Kabanata 18
Umiiyak ang isang babaeng medyo may katandaan na. Nasa kwarenta'y sais na ito ngayon. Kasama ang isang anim na pong taong gulang na lalaki.
"Namimiss ko na ang anak ko, gustong gusto ko na siyang makasama." Palahaw nito, mugto ang mga mata dahil sa walang tigil na kadramahan.
Inalo naman siya ng matandang lalaki. Noong muli niyang makasama ang babae, isang mapagmahal na ina ang tingin niya dito. Lahat ng sakripisyong ginagawa nito ay para sa anak. Naaawa siya sa bawat banggit nito sa kalagayan ng anak. Hanggang ang awa ay muling nag-iba, he became caring, at mapagbigay. Tila bumalik ang lahat ng nararamdaman niya. Lahat ng pangangailangan nito at ng anak ay lihim niyang ibinigay sa babae.
"Hush now baby, makakasama mo rin siya. Gagawin natin ang lahat para makasama siya." Pangakong binitawan niya. Pangakong hindi niya alam kung kaya pa ba niyang tuparin. Wala na siyang pera, ubos na nilang dalawa. Isa lang ang naiisip niyang paraan. Babalik siya, babalikan niya ang babaeng patay na patay sa kanya.
Magana silang kumain ng hapunan ni Vivien. Napakasarap magluto ng dalaga, maliban sa paksiw na isda, nagluto rin ito ng pakbet na purong-purong saluyot.
Halos hindi sila nagsasalita at nakatuon lang ang pansin sa pagkain.
Kaya noong masulyapan nila ang isat isa ay sabay silang napatawa. Kahit pa nga puno pa ng kanin ang bibig nila.
Napapailing na lamang siya at nagpipigil ulit matawa. Nang biglang bumunghalit ng tawa si Vivien. Nabuga pa nito ang kanin sa bunganga.
"I'm sorry, sorry talaga!" Namumula na si Vivien sa pagpipigil na matawa. Pinulot ang kanin na naibuga.
"Ano ba kasi ang nakakatawa?" kunot noong tanong niya sa babae, pero may multo ng ngiti sa mga labi.
"Para kasing hindi tayo kumain ng ilang araw, natawa lang ako dahil tutok tayong pareho."
Tumagilid ang ulo niya at matamang nakatitig na naman kay Vivien.
"Hindi ako kumain ng tanghalian kaya gutom talaga ako. Bakit ikaw, hindi kumain?"
Napataas ng dalawang kamay si Vivien.
"Pinameryenda kami ni Aling Mering. Iyon lang hindi ako nakakain ng maayos dahil sa dami ng mamimili."
Tinaasan niya ng kilay si Vivien pero may panunudyo ang ngiti sa labi.
"Or maybe, masarap akong kasama kumain," pangbubuska niya sa babae.
"Maybe!"
Hindi nakaimik si Jayson sa turan ng babae. Inaasahan niya kasi ang hindi pagsang ayon nito.
Napanguso siya. Nahalata naman ni Vivien ang pag bago ng ekspresyon ni Jayson. Hindi na nita sinalungat si Jayson noong sabihin nitong enjoy siyang kasama ito kumain. Totoo naman kasi iyon. Halos sa tanang buhay niya, lagi ay mag isa siyang dumadalo sa hapag. Kaya nga kahit kakaunti pa lang ang nakakain niya, pakiramdam niya, busog na busog na siya.
Ngunit kakaiba ang presensiya ni Jayson. Magana siya kumain. Magaan ang kanyang loob.
"Mukhang tataba ako kapag mananatili ako sa poder mo, masarap kang kasalo sa pagkain e,"
Napaubo si Jayson. Kasalukuyan pa naman siyang umiinom ng tubig kaya nasamid siya dito. Bumunghalit ulit ng tawa si Vivien. Paano ba naman kasi, lumabas ang tubig sa ilong ni Jayson dahil sa pagkakasamid.
Tumatawa pa rin si Vivien habang inaabutan siya nito ng pamunas.
"Salamat," wika niya sa babaeng tipid na napangiti na sa kanya.
Tumayo na siya at inayos ang pinagkainan nila. Sumunod naman si Vivien pero pinigilan niya ito nang akmang maghuhugas na ng pinggan.
"Ako na rito. Magpahinga ka na lang." Pagtataboy niya sa babae.
Hindi naman na nagpumilit si Vivien. Minabuti na lamang niyang pumanhik na at makaligo.
Pagkarating sa kwartong inuokupa ay napangiti siya. Napalitan na ang wasak na pinto. Nadismaya lang siya dahil parang hindi matibay ang pintong iyon. Gawa sa plywood na mumurahin pa yata.
Napapailing niyang pinihit ang saraduhan.
Mas okay naman na siguro ang ganito kaysa sira...
Pumasok siya at nilock ang pinto. Minabuti niyang magrelax at magtagal sa paliligo.
Napapakanta siya habang naliligo. Sa buong buhay niya ito ang araw na pinakamasaya siya. Araw na papahalagahan niya ng husto.
"Sana laging ganito." Piping saad niya sa sarili.
Kararating lamang ni Robert sa bahay. Bumungad agad sa kanya ang nakabusangot na si Elaine.
"Saan ka galing? Pinuntahan mo na naman ang babaeng iyon?" Galit na bungad nito sa kanya.
Nilagpasan lamang niya ito at nagtungo sa kusina. Kumuha ng baso at malamig na tubig sa refrigerator.
"For God's sake Robert, magkaka-anak na tayo, hanggang ngayon iyong Vivien pa rin na iyon ang pinapahalagahan mo!" Sumbat ni Elaine nang makasunod ito sa kanya. Matalim ang tingin na ipinukol niya dito pagkabanggit sa pangalan ni Vivien.
Nanindig ang balahibo ni Elaine sa nakikitang galit sa mga mata ni Robert. Pero hanggang kailan siya magtitiis sa pakikitungo ng lalaki sa kanya. Para siyang hangin kung ituring nito. Parang hindi siya nag e-exist sa buhay ng lalaki. Masakit sa kanya iyon. Oo at aminado siyang mali ang paraan kung bakit napasa kanya si Robert. Pero pakiramdam niya sobra na ang pagpaparusa nito sa kanya. Nasasaktan na siya ng labis.
"Bakit mo ako ginaganito Robert? Do I deserve this? Ang ituring mo akong walang kwenta sa buhay mo? Ginagawa ko naman ang lahat para mahalin mo. Ano pa bang kulang? Ano ba ang kailangan kong gawin para mapantayan si Vivien sa puso mo!" Nanghihinang saad niya habang parang kandilang nauupos na napaupo.
"Kahit kailan walang makakapantay o makahihigit kay Vivien, Elaine. Malinaw sa ating dalawa kung anong sitwasyon natin. Kung pagod ka na, pwedeng kang umalis. Hindi kita kailangan para manatili sa buhay ko."
Tila sinaksak ng ilang beses ang puso ni Elaine. Si Elaine na anak ng ex Mayor ng San Agustin. Isang socialite, maganda at kaakit akit. Hindi lang dahil anak mayaman kundi talagang may angking alindog na sinuman ay nahuhumaling. Iisang tao nga lamang ang patuloy na iniignora ang presensiya niya. Iisang tao lamang ang nagpaparamdam na hindi siya mahalaga. Na kahit may buhay na sa kanyang sinapupunan, patuloy pa rin siyang sinasaktan, emotionally.
"Sasaya ka ba kapag nawala ako, kami ng anak mo, Robert? Mas nanaisin mo bang mag-isa sa buhay? Mas pinipili mo ang babaeng iyon kaysa bigyan ng masayang pamilya ang magiging anak natin?" Himihikbing saad niya. Halos wala ng makita dahil sa malakas na pagpatak ng luha. Hindi niya kayang tanggapin na nababalewala siya ng isang lalaki. Tanging si Robert lang ang lalaking gumawa sa kanya ng ganoon. Mula noon hanggang sa ngayon.
"Pinili mo ito Elaine, ikaw ang may gusto na ganito tayo. Kung sana hindi mo ipinagpilitan ang sarili mo sana pareho tayong masaya," matigas na saad ni Robert sa babaeng nakasalampak na sa sahig. Kahit gustuhin niyang maawa rito, mas matimbang ang galit kaysa awa. "Gaya ng sabi ko, kung pagod ka na, malaya kang umalis dito."
Naglakad paalis si Robert sa kusina. Hindi man lang nakuhang lingunin ang babaeng patuloy na umiiyak. Nanlumo si Elaine dahil kahit anong gawin niya,hindi siya kayang mahalin ni Robert. At isinisisi niya ito sa iisang babae. Si Vivien! Ito ang sagabal para mahalin siya ni Robert.
Biglang nakaramdam ng kaunting sakit sa tiyan si Elaine. Lalo lamang siyang napahagulgol sa kaba para sa anak na hindi pa naisisilang. At nakadama ng matinding poot sa babaeng dahilan ng pagdurusa niya.
"Kapit ka lang anak. Kapit lang tayong dalawa. Kahit pagod na akong masaktan, lalaban tayo. Ilalaban kita at ang karapatan mo," hinaplos niya ang tiyan. Tila naintindihan naman ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan ang kanyang sitwasyon, nawala ang sakit ng kanyang tiyan. Naging kalmante ito.
Tumayo si Elaine. Nagpunas ng luha sa mga mata.
I need to do something. For my baby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top