; hindi naman tumatalab sa kaniya. "Maligo ka na para 'di ka makita nu'n."

"Thanks."

Kinuha ko agad 'yong tuwalya at damit ko bago nagmamadaling ni-lock ang sarili sa banyo. Rinig kong pinagbuksan ng pinto ni Je 'yong kakambal niya, at ako agad ang unang tinanong kung saan. See?

Wala naman akong problema talaga kay Joseph. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Mabait din naman siya sa 'kin for the last two years. Pero medyo nakakairita na 'yong kahit ilang beses siyang i-reject, hindi siya tumitigil.

Nagtanong siya kung puwede pa ba kaming maging friends after ma-reject, um-oo ako. Pero 'yun, laging parang may inaabangan siya. Bukod sa hindi ako komportableng super close kami hangga't may feelings siya sa 'kin, ayaw ko namang mabansagang paasa.

Narinig ko pa silang nag-away dahil pinaaalis siya ni Je dahil maaga pa nga. Si Joseph lang yata ang kayang magpataas ng boses ni Je. Narinig kong kumalabog 'yung pinto namin pagkatapos, kaya siguro pinagsarhan na ni Je 'yong kakambal niya. Makakalabas ako ng banyo na walang iniisip na naghihintay sa' kin.

"Umalis na?" tanong ko pagkatapos maligo. Tinanguan lang ako ni Jerica na mukhang nasira agad ang umaga.

Sumilip muna ako sa bintana para i-check kung umalis na talaga si Joseph. Confirmed nga na wala na. Baka natakot din kay Jerica.

"Billie."

Nilingon ko si Jerica. Hawak na niya 'yong doorknob papunta sa banyo pero hindi pa siya pumapasok. "Wala ka bang balak mag-boyfriend?"

Tinanggal ko ang tuwalya sa ulo ko. Never kaming nag-usap ni Jerica tungkol sa love life dahil parehas kaming wala no'n. Aware namana akong mas interesado si Jerica na matulog kaysa mag-jowa kaya never ko rin siyang tinanong about that.

'Weird nung tanong niya. Ang out of nowhere.

"Bakit?"

"Sorry," umiling siya, "feeling ko kasi 'di ka titigilan nung si Joseph hangga't single ka."

"Sa'n naman kasi ako kukuha nu'n?" 'Di rin naman nag-a-appear out of nowhere ang jowa. Kahit 'yun ang solusyon, wala akong ganu'n. Dagdag isipin ko pa 'yun e ang dami ko na ngang pinoproblema, kasisimula pa lang ng college.

"E sabi kasi niya, hangga't 'di ka taken, may chance."

Umiling na lang ako. Mabait naman talaga sa 'kin si Joseph, pero ito 'yung medyo nakakainis. Hindi siya marunong mag-take ng no. Hindi siya kagaya ni Miko na nung na-reject, tinanggap lang 'tapos 'di na nangulit. Itong si Joseph, nasobrahan sa pagka-persistent.

"Sorry ulit," sabi ni Je bago pumasok sa banyo. Wala naman siyang kasalanan du'n. Pinapagalitan din naman niya si Joseph sa harap ko kapag kailangan.

Iniwan din ako ni Je dahil bibili daw siyang breakfast. Inisip ko pa kung papasok na ako agad dahil baka nando'n na sa room si Deion. Pero ayaw ko namang siya ang mauna sa room. Dapat ako, para siya ang kabahan.

Ch-in-eck ko ang oras sa phone at sobrang aga pa naman. Hindi naman siguro ako nu'n mauunahan.

Wala siyang karapatang pakabahin ako, pero shit 'di ako makaakyat ng building. 'Buti na lang wala pa masyadong tao dahil kung mayroon, baka na-weirdo-han na dahil kanina pa ako nakatingala dito na parang may hinihintay na bumagsak sa langit.

"Good morning!"

'Di ko na maibaba ang leeg ko dahil kilala ko 'yong nagsalita. Taga-ibang college 'tong si Joseph at 'buti na lang kahit 'di niya ako malubayan, 'di niya kami sinundan ng kambal niya sa Archi. Kasi kung ginawa niya 'yun, baka hindi ko na talaga siya pansinin ever kasi super creepy na nu'n.

"Hi." Nginitian ko si Joseph. Wala pa naman siyang ginagawang annoying ngayong araw, bukod sa pagpunta sa apartmeng nang sobrang aga. Nag-good morning lang naman siya.

"May gagawin ka mamayang lunch? Ano'ng oras ang break mo?" tanong niya at sinabayan ako sa hagdan. Gaano kalayo ba ang building nila sa 'min? Ba't siya nandito?

"Magla-lunch." Obviously. Hindi naman sa nagmamaganda, pero alam kong may something pa si Joseph sa 'kin. Pero friends lang talaga kami kung friends. Ayaw kong bigyan siya ng hope.

'Di ako paasa.

'Di naman ako si Deion.

Napahinga ako nang malalim. Swerte naman nung malas na 'yun na siya ang first thought ko pagkagising. 'Di niya deserve.

"May kasama ka? Sama ako sa inyo ni Jerica?"

Tumigil ako sa kalagitnaan ng pag-akyat sa hagdan. 'Di ko ma-imagine na gagawin ko 'to every day. Two years nang ganito si Joseph. 'Di ko alam kung kaya ko bang for the next four years, sakali mang wala siyang ibang maging crush, e ganito siya. Iniisip ko pa lang, nase-stress na 'ko.

"Jo, puwedeng stop na?"

Hindi ako masungit. 'Di ko hobby magtaray. Mahaba naman ang pasensya ko, sa tingin ko. At ayaw ko rin namang sungitan si Joseph kasi alam ko 'yung feeling niya. 'Yung may crush ka 'tapos laging feeling mo, magbabago ang ihip ng hangin at magkakahimala. Dumaan na 'ko du'n e. Pero matanda-tanda na naman si Joseph at alam naman niya siguro ang meaning ng no.

Natigilan si Joseph. Saulado ko na nga 'yung mga ginagawa niya kapag tinu-turn down ko siya. Ngingiting awkward, kakamot sa likod ng ulo, magso-sorry. Ewan ko ba dito bakit ako ang crush. Mahitsura din naman siya at may iba namang papatol sa kaniya, pero sa 'kin siya dikit nang dikit.

"Bawal ba talaga ako, Billie?"

Ay, ewan. Ayaw ko ng seryosong usapan, umagang-umaga.

"Kasi ba kambal ako ni Je?"

Umiling ako. Wala naman 'yung kinalaman.

"E ano? Makulit na 'ko?"

"Medyo."

"Titigil naman ako kapag . . . kapag alam kong wala naman talaga e . . . ."

Napaayos ako sa bangs ko kahit ang gusto kong gawin e sabunutan nang very light 'tong si Joseph. Siyempre nice ako sa kaniya kasi kakambal siya ni Je. Ang problema kasi, kapag pinakikitaan siya ng kaunting pagka-nice, feeling na agad niya puwedeng magka-something.

Parang ako noon.

"Wala talaga," mahinahon kong sabi sa kaniya. 'Di ko alam kung pang-ilang beses ko na 'yong nasabi sa kaniya. Ang gagawin lang naman niya, lalayo nang ilang araw, 'tapos babalik na parang walang nangyari. 'Tapos iispin kong friends na lang talaga kami sa paningin niya, kaso bigla siyang babanat ulit ng porma. Paulit-ulit na lang.

'Di siya nagsasawa.

Again, parang ako noon.

"Bakit naman ganu'n?" tanong niya. Hindi naman siya tunog galit. Tunog sawi pa nga.

"E, hindi talaga e." Sana nga kaya kong i-explain nang mas maayos. Pero 'yun lang talaga 'yun. Hindi ko siya gusto.

"May boyfriend ka ba?"

Ayun na nga. 'Yung sinasabi ni Je.

Huminga ako nang malalim. Tingin ko, makulit lang talaga 'tong si Joseph pero kung may boyfriend nga ako, lalayo 'to nang kaunti. Baka nga lumayo pa for quite some time dahil ipa-process 'yung pagkasawi niya. Hindi ko sure. Pero 'di naman siya mukhang mambubulabog ng relasyon ng iba.

"Sino ba'ng may sabing wala?" My gosh, hindi ko kayang magsinungaling nang deretsa.

Namilog nang bahagya ang mata niya. "Seryoso ba?"

Pinilit kong tumango. Lalo lang nanlaki ang mata niya. Parang gulat na gulat at 'di makapaniwala. Gago to, ah. Mao-offend na ba 'ko? Akala ko ba crush ako nito?

"Bakit . . . bakit 'di ko alam?"

Umiling na lang ako. Tumuloy na ako ng pag-akyat sa hagdan at sumunod naman siya. Okay na siguro 'tong ito nang ito ang itanong niya kaysa kung may chance siya sa 'kin.

"Si Jerica nga, hindi alam. Bakit ko naman ipapaalam  sa 'yo?"

"E kahit pa! Two years, wala naman akong nakitang boyfriend m—"

"LDR kasi kami." Kailan pa ako natutong gumawa ng kuwento? "Saka ba't ko naman dadalhin sa school? Ano'ng gagawin nu'n du'n?"

"E bakit hindi ko alam? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Kailangan bang alam mo?" Tumigil ako sa tapat ng pinto ng room at hinarap siya. "Jo, privacy." 'Di ko alam kung nadadala na ako nung gawa-gawang kuwento ko, o nadadala na ako ng inis sa kulit ni Joseph.

Mukhang may balak pa siyang pumalag. Hindi ba ako magaling um-acting? O feeling ba nito imposible akong magka-boyfriend? Nakaka-offend talaga ha.

"Seryoso ba talaga, Billie? O sinasabi mo lang 'yan kasi gusto mong tumigil na 'ko?"

'Yun lang. Masyado 'tong matalino, parang kambal niya.

Peke akong tumawa. "Grabe. 'Di ka ba naniniwalang magkaka-boyfriend ako?"

"Hindi hangga't 'di ko siya nakikita."

"'Di ko naman kailangang patunayan sa 'yo 'yun. Bahala ka kung hindi ka maniniw—"

"Sabi mo dati 'di ka pa nagkakagusto—"

"Mayro'n nga. Guwapo. Matangkad. Matalino pero suplado. Saka wala ka na du'n. Type mo ba boyfriend ko?"

"Bawal ba siyang makita?"

Tsk. Ang kulit talaga nito. Mangungulot ang bangs ko sa stress. "Next time na lang. Promise." Kukuha muna akong boyfriend, siyempre. 'Di ko alam sino'ng ihaharap ko dito.

Tinalikuran ko na siya at tinulak ang pinto papasok ng room. At kung sinoman 'yong nanti-trip sa 'kin, sana tigilan na niya. Naunahan pa ako ni Deion na pumasok. Talagang sa gitnang row at column siya umupo. Hindi na naawa na baka may mas maliit na medyo ma-late ng dating at sa likuran niya mapaupo. E di wala nang nakita 'yon kundi ulo niya.

Saglit lang niyang inangat ang tingin mula sa phone niya papunta sa 'kin . . . sa 'min pala dahil nakabuntot pa rin si Joseph sa 'kin. Anong oras ba ang first class nito at hindi niya ako malubayan?

"Billie," pabulong na tawag sa 'kin ni Jo. Ganiyan siya mangulit. Dati, tumatagal talaga ng oras kapag kinukulit niya ako. Mahaba ang pasensya ko pero may hangganan din naman.

Padabog akong umupo sa tabi ni Deion. Hindi naman niya ako pinansin. 'Di ba siya naa-annoy na ang ingay ni Joseph? 'Di ba niya palalayasin kasi room namin 'to? 'Di ba gusto niya tahimik lang?

"Billie . . . ."

Shit. Bahala na talaga.

Malamig ang kamay ko at matigas ang braso ni Deion. Gusto ko nang maiyak at gusto ko nang umuwi. Napatigil si Deion sa pagta-type ng kung ano sa phone niya at napalingon sa 'kin agad. Sa hitsura pa lang niya, mukhang balak na niyang lumipat ng upuan—o lumipat ng classroom—dahil kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Wow ha. Nandidiri ba siya? Swerte nga niya hinawakan ko pa ang matigas na braso niya.

Braso lang pala. Hindi ko papansinin 'yung matigas. Ano ba 'yan.

"D, kinukulit ako." Kalahating acting 'yon at kalahating hindi. Kalahati lang kasi wala naman akong balak magpa-cute sa kaniya pero kailangan, at saka isinusumbong ko naman talaga si Joseph sa kaniya dahil feeling ko, nakakatakot kapag siya ang sumaway at baka mas effective 'yun.

Yumakap na ako sa matigas na—sa braso niya pala, nang matimbrehan kong may balak pa 'tong iwan ako dito. E di napahiya ako kay Jospeh?! Tutuktukan ko 'tong si Deion e. Hindi marunong makiramdam!

"Bati na kasi tayo . . . . Sorry na."

Yuck. Sorry niya mukha niya.

Nilingon ko si Joseph. Nakatingin lang siya kay Deion. Tama naman 'yung description ko. Guwapo naman 'to kahit epal sa buhay ko. Matangkad din kahit na paasa. Nagkataong sakto sa kaniya 'yong d-in-escribe ko kay Joseph kanina.

"Billie, what the fuck?"

Hinigpitan ko ang yakap sa braso niyang . . . basta braso. Hindi para lumambing kundi para manakit. Kukurutin ko sana kaso baka biglang umangal. Hindi mo wina-what the fuck ang girlfriend mo; kainis 'to.

Mabilis kong kinuha ang phone sa bulsa ko gamit ang libreng kamay at nilapag 'yon sa desk niya. "Sorry na nga kasi. Ia-unblock na kita, 'yan na." Iba-block ko ulit siya pagkatapos.

Kahit na ayaw ko, napabukas ako ng GC namin, nag-chat ng like at mabilis na in-unsend, at hinanap siya sa members. 'Tapos, in-unblock ko na nang labag sa loob. In-exit ko kaagad dahil baka makita pa ni Joseph na two years ago 'yong huling convo namin.

"Boyfriend mo?" tanong ni Joseph. Kailangan pa talaga niyang magtanong. 'Di pa ba enough 'tong nakikita niya? Saka bakit, 'di ba kami bagay? Bingo na sa 'kin 'tong si Joseph ah.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Deion, "Bakit mo ba tinatanong? Sino ka ba?"

Napatingin ako sa kaniya. Hindi naman siya mukhang galit. Pero 'yong default na neutral face niya, medyo nakakatakot na. Parehas sila nung mga kapatid niya. "'Wag mo namang awayin," bulong ko. Seryoso 'yon. 'Di naman niya kailangang awayin si Joseph.

"Kambal 'yan ni Je, 'yung kinukuwento ko sa 'yo," dagdag ko na parang mage-gets niya ako. E baka nga hindi niya alam na Je 'yong pangalan ng kasama ko kahapon. Wala naman 'tong pakialam sa paligid niya e.

Salubong na salubong ang kilay ni Deion. T-in-ry niya ulit na bawiin 'yong matigas na . . . braso niya . . . braso lang, hindi matigas . . . pero wala akong balak na pakawalan 'yon.

Si Jospeh, nag-loading pa yata. Matagal-tagal din siyang nakatingin sa 'min bago nag-sorry kay Deion, tinalikuran kami, at dali-daling lumabas ng room.

Mukhang tama nga si Je, ah? Sabagay, mas kilala niya 'yong tao dahil kakambal niya.

"Ganu'n pala 'yung move on."

Napabitiw ako kay Deion. Sa kamamadali din niyang bawiin 'yong braso niya, na braso lang at hindi matigas, nadanggil na niya 'yong katabing upuan sa kabilang side at halos itumba na rin 'yong inuupuan niya. 'Buti nakuha ko agad 'yong phone kong nakapatok sa desk niya at muntikan nang mag-landing sa sahig. Kung nabasag naman talaga 'to, papapalitan ko sa kaniya! O kaya kay Mark na biglang nag-side comment! Bakit 'di ko man lang siya narinig na pumasok kanina?

Tinawanan lang kami ni Mark. Inayos niya 'yong upuang nadanggil ni Deion. Malisyoso na agad ang tingin niya sa 'kin. May isisira pa pala ang araw ko.

"'Kaya ba walang move on-move on, paps?" tanong niya kay Deion na walang balak idikit ulit 'yong upuan niya sa 'kin.

Tumayo na ako para lumipat sa puwesto ko sa may gilid. Masyado pang maaga para mapikon ako. Kaso, nakita ko si Joseph na nakasilip pa pala sa glass window ng pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top