Kabanata 2
Alas otso na ng gabi. Wala na masyadong tao sa kalsada. Ganoon sa probinsiya, alas siyete pa lang ng gabi, kung hindi tulog ay nasa loob na lang ng bahay ang mga tao.
Hapong-hapo mula sa kakatakbo ang labing-siyam na taong gulang na si Vivien. Hindi alam kung saan tutungo. Basta tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada na naiilawan lamang ng iilang poste ng ilaw. Ang malamig na hangin ng gabi ay dumadampi sa kanyang balat habang paika-ikang dahan-dahang tumigil sa pagtakbo.
Magulo ang buhok at punit ang damit, ni walang tsinelas na suot. Napaupo si Vivien sa gilid ng kalsada para makapagpahinga.
Mangiyak-ngiyak na hinaplos niya ang masakit na talampakan.
Ngayon niya naramdaman ang hapdi ng sugat na naroon. Hindi niya inalintana ang sakit kanina basta makatakas lang.
May mga pasa rin siya sa katawan at mukha. Muli siyang lumingon sa pinanggalingan. Nakahinga siya ng maluwag nang wala na ang humahabol sa kanya. Napahagulgol siya nang mapagtantong ligtas na siya. Kahit saglit lang ay ligtas na siya.
Patuloy ang kanyang pag-iyak nang biglang umiyak din ang madilim na langit. Malakas ang buhos ng ulan at tila dinadamayan siya sa kanyang kalagayan.
Kahit nanginginig at masakit ang katawan ay nagpatuloy siyang maglakad. Dinadama ang bawat patak ng ulan sa kanyang balat. Tila nababawasan ang sakit at hapdi dahil sa ulan. At dahil nararamdaman niyang may karamay siya sa pag-iyak.
"What the hell woman? Ano 'ng ginagawa mo sa sarili mo at nagpakaulan ka?" Isang galit na tinig ang nagpalingon sa kanya sa gawing kanan niya.
Isang puting sasakyan ang tumigil sa kanyang gilid. Nakita niya mula sa bukas na bintana ng kotse ang lalaking kinamumuhian niya.
Mataman siyang pinagmamasdan. His dark eyes is as dark as the night. Salubong ang mga kilay nito at nakapinid ang mga labi. Bagay na madalas na niyang makita na itsura nito.
Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Mas gugustuhin niyang iwasan ito kesa pag-ukulan ng kanyang panahon.
Ngunit sinundan siya ng lalaki.
"Nagpapakamatay ka ba? Huwag dito, sana sa bundok na lang!" panunuya pa nito sa kanya. Hindi kababanaagan ang mukha ng anumang simpatya nang muli niya itong lingunin. Nagngitngit siya sa galit at muli hindi niya pinansin ang lalaki o pinakinggan man lamang.
Kung pwede nga lang niya sana gawin iyon, noon pa sana.
She's tired of everything about her life. The hardship and struggles. Parang walang patutunguhan gaano man siya magsumikap na bumuti ang lagay ng buhay niya. Kung puwede lang sana niyang kitilin na ang sariling buhay sana noon pa ay wala na siya sa mundong ibabaw.
Pero natatakot siya...
Natatakot siya sa Diyos dahil mali ang pagpapakamatay para takasan ang buhay na meron siya, mali ang pagkitil sa buhay niya dahil hirap na hirap na siya. Isa pa hiram lang ang buhay na meron siya kaya hindi niya magawang patayin ang sarili.
Nineteen years of her existence, lumaban siya. Inilaban niya ang kanyang buhay. Pero kung ngayon, mamamatay siya sa ganoong paraan. Ang mawala sa mundong ibabaw dahil sa paghihirap na meron siya ngayon ay mas nanaisin niya iyon kaysa ang kitilin niya ang kanyang buhay.
Nanginginig man ay binilisan niyang maglakad para umiwas sa lalaking kinasusuklaman niya. Sa lalaking walang dinala sa buhay niya kundi pasakit.
Sigurado siyang maligaya ito sa nakikita ngayon. Natutuwa sa kanyang itsura. Sa kanyang sitwasyon. Wala naman itong ginawa kundi ang pahirapan siya at ipahiya. Ngayon sigurado siyang nagagalak ang kalooban nito na makita siya sa ganoong sitwasyon.
Dahil sa lamig, takot at ngayon ay galit na nararamdaman ay bigla siyang nakaramdam ng hilo.
"Lord please, huwag sa harap ng demonyong ito please..." taimtim niyang panalangin.
"Saan ka pupunta, Vivien?" Patuloy ang pagsunod sa kanya ni Jayson.
Tumigil siya at pumikit saglit para maibsan ang hilong nararamdaman. At para na rin sana pakalmahin ang sarili sa galit na gustong umalpas sa kanyang sarili. Pero napupuno na siya at napigtas na ang pasensiyang meron siya. Kahit anong timpi ang gawin niya para rito ay hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili.
"Sa impiyerno." Hinarap niya ito. Hindi na niya nagawang pigilan ang sariling singhalan ang lalaki. Matalim ang titig na ipinukol niya kay Jayson. "Bakit gusto mo bang sumama? Tutal doon ka naman talaga nababagay!" Muling singhal niya dito bago ulit nagpatuloy sa paglalakad. Nakakita siya ng isang waiting shed. Iyon ang tinumbok niya at mabilis na muling naglakad.
Napakuyom naman ng kamao si Jayson. Pauwi na siya galing bayan nang malagpasan niya ang babae sa gilid ng kalsada. Wala siyang balak huminto dahil wala naman siyang pakialam dito.
Wala nga ba siyang pakialam?
Bakit noong pumatak ang malakas na ulan ay dali-dali siyang bumalik.
Para lang masaksihan ang kalagayan nitong basang-basa at walang suot na tsinelas. Parang wala sa sariling tinatalunton ang malakas na bugso ng ulan.
Patuloy niya itong sinundan hanggang makarating ito sa waiting shed.
Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng waiting shed at lumabas. Hindi niya inalintana ang pabugso-bugsong buhos ng ulan at ang papalakas na hangin dala ng bagyo.
Inabutan niya ang dalagang nanginginig habang nakaupo at yakap-yakap ang sarili sa gilid ng waiting shed. Mapanghi ang amoy doon at marumi ang paligid.
"Umalis ka na. Hindi ka pa ba nakukuntentong makita ako na ganito? Hindi pa ba ito sapat sa 'yo?" matapang na singhal nito sa kanya. Nagtiim bagang si Jayson at napailing.
Inalis ni Jayson ang kanyang jacket at inilagay sa likod ng dalagang nanginginig. Nakaupo ito at nakayuko na yakap ang mga tuhod. Bumaba siya para pantayan ito.
"Hindi naman ako ganoon kasama Vivien. I maybe ruthless at bully pagdating sa iyo. But I'm not that evil na matutuwa sa kalagayan mo. I'm sorry for what I've said earlier," mahinahong paghingi niya ng paumanhin sa dalaga. Tumayo siya at nanatili sa harap nito. Mabigat ang kanyang pakiramdam habang pinagmamasdan si Vivien.
"Umalis ka na. Hindi ko kailangan ang simpatya mo!" matapang na saad nito sa kanya. Inalis ang jacket na nakalagay sa likod at ibinato itong muli sa kanya.
Nagulat si Jayson, hindi dahil sa ginawa nitong pagbato kundi sa itsura nito noong masilayan niya ng buo ang mukha ng dalaga.
May malaking pasa ito sa gilid ng labi. Naglakbay ang mata niya sa kabuuan nang ngayon ay nakatayo ng dalaga sa harap niya.
Punit ang harap ng damit nito. May mga naaaninag siyang pasa at gasgas sa mga kamay nito.
Galit at pag-aalala sa isang iglap ay hawak na niya sa kamay ang dalaga. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagngiwi nito. Marahil dahil sa sakit.
"Who did this to you?" madiin niyang tanong habang nangngitngit. Galit ang mababanaag sa kanyang mga mata. Iyong matang makakapatay talaga ng tao.
Hindi naman maintindihan ni Vivien. Nagdedeliryo ba siya? Nakikita niya ba talaga sa mga mata ng lalaking walang dinala sa buhay niya kundi sakit ang pag-aalala. At the same time galit pero hindi para sa kanya.
"Wala kang pakialam. Hindi mo na kailangang malaman!" Iwinaksi niya ang kamay na nakahawak sa kanya. Tangkang layasan muli ang lalaki.
Ngunit isang bakal na kamay ang muling pumigil sa kanya.
"Stay here damn it!"galit na sigaw ni Jayson sa kanya. Parang apoy na nag-aalab ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nakakapaso kaya umiwas siya.
Muling hinila ni Vivien ang kamay mula rito. Pero tila bakal ang mga kamay nito na mahigpit siyang hawak.
"Come with me dadalhin kita sa hospital," sa mababang tono ay pakiusap ni Jayson sa babaeng nagpipilit umalis.
"Kaya ko ang sarili ko, bitiwan mo ako!" pagpupumiglas ni Vivien . Pilit kumakawala sa pagkakahawak ni Jayson.
"Kaya? Puno ka ng sugat at pasa, inaapoy ka pa ng lagnat, kaya? You really want to go to hell? Hell'ya...susundan kita!" Malalalim ang hiningang pinapakawalan ni Jayson.dahil na rin sa pinipigilang galit. Kahit kailan matigas ang ulo ni Vivien. Ayaw nagpapatalo.
Mababanaag tuloy ang pagkatuliro sa mga mata ni Vivien. Lalo na sa nakikita niyang reaksyon ng lalaki.
Inaapoy ng lagnat?
Kaya ba pakiramdam niya ang init- init kahit naman basang-basa siya sa ulan? Kaya ba nakakaramdam siya ng hilo kanina pa?
At bakit ba nandito ang lalaking ito sa harap niya? Bakit pinipilit siyang sumama sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang anumang tulong mo. Sa lahat ng tao, sa iyo ko ayaw magka-utang na loob. Kaya please, hayaan mo na ako!" Giit niya rito. Inipon niya ang buong lakas at malakas na hinila ang sariling kamay.
"Ang tigas ng ulo mo!" Sigaw naman ni Jayson sa babaeng muling tinalunton ang malakas na ulan.
"Shit! Shit shit!" Sigaw niya habang sinisipa ang kongkretong upuan.
"Bahala ka sa buhay mo!" muli niyang sigaw dito at sumakay na sa kanyang kotse.
Pero hindi naman niya magawang paandarin ito. Tinitignan mula sa side mirror ang dalagang mabagal na naglalakad.
Hindi lumilingon si Vivien. Naririnig niya ang mga sigaw na iyon ni Jayson pero pinili niyang huwag na muling lingunin ito.
Mas tumindi pa ang panlalamig na nararamdaman niya dahil na rin sa muli niyang pagkabasa. Idagdag pa ang tumitinding kirot ng ulo niya.
Itiningala niya ang ulo, madilim na ang gabi. Walang bituin o buwan.
Malungkot ang langit...
Muli siyang humakbang nang biglang umikot at nagdilim ang buo niyang paligid. Bago man siya panawan ng ulirat, isang mabining ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Makakapagpahinga na siya sa wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top