Kabanata 27

Tahimik sila ni Jayson habang nasa biyahe. Hindi na siya umimik dahil sa mood na pinapakita nito ngayon.

Pinagmasdan na lamang niya ang kadiliman ng gabi. Tahimik na at wala nang pakalat-kalat sa daan. Tanging ang ilaw mula sa mga lamp post ang tanging gabay nila maliban sa ilaw na naggagaling sa sasakyan. Napabuntong hininga siya.

"Kung sana ganito rin ang buhay ko tahimik!" usap niya sa sarili at napalingon kay Jayson. Ang hindi niya inaasahan, lumingon din ito sa gawi niya, kaya napabawi siya agad ng tingin dito. Ginagap nito ang kanyang mga kamay. Napatingin siya sa magkahugpong nilang kamay. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi tanda ng pamumula niya nang labis. Nakakasiguro siyang nagkukulay kamatis na ang kanyang mukha.

Bigla ang malakas na pagtahip ng kanyang puso. Mukhang magkakaroon siya ng sakit sa puso dahil kay Jayson.

Muli na lamang niyang itinuon ang tingin sa labas hanggang sa makarating sila sa bahay nito.

Dali-dali siyang bumaba sa kotse. Papasok na sana siya noong isang bulto ng tao ang nakapagpatigil sa kanya. Nasa labas ito ng gate kung saan kitang-kita niya.

Sumikdo ang puso niya dahil sa kaba. Nagtagpo ang titig nila ng taong iyon.
Siya namang paglapit ni Jayson at napalingon din sa gawi na tinitignan niya.

Maglakakad na sana siya para lapitan si Robert pero pinigilan siya ni Jayson sa braso. Napatitig siya sa kamay nito pagkatapos ay sa mga mata nitong naniningkit habang nakasulyap sa direksiyon ni Robert.

"Dont go!" ika nito na lalong nagpakaba sa kanyang dibdib. Umiling siya dito at kumakawala sa pagkakahawak nito.

"Kakausapin ko lang si Robert, Jayson."

Marahas siya nitong binitawan at hinarap.

"I said don't go," utos na parang paki usap nito.

Napalunok siya dahil sa kaba. May parte sa isip niya na gusto niya itong sundin, hindi nga lamang niya alam kung bakit ganoon ang pakiramdam niya.

Muli siyang lumingon sa gawi kanina ni Robert ngunit wala na ito. Kaya walang sabi-sabi ay napatakbo siya palabas ng gate.

Nakita niya ang likod ni Robert medyo malayo na ang nalakad nito palayo. Hindi niya nilingon si Jayson noong magpasya siyang habulin si Robert.

"Robert?!" tawag niyang medyo malakas. Napatigil naman ang lalaki pero hindi humarap sa kanya. Nanatili itong nakatalikod.

Unti-unti siyang lumapit. Namumuo ang mga luha sa mga mata na pinagmasdang mabuti ang lalaki mula sa likod nito. Hanggang sa nakaharap na niya ito.

Inaral ni Vivien ang kabuuan ngayon ni Robert. Medyo pumayat ito. Gulo ang medyo humaba nitong buhok. Tinubuan na ng balbas at parang hindi na nito naaayos ang sarili. Hindi niya mapigilang lumuha sa nakikita. Napabayaan ng husto ni Robert ang sarili.

Kaya walang kaabog-abog na niyakap niya ang lalaki. Hindi man lang ito tuminag sa kanyang ginawa. Kaya napabitaw siya ng yakap. Hinanap niya ang mga mata nito at tumitig doon.

Malungkot na tumitig ito sa kanyang mga mata. Ngumiti ito sa kanya at inabot ang kanyang mukha para punasan ang luhang patuloy na naglandas sa kanyang pisngi.

"Bumalik ka na doon," mahinang utos nito. Habang haplos pa rin nito ang kanyang mukha.

"Bakit ka narito?"

"Gusto lang kitang makita. Masilayan kung kamusta ka na ba kasama siya," gumaralgal ang boses ni Robert. Ipinikit niya ang mga mata para sa pinipigilan ding luha. Pero pagmulat niya, noong nakita ang patuloy na pagluha ng babaeng minamahal. Noong masilayan niya ang mga mata nitong nalulungkot para sa kanilang dalawa. Hindi na niya mapigilan ang bugso ng damdamin. Niyakap niya si Vivien at hinayaang bumagsak ang luhang noon pa niya kinikimkim.

"I miss you,Viv. Namimiss na kita sa tabi ko. Namimiss ko na ang tawa mo, ang pag alala mo sa akin. Namimiss kita ng sobra, at ang presensiya mo sa buhay ko," palahaw niya habang isiniksik ang mukha sa buhok nito malapit sa leeg.

Yumakap pabalik si Vivien na humihikbi na rin. Hinahagod ang likod niya mula sa pagkakayakap nito.

Hinayaan nilang humupa ng kusa ang nga damdamin nila. Nanatili silang magkayakap at ibinuhos sa iyak lahat ng sakit ng mga pangyayari sa kanila.

Ngayon ay nakaupo na sila sa gilid ng kalsada. Habang parehong walang maapuhap na sasabihin. Tahimik sila sa katahimikan din ng gabi.

"Kamusta ka na?" basag ni Vivien sa katahimikan iyon. Nakatanaw siya sa madilim na daan.

"Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong okay ako Viv. Alam kong hindi na babalik sa dati ang lahat. Pero heto, umaasa pa rin ako."
Napalingon si Vivien sa lalaking nakatungo at isa-isang pumupulot ng bato sa paligid.

Pareho silang mugto ang mga mata kaya siguro hindi nito magawang tumingin sa kanya.

Bumuntong hininga siya at mapait na napangiti sa sarili.

"Kamusta kayo ni Elaine?"

Ito naman ang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Pagkatapos ay inihilig nito ang ulo sa balikat niya.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. She's persistent, gusto niyang pasukin ang mundo ko. Mundong binuo ko para sa ating dalawa."

Napasinghap si Vivien sa turan na iyon ni Robert. As if pwede? Alam ng lalaki na kailan man ay hindi niya kayang tuparin at buuin na muli ang mundong iyon.

Natahimik na naman silang pareho.

Hinaplos ni Vivien ang buhok ni Robert.

"Hindi kita kayang pakawalan Viv. Iniisip ko palang parang ikamamatay ko na. Ngayon pa lang hindi ko na kaya. Parang may kulang sa sarili ko, simula noong hiniwalayan mo ako. Alam mo kung gaano kita minahal, hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita, bumalik na lang tayo sa dati. Kung gusto mo, umalis tayo dito. Magpakalayo-layo tayo," lumuluhang saad na muli ni Robert habang nakahilig pa rin sa balikat ni Vivien.

Si Vivien naman ay pilit na nagpakatatag. Pinigilan at hindi na muling nagpakawala ng luha. Kahit pa nga may bikig sa kanyang lalamunan.

"Mahal kita Robert, minahal kita. Pero may mga bagay na kailangan nating ayusin para tuluyan tayong lumigaya. Hindi tayo magiging masaya pareho kung may mga tao tayong patuloy na nasasaktan. Please, ayusin mo ang sarili mo. May magandang kinabukasang naghihintay sa iyo. You just need to explore, hanapin ito. Huwag mong paikutin ang buhay mo sa akin."

Umalis ito sa pagkakahilig sa balikat niya. Hinarap niya ang napakunot noong si Robert na nakatitig na ngayon sa mata niya.

"Let's move on, Robert."

Hinawakan siya nito sa balikat at dismayado ang mukha.

"Move on? Ganoon ba kadali sa iyo ang mag move on? Bakit? Dahil ba kay Jayson? Anong ginawa o sinabi niya?" Mariin nito tanong.

Napailing siya sa mga naiisip nito. Hindi naman iyon madali sa kanya. Pero iyon ang pinipili niyang daan para makalimot sa sakit at unti-unting maging masaya. Ayaw niyang makulong sa nakaraan nila. Magbibigay lamang lalo ng kalungkutan sa puso niya.

Narealize niya lahat ng iyon noong umiyak siya sa dibdib ni Jayson. Kailangan niyang pakawalan ang nararamdaman niya. Para sa nga taong nakapaligid sa kanila.

Hindi rin niya maipagkakailang dahilan din si Jayson kung bakit siya nakapagdesisyon ng ganoon.

Kanina noong nakiki-usap at pinipigilan siyang umalis para kay Robert. Muntik na niyang sinunod ito. Hindi niya alam kung bakit?

Basta ang alam niya, gusto niyang manatili sa tabi ni Jayson. Ayaw niyang isiping awa ang dahilan. Niloloko niya lang ang sarili niya kung ganoon. Hindi niya pa kayang pangalanan ang kanyang damdamin pero nais niyang manatili sa tabi ng lalaki. Hanggang sa kaya niyang manatili dito.

Banayad niyang hinaplos ang tense na mukha ni Robert. Lumambot ang ekpresyon nito sa ginawa niya.

"Let's give our selves space, and move on Robert. Siguro pagdating ng araw, kung tayo, we will meet on the same road again and start anew."

Hinawakan nito ang kamay niyang humahaplos sa mukha nito.

Hinalikan iyon habang nababasa ng sariling luha ng lalaki. Hanggang sa hilahin siya nito at halikan sa labi.

Hindi siya tumugon pero hinayaan niya itong gawin iyon. Ang hindi nila alam na dalawa, may dalawang pares ng mata ang nakamasid sa kanila. Parehong nasasaktan sa eksenang nasasaksihan.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top