Kabanata 37

Naglalaro ng putik ang isang matabang batang lalaki. Masayang nagtampisaw ito sa tubig ulan, ang ina nito ay nakamasid lang at tuwang-tuwa sa sayang nakikita sa anak.

"Mom, there's an earthworm!" Excited na saad ng bata, pinulot ang uod at ipinakita sa ina.

"Put it down beb," utos niyang nakangiti.

"Can I pet this, please mom," paki-usap ng cute na bata sa inang napataas lang ang kilay sa sinabi nito. Malawak ang ngiti sa labing nilapitan ang anak.

"You can't beb, hindi sila mabubuhay kapag inalis mo sila sa lupa." Paliwanag niya sa kanyang anak. Hinaplos ang mukha

Malungkot na tinitigan ng bata ang hawak na uod. Napalabi ito.

"Why? They are not dangerous. I will feed him, and I will take care of him."

Napanguso siya pero mababanaag sa mga mata ang aliw na nararamdaman sa anak.

"He will not survive anak, soon he will die. He need to be with his family and outside world is not his home," Sabi niyang ginulo ang buhok sa pamamagitan ng paghaplos sa ulo nito.

"Is it like you mom, surviving because of me even without dad?" Inosenteng sambit ng apat na taong bata. Ibinalik na rin nito ang uod sa lupa.

Biglang lumamlam ang mata niyang nakatitig sa anak.

Surviving...

Its been 5 years...

5 years ago, she was totally broken. Parang binagsakan siya ng buong mundo. Walang kakampi, walang nagmamahal. Sinaktan siya ng lahat. Niloko at pinaglaruan. Nagmahal ngunit sinaktan lamang.

Muntikan na siyang sumuko. Pero may liwanag siyang natanaw pagkatapos niyang malaman na buntis siya.

Tinitigan niya ang anak habang nagpatuloy na ito sa paglalaro. Kamukhang-kamukha ng ama nito. Matigas rin ang feature ng mukha, na laging nagpapaalala sa kanya sa lalaking hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan.

Dinama niya ang mabilis na pintig ng kanyang puso nang muling maalala ang ama ng kanyang anak. Hindi niya matanto kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Kung galit pa rin ba sa taong naging dahilan ng pagkawasak niya noon.

Sa totoo lang hanggang ngayon. Pinupulot niya pa rin ang mga piraso sa sarili niya. Hindi pa tuluyang nabubuo. May kulang pa.

Muli niyang pinagmasdan ang anak. Bibo at masayahing bata. Alam niyang hindi siya nagkulang sa anumang bagay. Binigay niya ang buong buhay niya para mapalaki na mabuting tao ang kanyang si Venzon.

Bumalik siya sa pagkakaupo at pagbabantay sa kanyang anak. Hinihintay niya sa Aling Puring para maging kahalili niya sa pag-aalaga kay Ven. Hindi naman nagtagal ay dumating ang matanda.

"Naku, pasensiya ka na ha Vivien, mukhang nahuli ako ng kaunti. Makakaabot ka pa kaya sa meeting mo?" Humahangos na wika nito habang papalapit sa kanya.

Nginitian niya ang matanda at tinapik ito sa balikat.

"Maaga pa naman Nana. Aabot pa ako," sabi niya at tinawag ang anak upang makapagpaalam. Patakbong lumapit ito at humalik sa pisngi niya.

"Bye Mom," paalam nito. Bago pa man makatakbo para ulit sa paglalaro ay hinuli niya ang mukha nitong mataba. Saka pinisil at pinugpog ng halik.

Humagikgik ang batang lalaki dahil sa kiliti na dulot nang paghalik ng ina.

"Stop Mom, stop!" hiyaw nito.

Binitawan niya ang anak. Muling lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig dito. Hindi lang kasi nito kamukha ang ama. Maging sa ugali ay kapareho nito. Hindi naman niya pinalaking ganoon ang bata pero minsan ay nagiging masungit talaga ito.

Sa kanyang pagmuni-muni hindi niya napansin na kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Aling Puring.

"Ang saya-saya ninyong mag-ina." Napalingon siya sa matanda. Malungkot ang mata nitong nakatitig sa kanya. "Pero hindi ba't mas lubos ang kasiyahan niyo kung ipapakilala mo na siya sa ama niya?"

Napawi ang ngiti niya sa sinabi nito. Umiwas siya ng tingin. Matagal na nilang napag-uusapan ng matanda ang sitwasyong meron siya. Alam nito ang buong detalye ng buhay niya. Wala siyang inilihim dito. Simula noong tulungan siya nito sa panahong lugmok siya sa kalungkutan at hindi alam ang tatahaking daan.

Ito ang nagsilbing magulang niya. Lalo na noong malaman niyang nagdadalang tao siya. Noong ipagbuntis niya ang anak nila ni Jayson.

Napabuntong hininga siya at wala sa loob na nakagat ang sariling labi Malayo na silang mag-ina sa San Agustin. Napadpad silang mag-ina sa Bulacan kung saan namuhay sila ng tahimik kasama si Aling Puring. Ginamit niya ang perang inipon ng kanyang ama para magpatuloy sa pag-aaral at magtayo ng sariling negosyo. Ito rin ang nagpagamot sa kanya sa traumang dinanas niya. Pinakilala siya sa psychiatrist na anak nito.

Nagtayo siya ng sari-sari store pero kalaunan ay naging grocery store at napalaki nila, katuwang niya ang matanda sa pamamalakad ng negosyo. Ngayon ay ieexpand nila ito bilang isang bigasan. At kapag natuloy at naging maganda ang usapan nila ng kameeting at magiging kasosyo niya. Ieexpand pa niya ito bilang restaurant.

"Nana," tawag niya dito. Ngumiti siya. "Alam ko pong karapatan ng mag-ama ang magkita at magkakilala. Pero hindi pa po ako handang harapin ang ama ng anak ko. Not until this hate inside me gone forever. Sa ngayon po, nasasaktan pa rin ako," ika niyang malungkot ang matang pinagmasdang muli ang anak.

"Hija, sa tingin ko naman mahal mo ang lalaking iyon. Hindi ba't ang pagmamahal ay pagpapatawad? Bakit hindi mo na lamang patawarin..."

"Napatawad ko na siya Nana." Putol niya sa sasabihin nito. "Napatawad ko na siya lalo na noong dumating si Venzon sa buhay ko." Hinaplos ng matanda ang braso niya noong gumaralgal ang kanyang boses. "Pero hindi pa rin po ako nakakalimot. Napatawad ko na siya pero nasasaktan pa rin ako. Ayaw ko pong humarap sa kanya na may sakit pa rin sa dibdib ko. Ayaw ko pong masaktan ko siyang muli." Lumandas ang luha sa mga mata niya. Agad niya iyong pinahid.

"Maraming nangyari sa Limang taon Viv. Limang taon na hindi kayo nagkita. Hindi mo alam kung ano na ang nangyari sa kanya sa limang taon na iyon. Ikaw dito, maligaya sa piling ng anak mo. Siya ba,kamusta naman kaya siya?"

Agad na napabaling ang kanyang tingin sa matanda. Napalunok siyang muli at nagkasalubong ang kanyang kilay.

Simula noong maikwento niya ang lahat sa matanda. Hindi maipagkakailang ang simpatya nito ay na kay Jayson. Naiintindihan daw nito ang mga naging aksyon ni Jayson noon. Ito ay dala lamang ng mga pangyayari sa buhay nito. Ang dapat daw talaga ay ang may manatili sa buhay nito ng permanente. Hindi dapat ito iniiwan. Pagmamahal daw ang kailangan ni Jayson para tuluyang magbago.

She was guilty by that. Iniwanan niya si Jayson sa gitna ng gulo. Pero masisisi ba siya na ganoon ang kanyang ginawa. Ang tumakbo at umalis. Kung hindi niya iyon ginawa, ano kaya ang mangyayari sa kanila?

"Pero naiintindihan kita Viv. May mga pagkakataon talagang mas pipiliin natin ang sariling kapakanan kesa sa kapakanan ng iba." Tumawa si Aling Puring. "Malay naman natin, nandiyan lang pala sa tabi-tabi ang lalaking iyon at nakasubaybay sa inyo." Makahulugan nitong saad na lalong nagpalito sa isip niya.

Kung nasa paligid nga ito. Dapat ay nagpakita na. Kilala niya si Jayson. Lalo na kung nalaman nitong may anak sila. Hindi ito magdadalawang isip na puntahan sila at magpakita ito.

Dinilaan niya ang nanuyot na labi.

"Hala bata ka oo, lumarga ka na!" Biglang tarantang saad ng matanda sa kanya. Napakamot siya sa ulo.

Nakalimutan niyang may pupuntahan pala siya at kakausapin. Natawa na lamang siyang yumakap sa matanda bago tuluyang umalis. Tinawag niya ang anak at kinawayan ito. Kumaway ito pabalik.

Biglang nagflashback sa kanya ang litratong nakita noon sa apartment ni Jayson.

Ipiniksi niya sa isip ang alaalang iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top