Epilogue (Part 4)
Thank you for reading HTG! Hope you had fun reading Samu and Deanne's story. See you in the next story, Alter The Game x
Epilogue (Part 4)
Akala ko ay nagloloko lang si Deanne pero hiningan niya talaga ako ng Cenomar. Humingi din siya ng kopya ng kopya nung certificate ng annulment. Kulang na lang ata ay ipa-verify niya sa courts.
"Are you okay?" I asked her dahil tahimik siya.
Tumingin siya sa akin at tumango. "Mayaman ka pala talaga, noh?"
Kumunot ang noo ko. "What?" I asked because that was so random.
"Sabi mo kasi kapag umuuwi ka, naka-business class ka na ticket," she said. "Ang mahal non!"
"I have to write papers habang nasa flight ako," sabi ko sa kanya. "Can't do that sa economy."
"Sus... Okay lang naman aminin na mayaman ka."
Natawa ako. "Kapag pinakasalan mo ako, e 'di mayaman ka na rin."
"Talaga," she said, scoffing. "Di ba nasabi ko sa 'yo na pangarap ko maging mayaman? Teka, may question pala ako—kayo ba talagang mayayaman e walang pambahay? Kasi sa mga palabas e kahit nasa bahay sila ay naka-dress pa rin sila. Si Mama mo ba, kahit nasa bahay ay nakaayos ang buhok at naka-suot ng pearls?"
Buong byahe namin papunta sa Dubai tapos Dubai pa London ay hindi naubusan ng tanong si Deanne. Pakiramdam ko ay nalasing lang siya sa dami ng champagne na inorder niya. Natawa ako dahil at one point, binigyan na kami ng isang bote nung flight attendant.
Deanne probably had no idea kung paano siya nakarating sa apartment. Naka-tatlong bote siya ng champagne sa buong flight namin.
When I finally got her in bed, inayos ko muna iyong mga gamit namin. I got out to get us food para pagka-gising niya ay may pagkain siya. Pakiramdam ko ay sasakit ang ulo niya sa dami ng nainom niya.
Kausap ko rin si Mama habang naglalakad ako sa labas. She asked me how the flight was. She also asked me about Deanne. Pareho lang silang dalawa ni Mama na kinakabahan na makita ulit ang isa't-isa. I knew they'd be fine.
I knew that Deanne would look for rice kaya naman bumili din ako ng bigas. May nadaanan din ako na flower stand kaya bumili ako ng isang boquet para sa kanya. She used to love receiving flowers from me.
Pagbalik ko sa apartment, nakita ko na tulog pa siya. I immediately started preparing food for her. Kapag ganito na masakit ulo niya ay sinigang ang gusto niyang kainin. Inuna ko na iyong pagsasaing ng bigas para naka-ready na iyong kanina. Dumaan din kasi ako sa Asian store kaya nandoon iyong mga gulay na kailangan ko pang sinigang.
"Tulog ka pa," I told her nang makita ko na naka-tayo siya sa may pintuan ng kwarto. "Gisingin kita mamaya," I continued dahil halos tatlong oras pa lang siyang natutulog.
Umiling siya habang kinukusot ang mga mata. "Pwedeng humingi ng tubig?"
Ibinaba ko iyong sandok saka ikinuha siya ng baso at saka tubig. I poured her a water and handed it to her kasama iyong gamot para sa hangover niya.
"Sinigang 'yan?" she asked nang silipin niya iyong niluluto ko.
I nodded. "Mamaya pa 'to. Kaka-simula ko lang."
"May kangkong dito?"
"Grabe ka naman," sabi ko. "Marami kayang Pilipino dito."
"Grabe, nagtatanong lang! Akala ko pang Pinas lang ang kangkong!" sabi niya habang tinitignan kung ano iyong laman ng grocery bag.
Pinanood lang ako ni Deanne habang nagluluto ako.
"Naiilang na ako," sabi ko kasi kanina pa siya naka-tingin sa akin.
"Wala akong pakielam."
"Nood ka muna ng TV don."
"Mas maganda view dito."
Buti na lang naka-talikod ako kaya 'di niya nakita pamumula ng mukha ko—
"Naka-tingin ka ba sa pwet ko?" I asked when I realized na naka-talikod ako sa kanya.
"Hindi, grabe ka! Makapagbintang!"
We spent the first night in London in the apartment. We just stayed on the couch while browsing Netflix and talking about the most random of things at kung paano hindi daw ba siya mamimiss ng mga ka-barangay niya dahil walang notaryo sa kanila ng isang buwan.
The next day, kahit masakit ang ulo niya ay pinilit niya na pumunta kami sa London Bridge daw.
"Hindi ito 'yon!" sabi niya sa akin.
"Sabi mo London Bridge," sabi ko kasi nasa bridge naman talaga kami.
"Ayun, oh!" she said and then pointed at the London Tower Bridge.
"London Tower Bridge 'yan," I told her.
Umirap siya. "Porke nag-aral ka lang dito ng dalawang taon. Akala mo hindi ko napapansin na may accent ka na!"
Natawa ako. "Wala akong accent."
"Sus... Sabi mo kanina 'Can I have some wotah,'" sabi niya sa akin at saka hindi niya ako tiniglan hanggang sa makarating kami sa London Tower Bridge.
Pagdating namin doon, nagpa-picture si Deanne sa akin.
"Gandahan mo naman angle!"
"Hindi pa ba maganda 'to?" I asked kasi puno na ata camera roll ko.
"Iyong payat ako!"
"I-edit mo na lang." Sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako. "Joke lang. 'Di naman 'to mabiro," sabi ko sa kanya. "Sige na, pose ka lang nang pose."
We stayed there until she got her perfect shot. Then we went to the other tourist spots tapos sumakay din kami sa double decker bus. Deanne also wanted to watch a play pero wala ng ticket kaya sa isang araw na lang. Isang buwan naman kami dito. We have all the time in the world.
"Grabe... marami kayang nagnanakaw dito?" she asked while we're in the self-checkout.
"Siguro," I replied.
"Na-try mo na?"
"Grabe. Tingin mo ba magnanakaw ako?"
"Hindi naman. Curious lang."
"May pambili naman ako."
"E 'di ikaw na mayaman."
"Yayaman ka rin naman by association kapag pinakasalan mo ako," sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.
That night, Deanne cooked for me. Once again, we cuddled on the couch habang nanonood ng Modern Family. Felt like the old times.
* * *
"Kinakabahan ako," Deanne told me while we're walking papunta sa train station para puntahan iyong restaurant kung saan magdidinner kami nila Mama.
"Pareho lang naman kayong kinakabahan," I told her.
"Kahit na."
I just held her hand tighter.
Pagdating namin sa resto, humingi agad ako ng tubig. Pinagtripan na naman ako ni Deanne kahit wala naman talaga akong accent. At least hindi na siya kinakabahan sa pagdating ni Mama.
"Ma," I said when I saw her approaching. Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.
I saw Deanne standing up, too. "Hi po..."
Sinabi ko rin kay Mama na kinakabahan si Deanne sa kanya. Pati ako ay nabigla nang biglang yakapin ni Mama si Deanne.
"It's so nice to see you again, hija," she said while hugging her and Deanne was looking at me with her eyes wide open in surprise.
The dinner was not awkward at all.
Spain changed my mother—must be the everyday Sangria.
Nag-usap sila tungkol sa kung anu-anong bagay and my mother was convincing Deanne na sa Europe na rin tumira. Pwede na siguro siya maging ambassador ng Spain dahil ang galing niyang mangumbinsi.
"Sorry, kinukulit ka ni Mama," sabi ko sa kanya nung pauwi na kami.
Naglalakad-lakad muna kami. Isa siguro 'to sa mga gusto ko rito sa London. Ang daling maglakad kahit saan. Sana ganito rin sa Pinas lalo na sa Maynila.
"No, it's fine..." she said. "San mo ba balak after nitong graduation mo?"
I shrugged.
I actually got some offers here... Hindi ganoon kataas iyong sweldo. I was interested... It was more about me liking my life here more than the salary. But Deanne's in the Philippines. I'd rather be in the Philippines with her. Pwede naman kaming bumisita dito o kaya sa Spain dahil nandon si Mama.
"Ikaw?" I asked her.
She shrugged, too. "Ewan."
"Akala ko ba gusto mo 'yung notary?"
"Okay naman kaso... ewan. Nakaka-miss din 'yung litigation."
"Babalik ka ba sa litigation?" I asked her.
"Ewan," she replied. "May offer sa akin si Iñigo sa firm nila."
"That's good to hear. Maganda firm nila."
"I know..."
"But?" I asked because I knew that tone.
Tumingin siya sa akin. "Must be the weather but... I kinda love it here."
Napaawang iyong labi ko. "You wanna... live here?"
"Ewan ko... Siguro... Pero hindi naman ako makakapagtrabaho dito. Sayang iyong degree ko." She looked conflicted, but then she turned her head at me and smiled. "Thoughts lang naman. Pero may work na nga ako na naka-abang sa Manila. Feel ko naman 'di ako babaratin ni Iñigo kasi kapal naman ng mukha niya, if ever!"
* * *
The next few days, we went to Windsor dahil gusto daw makita ni Deanne iyong mga palasyo. We also went to Cotswolds dahil sabi ni Deanne parang fairytale daw doon. Then we visited the Harry Potter studio and I bought her all the merch she wanted. Tuluyan ng napuno iyong camera roll ko na kinailangan ko na magsubscribe ng 1TB na iCloud para sa mga picture niya.
Then my graduation day finally came.
Mabilis lang naman akong naghanda pero si Deanne bilang si Deanne, ang tagal niya sa CR... but it was all worth it nang makita ko siya paglabas niya.
She was wearing a turquoise flowy dress na may maliliit na bulaklak na design and white stiletto. Naka-red lipstick din siya na parang gusto kong subukan kung smudge proof ba.
"Ano? Pangit ba? Papalitan ko ba?" dire-diretsong tanong niya. "Huy, Samuel! Ayos lang ba suot ko? Tama ba 'to sa dress code ng school mo?"
I took a step forward and placed my hands on the sides of her waist.
"Ang ganda-ganda mo, Deanne," sabi ko at kitang-kita ko kung paano namula ang buong mukha niya.
"Ang epal mo! Tara na nga at baka bawiin pa nila ang diploma mo!"
* * *
The ceremony was brief. I introduced Deanne to my friends and to some of my professors. She was invited to some dinners.
"Punta tayo don, ha?" sabi niya sa akin nung naglalakad kami pauwi. Nauna kasi si Mama. May pupuntahan ata sila ni Tita kaya may flight agad siya pabalik sa Spain. At least her social life's apparently thriving.
"O sa tingin mo ba polite lang sila kaya nila ako ininvite?"
Natawa ako. "You're overthinking," I said. "Di nag-iinvite mga 'yon out of politeness. They won't invite you kung ayaw nila sa 'yo."
"Pano mo nalaman?"
"Classmates ko sila. Trust me—'di sila nag-iinvite kapag 'di nila gusto iyong tao."
"Grabe... na-judge agad nila?"
I shrugged. "I don't know. Baka intuitoin," I told her. "But if you want to go sa dinner, punta tayo."
"Okay," she replied with a smile.
Naglakad-lakad kami sa may London Tower. Deanne kept on mentioning how beautiful it is here. I knew what she meant. Ewan ko... I really loved it here. It's peaceful.
"D," I called.
"Hmm?" sagot niya habang naka-tingin sa Big Ben.
"What do you think about studying here?"
Agad siyang napa-tingin sa akin. "Ha?"
"Hear me out—I have a job offer here. You can take your LLM here. Then we decide after two years kung gusto mong magstay dito o babalik tayo sa Manila," I told her. "But the decision's up to you. Manila or London, I'm fine either way basta kasama kita."
Bahagyang nanlaki iyong mga mata niya habang naka-tingin sa akin.
"Paraan mo ba 'to para mapapayag ako na pakasalan kita? Kasi alam mo na hindi ko 'yan afford at ang tanging paraan ay pakasalan kita para mayaman na rin ako by association."
Napaawang iyong labi ko.
Bakit kaya hindi nito sinubukan maging writer? Ang lawak ng imagination niya.
"Ibig sabihin ba niyan papakasalan mo ako?" sabi ko na sinakyan na iyong mood niya.
Inirapan niya ako. "Kaka-annul mo lang. Kumalma ka muna. Hobby mo magpa-kasal?"
"Grabe... Isusumbat mo sa akin 'yan lagi?"
"Minsan lang kapag bina-badtrip mo ako."
"So... lagi?"
"Mismo," sabi niya kaya natawa ako. Hindi pa rin siya nagbabago.
The thing with soulmates is kahit gaano katagal ang panahon na lumipas, parang wala pa ring nagbago—and I am beyond glad that she's mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top