Chapter 30

Chapter 30

Naging busy ako nung mga sumunod na araw. I had to attend some hearings and submit some documents. Nakaka-pagod iyong trabaho ko at minsan, nalulunod na talaga ako sa dami ng papel na kailangan kong basahin, isulat, at ipasa, but... I love my job. For some reason, I really enjoy what I was doing. Ewan ko kung superhero complex ba iyong tawag sa ganito, but so far, sa lahat ng naka-usap ko, they're trapped in a bad marriage. I felt like aside from it literally being my job, that I was doing something right.

That at the very least, I was helping someone get to their happy ending.

"You can always email me kapag may kailangan," Jill said.

"Okay."

"Di ka nga galit sa akin?"

"Hindi nga," sabi ko habang inaayos iyong mga iendorse niya na kaso. Hindi na kasi siya tumanggap kasi kapag tinanggap niya, bibitbitin niya papunta sa G&Z. At least naawa naman pala siya sa amin kaya dito na lang iyong ibang case.

"Okay," she replied. "Sabi mo, e." I got a paperbag from under my table. Inabot ko sa kanya. "Ano 'to?" she asked.

"Farewell gift."

"Para namang hindi na tayo magkikita," she said.

I shrugged. "Malay mo naman?"

"Galit ka nga—"

"Hindi nga," sabi ko. "But I sincerely hope na mag-enjoy ka sa G&Z," I told her because kung ako lang? It's a resounding no. Ayoko sa ganoon kalaking kumpanya. Too much pressure. Pakiramdam ko ay doon na iikot ang buhay ko.

"I will," she replied. "I'll endorse this firm whenever possible."

"Kung nandito pa 'yung firm."

Umirap siya. "Nega masyado."

"Sino may kasalanan?"

We ate lunch together, kaming lima sa firm. Hindi pa naman last day ni Jill, but we're all busy at hindi na rin namin alam kung kailan kami magkikita ulit na magkakasama.

Nung hapon, nagpahinga lang ako dahil fortunately, walang naka-schedule na kailangan kong puntahan. I'd just catch up with my paperworks. Ayoko kasi talaga ng natatabunan. I mean, regular occurrence naman na na natatabunan ako, but at least, I was trying to... slow that down. Kahit mukhang impossible because family law's like 75% paper works.

Around 4PM, natapos na ako sa ginagawa kong draft. I looked at my calendar. Nakita ko iyong pangalan ni Shanelle doon. Dapat ngayon ay may draft na ako sa annulment nila. Seriously... paano ko gagawin iyong trabaho ko kung parang may tinatago siya sa akin? Hindi naman ako mind reader—I actually needed her to help me. Hindi naman ako iyong kasama sa kasal nila para malaman ko kung ano ang nangyayari doon.

"Punta lang ako sa client," sabi ko sa paralegal namin. "Baka hindi na rin ako bumalik."

Dumiretso ako sa sasakyan at saka inilagay sa waze iyong address ng workplace ni Shanelle. I researched. It's a part of my work... or maybe that's just something that I needed to tell myself because it felt wrong na magtanong ako tungkol sa kanya. I didn't want to be curious about her, yet here I was.

She's Shanelle Nuevas. Graduate ng Brent. Valedictorian ng batch nila. Two-times nagtake ng BAR—not that it mattered. In the end, she's still a lawyer just like the resto of us. Like me, she worked in a firm but resigned and built a firm with her friends.

We're more alike than I thought.

I didn't know if I like the idea.

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng sasakyan. Her firm was in a ten storey building... mas maganda sa building ng firm ko. I groaned. Why was I comparing? I hated that I was comparing. Kailangan kong itigil 'to.

Dumiretso ako sa floor kung nasaan iyong firm nila. Nagpakilala ako sa receptionist. She told me to wait. Tahimik akong naupo habang naghihintay. I got my phone and just scrolled through my social media accounts to pass time. Ayoko na magbasa ng kahit ano na related sa work ngayon dahil pakiramdam ko ay magkakaroon na ako ng headache.

A few minutes later, bahagyang bumukas iyong pinto. Sabi nung receptionist ay iyon daw 'yung office ni Shanelle. Tumayo ako dahil baka patapos na iyong meeting niya. Ako na iyong pumunta rito para sabihin sa kanya na hindi ko magagawa iyong trabaho ko kung hindi niya ako bibigyan ng kahit na ano.

"Then drop it," narinig kong sabi ng boses ni Shanelle. She sounded angry. It caught my attention. Was she talking to a client? I shouldn't listen, then.

"Shanelle, please."

Napaawang ang labi ko nang marinig ko iyong boses. My heart began to race inside my chest. He's here. Fuck. Bakit nandito rin siya? Bakit ngayon kung kailan nandito rin ako? Fuck my timing!

I forced myself to breathe. Mabilis kong kinuha iyong bag ko at saka inilagay doon iyong gamit ko. I'd just wait outside kapag wala na si Samuel. Ayoko na mag-abot kami. Na naman. Ayoko siyang maka-usap. It's unprofessional for me to talk to him ngayon na kliyente ko na iyong asawa niya. It didn't matter if they're already legally separated—they're still married in the eyes of law.

Pero bumukas iyong pinto at mabilis na naglakad si Shanelle. Dire-diretso siyang naglakad. Ni hindi ko nga alam kung nakita niya ba ako dahil diretso lang ang tingin niya hanggang lumabas siya sa may fire exit.

Ganoon ba niya kaayaw makausap si Samuel? Na tipong hindi niya kayang hintayin iyong pagbukas ng elevator at mas gugustuhin niya pang bumaba mula sa fire exit?

"Dea—" Ramdam ko iyong paggapang ng kaba nang marinig ko iyong boses niya. "Atty. Manjarrez."

Tumingin ako sa kanya. Lumabas din siya mula sa opisina ni Shanelle. Fuck. Dapat talaga doon na lang ako sa opisina ko. Dapat si Shanelle ang pinilit ko na pumunta sa akin.

Puro kapahamakan ang dinadalhan sa akin ng mga desisyon ko sa buhay.

"Atty. Fortalejo," balik na pagbati ko sa kanya. I forced myself to even my breathing. Hindi ako dapat kabahan sa kanya. He's already a part of my past—bakit ko ba siya hinahayaan na magkaroon ng epekto sa akin ngayon?

Pinanood ko nang suklayin niya iyong buhok niya gamit ang daliri niya. Even from a distance, it was like I could feel his frustration. Kaya ba siya nandito dahil nalaman niya na tinanggap ko iyong kaso? Alam na ba niya? Sinabi ba ni Shanelle sa kanya? Iyon ba ang pinag-awayan nila?

"I heard you accepted the case," he said while he was looking at me.

Suddenly, I was aware of the people around us. Nandito iyong mga katrabaho ni Shanelle. Nandito iyong ibang kliyente nila. Umayos ako ng upo. He's still Shanelle's husband. I needed to keep my distance. For everyone's sake... for my own sake.

"It's just work," I replied. Humigpit iyong hawak ko sa bag ko. Muli akong huminga nang malalim. "Mauna na ako. I still need to talk with your wife."

I needed to use that word.

Over and over again.

Because he's married.

And that's reason enough para dumistansya ako.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa elevator. I needed to go home. And maybe have some drink. Tangina, by the end of this debacle, baka alcoholic na ako.

Tahimik akong naka-tayo sa harap ng elevator at hinihintay iyon na bumukas. Hindi na ako babalik ulit sa building na 'to. Shanelle already paid my acceptance fee. We have a legally binding contract. Kung ayaw niyang gawin iyong parte niya, then that's on her. But I'd do my part. She couldn't blame me kung mukhang gago iyong sagot namin sa ifa-file nila Samuel dahil ano bang malay ko sa kasal nila? Mag-iimbento na ba ako ng facts? Ganoon ba ang gusto niyang mangyari?

God, she's confusing.

Nang bumukas iyong elevator ay agad akong humakbang papasok. I quickly pushed the close button... but for some reason, Samuel thought na magandang ideya na iharang iyong kamay niya para pigilan iyong pagsara ng pinto.

"What are you doing?" seryosong tanong ko sa kanya.

Yes, it's been years.

Yes, I should've already moved on by now.

Yes, he's married.

Yes, I wouldn't do anything.

But would it kill him to help me by keeping his distance? Kasi sa aming dalawa, sino ba iyong nang-iwan? Sino ba iyong nanisi? Sino ba iyong nagpakasal sa iba?

"You said you wouldn't accept the case," sagot niya sa akin nang tuluyan nang magsara iyong pinto.

Huminga ako nang malalim habang naka-tingin sa mabagal na pagbaba ng numero ng palapag. "I told you, trabaho lang," sabi ko sa kanya. Inilipat ko iyong tingin sa mukha niya. "Don't think for one second that I enjoy doing this because I do not."

Because I thought that I should be rejoicing at the failure of his marriage. I should be delighted at the idea of him having a broken marriage with someone else. I should be ecstatic that I was right—that if not me, he wouldn't be happy with anyone else.

Kasi ganoon ako sa kanya kaya dapat ganoon din siya sa akin.

Pero hindi ganoon iyong nararamdaman ko.

All I could think of was that... he married someone else.

For whatever reason he had, it was still enough for him to marry someone else—kahit sinabi niya sa akin noon na ako iyong gusto niyang pakasalan.

All his words, his promises suddenly meant nothing when he married someone else.

"Why?" he asked, but his question felt loaded.

Tumingin ako sa kanya. "Because I need the money, Atty. Fortalejo. I need your wife's money to keep my firm afloat," I said as I stared at him. "Now, if you have a problem, go talk to your wife. 'Wag mo akong idamay dahil nagta-trabaho ako nang maayos."

Rinig na rinig ko iyong malakas ng tibok ng puso ko.

"If it's about the money—"

"Wow," I said, cutting him off. "Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo sa akin noon, gusto mo pang dagdagan ng pang-iinsulto ngayon?"

"Deanne, that's not—"

"I told you to call me Atty. Manjarrez!" pagtataas ng boses ko sa kanya dahil ayoko na naririnig iyong pangalan ko galing sa bibig niya. Because whenever he did, no matter how much I didn't want to, it was bringing back all the fucking memories I was trying so hard to bury at the back of my head.

Napaawang iyong labi niya sa pagtaas ng boses ko. Bumukas na iyong pinto. Mabilis akong naglakad palabas. Gusto kong takbuhin iyong parking.

"Can you please stop following me!" sigaw ko nang makita ko na sinusundan niya ako.

"Then stop running," sabi niya habang naka-sunod pa rin sa akin.

"I have nothing to tell you, Atty. Fortalejo—" sabi ko at mabilis akong napa-tigil nang maramdaman ko iyong kamay niya sa balikat ko. Mabilis akong humarap sa kanya, pero bago pa man ako makapagsalita ay mabilis siyang humingi ng tawad sa paghawak niya sa akin.

"I just needed you to stop running," sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. "Fine," I said. "I'm not running anymore," I continued.

Naka-tingin kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, kung ano iyong gusto niyang sabihin na kinailangan niya pa akong sundan.

"I don't want you involved in this... Atty. Manjarrez."

"I told you—"

"I know that it's just work for you," he said, staring into my eyes. "But it's not work for me. I don't want you in the front seat as they talk about every aspect of my life."

Pagak akong natawa. "Wow... ang taas naman masyado ng tingin mo sa sarili mo. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Magta-trabaho ako. Hindi ako magrereminisce tungkol sa nakaraan nating dalawa."

"I know but—"

"Alam mo naman pala kaya bakit mo pa ako pinapakailamanan?" mabilis na tanong ko sa kanya. "I know you're married. I know you've kissed someone else. I know you fucked someone else. I'm not living in some fucking fairytale—you already ruined that for me years ago... Atty. Fortalejo."

Saglit na ipinikit niya iyong mga mata niya at inihilamos iyong mga kamay sa kanyang mukha. Tapos ay tumingin siya sa akin.

"How can I believe that it's just work for you kung ganyan kang magsalita?" diretso niyang sabi habang naka-tingin sa akin. "You know how long and draining this process is, Deanne—"

"I told you to stop calling me Deanne!"

"Sinasabi ko lang iyong pangalan mo, nagagalit ka na. And you expect me to believe that this is 'just work' for you?" he asked in a taunting tone.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?!"

"Drop this case."

"Ayoko nga!"

"Para kang bata—"

"Tangina ka—"

"God, Deanne, please!" sabi niya habang mabilis na tumalikod. Kitang-kita ko iyong pagbukas at pagsara ng mga kamao niya. Bakit ba ayaw niya akong maging abogado?! What difference did that fucking make kung may ibang kukuha sa kaso ng asawa niya?!

"Ano? Kasalanan ko na naman? Kasalanan ko noon na bumagsak ka tapos ano? Kasalanan ko na naman ngayon na nasira ko 'yang kasal mo? Ano? Kasalanan ko lahat?!" sigaw ko sa kanya habang tumutulo iyong luha ko dahil sa halu-halong nararamdaman ko. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang sipain. Gusto ko siyang saktan. Pero hindi ako maka-lapit kasi hindi ko alam kung tatraydurin ba ako ng katawan ko.

"That's... that's not what I meant."

"Then what did you mean?" I asked as I tried to breathe. "Because I can clearly remember all the words you told me before—how this wouldn't have happened kung hindi ko lang sinabi sa 'yo na sabihin mo 'yung totoo."

I saw the guilt on his face because I was right—deep inside him, he was blaming me... Kahit ginawa ko naman lahat para punan lahat nung nawala sa kanya nung iwan siya nung mga nangako na kasama niya dapat hanggang sa huli.

Pero sa huli, ako rin iyong naiwan.

Nakaka-pagod siya.

Hanggang ngayon, nakaka-pagod siya.

"You blamed me then... and you're still blaming me now," diretso kong sabi sa kanya habang pinupunasan ko iyong luha sa mga mata ko. "For fuck's sake... leave me alone."

**
This story is already at Chapter 36 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top