Kabanata 33

Gustong magtanong ni Vivien, malaman ang katotohanan sa likod ng pag-uusap ng Nanay niya at ni Jayson. Pero hindi niya naman magawa, lalo na at tahimik si Jayson. Mahigpit ang hawak nito sa hawakan ng motor. Hindi na nga nito nagawang isuot ang helmet sa kagustuhang makauwi na sila.

Pakiramdam naman ni Jayson ay nasasakal siya. May kung anong nakabikig sa kanyang lalamunan. Mabigat ang kanyang dibdib.

Kanina pa sana niya binilisan ang pagpapatakbo ng motor, kanina pa sana siya nasiraan ng bait, kung hindi lamang sa babaeng nakayakap sa kanya mula sa likod.

Wala siyang balak pumasok sa bahay, ang tanging plano niya ay ang ihatid lamang si Vivien at aalis na. Hindi niya pa kayang harapin ang babae. Hindi pa siya handang sagutin ang lahat ng katanungan nito. Hindi pa siya handang mawala si Vivien kung sakaling malaman nito ang totoo.

Bumaba si Vivien. Hinintay siya nito na bumaba rin pero parang wala talaga siyang balak. Madilim pa rin ang mukha niyang nakatitig lamang sa baba.

"Gusto kong malaman..."

"Not now, Vien. Hindi ako handa," mahinang saad niya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa motor.

Malungkot na napangiti si Vivien. May namumuong luha sa mga mata na pilit kinukubli. Nararamdaman nito ang bigat na dinadala ni Jayson.

"Pumasok ka na. Bigyan mo lang ako ng panahon para makapag-isip, Vien," saad ni Jayson at nag-angat ng tingin kay Vivien.

Tumango ito. At dahan-dahang naglakad papasok. Siya man ay hindi na nag-aksaya ng oras at umalis, pero hindi pa man siya nakakaliko, isang sasakyan ang nakaagaw ng kanyang pansin. Nakaparada ito sa gilid ng kalsada. Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso, napatanong sa sarili kung bakit hindi niya napansin ang kotse ng kanyang ina kanina. Napahampas siya sa manibela ng motor, kung bakit kasi okupado ang isip niya ng ibang bagay.

Kinakabahan siyang agad na bumalik sa apartment. Hindi pa man niya nai-pa-park ng mabuti ang kanyang motor ay dali-dali na siyang bumababa at patakbong tinungo ang pinto.

Para mabungaran lamang ang inang nanggagalaiti sa galit at hawak sa buhok si Vivien.

"Ma!" Patakbo niyang tinungo ang ina at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nito sa buhok ni Vivien.

"Anong ginagawa ng babaeng ito rito Jayson?" Namumula sa galit na saad ng kanyang ina. Habang halos ayaw nitong bitawan ang pagkakasabunot sa buhok ni Vivien.

Si Vivien naman ay nakahawak lang sa buhok na nasabunutan. Parang mapupunit ang kanyang anit sa higpit ng hawak ng ina ni Jayson.

Nang makapasok siya, laking gulat niya nang madatnan ang ginang sa sala. Nakadekwatro ang mga paa at sumisipsip ng tsaa.

Hindi niya alam kung paano ito babatiin kaya tumikhim siya at lumapit dito.

"Magandang hapon po," mas lumapit pa siya. Kinabahan siya dahil sa hindi magandang hilatsa ng mukha nito noong makita siya.

Napalunok siya sa titig nitong tila nanunuri. Nanunuot sa kanyang balat ang matalim nitong titig sa kanya. Para siyang sisilaban sa nag-aapoy nitong mata.

Laking gulat na lamang niya noong isaboy sa kanya ang iniinom na tsaa. Hindi siya nakahuma kahit mainit iyon sa kanyang balat. Hindi siya makagalaw sa galit na nakikita niya sa mata ng ginang.

Ibang-iba ito sa ginang na nakilala niya noong bata siya. Ang maamong mukha nito noon ay puno na ng galit ngayon.

Nang bigla na lamang siyang sugurin nito at sabunutan sa buhok.

"Ma, tama na!" Sigaw iyon ni Jayson. Hindi niya inalintana kanina ang sakit ng pagkakasabunot sa kanya pero ngayon ay pilit na rin siyang kumakawala sa kamay ng ginang.

Naging matagumpay sila ni Jayson para mabitawan siya ni Mrs. Perez.

Yakap-yakap ni Jayosn ang ina. Lumuluhang nakatingin siya sa mga ito. Jayson's eyes is with her too. Pero wala siyang mabasang emosyon dito.

"Bakit nandito iyang walang hiyang babaeng iyan,Jayson?" Sigaw ng ginang. Pilit inaabot si Vivien.

Hindi sumagot si Jayson. Kaya naman napatingin sa kanya ang kanyang ina. May pagdududa. Hindi niya kayang tignan ng diretso sa mata ang ina. Itinulak siya nito pero hindi siya natinag. Bagkus ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa ina.

"Ma," tawag niya dito. May pagsusumamo ang tono.

"Pati ba naman ikaw, Jayson," mPait na saad nito. "Pati ikaw nakuha na ng babaeng iyan?" Histerical na sigaw ng kanyang ina. Nagpupumiglas at balak ulit sugurin ang nalilitong si Vivien. Nasa sulok ito at tahimik na umiiyak.

"Hindi siya si Laura mama," bulong niya sa kanyang ina. Lalo lamang nanlisik ang mga mata ng ginang.

"Siya yung anak ng walang hiyang babae ng papa mo!" Umiiyak na tumatawa na saad ni Mrs Perez. Parang baliw na bigla na lamang mapapahalakhak.

"Siya ba ang ginamit mo anak para makapaghiganti sa walang hiya niyang ina!" Parang isang sampal ang turan na iyon ng ginang kay Vivien. Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Jayson. Si Jayson na hindi alam kung paano pakakalmahin ang naghihisterical na ina. Lalo na ngayon na hindi na niya kontrolado ang pangyayari.

"Totoo ba?" Umiiyak at mahinang tanong ni Vivien sa kanya. "Jayson!" Sigaw na nitong tawag dahil hindi niya ito pinapansin. Mas nakapokus ang kanyang atensiyon sa ina.

"Pumanhik ka muna sa kwarto, Vivien," mariing utos ni Jayson. Kailangan niya munang unahin ang kanyang ina. Nagpatuloy pa rin kasi ang pagtawa at pag-iyak nito.

Napapailing na napaatras si Vivien. Hindi na nito kayang harapin ang dalawang Perez. Napatakbo siya sa kuwarto.

Si Jayson naman ay tinawagan si Doctor Villa para humingi ng tulong.

"Palayasin mo siya Jayson, kaladkarin natin siya paalis dito. Dinudumihan niya ang bahay na ito!"

Niyakap niya ng mahigpit ang ina. Pilit pinapakalma. Ang luha ay naglandas sa kanyang pisngi. Humagulgol siya kaya naman napatigil ang ina.

"Gusto mo ang babaeng iyon?" Akusa ng ina niya. May himig pagkadismaya pero mas nanaig ang galit sa boses nito. "Hindi maaari, Jayson. Hindi siya dapat! Hindi siya nararapat sa pagmamahal mo!" Nagsimula na naman itong sumigaw at umiyak.

Pilit umaalis sa pagkakayakap niya, kaya lalo niyang hinigpitan iyon.

"Ma..." tanging tawag lamang sa ina ang nagawa niya. Hindi niya na alam kung ano ang nararapat na gawin. Ayaw na niyang dagdagan ang sakit na nararamdaman ng nito.

"Bakit Jay? Bakit niyo nagawa sa akin ito? I trusted you, son!" sabi nito na patuloy ang pagpalo nito sa kanyang dibdib. Naramdaman niya ang panghihina nito kaya inakay niya ang ina para maupo sa sofa.

Lumuhod siya sa harap ng ina. Namumula ang mga mata niya.

"Ma, hindi ko alam kung kailan o paano. But, I started to care about her, I started to love her..." paliwanag niya. Ayaw na niyang magsinungaling pa dito. Nais na niyang ipagtapat ang katotohanang minahal na niya ang batang kinasusuklaman nito.

"How about me ha anak? How about the pain they cause us!" Mahinang saad nito pero may diin.

Umiling siya

"Walang kasalanan si Vivien, Ma, gaya natin, biktima rin siya ni Papa at ng Ina niya," Paliwanag niya na ayaw tanggapin ng ina. "Huwag na nating siyang idamay, please. If you want me to take revenge for what they cause us, I will, for you. Pero labas na dito si Vivien."

"Alam mo kung bakit damay siya Jayson!"

Napapikit siya at muling napailing. Her mother's mind is not stable simula noong lokohin ito ng kanyang ama. At ngayon, pati siya ay parang niloloko na rin ang ina.

Napalunok siya dahil hapong-hapo ang itsura ng ina. Wala nang buhay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya habang lumuluha.

She was still in pain kahit matagal na ang pangyayari. Naiintindihan niya ang galit nito. Kahit siya ay ganoon pa rin, hindi pa rin niya kayang magpatawad kahit sabihin pang tunay niyang ama ang lalaking nanakit sa kanila.

Kinaya nga niya itong bugbugin noong magtungo ito sa mansion at ipamukha sa kanya na kahit kailan, hindi ito makakalimutan ng ina.

"Hindi ko siya tatanggapin kung ipagpipilitan mo Jayson. Kalimutan mong may ina ka, kakalimutan kong anak kita!" Humahagulgol na saad nito bago tuluyang tumayo at umalis.

Hindi siya nakakilos. Para siyang itinulos sa kanyang pagkakaluhod.

(This is a crappy update. Sensiya na, mapapaganda ko pa siguro ito kapag magrevise na ako.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top