Chapter 28

Chapter 28

I'd like to think that I made a couple of hard decisions in my life so far. Una nung umalis ako sa amin against Mama's wishes—against her telling me 'wag ko siyang iwan. I still remembered clearly nung umuwi ako sa amin na umiiyak. She immediately figured out that it was because of some guy—hindi niya alam kung sino, pero alam niya na meron. I thought she was going to, at least, comfort me. Pero ano ang una kong narinig? 'Wag ko raw unahin ang lalaki.

Wow.

Didn't think I'd hear it from my own mother.

Pangalawa nung magresign ako sa law firm. I had been wanting to leave the firm life. Kaya lang naman ako napunta roon nung una ay dahil gusto ko ng experience. Hindi ako makaalis for some reason. Siguro ay dahil alam ko na hindi naman ako ganoon kagaling? Kaya pag-umalis ako, may assurance ba na may iba pang tatanggap sa akin? So, I stayed. I stayed and suffered in silence. Ayoko na kasi pag-usapan iyong mga bagay na ayoko, na hindi nagpapasaya sa akin. I reached the point in my life that I'd rather keep everything to myself kaysa ikwento ko pa sa iba. I didn't want to discuss in detail the things I should and shouldn't have done. Wala naman na kasing mababago.

But then Kitty's case came.

I rushed to her side. Kung hindi man siya makahanap ng lawyer, I would've accepted her case. It wasn't my forte, but I would've done my best for her. For some reason, nakarating 'yon sa isa sa mga managing partners. I was told to stay away from the case. E hindi naman ako iyong abogado ni Kitty kasi tinanggap ni Jax iyong case. Still, as a precaution, 'wag ko raw isama iyong sarili ko.

It was like a... trigger.

I left even though leaving scared me.

I'd been miserable for a long while. I didn't want any more of that. Mabuti na lang at nakahanap ako ng mga kasama para magtayo ng sarili naming firm. Maliit man, at least kontrolado ko lahat. Medyo stressful dahil kami ang bahala sa lahat, but I'd take it over the firm life.

Pero ngayon, naka-titig ako sa papel na binigay ni Iñigo. Kanina ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko... Kung tatawagan ko ba o hindi. Kung itatapon ko ba o itatago.

I ordered another glass.

Downed it.

And sent a text.

* * *

Hindi ako sigurado kung pupunta siya. I didn't even introduce myself nang magtext ako sa kanya. But I was still using my old number. Hindi ko alam kung bakit nasa akin pa rin iyon. Siguro... siguro deep in my subconscious, iniisip ko na baka bigla siyang tumawag? O magtext?

Para talaga akong tanga.

Tahimik akong naka-upo sa may coffee shop habang naka-titig sa kape sa harapan ko. Pupunta ba siya? Kung pumunta man siya, ano ang pag-uusapan namin? Magsisigawan ba kami? Sisigawan niya ba ako? Maiiyak ba siya sa galit at frustration?

Babalik ba kami sa dati?

This was a bad idea.

Tatayo na sana ako para umalis nang mapa-hinto ako nang makita ko si Samuel. Naka-tingin siya sa akin. Hindi ko alam kung paano babasahin iyong ekspresyon sa mukha niya.

Naka-tingin lang kami sa isa't-isa.

Walang nagsasalita.

We both didn't want to be here... kaya bakit nga ba kami nandito?

"What does your wife want?"

I was looking at his face as I asked my question. Iyon lang naman ang gusto kong malaman. Na bakit kailangang ako? Bakit kailangang kasama ako? Because I worked so hard to be where I was. I worked so hard to be okay—or, at least, well enough to be able to pretend that I was okay.

Tapos nandito na naman siya.

Parang bumabalik lang ako sa dati.

"Can I sit first?" he asked.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako gumalaw. Pinanood ko lang siya hanggang maka-upo siya sa harapan ko. I hated how my heart physically constricted in pain at the mere sight of him in front of me. I hated how my eyes were looking for the changes on his face. I hated how easily he could lure me back into thinking about before.

Pero tapos na 'yon.

Iba na ngayon.

May asawa na siya.

"I'm sorry," he said.

"For what?" I asked... sounding so fucking sarcastic even when I didn't mean to. Because for months before, I imagined him apologizing to me... Kasi isang sorry niya lang dati, sigurado ako na babalik ako sa kanya. Kasi alam ko naman kung bakit ganoon iyong naging reaksyon niya. Alam ko naman na mahirap iyong pinagdaanan niya. Binigay niya lahat sa frat niya tapos biglang ganoon lang? Na pumasa silang lahat tapos siya lang iyong hindi? Of course he'd be mad. Pero bakit sa akin?

Pero sige na, ako na lang. Tutal ako lang 'yung nasa tabi niya nung panahon na 'yon. Kanino pa ba niya sasabhin? Sino pa ba ang makikinig? Tinanggap ko lang lahat nung sinabi niya kasi alam ko na kailangan niya ilabas 'yung frustration na nararamdaman niya. Tahimik lang ako na nakinig sa lahat ng sinabi niya.

Pero isang sorry lang.

Isang sorry lang.

Mapapatawad ko naman.

Iintindihin.

Hindi niya nabigay.

Hanggang hindi ko na maintindihan.

Tapos... kasal na raw siya.

Ano pang choice ko pagkatapos nun?

"Everything," he said.

Tipid akong ngumiti. "Nice," I said. "Tutal marami ka ring kasalanan sa 'kin, noh? Isang sorry na lang para sa lahat."

"Deanne—"

"Atty. Manjarrez, please," I told him.

I didn't want him calling my name.

I didn't want this to be a personal meeting.

I wanted us to establish boundaries.

Tipid siyang tumango. "Atty. Manjarrez," pag-ulit niya sa sinabi ko.

"I won't be accepting your wife's case," sabi ko sa kanya. "Please tell her to stop dragging me into your mess. I think you'll agree with me when I say you already caused me so much pain, Atty. Fortalejo," dagdag ko na pagak na natawa. "I should've sued you for moral damages, noh? Mayaman na siguro ako ngayon."

Hindi siya nakapagsalita kasi alam niya naman na tama ako.

"Kakausapin ko siya," sabi niya.

Napa-tingin ako sa kamay niya. Walang singsing doon. Nakita niya na naka-tingin ako roon. Bigla niyang hinawakan iyong parte na iyon ng kamay niya.

"We're legally separated," bigla niyang sinabi. "I want an annulment to formally end things."

Parang may bara sa lalamunan ko.

Hindi ako maka-tingin sa kanya.

"Okay," simpleng sabi ko. Kasi ano ba ang dapat sabihin ko roon? Congrats? Na hiwalay na kayo ng asawa mo? Na natupad iyong hiling ko noong gabi na nalasing ako na sana hindi ka sumaya sa buhay mo?

"I'm sorry she had to include you in this," he said.

Tumingin ako sa kanya. "Bakit ang dali na sa 'yo magsorry sa ginawa ng ibang tao, pero sa ginawa mo noon, hindi ka makapagsorry?" diretso kong tanong.

Ang dami ko pala talagang inipon na sama ng loob sa kanya.

Parang diretsong lumalabas ngayon.

"But congrats, anyway. Against all odds, lawyer ka na," I said as I stood up. Kinuha ko iyong bag ko. Papaalis na sana ako pero saglit akong napahinto nang muli ko siyang marinig na humingi ng tawad sa akin. Ikinuyom ko iyong kamay ko.

Bakit ang hirap sa kanyang sabihin iyong salita na 'yan noon?

* * *

I tried to act normal.

I tried to go back to normal.

I was drafting pleadings and affidavits, reading researches, making appearances in courts... basically doing everything to distract me from the fact that after years of not seeing each other, biglang nasa harap ko na naman siya na parang kahapon lang nangyari lahat.

"Atty," sabi sa akin ni Tel.

"Bakit?" tanong ko habang naka-titig sa screen ng computer ko habang nag-eedit ng iaattach ko na judicial affidavit sa isa sa mga petition na isusubmit ko next month. Masyadong matrabaho 'yung annulment. Ang daming kailangang ipasa. I was drowning in paper works.

"Nasa labas si Miss Nuevas."

Agad na kumunot ang noo ko at napa-hilot sa sentino. "Sabihin mo busy ako."

"Okay, Atty," sabi ni Tel.

Hindi ko alam pero para akong tanga na tumayo pa at inilock iyong pintuan ng opisina ko. I knew Shanelle wouldn't just barge in here... but I couldn't take any chance. I didn't want to talk to her. I didn't want to see her. I didn't want any participation in their mess. She told me to name my price—surely, money's not the problem. She could get any lawyer she wanted.

Sigurado ako na may personal na dahilan kung bakit kailangan ako.

But I didn't want to sit in the front row as their relationship is being dissected in court. I didn't want to listen to every detail, every explanation. Just thinking about it was making my head hurt and making me want to just hide from the world.

"Nandito ka pa?" I asked nang maabutan ko si Therese na naka-upo sa couch sa may receiving area. It was already 11PM. Normally, around 9PM, naka-uwi na ako. For some reason, ayokong lumabas ng opisina.

"Usap tayo," sabi niya.

Agad na kumunot ang noo ko. Maybe there's a reason why ayokong lumabas sa opisina.

"Tungkol saan?" tanong ko.

"Ayoko sanang sabihin as much as possible kasi akala ko kaya pang gawan ng paraan," sabi niya. "I did the math—we can still pay for the lease for the next six months."

"Okay?" sabi ko. "May monthly retainer naman? Saka maraming kaso si Jill—"

"Yeah... that's the thing, lilipat na si Jill."

Napaawang iyong labi ko. "What?"

"May offer 'yung G&Z sa kanya. Sabi niya, she'll buy her contract."

"What the fuck? Paano 'yung non-compete?"

"Babayaran daw 'yung damage," sabi ni Therese. "And I think it's safe to say na sasama sa kanya 'yung mga clients niya," she added. Tumingin sa akin si Therese. "We need money, Deanne."

Para akong nanlamig nang mapagtanto ko kung ano iyong ibig niyang sabihin.

Hinawakan niya iyong dalawang kamay ko. Tumingin siya sa akin. "We love this little firm, right? We built this from scratch. Alam ko na ayaw mo... and if you say no, I will respect it," she said. "We'll still do our best. We'll just... see what happens in six months."

Nagpaalam na siya.

Naiwan ako sa opisina.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nandoon habang naka-titig sa kawalan... And then I looked around the office. We built this from scratch. We worked hard for this. Ayoko na mauwi sa wala lahat ng pinaghirapan namin.

Huminga ako nang malalim hanggang sa kunin ko iyong card ni Shanelle mula sa bag ko at tawagan siya.

"This is Atty. Manjarrez," sabi ko nang sagutin niya iyong tawag. She answered on the first ring. Na para bang alam niya na tatawag ako. "Come to the office and let's discuss your case tomorrow."

**
This story is already at Chapter 34 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top