Chapter 24

Chapter 24

It was 1:04 in the morning.

There was a knock on the door.

Napa-tigil ako sa pagbabasa ko ng libro at napa-tingin sa may pintuan. Naghintay ako sa susunod na katok, pero imbes na iyon ang dumating ay naka-receive ako ng text. Ni hindi ko hinawakan iyong cellphone ko. Naka-tingin lang ako roon sa notification sa may bandang itaas.

'Gising ka pa?'

Naka-tingin lang ako roon.

'If you're still awake, can we talk? Nandito ako sa labas ng unit mo.'

Naka-titig pa rin ako sa cellphone ko. Huminga ako nang malalim at saka ibinaba iyong hawak ko na highlighter. Limang araw na ang lumipas nung umalis siya nung birthday dinner ko. Mag-isa akong umuwi sa condo. I tried to block out all thoughts of him, pero paano ako makaka-iwas kung kahit saan ako tumingin, nandoon siya? Kalat na kalat sa buong school—heck, sa buong Pilipinas—iyong nangyari sa initiation nila.

Tumayo ako at saka lumapit sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay nandoon siya. Mukhang wala siyang plano na umalis doon. Balak niya bang hintaying mag-umaga kung hindi ako tumayo at binuksan iyong pinto?

"D..." sambit niya nung makita niya ako.

"Ano?" simpleng tanong ko sa kanya.

"Can we talk?" he asked.

"Tungkol saan?" tanong ko. Hindi agad siya naka-sagot. "Kung tungkol sa atin, I think naging malinaw naman ako nung huli tayong nag-usap," sabi ko sa kanya.

"Seryoso ka ba 'dun?" tanong niya na para bang gusto niyang pagaanin iyong usapan namin.

"Mukha ba akong nasa mood para magjoke?" diretsong sabi ko sa kanya. "Kaka-uwi mo lang ba?" tanong ko dahil base sa huling narinig ko, naka-detain din siya dahil isa siya sa mga tinuro na kasama sa initiation rites.

He nodded.

"Umuwi ka muna sa condo mo. Matulog ka. You look like shit," I told him without missing a beat. Of course I still did love him—hindi naman iyon ganoon kabilis mawawala. Para akong mababaliw sa pag-aalala sa kanya nung mabasa ko sa mga balita sa newsfeed ko iyong nangyari nung initiation nila. Pero pinigilan ko iyong sarili ko na mag-alala ng sobra. Kasi ayoko na. Nakakapagod siya. Hindi naman siya nakikinig sa akin. Kahit nung sinabi ko sa kanya na makikipaghiwalay ako kapag umalis siya, ano ang ginawa niya? Umalis pa rin siya.

Saan ko ilulugar iyong sarili ko?

Ayoko nung sinisiksik ko iyong sarili ko—nakaka-baba ng tingin sa sarili.

"Mag-usap muna tayo," sabi niya.

"Wala naman tayong pag-uusapan," sagot ko.

"Deanne—"

"Look, Samuel, I gave you a choice and you chose to leave. Ano pa ba ang dapat pag-usapan natin ngayon?"

At this point, I was thankful that he was standing a few meters away from me. Kasi kung hindi, natatakot ako na baka marinig niya iyong tibok ng puso ko dahil sa lakas nun. Ayoko na marinig niya kung paano ako kinakabahan dahil lang nandito siya. Kasi alam ko na kapag nalaman niya kung gaano ako naaapektuhan sa presensya niya, mas lalong hindi siya aalis.

Mahal ko naman talaga...

Kaso pagod na ako.

Hindi ba ang logical na gawin ay ang magpahinga?

"Someone died," he said.

"Believe me, I know," sagot ko sa kanya dahil kalat na kalat iyong balita sa nangyari sa kanila.

"I would've come here sooner—"

"But you were detained and questioned?" pagputol ko sa sasabihin niya. "Kasi pumunta ka roon? Kahit sinabi ko na 'wag ka ng pumunta kasi alam nating pareho kung ano ang mangyayari?"

"Deanne—"

"Tigilan mo nga 'yang pagtawag sa pangalan ko. You know what? I love you—I still fucking do. But I can't do this anymore, Samuel. I seriously fucking can't."

Naka-titig kami sa isa't-isa. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. Siguro pareho kaming natatakot sa susunod na mangyayari. Kung pwede lang siguro na ganito na lang... pero hindi ba parang mas mahirap? Mas mahirap na isipin iyong mga posibilidad... na ano nga ba ang mangyayari sa susunod?

"That was one time, Deanne. Ginawa ko naman 'yung sinabi ko sa 'yo dati, 'di ba? Hindi na ako busy. Umalis lang naman ako ng birthday mo dahil seryoso iyong nangyari."

Hindi ako nagsalita.

"They told me someone died. What did you want me to do? To stay there with you habang nagkaka-gulo doon?"

Tumingin ako sa kanya.

"Deanne..." parang nagmamakaawa na pagtawag niya sa pangalan ko. Halos mapaatras ako nung humakbang siya palapit sa akin. Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko na mas lalo lang yatang bumilis nung abutin niya iyong kamay ko at hawakan iyon. "Deanne, please... Don't break-up with me..."

Naka-tingin pa rin ako.

I bit my lower lip.

I felt him caressing my palms with his thumbs.

"Fine," I said. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa pagpayag ko. "Fine as in mag-usap tayo. Bukas. Matulog ka muna," mabilis na dugtong ko.

He nodded. "Okay..."

Dahan-dahan kong kinuha iyong mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kitang-kita ko iyong pagkadismaya sa mukha niya dahil sa ginawa ko, pero hindi ko na iyon pinansin. Ayokong masyadong pagtuunan ng pansin iyong nararamdaman niya kasi paano naman ako? Lagi na lang siya?

"Ano'ng oras bukas?"

"Wala ka bang pupuntahan?"

Hindi agad siya naka-sagot. Nakita ko na nakita niya sa reaksyon ko na alam ko kung bakit hindi agad siya naka-sagot. "We'll talk first," he said.

I nodded, not wanting to argue further. "Okay. 10AM. Sa CD."

Tumango rin siya. "Okay."

Wala ng nagsalita. Naka-tingin lang kaming muli sa isa't-isa. Nag-iwas na ako, pero ramdam ko pa rin iyong titig niya sa mukha ko.

"Hindi ko nabigay iyong regalo mo," mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot kasi ano ba ang pwede kong isagot? Na oo nga? Iniwan mo kasi ako? He sighed at the lack of response on my part. "I'll see you tomorrow," he added. I just nodded and watched as he walked out of my condo.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-titig doon bago ako naka-ipon ng lakas ng loob para umalis sa pwesto ko. I tried to get back to studying, but I couldn't anymore. I tried to sleep, but it alluded me. Instead, I tried to call Iñigo.

"Bakit?" sagot niya.

"Busy ka?"

"Digest lang. Bakit? Manghihingi ka na naman?"

Bahagya akong natawa. "Hindi kasi madamot ka," sabi ko at narinig ko iyong halakhak niya. "May itatanong pala ako."

"Ano?" sagot niya.

"Di ba dati..." sabi ko at napa-hinto. "Ayaw mo talaga sa amin ni Samuel?"

"Grabe naman sa ayaw. Wala naman akong balak magpaka-kontrabida sa inyong dalawa," sagot niya kaya bahagyang natawa na naman ako. Joketime talaga 'tong lecheng 'to. Hirap kausap nang seryoso.

"I mean, 'di mo siya bet for me?"

"Bakit? Break na ba kayo?"

Hindi ako sumagot. Hindi naman kasi nagtatanong si Iñigo tungkol sa amin ni Samuel. Kapag nagkwento ako, nandyan siya. Kapag hindi, hindi rin siya nagtatanong. Pero sabi niya sa akin, kung may problema, one call away lang daw siya... Kagaya ngayon.

"Oo? Pero parang hindi pa? Ewan."

Hindi siya nagsalita. I knew he was just waiting for me to continue. Ilang beses kong sinubukan na magsimula, pero palaging hindi natutuloy. Tuwing sinusubukan ko na ikwento, pakiramdam ko ay nagta-traydor ako kay Samuel. Kasi 'di ba relasyon namin 'yun? Kwento naming dalawa 'yun? So, kung may dapat mang mag-usap, kaming dalawa muna bago iyong iba.

"Anyway..." sabi ko na lang.

"Parang tanga. Wala ka pa ngang sinasabi."

Tumawa na lang ako. "Pa-send ng digest!"

"Bayad—kinse kada kaso."

"Napaka-buraot mo talaga, Borromeo."

"Buraot o business minded?"

"Buraot," sabi ko sa kanya at kinulit ko lang siya hanggang pumayag siya na limang piso kada digest. Ibang klaseng nilalang talaga! 'Di nagpapalamang!

* * *

I woke up at around 8AM. I made myself coffee. I forced myself to continue studying. Nung hindi ako makapag-aral dahil sa pag-iisip sa mangyayari mamaya ay nagsulat na lang ako ng digest.

At around 9:30AM ay naka-ayos na ako at naglalakad na ako papunta sa may coffee shop. Pagdating ko roon ay agad kong nakita si Samuel na naka-upo. He was staring at his coffee like he was in deep thought. Kanina pa kaya siya rito? Natulog ba siya gaya nung sinabi ko?

Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanya.

He looked like a deer caught in headlight nung makita niya ako.

"Hi," I said as I pulled the chair in front of him. "Kanina ka pa?"

Umiling siya. "Hindi naman," sagot niya kahit kita ko na halos paubos na iyong kape sa harapan niya. "Nagbreakfast ka na?"

"Hindi pa."

"Order ka muna."

"Okay. Ikaw?"

"Okay na ko sa coffee." Tumango ako. "Oorder ka na?" he asked nung hindi ako tumayo para pumunta sa counter.

Naka-tingin lang ako sa kanya. "Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya pabalik. Huminga nang malalim. Binitawan niya iyong pagkaka-hawak sa mug niya. Pinagsalop niya iyong mga kamay niya.

"Ayokong makipagbreak," agad niyang sabi nung maka-ipon siya ng lakas ng loob. Diretsong naka-tingin siya sa mga mata ko. "I don't want to break-up."

"Ayoko rin naman... pero ayoko na rin nung ganito."

"Anong ganito?"

"Ito."

He was staring at me.

Did he want me to elaborate? Iyong lahat ng ayoko? Because I got quite a list.

"Ano'ng nangyari sa frat mo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. "Huling basa ko naka-detain pa sila Zach, ah."

"You know I can't talk about that."

"Precisely—it's a huge part of your life and you can't talk to me about it—me, your supposed girlfriend."

He frustratingly ran his fingers through his hair. The frustration was very evident on his face. Mula noon hanggang ngayon, ito lang naman iyong problema namin—iyang frat niya na sa hindi ko malaman na dahilan, bakit masyado siyang loyal. Siguro kasalanan ko rin kasi hindi naman ako nagtatanong dati. Kaya ang nangyari, hindi ko maintindihan. Pero kung nagtanong ba ako, sasagutin niya ba? Kasi pakiramdam ko hindi rin naman.

"Fine. What do you want to know?" diretsong tanong niya.

Tumitig ako. "Hindi ka involved sa kaso?"

"Hindi. On the way na sa hospital na iyong neo nung dumating ako."

"Pero naka-kulong sila Zach?"

"Yes. Pati sila Lui."

"Bakit nandoon si Lui?" I asked. I saw his jaw clenching. He didn't want to answer any of my questions. I was just waiting for him to deflect because I knew that that's what he'd do.

"Because..." sabi niya at huminto. Huminga siya nang malalim. "Because when the neo—"

"Jake," I said. "Iyon ang pangalan niya."

"Alam ko," he replied. Inabot niya iyong baso ng tubig at uminom. Pina-nood ko iyong bawat galaw niya. Sa panahon na magkasama kami, pakiramdam ko naman ay kilala ko na siya... Kita ko sa galaw niya na nakokonsensya siya sa nangyari. Pero mababalik ba nun iyong buhay na nawala?

"Nung hindi nila magising si Jake, tinawagan nila si Lui."

"Bakit si Lui?"

"Because he's a nurse. Because he came from a family of doctors," diretsong sabi niya na parang pinipilit niya na sabihin sa akin lahat kahit ayaw niya. "Nung pumunta siya roon, hindi niya alam na iyon ang dadatnan niya. Sinabi lang nila na kailangan niyang pumunta. He was the one who forced them to bring Jake to the hospital."

Tumingin siya sa akin. Muling huminga nang malalim.

"Si Lui iyong tumawag sa akin nung birthday mo. You know Lui—he's not one to panic. Pero rinig na rinig ko iyong kaba sa boses niya nung tumawag siya. I had to go," sabi niya at saka inabot iyong kamay ko at hinawakan. "Please understand..."

Tanginang pag-ibig 'yan...

"If it were anything else, I wouldn't have left..."

Hindi ako makapagsalita kasi kahit ako na-disappoint sa sarili ko. Na ganoon lang iyon? Na isang paliwanag lang, okay na ulit? Naiintindihan ko na ulit? Na babalik na ba ulit ako?

Ganoon lang?

Nasaan na iyong pagod ko?

Naglaho ba kasabay ng pride ko?

"What about next year?" tanong ko sa kanya. "Sabi mo balak mo na tumakbo bilang president ng frat niyo. What, then?"

Natigilan siya.

"I'm not telling you not to run. I'm not asking you not to run. Ang akin lang kasi, kung walang magbabago, dito rin tayo babagsak ulit. Hindi ka ba napapagod?"

Naghintay ako.

Dahan-dahan siyang tumango at tumingin sa akin.

"Do you want me to leave the frat?" he asked.

"I won't make your decisions for you, Samuel. Kasi ayoko na sisihin mo ako sa future. Kung may gagawin ka, dapat desisyon mo sa sarili mo."

"Then, how can I make a decision, Deanne? It's either that or you'll leave me? Anong klaseng choices 'yan?"

"Hindi ko alam—pero tignan mo naman sa point of view ko. Lagi na lang akong pangalawa d'yan sa frat mo. 'Di mo ba naisip na napapagod din ako maghintay? Porke ba hindi ako nagrereklamo dati, sa tingin mo ayos lang sa akin? 'Di mo ba napansin dati na nahihirapan din ako? Porke oo lang ako nang oo, sa tingin mo okay lang lahat sa 'kin 'yon?"

"Bakit hindi ka nagsabi dati?"

"Kasi kahit nga magsabi ako, wala namang nababago? Hindi mo ba gets? Kahit nga ngayon, kahit ang linaw-linaw na, parang ayaw mong intindihin."

Inabot niya iyong baso muli.

"Ang akin lang, hindi naman pwede na lahat ng gusto mo, makuha mo. Alam ko na loyal ka d'yan sa frat mo—fine... but don't beg me to stay kahit alam mo naman na ayoko. Ang unfair mo naman sa part na 'yan."

Bigla siyang tumahimik na para bang seryoso siyang nag-iisip. Tahimik din akong naghintay. A lot of people passed by. It felt like we were frozen in time.

"Okay," he said.

"Okay what?" I asked, looking at him.

"Okay I won't run. Do you want me to leave the frat, too?"

Napaawang ang labi ko. "Samuel—"

Umiling siya. "You said that I should make my decisions—I am making my decision. I choose you. I want you."

Hindi ako nakapagsalita.

He was choosing me.

He was staying with me.

Yet why did it feel wrong? 

**
This story is already at Chapter 30 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top