Kabanata 13

Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.
Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis.

"Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"

Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong.

"Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"

Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya.

"Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"

Napatiim bagang siya.

"Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririnig mula sa kanya.

"P're naman, hindi naman tayo suwail sa batas. Ano bang problema mo sa tao?" Napapakamot na sa batok ang pulis. Hindi alam ang gagawin, lalo na kaya kung ipagpilitan ni Jayson ang gustong mangyari.
Jayson's jaw clenched. He looks so angry. Natakot ang kaibigan niyang pulis.

Kilala ang pamilya ni Jayson. Sa kanila ang pinakamalaking hospital sa bayan. Kanila ang clinic sa kanilang barangay na pinamamahalaan pareho ni Dr.Villa. May iba't ibang negosyo rin ang pamilya nito roon. Isang napakagaling na negosyante ang ina ni Jayson at isang arkitekto ang ama nito. Kilala ang mag-asawa sa buong bayan, kaya hindi lingid sa mga ito ang nangyaring gulo noon. They are just forbidden to talk about it, bilang respeto sa pamilya Perez na malaki ang naitulong sa naturang lugar.

"Never mind, tiyakin mo lang na mamanmanan ninyo ito. He might do something bad. At ayaw kong lumapit siya sa anak niya, baka ako ang makapatay sa kanya," mariing saad ni Jayson na nagpalunok sa laway ng kaibigan. He knew Jayson, makailang beses na itong nadamay sa malaking gulo. Kung hindi ito ang halos mamatay, ito naman ang makakapatay. Walang sinasanto ang kaibigan. Maging si Kamatayan. Kaya nitong makipaglaro sa apoy. Matalino si Jayson, lalo na pagdating sa taong umaagrabyado sa kanila. Kung siya ang kinalaban ,hindi mo mapapansin, naglalakad ka na pa lang may saksak sa likod.
Nakaramdam tuloy ng awa ang pulis sa matandang lalaki. Mukhang pinag-iinitan ito ni Jayson. Ayaw na rin naman niyang alamin ang dahilan, baka siya naman ang mapahamak sa kamay nito.

"Aalis na ako, tawagan mo na lang muli ako kung may pagbabago at kung mabubulok na ito sa kulungan." Paalam nito at akma na sanang aalis noong may naalala. "How about...?"

Naintindihan agad iyon ni SPO2 Matias.

"Balita ko nasa kabilang bayan na sila. Sa San Mateo." Apat na taon nang may pinasusubaybayan si Jayson sa kanya.

Nagdilim ang mukha ni Jayson.

"Good!" Puno ng galit na saad nito at agad na umalis. Napailing na lamang si SPO2 Matias habang pinapanood si Jayson. "You need to move on Jayson. Para maging masaya ka. Hatred will just kill you." Sa isip niya habang pabuga ng hangin. Wala siyang ibang hinahangad kundi ang kasiyahan at kalayaan nito sa nakaraan. Oo nga't mahirap kaaway si Jayson, pero napakabuti nitong kaibigan.

Hindi agad umuwi si Jayson. Tumigil siya sa parke at nagpalamig ng ulo. Ayaw niyang umuwi na mainit at may galit sa dibdib. Baka kung ano ang magawa niya at masabi sa babaeng kasama.

Nakaupo siya sa motor niyang nakapark at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro ng baseball nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot noong makita kung sino ang tumatawag.

"Ma?" Pilit niyang pinasaya ang boses. Hindi kailangan malaman ng kanyang ina na may bumabagabag sa kanya. Hindi ito makakatulong sa kanyang kalagayan.

"How are you, iho? Namimiss ka na ni Mama." Mapait na napangiti si Jayson sa turan ng ina.

"I miss you too ma. I really miss you." gumaralgal ang boses niya. Naalala ang kalagayan ng inang nasa Maynila. Gusto sana niya itong samahan pero importante din ang mga negosyo nila. Ayaw din ng ina niyang mapabayaan ang mga iyon. Kung sana nandoon ang kanyang ama. Sana hindi nagkanda letse-letse ang buhay nila.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone noong maalala ang kanyang ama.

"I want to see you iho." Nadurog ang puso niya noong magsimula nang humikbi ang ina sa kabilang linya.

"Ma, magpagaling ka, magkikita tayo at magsasama na muli. Don't worry, I will visit you one of this days." Pangako niya habang nagpapahid ng luha sa mga mata. Napatingala siya sa langit para pigilan ang luhang nais pang kumawala.

"Everything will be alright ma."

Narinig niya ang buntong hininga ng ina sa kabilang linya at ang papahinang hikbi.

"Ang batang iyon, siya ang may kasalanan ng lahat!" Nang biglang maghisterical ang kanyang ina sa kabilang linya, nagsisisigaw ito. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone lalo na noong marinig ang ibang mga boses sa kabilang linya. Unti-unti na ring nawawala ang boses nito sa telepono. Kinabahan siya.

"Ma?" Alumpihit niyang tinatawag ito. Napamura siya noong wala na talagang sumasagot, ayaw niya lang patayin ang tawag dahil baka may sumagot pa. Hindi naman siya nagkamali, pagkaraan ng limang minuto, may kumausap na sa kanya mula sa kabilang linya.

"Hello po," boses babae iyon.

"What happen to my mom?" Hindi maaalis sa tinig niya ang pag-alala, na may kalakip na galit. Galit na hindi niya alam kung para kanino.

"Sir, pinatulog po namin si Ma'am. Nagwawala po kasi. Tawagan niyo na lang po sa ibang araw."

Bumuntong hininga siya. Muling napakuyom ang kamao niya. Akala niya bumubuti na ang lagay ng ina. That she's moving on already. Noong huling bisita niya rito ay maayos naman itong kausap. Maayos din ang lagay at maaliwalas ang mukha.

Napapaisip siya kung nararamdaman kaya ng ina niya ang ginagawa niya ngayon? Nararamdaman kaya nito ang pakikipaglapit niya kay Vivien. Nararamdaman ba nito ang labis niyang pag aalala sa babae. Kung gayon, dapat na ba siyang umiwas?

"Sir?" Nabasag ang malalim niyang pag iisip sa tawag na iyon.

"Alright, I will call again next time. Thank you." Pinatay niya ang cellphone, at tila nanghihinang napakapit sa upuan ng motor. Nagpupuyos ang kanyang kalooban.

Sa galit na gustong ilabas, pinagsisipa niya ang gulong ng motor. Pinagsusuntok ang upuan. Hindi pa siya nakuntento, binuwal niya ito at nagsisigaw. Natakot tuloy ang mga batang kanina lang ay masayang naglalaro. Nagsitakbuhan ang mga ito palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top