Chapter 23

Chapter 23

"What... are you doing here?" gulat na tanong ko sa kanya nung lumabas nga ako at nandito nga siya.

Instead of answering, he just shrugged. "Merry Christmas?" sabi niya sa akin. It was 11:55PM. Nagtext siya sa akin kaninag 11:45PM. Mayroon akong ginagawa kaya hindi ko agad na nabasa iyong text niya. Nung mabasa ko iyon ay hindi agad ako naniwala at inisip ko na niloloko lang ako nito kasi bakit naman siya mapapadpad dito sa Calapan? E as far as I was concerned, nasa Abra siya dahil nandoon iyong pamilya niya? December 24 pa kaya ngayon! Sobrang traffic, for sure!

"Wait..." sabi ko. "Di ko gets—bakit ka nandito?"

"I want to spend Christmas with my girlfriend?" sabi niya sa akin. Nakaawang lang iyong labi ko at hindi pa rin ako nakakapagsalita. Humakbang siya palapit sa akin. Madilim na madilim pa iyong paligid bukod sa ilaw galing sa poste. Kaming lang din ang nasa kalsada sa oras na 'to.

"So... galing ka pa sa Abra?" He nodded. "And dumiretso ka rito?" He nodded again. "Kasi... gusto mo akong makita?"

Imbes na sumagot ay inilagay niya iyong mga kamay niya sa magkabilang bewang ko. Naka-tingin siya sa mga mata ko. Nararamdaman ko iyong unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Will willingly drive the whole day just to see you," malambing na sabi niya sa akin. He was caressing the side of my waist with his thumbs. Hindi ko alam pero sobrang nakaka-kalma sa akin kapag ginagawa niya iyon—na para bang sinasabi niya sa akin na nandito lang siya lagi. "D..." pagtawag niya. "I know the last few months have been... bad."

"Hindi naman nga ako nagrereklamo—"

"I know," sabi niya. "Still. You're my girlfriend. I have responsibilities with my frat, but I also have a commitment with you."

Tumingin lang ako sa kanya, pero hindi ako nagsalita. 'Di ko kasi alam pa rin kung ano iyong sasabihin. Ayoko magdemand. Ayoko rin manumbat. Ang ayoko lang naman talaga ay iyong gagawa siya ng plano o pangako na siya rin iyong hindi sumusunod—iyon ang ayaw ko... kasi kapag ganoon, parang pinaghihintay at pinapaasa niya talaga ako sa wala.

"I'll be better," he said.

"The best ka na, e... Paano 'yan?" sabi ko sa kanya at unti-unting napa-ngiti siya na para bang kinikilig. Umirap ako. Ang dali talaga pakiligin ng isang 'to.

"D..." malambing na sabi niya ulit.

"Basta wala ng promise na hindi natutupad," sabi ko sa kanya.

He nodded. "Prom—" Natigilan siya dahil inangatan ko siya ng kilay. "I'm sorry."

Niyakap ko na lang siya. Na-miss ko talaga siya. After kasi nung pag-uusap namin, okay naman kami... pero alam mo 'yon? Ramdam mo na may hindi tama? Ewan ko ba kung naka-tulong o hindi na hindi ko rin naman siya masyadong nakikita din buong November. Tapos nung December, awkward din nung nagkikita kami. Tapos biglang holiday break na.

Mga ilang segundo lang kaming magkayakap nun tapos ay tinanong ako ni Samuel kung gusto ko ba na pumunta sa beach o kung gusto ko na matulog—of course mas gusto kong sumama sa kanya. He asked me na baka hanapin ako, but alam ko naman na ang sasabihin sa parents ko.

We ended up in the beach as planned. Mukhang last minute trip lang 'to dahil walang masyadong dala si Samuel bukod ang sarili niya. Hindi kami masyadong nag-usap nung simula at naka-tingin lang kami sa buwan.

And then I felt him holding my hand.

I looked at him and smiled.

"I love you," he said.

I smiled and leaned in and kissed him. "I love you," I replied.

And maybe that's the reason why it's so easy to just... get over it—kasi mahal mo, e. Ano pa ba ang dapat na dahilan? Hindi pa naman ako ganoon kapagod.

* * *

I spent the first hours of Christmas with Samuel. Nung mag-umaga na, kinailangan ko ng bumalik sa bahay dahil syempre, hahanapin ako bilang nag-iisang anak lang naman ako. Samuel stayed in the same resort he stayed in. Nung gabi na at tulog na ang mga magulang ko, umalis ako—nagsabi na ako sa mga kunsintidor kong kaibigan na sila na ang bahala sa akin.

I spent the last hours of Christmas in his arms.

We didn't spend the New Year's Eve together, pero magkausap naman kaming dalawa. Excited na akong bumalik sa Manila para makasama siya. Kaya naman pagbalik ko pa lang ay iniwan ko lang ang gamit ko sa condo ko at dumiretso na ako sa condo niya.

"Wow, I like this kind of greeting," sabi niya nung agad ko siyang sinugod ng yakap nung buksan niya iyong pinto. Para akong tarsier na naka-pulupot sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyong tawa niya.

"Dito lang ako," sabi ko habang naka-pulupot pa rin sa kanya.

"Pwede naman," sabi niya habang niyayakap na rin ako para hindi ako mahulog. Ang bango-bango talaga ng lalaki na 'to! Parang ang linis niya palagi sa amoy niya!

"Dito ako matutulog," sabi ko sa kanya.

"The question must be—may matutulog ba ngayon?"

Natawa ako. "Wala!" sabi ko. "Walang matutulog!"

"Pwede naman na simulan ngayon," he said as he began walking towards the bed.

"Wait, galing pa ako ng byahe! Mabaho pa ako!"

"Okay—ligo na lang tayo," he replied as he changed directions at ngayon ay papunta naman na siya sa CR. Tawa lang ako nang tawa hanggang sa makarating kami sa CR niya. "Your phone?" he asked.

"Nasa bag—" I said and then napa-tili ako dahil bigla kong naramdaman iyong tubig galing sa shower niya. "Samuel!" nagulat na sabi ko dahil malamig pa iyong tubig.

"Pahintay lang po sa hot water," sabi niya dahil alam niya na ayoko talagang naliligo sa malamig.

Umirap ako tapos ay dahan-dahang bumaba na mula sa pagkaka-pulupot ko sa kanya. I looked at him—beads of water were dripping from his hair down to his face. Fuck. Ang gwapo talaga ng isang 'to.

"Hi," I said, smiling.

"Hi," he replied, smiling back.

I tiptoed and kissed him. "I love you," I whispered against his lips. I always tell him that I love him kasi... wala lang. Gusto ko lang na alam niya. Gusto ko lang na lagi niyang naririnig na mahal ko siya.

"I love you," he replied, planting a kiss on my lips.

* * *

The next few months were nice. Samuel and I tried to spend as much time together, but kahit magkasama kaming dalawa, mas madalas na nag-aaral lang kami talaga. Unfortunately for him, ang hirap nung lineup na naibigay sa kanila. Kung nung first semester ang pahirap sa kanya ay iyong Civil Procefure, ngayong semester ay Tax 2 iyong lagi niyang problema. Hindi kasi sumusunod sa syllabus iyong prof niya kaya naman kailangan niyang aralin lahat every meeting. Saka naging prof niya rin daw 'yun nung first year and nambabagsak daw talaga kaya kailangan niyang magseryoso lalo.

"Gusto mo magmeryenda muna?" I asked dahil kanina ko pa siya nakikita na naguguluhan sa binabasa niya.

"Wala akong maintindihan," he said.

I stood up at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya at hinalikan iyong pisngi niya. "Ikaw nagsabi sa akin before—'wag mag-aral kapag frustrated," I said. "Kain muna tayo?"

Lumabas kami at kumain ng lugaw. Nilibre ko rin siya ng ice cream. Pagbalik namin sa condo niya, nagtry ulit siya na mag-aral. After an hour, he decided na wala na talaga siyang maintindihan.

"What?" I asked kasi nakita ko na naka-tingin siya sa akin.

"Nothing," he said, shaking his head. "Ganda mo."

I rolled my eyes pero kinilig ako. "Ewan ko sa 'yo," sabi ko. "Di ka na ba mag-aaral?" I asked.

"Bukas na. Wala talaga akong maintindihan," sabi niya sa akin. "Hintayin kitang matapos."

I closed my book. "Tulog na tayo," sabi ko.

"Tapos ka na bang mag-aral?"

"Bukas na rin ako," sagot ko sa kanya.

Magkatabi kaming nahiga sa kama niya. We were laying on our side habang naka-tingin sa isa't-isa. Siguro bias lang talaga ako, pero si Samuel na yata ang pinaka-gwapong lalaki na nakita ko in person. I especially love his eyes. He has such kind eyes. Siguro kaya ko na tumingin lang doon kahit buong araw.

"Fourth year ka na sa susunod. Tapos BAR na," sabi ko.

"Kinda scary," he replied.

"True... but I trust you. Ikaw ang BAR bet ko."

Napa-ngisi siya. "Really?"

I nodded. "Gusto mo may pa-tarp pa ako sa last Sunday mo?"

Natawa siya. "Samahan mo na rin ng drums."

"Ibabarops pa ba kita?" I asked. "Di ko keri budget ng frat mo," sabi ko kasi alam ko na thousands talaga ang budget nila per person. Wala naman akong ganon na budget.

"Dun ka kaya matutulog sa hotel room ko," sabi niya. "Yun ang BAROPS mo."

"Di ka ba pupuntahan ng family mo?"

"Pupunta," sabi niya. "Mom's asking to meet you." Nanlaki medyo iyong mga mata ko. Natawa siya. "Do you want to meet her?"

"Uh... mabait ba siya?"

"I think?"

"Anong I think?"

"I think she loves me enough to love who I love?" sabi ni Samuel at umirap ako na tinawanan niya. "Don't worry—hindi ko hahayaan na apihin ka ng pamilya ko kagaya sa mga pinapanood mo na palabas."

"Hoy, nag-eenjoy ka rin sa mga palabas na 'yon!"

Tumawa lang siya! Deny-deny pa! Minsan nahuhuli ko na mas malala pa reaksyon niya kapag nanonood kami ng teleserye, e!

"If you don't want to yet, it's fine," sabi niya. "Just thought you should know that mom's asking about you."

"Ano'ng pinagkakalat mo tungkol sa akin?"

"Sabi ko lang maganda ka."

"Saka mabait?"

"May topak lang minsan."

"Excuse me?!"

Tumawa siya. "See?"

"Wala akong topak!" sabi ko sa kanya pero instead na sagutin ako, hinatak niya ako palapit hanggang halos magdikit na iyong mga ilong namin.

"D," pagtawag niya.

"O-oh?" kinakabahan na sagot ko for some reason.

"I love you," he whispered.

My heart began to beat loudly inside my chest. Mas lalong lumakas nung hawiin niya iyong mga buhok mula sa mukha ko. Halos mabingi ako sa lakas nung lumapit siya at dampian ng halik iyong labi ko.

"I love you," I replied as I kissed him back.

* * *

May 6. My birthday. Unfortunately for me, mayroon kaming pasok ngayon. Samuel and I made plans. Pareho kami na hanggang 9:30PM iyong pasok, pero sabi niya sa akin na may nakita siyang restaurant na bukas hanggang 2AM kaya doon kami pupunta. I said na kahit bukas na lang since sure ako na pagod kami pareho, but he said he wanted to celebrate my birthday on the day itself, so sino ba naman ako para tumanggi?

"Good morning, birthday girl," sabi niya nung sagutin ko iyong tawag niya. Dito ako natulog sa condo ko kasi may meeting siya na pinuntahan kagabi sa frat niya. May kailangan lang daw siyang ifinalize para walang istorbo sa amin mamaya.

"Good morning, lover," I replied.

"Breakfast?"

"Meron ba d'yan?"

"Pancake, bacon, and egg?"

"On the way na po," sabi ko at narinig ko na tumawa siya. Basta pagkain talaga, para akong bata na madaling makikidnap!

Pagdating ko sa condo niya, sa labas pa lang ng pinto ay naaamoy ko na iyong bacon. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napa-ngiti dahil may suot na birthday hat si Samuel.

"Happy birthday, D," sabi niya. "Tanda mo na."

Umirap ako. "Nagsalita iyong gurang."

Tumawa siya at hinalikan ako sa labi. Pagpasok ko ay sobrang na-touch ako dahil nag-effort pa siya na magsabit ng DIY banderitas niya tapos mayroong Happy birthday, Deanne sa may dingding niya. Mahal na mahal talaga ako nito para mapagdikit ko siya ng ganyan sa puting dingding niya.

"Grabe naman 'yan. A for effort!" sabi ko

"Ikaw pa ba?" sabi niya tapos ay inilagay niya iyong plato na may pancakes, bacon, and egg sa harapan ko. "Birthday breakfast for the birthday girl."

"Asan cake ko?" I jokingly asked dahil alam ko naman na mamaya pang gabi kami talaga magcecelebrate, pero napaawang iyong labi ko nung may ilabas siya sa ref na maliit na cake—halos cupcake nga lang iyon sa liit. May maliit din na kandila sa gitna.

"Wag mo na akong i-wish dahil sa 'yo naman na ako."

Umirap ako. "Napaka-yabang naman talaga."

Humalakhak siya. "Make a wish, D."

I clasped my hands and closed my eyes. I wished na sana ay maging maayos lahat... Iyong ganito lang... Na okay ang parents ko, na okay kami, na okay siya, na okay ako... Sana maging okay din ang mga kaibigan ko lalo na si Kitty...

When I opened my eyes, I saw him watching me.

"Your wish will come true," he said.

"Nagkatotoo na."

"Sabi naman sa 'yo 'wag na ako ang hilingin mo."

"Napaka-yabang."

Tumawa lang siya tapos ay nagbreakfast na kaming dalawa. And because it's my birthday daw, nagshower kami ng sabay... Medyo naguluhan ako kasi parang mas nag-enjoy naman siya. Minsan talaga budol 'tong jowa ko, e.

After the breakfast sex, nag-ayos lang kami at dumiretso na kami sa school. Nakakapag-ayos na ako sa condo ni Samuel kasi nung unang anniv namin, niregaluhan niya ako ng blower. Akala ko naman normal na blower lang tapos nung pagkakita ko, Dyson pala. Na-stress ako sa presyo, e. Lagi ko tuloy ginagamit para sulit!

Umattend kami ng class namin dahil ulirang estudyante kami. After class, akala ko ay magkikita kami sa labas, pero nagulat ako nung nasa labas siya ng classroom ko. Nakita ko sila na nagtanguan lang ni Iñigo. Nagmamadali pa ngang umalis si Iñigo na parang pinagtataguan niya si Samuel.

"Problema nun?" I asked Samuel.

He shrugged. "Ready for our dinner?" he asked instead tapos ay naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Dahil formal dinner iyong pupuntahan namin, naka-suot ako ng red dress. Masyado atang halata na birthday ko dahil kahit prof namin ay binati ako. Wala na kasi akong time magpalit kasi anong oras na din dismissal!

Pagdating namin sa resto, may reservation si Samuel. We were ushered to a table. Napa-ngiti ako agad sa kanya dahil nakita ko na may flowers doon sa ibabaw ng lamesa na naghihintay sa akin.

"Iba rin naman talaga—prepared," sabi ko sa kanya.

"Sabi ko sa 'yo malakas ka sa 'kin, e," sabi niya at saka kinuha iyong flowers at inabot sa akin. "Flowers for my girlfriend," he said as he handed the bouquet of pink flowers to me.

"Thank you sa mga pasabog, sir," sabi ko tapos inamoy ko iyong flowers at in fairness, mabango naman siya. Nilagyan siguro ng pabango.

Naka-order na kami nung nagpa-reserve kaya naman ilang minuto lang kami naghintay bago iserve iyong unang pagkain. It was a fancy restaurant. Maliit iyong portions, pero okay lang din. Ayoko naman na mabusog masyado kasi fit na fit kaya iyong suot ko na red dress! Mukhang trip na trip nga ni Samuel kasi kanina na nagddrive siya, haplos nang haplos sa legs ko iyong kamay niya e.

Habang kumakain ay nag-usap lang kami sa mga random na bagay. One of the things I love about him ay kahit ano ang sabihin ko, nasasabayan niya. Kung trip ko makipag-usap about school, game siya. Kung gusto ko tungkol sa recent events, game din siya. Kung tungkol sa mga pinapanood ko na teleserye? Game din siya! Kahit ano ang trip ko ay trip din niya. Naka-jackpot talaga ako sa kanya.

While we were waiting for the dessert to be served, his phone vibrated. Tinignan niya iyon at sa ekspresyon pa lang sa mukha niya, alam ko na na frat-related iyon... at mukhang seryoso.

"May tatawagan lang ako," sabi niya. Normally maghihintay pa siya na tumango ako, pero mukhang seryoso talaga iyong nangyari dahil hindi pa ako nakaka-sagot ay tumayo na siya. He walked a few meters from me. From where I was sitting, nakita ko na naka-kunot ang noo niya. He looked mad. Hindi ko pa siya naririnig na sumigaw... Ngayon ko lang siya na nakitang sumigaw sa kung sino man ang kausap niya.

"Deanne—"

"Ano 'yun?"

"May pupuntahan ako," he said. "Babawi na lang ako sa dessert."

"Ano 'yung pupuntahan mo?"

"May kailangan lang akong ayusin."

"Ano 'yun?"

"Deanne—"

"Ipatakeout mo na lang—"

"Mukha bang may pakielam ako sa dessert?" sabi ko sa kanya. "Ano iyong pupuntahan mo?"

Hindi ako nagtatanong sa frat na 'yan. Pero sa reaksyon niya, hindi ko mapigilan na kabahan sa kung anuman ang pupuntahan niya.

"Deanne—"

"Ano 'yung pupuntahan mo, Samuel?"

He looked at me. He didn't immediately say anything. But I didn't back down. I just stared at him. I stared at him until he realized that I wouldn't just sit there and do nothing kahit na kinakabahan na ako sa kung saan siya pupunta.

"There's... an accident," he said.

"Accident?" I asked. "Sa frat niyo?"

I waited for seconds that felt like minutes.

"May initiation—"

My eyes widened. My heart quickened its pace. He didn't even have to continue what he was saying for me to know what he was about to say next.

"No," I said.

"Deanne—"

Umiling ako. "No," I repeated. "Hindi ka pupunta 'dun."

"Deanne—"

"Are you fucking kidding me, Samuel? Pupunta ka 'dun? Alam mo naman na madadamay ka kapag pumunta ka 'dun," naiinis na sabi ko sa kanya dahil bakit ba lagi na lang niya kailangang maglinis ng kalat ng frat na 'yan?!

Hindi siya nagsalita.

"Nakalimutan mo na ba ang pinag-aralan mo? Kapag pumunta ka roon, magiging co-principal ka ng kung anuman ang ginawa nila—" sabi ko at natigilan ako nung naisip ko pa lang kung anuman ang possibleng nangyari doon. Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanya at umiling. "No. Hindi ka pupunta 'dun."

His phone vibrated again.

Tumingin siya doon.

Tumingin siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit... kasi okay naman kami... okay naman kami nitong mga nakaraang buwan... pero sa nangyayari ngayon, parang bumalik lahat...

Mali pala ako.

Hindi pala ako okay sa dati.

Nagtitiis lang ako.

Tapos heto na naman.

"You know what? I'll make this easier for you para hindi ka na nalilito—kapag umalis ka rito at nagpunta roon, maghiwalay na tayo," I said, looking straight into his eyes so that he'd know that I wasn't kidding.

But then a text came... and whatever was in the text was probably enough because he left me there to eat my fucking birthday cake alone. 

**
This story is already at Chapter 29 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top