Chapter 25

Chapter 25

"What?" tanong ni Samuel nung mahuli niya ako na naka-tingin sa kanya. It had been two weeks since the talk. Sabi niya sa akin ay nagsabi na siya sa frat niya na hindi na siya tatakbo sa pagka-presidente. Sabi niya sa akin ay okay lang naman daw, pero hindi naman ako bobo para malaman na siya iyong hindi okay. Mas lalo tuloy akong nagguilty dahil parang ang lagay, naggive-up siya ng bagay na gustung-gusto niya dahil sa akin. Ang bigat sa feeling.

Umiling ako. "Nothing," sabi ko sa kanya at tipid akong ngumiti.

Bumalik kami sa pagrereview. Halos isang oras din na seryoso lang kaming nagrereview nung biglang lumapit sa amin si Lui. He smiled at me and said hi.

"Can I steal your boyfriend for a while?" biglang tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo. "Bakit ka nagpapaalam?" tanong ko kasi sa panahon na kilala ko si Lui, never naman siya nagsabi ng ganito.

He shrugged. "Frat stuff," sabi niya sa akin.

"So?" naguguluhan na tanong ko pa rin kasi as far as I was concerned, hindi ko sinabi kay Samuel na umalis siya sa frat. Hindi rin naman siya umalis—nagsabi lang siya tungkol sa presidency. Sabi naman sa akin ni Samuel na dahil normal na member na lang siya (plus the fact na fourth year na siya next sem) ay halos wala na raw talaga siyang gagawin. Basically, 'untouchable' iyong mga fourth year dahil sa dami ng load nila sa school kaya hindi talaga sila inuutusan sa frat—plus seniority stuff na big deal doon.

Instead na sagutin ako, ngumiti na lang si Lui sa akin. I frowned at him, but he just laughed at me. For someone na natulog sa presinto ng isang gabi, parang wala lang nangyari sa kanya.

"Ano ba'ng sasabihin mo?" Samuel asked. Tumingin sa akin si Lui na parang sinasabi niya na ayaw niyang sabihin sa harap ko. Patayo na sana ako para bigyan sila ng privacy nung biglang magsalita si Samuel. "It's fine—you can tell it in front of her."

"Are you for real?" Lui said. Tumingin siya sa akin. "No offense," dugtong niya.

"None taken," I replied because I really didn't mind.

"I'd say it in front of you, but I think it's better if you know nothing. Messy, messy," sabi sa akin ni Lui.

"Gets ko naman," sabi ko tapos ay tumayo ako. Tumingin ako kay Samuel kasi baka isipin niya na naman ay makikipagbreak ako. Simula nung muntik na kaming maghiwalay, sobrang naging paranoid na siya. Hindi ko lang kausapin ng isang hapon, kita ko na nase-stress na siya. Naguilty ako kasi hindi naman siya ganito dati...

"Bili lang akong coffee," sabi ko sa kanya. "Iced coffee sa 'yo?" I asked and he hesitantly nodded. I smiled at him before leaving.

Pagbaba ko mula sa library, naka-salubong ko si Zach na tumatawa habang may kausap na member din nila sa frat. Akala mo walang nangyari, e. For some reason, umiwas ako. Ewan... alam mo 'yung tao na bad vibes? Siya iyon. Alam ko na masama magjudge sa isang tao na hindi mo naman kilala, but from what I've heard sa mga kwentuhan nila Lui, gago daw talaga 'yan si Zach. 'Di ko nga alam kung bakit naka-labas 'yan, e. Sabi-sabi, may kapit daw kaya naka-labas agad...

Ay, ewan. Gulo ng frat na 'yan. Sakit sa ulo kahit hindi naman ako member.

It took me 30 minutes bago ako bumalik sa library. Pagdating ko ay nakita ko na wala na roon si Lui. Inilapag ko iyong coffee ni Samuel sa harap niya.

"Thank you," sabi niya sa akin.

"You're welcome," I replied. "What?" I asked nung naka-tingin pa rin siya sa akin.

"You wanna know what Lui told me?"

I shook my head. "Nope. You're entitled to your privacy," I told him. I didn't expect him to tell me everything—that'd be weird. Besides, hindi ko rin naman sinasabi sa kanya lahat, noh. Kaloka. May sari-sarili naman kaming buhay.

"He said that the lawyer will contact me," sabi niya.

"What?"

Mahina lang iyong boses niya na para bang ayaw niyang may maka-rinig. Naka-tingin lang siya sa akin. Kumunot ang noo ko. He looked stressed.

"To get the story straight," he said.

"What story?"

"Tungkol sa nangyari nun."

"Pero wala ka naman dun?"

"I know, but they want me to corroborate their story."

"Their story?" I asked. I knew I shouldn't ask... but for some reason, nakaka-curious iyong nangyayari. Malaking kaso kasi 'to lalo na nung naisama sa balita na kasama sa frat si Maven. Thankfully for him, wala rin siya nung gabi na nangyari 'yon.

"About Lance."

Kumunot ang noo ko. I wasn't friends with Lance, but I saw him enough that I was familiar with him. Ka-batch ko siya. Kaka-sali niya lang sa frat.

Magsasalita pa sana si Samuel kaya lang ay napa-tingin siya sa may pintuan ng library. Napa-tingin din ako. Nakita ko na pumasok doon sila Zach at iba pang members. It's so weird... how these people be acting like no one died. Magaling lang ba talaga silang magcompartmentalize or wala lang talaga silang pakielam? So freaking weird and scary.

"I'll tell you later," sabi ni Samuel.

"Okay..." simple kong sabi sa kanya.

He smiled at me like he was trying to tell me that he wouldn't hide anything from me. Nakaka-guilty naman 'to. I reached for his hand and squeezed it. He smiled at me. I smiled back.

* * *

After namin sa library ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming klase. Naupo ako sa tabi ni Iñigo—kami na kasi iyong tabi kasi mas feel ni Kitty maging lone wolf. Nirerespeto namin kasi choice naman niya 'yon, but I made sure to message her to tell her na kung kailangan niya ng kausap o kahit makikinig lang, one message away lang ako lagi sa kanya. She didn't reply, but nagheart react naman siya sa message ko.

Nung dumating si Iñigo, tumingin ako sa kanya.

"Ano?" naka-kunot ang noo na tanong niya.

"Wala..." sagot ko.

"Kay Samu ba?" he suddenly asked.

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng meron kay Samuel?" I asked. Naka-tingin ako sa kanya at naghihintay ng sagot, pero biglang naging parang defensive siya at ayaw magsalita. I frowned at him. "Akala ko friends?"

Kinuha niya lang iyong libro sa bag niya. "Tanungin mo na lang jowa mo."

I frowned harder. "Fine..." sabi ko, pero nahirapan na ako magconcentrate sa inaaral ko. Hindi naman kasi naggaganitong hanash si Iñigo. Napa-isip tuloy ako kung ano ang meron kay Samuel... Tsk. Sana magfreecut kami kahit malabo dahil literal na kaunting kembot na lang ay end na ng second sem.

Thankfully, tinamaan ako ng kaba nung makita ko iyong prof ko kaya naman nawala sa isip ko saglit si Samuel. Nagfocus ako sa pagrereview habang nagrerecite iyong mga kaklase ko dahil malakas ang feels ko na matatawag ako—tama nga ako. Natawa ako. Lakas talaga ng intuition ko sa mga ganito!

Tinignan ko agad iyong phone ko dahil baka nagtext si Samuel. Mas mauuna kasi iyong dismissal niya sa akin.

'D, kausapin lang daw ako sa frat. Una ka na sa condo, okay lang?'

'Yup. Hintayin kita,' I replied.

'Thank you,' reply niya sa akin na parang naka-abang siya sa text ko. 'Pero 'di ko alam kung magtatagal, e. Kapag wala pa ako ng 11, tulog ka na.'

'Noted. Text ka kapag pauwi ka na.'

'I will.'

Nagsend lang ako ng heart tapos ay naglakad na ako pauwi. Hinanap ko si Iñigo, pero si gago ay mukhang nag-eemote. Ewan ko d'yan. Minsan talaga kapag weird si Iñigo, medyo 90% sure na si Cha iyong dahilan. Hindi naman siya nagkkwento tungkol doon, pero nadulas siya one time na may 'something' na nangyayari.

Dumiretso na ako sa condo ni Samuel. May mga gamit naman ako rito kaya naligo na ako habang naghihintay sa kanya. Umorder din ako ng pagkain. Nanonood ako ng Netflix habang kumakain nung biglang bumukas iyong pinto. Napa-tingin ako doon at nakita ko siya na pumasok. He looked... tired.

"Hey," pagtawag ko sa kanya. Akala ko talaga ay late na siya makaka-uwi. Actually, 'di na ako nag-expect na magkikita kami. Akala ko matutulog na lang ako. But he's here.

"Hey," he replied with a tired smile.

"Natapos agad?" He nodded as he sat down beside me. "Gusto mo?" I asked, offering him the noodles I was eating. Umiling siya. Tumingin ako sa kanya. "Badtrip sa meeting?" tanong ko sa kanya.

Nung muntik na kaming magbreak, isa sa mga pinag-usapan namin na kapag may gusto akong malaman sa frat niya, magtanong lang ako sa kanya. Kaya kahit ang unang instinct ko ay manahimik dahil it's none of my business, kapag ganito iyong itsura niya, syempre mapapatanong din talaga ako.

Tumango siya ulit. "Kinausap nga ako tungkol sa statement ko."

"Di ba nagbigay ka na?" I asked kasi sinabi niya sa akin iyon dati na kinuhanan na siya ng statement dati.

He nodded again. "Pero wala akong masyadong nasabi nun kasi hindi ko naman alam iyong nangyari."

"Ano daw kailangan nila?"

Problemado siyang napa-suklay ng buhok gamit iyong mga daliri niya. "Wag daw akong magsalita tungkol sa mga alumni na pumunta nung initiation," sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Wait... pero sila iyong may kasalanan, 'di ba?" tanong ko kasi isa sa mga pinagtataka ko kung bakit naka-kulong si Lance. As far as I was concerned, wala namang pwedeng gawin iyon nun initiation kasi baguhan pa lang sa frat 'yon. 'Di naman pwedeng mag-angas 'yun don kasi nga bago pa lang.

Tumango si Samuel.

My lips parted.

"So, si Lance..."

Tumango siya ulit. "They said they already talked to him."

"About what?"

"I don't know... They won't tell me anything anymore," sabi sa akin ni Samuel. Bigla niyang isinandal iyong ulo niya sa balikat ko. "Ang sakit ng ulo ko."

Hindi ako nakapagsalita. I gently patted his head. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Ang lala... Akala ko brotherhood. Akala ko one for all, all for one sila? Nasaan iyong brotherhood na 'yan ngayon na may isa sa kanila iyong nasa presinto? Parang gago talaga 'tong samahan nila.

After a while, naupo nang maayos si Samuel.

"I should—" sabi niya tapos ay huminto. "I should tell the truth... right?"

"I mean... yes," sabi ko. "Because will you lie under oath for them?"

Tumingin siya sa akin.

For a split second, I thought that I saw hesitation in his eyes.

"Of course not," sabi niya.

Simple lang akong tumango... but seriously? He was considering lying for them? Pero paano si Lance? Kawawa naman iyong tao na sasalo ng problema na ibang tao ang gumawa. Pambihirang frat 'yan.

"Kapag pinatawag na ako para sa statement ko, magsasabi ako ng totoo," sabi niya sa akin. Tumango lang ako kasi ano ba ang sasabihin ko pa? "I won't lie."

Hinawakan niya iyong kamay ko.

"I'm sorry kung dinadamay kita sa ganito."

Hinigpitan iyong hawak sa kanya.

"Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap," I told him... because at this point, I felt like he needed me to be the voice of reason. Hindi ko maalis sa isip ko na for a second there, he actually considered doing what they asked of him. Gusto kong kalimutan, pero hindi ko mawaglit sa isip ko.

"What?" he asked nung mapansin niya na naka-titig lang ako sa kanya.

Umiling ako. "Nothing."

"I promise I won't lie," he told me.

"I know..." I said. He smiled... but it looked and felt different. "Why?" I asked.

"Nothing," he said, shaking his head and smiling. "Gusto mong lumabas? Nagugutom ako," he added, instead. Tumango lang ako. Hinatak niya ako para maka-tayo.

Nung maka-tayo ako, I tilted my head up to look at him. "Everything will be fine," I said because his worry was palpable.

He nodded. "I hope so..." he said, but at that moment, it felt like he didn't believe a word he said.

* * *

"You seriously don't need to come," sabi niya nung huminto iyong sasakyan niya.

"I know... but I want to," sagot ko habang naka-tingin sa kanya. Hinawakan ko iyong pisngi niya. Tumingin ako sa mga mata niya. "Nandito lang ako, okay?" paalala ko sa kanya. Imbes na sumagot ay hinawakan niya iyong kamay ko nang mahigpit, na para bang doon siya kumukuha ng lakas.

Alam ko naman na mahirap iyong mangyayari ngayon. Magbibigay siya ng panibagong statement. Sinabihan na siya ng fraternity niya sa kung ano ang dapat niyang maging statement... pero sabi sa akin ni Samuel, hindi raw siya magsisinungaling under oath.

To be honest? Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Alam ko na matindi iyong pressure galing sa fraternity niya... Nung makita ko pa lang dati iyong listahan ng mga alumni nila, alam ko na kung bakit ganoon sila kayabang... Ibang klase rin kasi iyong mga tao sa likod nila. Alam ko naman na mabait si Samuel... pero hindi na rin ako magugulat kung susunod siya sa kanila. Madidisappoint ako, pero hindi ko rin siya masisisi...

Papa-labas na sana si Samuel sa sasakyan nung bigla siyang huminto. Tumingin ako sa pinanggalingan ng mga mata niya. Kumunot ang noo ko nung may makita akong tatlong lalaki na naglalakad papasok sa building. They looked familiar, pero 'di ko maalala kung san ko sila nakita.

"Another idea—dito ka na lang sa sasakyan?"

Tumango ako. Gusto ko siyang tanungin kung sino iyong mga lalaki na 'yon dahil obviously, sila iyong dahilan kung bakit ngayon ay sa loob na lang ako ng sasakyan ni Samuel.

Hindi siya nagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin. After a few seconds, he cupped my face, leaned in, and planted a kiss on my lips. It was supposed to be quick, pero parang ayaw niyang bumitaw. Hindi ko na sigurado kung dahil ba 'yon na-miss niya lang na ganito kami o baka ayaw niya lang pumasok sa loob? Pwede rin naman na both. Ramdam na ramdam ko iyong hesitation niya sa pagpasok.

"Hindi ko alam kung gaano katagal," sabi niya habang hawak-hawak pa rin iyong pisngi ko.

"I'll wait."

"Okay," he said as he breathed out. I held his hand. Hinawakan niya iyon at dinikit sa pisngi niya. I wanted to tell him that everything would be fine, but I didn't know that... All I knew was that he's a good person and if he did what they were asking, he'd regret it—probably not now... but definitely sometime soon. Because he's a good person. Hindi siya kagaya nila. It would eat him up inside.

Pina-nood ko si Samuel habang naglalakad siya papasok. Nang maka-pasok na siya, kinuha ko iyong phone ko. I tried searching different names, different positions in the government to try to figure out kung sino ba iyong mga lalaki na nakita namin kanina. And after a couple of tries, I finally saw them—they're some of the top criminal lawyers in the Philippines... Sila siguro iyong sinasabi ni Samuel sa akin noon na kumausap sa kanya para sa statement niya—para coherent daw.

Isinandal ko iyong ulo ko sa headrest at ipinikit ang mga mata ko. He's doing the right thing... everything will be fine... right?

* * *

"Hey," sabi ko pagbalik niya. Nagbasa lang ako habang naghihintay sa kanya. Ayokong mag-imagine ng mga worst case scenario dahil parang mas nakaka-stress pa iyon kaysa sa final exams namin.

"Hey," sabi niya pabalik. May maliit na ngiti sa mukha niya. Sumandal siya sa may upuan. Ipinikit niya iyong mga mata niya at hinilot iyong sentido niya.

"Okay ka lang?"

"Yeah," sabi niya habang tuma-tango. Naka-pikit pa rin ang mga mata niya na parang maraming laman iyong isip niya.

"Do you want to talk about it?" I asked, giving him a choice dahil ayoko na pilitin siya. I knew that this was private and sensitive—kaya nga kahit si Lui na madaldal ay ayaw sabihin sa harapan ko.

"I want to," sabi niya. Ibinukas niya iyong mga mata niya at tumingin sa akin. "But not tonight," dugtong niya. "Is that okay?"

Tumango ako. Inabot ko iyong kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. "As long as you know na nandito lang ako," sabi ko. Hinawakan niya nang mahigpit iyong kamay ko. Iyon lang naman ang gusto ko—na hindi parang lagi akong walang alam. He didn't even need to tell me the specific kung bawal. I just didn't want to be kept in the dark anymore. Kasi 'di ba team dapat kami? Hindi naman siya mag-isa. Nandito naman ako. Kasi kung hindi, ano pa iyong sense?

That night, he didn't ask me if I wanted to sleep in his condo. Gusto ko na umuwi na ako sa condo ko, but upon looking at him? I didn't want to leave him alone. I was... worried. So, even though I was basically uninvited, I stayed. Niyakap ko lang siya buong gabi. And hoped that that was enough to calm whatever storm was brewing inside his head.

* * *

I patiently waited for the day na magkkwento si Samuel sa akin, but that day never came. The day after niya magbigay ng statement, he tried to act normal, pero girlfriend niya ako, kilala ko siya, alam ko na mayroong kakaiba. But I also knew better than to push him, so I just went with the flow.

But a whole sem ended.

He wouldn't talk about his frat. Hindi ko alam if mas okay ba? Because we're spending more time together. Hindi ba iyon naman iyong gusto ko? But something really felt off... Nag-aalala na ako sa kanya.

"Lui," I said nang magkita kami. Nagmessage ako sa kanya sa IG.

"Yeah?" he replied with that familiar grin on his face. Hindi ko na rin sila masyadong nakikita ni Samuel na magkasama. Nung tinanong ko before kay Samuel 'yon, sinabi niya na lang na hindi kasi sila classmates ngayong fourth year—that was one more thing I badly wanted to ask Samuel kasi naalis siya sa star section. Maayos din iyong section na napuntahan niya—star section din naman pero iyong pinanggalingan niyang section iyong section ng mga BAR bets.

"Okay lang ba si Samuel?"

Natawa siya. "What do you mean? Ikaw ang girlfriend?"

Umirap ako. "I know, but... you know what I mean," sabi ko habang naka-tingin lang sa kanya. "Okay lang ba siya? Hindi ko na siya naririnig na nagkkwento tungkol sa frat."

He shrugged. "I mean, we're graduating. Usually, there's really nothing left to do for us," he replied.

"Lui," I said, because I could feel that he was hiding something kahit ngitian niya pa ako at ipakita iyong dimples niya.

"Look, Deanne, I know you mean well, but Samuel's fine," he said. "Kahit ako, I don't attend much. I have a lot on my plate. Review year sucks," he continued.

"Totoo?"

Tumango siya. "Besides, the past few months have been draining. Maybe he's just taking a break. Like me."

Nagbuntung-hininga ako. Maybe Lui's right. Maybe ayos lang naman talaga ang lahat at ako lang ang naghahanap ng mali. Because the past few months have been... quiet. Paranoid lang siguro.

"Okay," sabi ko at ngumiti. "Thanks, Lui."

"No problem," sabi niya at saka nagpaalam na aalis na siya.

Nagpunta ako sa library para mag-aral. I proceeded to reviewing for my CivPro class. Sumasakit na iyong ulo ko dahil kailangan kong magmemorize ng twenty provisions kasi iyon ang trip ng professor ko. Love ko si Sir, pero minsan feel ko gusto niya akong patayin sa mga pinapa-gawa niya.

Nung nagstretch ako, napa-tingin ako sa gilid. Nakita ko iyong mga members ng frat nila Samuel. They looked... normal. Na para bang hindi nangyari iyong mga naka-lipas na buwan. Bilib talaga ako sa kanila. Ganoon ba sila kagaling magcompartmentalize o wala lang talaga silang pakielam dahil mayroon silang ibang member na nasa kulungan ngayon? Pending pa rin kasi iyong case. I just try not to read much about it kasi stressful na iyong third year at ayoko na dagdagan pa. Basta alam ko na safe si Samuel, ayos na ako roon.

Pagdating sa classroom, natawag ako sa predicted.

"Mamamatay na ako," sabi ko kay Iñigo. Lagi kasi kaming natatawag lahat dahil konti na lang naman kami kumpara nung nasa first and second year kami. Mas kokonti pa kami next year dahil mas mataas na iyong required na QPI para makarating sa fourth year.

"Wait lang; may Torts pa," sabi ni Iñigo.

I groaned. "Iyan pang si Sir, jusko," reklamo ko.

Tumawa siya. "Wag kang pa-stress—two units lang naman 'yon."

"Tss. Palibasa nandun crush mo."

He scoffed. "Crush? 'Di ko crush 'yon."

"Weh? Crush mo 'yun, e."

"Wala akong crush na judgmental," sabi niya na parang malalim iyong pinaghuhugutan.

I tapped his shoulder. "Aww. Gusto mong panyo? Iiyak ka na ata, e."

He swatted my hand away. "Matawag ka sana sa case."

"Uy, gago!" sabi ko tapos nagknock on wood. "Di ko natapos 'yung cases!" dugtong ko. Walangya 'to! Dun agad dumiretso! Ang dami kasing assigned cases sa Torts and to be completely freaking honest, nakaka-lito sila tandaan dahil halos pare-pareho lang naman iyong nangyayari. Hirap idifferentiate.

Mayamaya ay dumating na iyong crush ni Iñigo. Maganda talaga si Cha, no doubt, kaya nga chismis sa akin nila Lui noon na crush talaga ng buong frat 'yan—maliban kay Samuel na todo deny na hindi niya type si Cha kasi daw madaldal ang type niya—aka ako, ayaw pang sabihin.

"Wow, LQ kahit hindi naman lovers," sabi ko kay Iñigo.

"Sana magka-surprise quiz," sagot niya.

"Gago ka, ah," sabi ko sa kanya.

"Tahimik na."

Nagsimula na iyong class. Hindi naman ako natawag, thank God, dahil ang hihirap ng mga tanong ngayon! After class, nagpaalam na ako kay Iñigo dahil kami na ni Samuel iyong sabay na naglalakad pauwi. Nung pagbaba ko sa building, malayo pa ako ay nakita ko na may kausap si Samuel. I stood there for a while. Hindi ko rin alam kung bakit. It wasn't as if naririnig ko iyong usapan nila. I just wanted to observe. The talk didn't seem hostile. Naka-tayo lang sila roon at nag-uusap. Mukhang mas nakikinig si Samuel sa kung anuman ang sinasabi nung lalaki sa harapan niya. After a while, natapos din iyong usapan nila. I watched as Samuel sat down and stared on the ground like he was in deep thoughts.

Ganito ba iyong 'okay?'

I should ask him.

I needed to ask him.

"Kanina ka pa?" I asked nung lapitan ko siya. "Late nagdismiss si Sir."

"Ganon talaga 'yon," sabi niya na biglang ngumiti. "Dinner muna tayo?"

Tumango ako. "Okay," sabi ko sa kanya.

Nung maka-labas kami ng school ay hinawakan niya iyong kamay ko habang naglalakad kami. Tahimik lang kami. Wala namang kakaiba dito. Nakaka-pagod kasi talaga itong sem na 'to kaya minsan ay hindi kami nagsasalita. Basta magkasama kami, okay na 'yon. Sabay din kami nag-aaral minsan, pero hindi ako maka-sabay sa kanya kasi ibang klase iyong load ng subjects ni Samuel. Medyo kinabahan talaga ako kapag turn ko na next year.

Pagdating namin sa tapsilogan, dahil kilala na kami rito, sinabi lang namin na usual tapos naupo na kami habang naghihintay ng order.

"Samuel," I called. Tumingin siya sa akin. He looked so... kind. Alam mo iyong parang hindi siya gagawa ng masama? Iyon talaga iyong itsura niya. I hated seeing him sad. Parang may kasalanan talaga ako na ginawa kapag ganon.

"Wag ka magalit."

Kumunot ang noo niya. "Bakit ako magagalit?"

"Kasi... kinausap ko si Lui," I said. Hindi siya nagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin. "Nag-aalala lang kasi ako," I added. "I know the past few months have been hard. I just wanted to be sure that you're fine."

"Sinabi ko naman sa 'yo na ayos lang ako."

"Alam ko."

"Hindi ka naniwala sa akin?"

"Gusto ko lang ng assurance."

"Mula kay Lui?" he asked like he couldn't believe na kay Lui, of all people, pa ako hihingi ng assurance. I would've asked Rhys, pero busy na iyong tao sa pagrereview niya sa BAR.

Tumango ako. "Pero sinabi niya na okay lang naman lahat. Na busy lang talaga dahil fourth year," sabi niya. "Gusto ko lang sabihin sa 'yo para transparent."

Dumating na iyong order namin. Nagthank you ako kay Ate. Hindi nagthank you si Samuel gaya ng usual na ginagawa niya. Tumingin siya sa akin.

"I told you—ask me kung may gusto kang malaman."

"Gusto ko lang naman malaman kung okay ka."

"Okay lang ako."

"Okay din sa frat?" I asked. He took a beat. He sighed. Iyong malalim. Kinuha niya iyong tumbler mula sa bag niya at uminom ng tubig mula roon.

"Inactive ako sa frat," sabi niya.

"Right. Kasi fourth year ka na?"

"Not exactly," he replied.

"Dahil ba 'to sa statement?"

"Yes."

"Tinanggal ka nila?"

"Not exactly."

"What do you mean?"

"I don't know," he said. "They just said that they don't need anything from me and I can't also get anything from them."

"Hindi ba tanggal ka na rin kapag ganoon?"

Umiling siya. "To get out, you'd have to leave the way you got in. And we're not exactly doing any of that right now," tahimik na sabi niya. Oo nga pala—naglabas ng memo iyong school na halted muna lahat ng activities ng fraternities tungkol sa initiation dahil naging malaking issue talaga iyon.

"I'm sorry," I said, sincerely, dahil alam ko na importante kay Samuel iyong frat. He even wanted to run as the president. Tapos ngayon... ito?

Shit.

Nakokonsensya ako.

"Not your fault," sabi niya.

"I feel responsible..." sabi ko. Kasi sinabihan siya na sumunod sa 'script,' but I told him to be honest... And then, this. Fuck. Kasalanan ko 'to.

"It was still my choice," he said. "You didn't make me do anything."

"I told you to tell the truth."

"Exactly," he replied. "Since when did telling the truth become a mistake?" sabi niya habang inaabot iyong kamay ko. "I'll be fine."

Nagbuntung-hininga ako. "How about the BAROPS?" tanong ko. There's a reason kung bakit halos 100% lagi iyong passing rate ng BAR takers nila. Lahat na ata ng pwedeng ibigay ay binibigay nila. Hotel accommodation, your BAR kits, your meals, your reviewers, your lectures, your last minute tips na minsan ay 90% accurate? Lahat ibibigay nila sa 'yo.

And now... wala na.

Just like that.

Na parang hindi tatlong taon na nagsilbi si Samuel sa kanila kasi 'di ba iyon daw 'yon? Serve well, so that when your time comes, they'll also serve you well.

Pero biglang wala na.

Gago talaga 'yang brotherhood kuno nila.

"I'll be fine."

Hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya. I intertwined our fingers together. Naka-tingin siya sa mga kamay namin habang ginagawa ko iyon.

"I'll be your one-man BAROPS team," I told him. "Whatever you need—I got you," I continued. "You don't need them to pass the BAR. I got you, Samuel. We're a team, you and me," sabi ko habang naka-tingin sa mga mata niya. 

**
This story is already at Chapter 31 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top