Kabanata 11

Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya.

"Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue.

"Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.

Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.

"Bakit ba parang hindi ka mapakali diyan? Inuuod ba ang puwet mo sa upuan dahil bawal kang sumayaw? Sorry, pero mamaya ka na umuwi," Inis na singhal sa kanya ni Carol. Si Carol na mabait naman pero may pagkasuplada.

Umirap pa ito tsaka inayos ang sarili sa pagkakaupo.

Bumuntong hininga na lamang siya at itinutok din ang mga mata sa stage kung saan tumayo na ang presentator. Ang kanilang Student President.

Guwapo sana ito sa suot na itim na americana. Kaya lang ay may pitik ito sa daliri. At may landi noong nagsalita.

"Ladies and Gents, are you ready!" Sigaw nito na ikinabuhay ng mga estudyanteng kasali sa prom. Maging ang mga katabi niya ay naghiyawan at nagpalakpakan.

Maliban siguro sa kanya.

Paano ba naman,nakikita niya si Jayson na nakatingin sa kanya mula sa gilid ng kanyang mga mata.

"Excited na ba kayo?" Muling sigaw ni Jejomar.

"Yes!" sigaw pabalik ng mga estudyante.

Biglang nagkaroon ng tunog na drums para sa suspense habang binubuksan nito ang isang sobre.

Tumili ito pagkabukas ng sobre para sa Prom King.

"Hawak ko na" kinikilig na sambit nito." And it's a landslide vote." Deklarasyon nito.

"Our Prom King is..." tumingin muna si Jejomar sa buong paligid.

"Jayson Perez!"

Naghiyawan at pumalakpak ang nga naroon.

Kinantiyawan ng barkada niya si Jayson. Ang babaeng nakakapit sa braso niya ay humalik sa pisngi niya at bumati.

Hindi masaya si Jayson. Nakakabagot sa kanya ang ganoon.

Last year siya na naman ang nanalo. Pero hindi niya ito sinipot, umalis siya at hinayaang naghihintay ang lahat sa kanya.

"Pare iba ang karisma mo ah" ani ni Norel. Tinapik siya nito sa balikat.

"Langya, wala na naman kami panama sa iyo." Iiling - idling na saad naman ni Chester na itinulak pa si Jayson.

Nagtagis bagang siya noong tawagin muli ang pangalan niya at tinatawag na siya sa stage.

Kanina pa sana siya umuwi, may pumipigil lang sa kanya.

Tamad niyang tinahak ang daan papunta sa stage.

Nagpalakpakan ang lahat. Huminto muna siya sa tabi ni Vivien. Si Vivien na nakatungo lamang at hindi nakikisaya.

Bigla siyang napangisi.

Nagtuloy siya sa stage kung saan naroon ang upuan para sa Prom king. Naghihintay din doon ang dalawang guro para isabit ang sash at ilagay ang korona.

Para kay Jayson, napakakorni ng bagay na ganoon. Kung hindi lang dahil sa grades na kailangan niyang ipasa hindi na talaga siya sasali.

May points kasi ang mga aatend. Kailangan niya iyon para grumaduate.

Naisip niyang buti na rin at umattend siya, kung hindi....

"Ready na rin ba kayo para sa ating Prom Queen!" Sigaw na muli ni Jejomar.

Konti lang ang nag-ingay. Mga bulung bulungan lang ang maririnig. Pawang mga nag-aasume kung sino ang panalo.

Muling kinalabit ni Vivien si Carol para magtanong ng oras.

Inis na binigay na lamang nito ang cellphone.

Pinindot niya ang screen. Eight forty-five ang naroon. May labinlimang minuto pa siya.

"And our Prom Queen na swerteng swerte na makapareha ni Prom King ay ...."

Muling tumunog ang drums para sa suspense.

Hindi na siya nag-aksayang pakinggan iyon. Minabuti na niyang um-exit.

"Ang Prom Queen ay...."

"Ako!", nagtawanan at dismayado ang iba." Charing!" Sabi ni Jejomar." It's Valerie Salazar ng 3A"

Napatigil si Vivien sandali upang sulyapan ang pinapalakpakan na dalaga.

Valerie Salazar is one of the beauty sa campus nila. Sikat din ito dahil matalino na, talented pa. Third year ito at di maipagkakailang nababagay dito ang pagiging Prom Queen.

Papunta na sa stage ang nanalo kaya naman nagmadali na rin siyang mag excuse sa daraanan. Nasa dulo kasi sila kaya naman marami ang taong pinakiusapan niya para bigyan siya ng daan.

Sampung minuto pa siguro pero okay lang na maghintay siya kay Robert sa labas.

Malapit na siya sa exit kaya binilisan na niya ang lakad. Hindi na muling lumingon.

"Stop right there, yung babaeng nakapurple sa exit." Isang malakas at baritonong boses ang nagpatigil at nagpatulos sa kanyang paghakbang.

Napalunok si Vivien, gusto niyang tumakbo pero baka paghakbang pa lang niya may mangyayari ng hindi maganda.

"Can I take this opportunity as a Prom King to dance with my favorite and special friend" tila seryosong saad ni Jayson, palapit sa nanlalamig na si Vivien.

Ayaw man ng mga guro, o Commitee ng Prom wala silang nagawa noong bumaba si Jayson at iwanan ang kapareha sa stage. Inalo ng mga guro ang dismayadong Prom Queen. Samantalang nag-unahan pumunta sa sound system ang barkada ni Jayson. At ang babaeng kasama niya kanina ay nagwalk-out.

Mabilis na lumapit ito sa dalagang nakatalikod pa rin, at kuyom ang kamao.

Hindi na maipinta ang mukha ni Vivien dahil sa pinaghalo-halong emosyon.

Pero mas umiiral ang kaba niya sa dibdib. Kaya naman hindi naitago ang pagkagulantang niya noong kalabitin siya ni Jayson.

Ayaw niyang harapin ito, kaya lang mas lumapit ito. Kasalukuyang nasa likod na niya ito. Inilapit ang mukha malapit sa balikat niya.

"Dance with me, huwag mo ako ipapahiya!" May halong pagbabantang bulong nito.

Inilibot niya ang tingin, lahat ng nakikita niya ay halos naghihintay din ng sagot niya. Mga nagbubulong bulungan ang iba. Hindi nga siya lantarang ipinapahiya nito pero parang napapahiya na siya sa tingin pa lang ng mga tao.

Nagpatianod siya noong hilain siya nito sa dance floor. Pero parang tuod lang siya noong nagsimulang tumugtog ang sweet music.

Masama ang tingin na ipinukol niya kay Jayson. Tikom ang kanyang bibig at nagngingitngit ang mga ngipin niya sa galit. Tataas na sana ang kanyang kamay para sampalin ito pero maagap nitong nahawakan iyon.

"Don't you dare Vien," banta nito sa babaeng naginginig at naluluha na sa galit." Dont make me hate you more, let's just enjoy this!" Parang pagod na saad ni Jayson. Inilagay ang kamay ng dalaga sa batok niya at hinawakan ang beywang nito.

Napapitlag si Vivien sa paghawak ni Jayson sa beywang niya. Wala na talaga siyang nagawa. Umiwas siya ng tingin kay Jayson,at pikit matang gumalaw na rin para magsayaw. Bahala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top