Chapter 22

Chapter 22

Pakiramdam ko ay nasa twilight zone ako minsan dahil sa klase, magkatabi kami ni Kitty. Tapos kapag after class naman, si Jax ang kasama ko. Pero kahit na ganoon, hindi ako makapagbanggit ng pangalan nila sa isa't-isa dahil... walang reaction. As in wala silang reaction kapag naririnig nila ang pangalan ng isa't-isa and for some reason, mas weird iyon sa pakiramdam.

Nasa isang classroom kami sa third floor ng building ng college of law. It's already 10PM. Ganito ang karaniwan na simula ng meeting ng debate society. Nung unang beses akong umattend ng meeting, inabot kami ng 11:30PM. Nagtanong ako kung possible ba na umabot ng madaling araw, sabi sa akin ay latest na raw iyong 12MN kasi if sumobra doon, kakatukin na kami ng guard.

"Ready?" Jax asked. Dalawa lang kaming bagong member ng debate society kasi medyo maarte sila sa pagtanggap ng members. If I remembered it correctly, seven ata kami na nagpasa ng application form. After ng audition at kung anu-ano pang pinagawa sa amin, dalawa na lang kami na natira.

I shook my head. "No, but I'll do my best."

"Just follow the script," he said.

"Yup."

Nung unang sumali ako rito ay wala naman akong idea masyado. I mean, alam ko na debate society, pero hindi pa rin ako nakaka-nood ng kahit anong laban nila. All I knew was their reputation—na champion sila sa Conflicts, iyong labanan ng mga law schools na parang intrams ng high school and college. But nung sumali ako, may mga format kineme pa pala ito. Ang gagamitin namin ngayong gabi ay iyong format ng formal debate. May mga opening statement pa at kung anu-ano. Si Jax na raw ang bahala roon, pero sa susunod, pwede na ako na ang in charge doon.

The practice debate started. Kabang-kaba ako! Siguro kung sumali ako rito ng first year ako, malamang ay hindi ako naka-pasa. I'd like to think na mayroon namang improvement na naganap dahil hindi naman ako sobrang nagstutter. Huminga lang ako nang malalim at medyo dahan-dahan na nagsalita. Sinunod ko rin iyong sinabi ni Jax na magstick ako sa script ko. Kapag kasi nagrerebutt kami, tinutulungan niya naman ako roon.

"So...?" tanong ko sa kanya nung magdismiss na kami ng meeting at sabay kami na naglalakad palabas ng building.

"So?" balik tanong niya sa akin.

"Kung ire-rate mo from 0 to 10 ang performance ko tonight, ano ang verdict?" I asked him. Nung jowa pa siya ni Kitty, nakakasama ko naman si Jax. Based on observation, as long as hindi annoying iyong tanong mo or kung iyong kinakausap mo lang siya para lang kausapin siya, sasagot naman siya nang matino.

"Honest thought?" he asked.

I nodded. "Yup. Big girl na ako."

"5," he said. "But that only means that there's a huge room for improvement."

Since it felt like he was in the mood of giving, nagtanong na lang din ako ng ibang 'tips' dahil apparently, ang meeting na ito ay mangyayari weekly—wala lang two weeks before midterms and finals dahil iyon pa rin ang top priority. Kung talagang gagalingan ko, may chance pa na lumaban ako inter-school!

"Deanne."

Napa-tingin agad ako sa pinanggalingan nung boses na iyon dahil alam ko na kung sino. Nakita ko si Samuel na naka-tayo ng medyo may kalayuan sa amin. He looked at me like he was apologetic. Oo nga pala, nagsabi nga pala siya na manonood siya nung practice.

"Una na ako," sabi ko kay Jax. "Ingat pauwi," I added bago ako naglakad papunta kay Samuel. "Bakit nandito ka pa?" I asked him kasi nung tingin ko kanina sa orasan ay 11:50PM na.

"May practice debate kayo, 'di ba?"

I nodded. "Tapos na."

"D—"

"Okay lang," I said. "Wala namang nangyari masyado. Although nanalo ako, pero I won't claim the credits dahil si Jax naman iyong nagbuhat nung debate kanina," I continued. "Nagdinner ka na?"

Umiling siya. "May biglang ginawa. Papunta na sana ako."

I shrugged. "Okay lang. Hindi naman official debate or something," sabi ko sa kanya para hindi na siya ma-guilty dahil hindi naman talaga niya kasalanan. Saka hindi naman ako disappointed or something. I couldn't be disappointed when in the first place, alam ko naman na malabo na maka-punta talaga siya.

"I'm sorry," maamo niyang sabi.

I anchored my arm with his. "Wala namang dapat ipagsorry," I told him. "Tapsi?" I asked.

He nodded. "I'll buy you ice cream."

"Isang liter?"

"Kahit isang gallon pa."

I grinned. "Sabi mo 'yan, ha!"

Pumunta kami sa may tapsilogan at saka kumain ng very late dinner—pero pwede rin siguro na very early breakfast? After nun, naglambing si Samuel na sa condo niya ulit ako matulog kahit doon naman ako natulog kagabi. Pagod na rin kasi ako, so pumayag na ako. Natulog lang naman ako roon. Mas maaga akong nagising sa kanya kaya pumunta na ako pabalik sa condo ko para magsimulang mag-aral.

* * *

When BAR month came, mas lalong hindi ko nakita si Samuel dahil busy siya sa school. Pero dahil mayroon akong subjects na required ako para magserve sa BAROPS, nandoon ako sa hotel tuwing 7-8PM ng Saturdays. Aba, sayang din iyong extra-grades, noh! Sana lang hindi sila budol at talagang i-add nila iyon sa final grades ko kasi magpapa-recompute talaga ako kapag hindi!

Habang nasa pila ako papasok sa elevator dahil mayroon akong kailangan na i-deliver na materials sa kwarto ng isang barista, napa-tingin ako sa harapan ko kasi biglang pumasok din sa elevator si Samuel. May kasama siya na mukhang member din ng frat nila, but hindi ko kilala.

"Bakit nandito ka?" he asked, confused.

"Required sa Nego," sabi ko sa kanya.

"Kay Aquino?" he asked.

"Yup."

Bumukas na iyong pinto ng elevator. "Bye," sabi ko sa kanya. Tumango rin ako sa kasama niya kasi bastos naman if hindi ko papansinin. "May delivery pa ako," dugtong ko bago ako lumabas sa elevator.

Nagsimula na akong maglakad nung mapa-tigil ako kasi biglang nasa tabi ko na rin si Samuel. He was walking beside me. Nawala iyong kasama niya kanina. Kawawa naman iyong lalaki kasi medyo marami siyang dala.

"Dito ba floor niyo?" I asked kasi based sa huling sagap ko na balita, isang buong floor ang nirerentahan ng frat nila. Yaman nila, in fairness!

Umiling siya. "Di mo sinabi na nandito ka?" tanong niya na parang nagtatampo. "Nandito ka rin last week?"

I nodded again. "Four weeks akong nandito," sabi ko. "Saka busy ka kaya," dugtong ko pa kasi bago officially magstart iyong BAR month, kinausap ako ni Samuel at nagsabi na siya nang maaga na magiging busy daw talaga siya ngayon, pero babawi raw siya after ng BAR. Ayoko naman magpaka-clingy dahil naging clear naman siya.

"I know but—"

His phone vibrated.

"Sige na," sabi ko sa kanya. "Dadalhin ko lang naman 'to. Saka patapos na rin shift ko."

Tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko iyong guilt sa mukha niya. Alam ko naman na ayaw niya rin na ganito kami. Alam ko naman na miss niya na rin iyong last year na kami. Pero ano ang gagawin? Marami na siyang ginagawa sa frat. I made sure na magiging busy din ako kasi ayoko naman na lagi lang akong naghihintay sa kanya. Ayoko naman na sa kanya lang iikot iyong buhay ko.

"Sige ka, baka pagalitan ka," pananakot ko sa kanya.

"Subukan nila," he said.

I laughed. "Yabang!"

A small smile appeared on his face. "I miss you," he softly said.

"I miss you, too," sagot ko sa kanya. Tapos ay biglang nanlaki ang mga mata ko dahil kinintalan niya ako ng halik. "Samuel!" sabi ko kasi mamaya may maka-kita sa amin! Nandito kaya iyong buong school! Nakaka-loka 'tong tao na 'to!

"Thank you for that," sabi niya na unapologetic.

"Langya ka!"

Tumawa lang siya. "Mga 10AM ako makaka-uwi. Early dinner sa Sunday?" parang nagmamakaawa na tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Okay. Text mo na lang ako," sabi ko kasi baka biglang may gawin na naman siya tapos hindi matuloy. Nagiging flexi-sched na kaya ako simula nung maging VP siya.

Dinala ko lang iyong materials sa room nung barista. Bumalik ako dun sa parang HQ. Nagsign out lang ako tapos ay dumiretso na ako pauwi. Nagnetflix lang ako hanggang sa maka-tulog ako. Kinabukasan, naglinis lang ako ng condo nung umaga. Nung hapon, nagsimula na akong mag-aral. Nung nakaramdam ako ng gutom, nagcheck ako ng phone para maghanap ng oorderin kasi medyo tinatamad akong lumabas... tapos bigla kong naalala na may early dinner nga pala kami na plano ni Samuel.

'Condo ka na ba?' I asked.

'Wala pa.'

'Oh... Kain na ako?'

'Gutom ka na ba?'

'Yup :( Kain na lang ulit ako pagdating mo.'

'Anong food gusto mo?'

'Di ko pa sure magchcheck pa lang ako.'

'Tapsi?'

'Tinatamad ako lumabas. Order lang ako.'

'I'll order for you. I'll text you kapag nasa baba na.'

'Wag na hahaha'

'Please? I feel guilty.'

'Sus gets ko naman yang VP chenes mo. Wag mo na ako orderan. Text mo na lang ako kapag naka-balik ka na. Baka gutom na ulit ako nun or if hindi samahan pa rin kita.'

Samuel replied again, but I didn't reply anymore kasi ayoko naman na makonsensya siya. And hindi naman ako nangongonsensya. Nagtanong lang naman ako kasi baka biglang nandito na pala siya, e 'di sabay na kaming kumain. Or if wala pa siya, e 'di mauuna na ako dahil nagugutom na kaya ako.

Umorder na lang ako sa fastfood siya iyon iyong pinaka-madali na orderin. Dahil gutom na ako ay hindi rin ako nakapagfocus sa pag-aaral. Kaya naman bumaba na agad ako kahit paparating pa lang iyong delivery according sa tracker. Sakto rin na pagbaba ko ay may nagtext sa akin na nandoon na raw siya.

"Sure po ba na sa 'kin 'yan?" I asked nung may lalaki na nag-abot sa akin ng paperbag na hindi naman doon sa inorder ko.

Tumango iyong lalaki tapos ay binanggit iyong full name ko at iyong address nitong condo. I thanked him na lang. Feel ko si Samuel ang nagpadala nito.

'Kulet,' text ko sa kanya.

'Ayokong nagugutom ka,' he replied that made me roll my eyes dahil parang naiimagine ko na agad iyong itsura niya nung sinabi niya 'yon.

'May inorder na ko na food, e. Kainin na lang natin 'to pagdating mo. May eta na ba u?'

Nagsabi lang siya na papatapos na siya, but knowing him lately, sure ako na hindi sure iyon. Inilagay ko na lang sa ref iyong pagkain na pina-deliver niya for me tapos ang kinain ko ay iyong order ko na pagkain.

"Grabe," natatawang sabi ko nung pagbukas ko ng pinto dahil bungad na bungad agad iyong yakap niya sa akin. Sobrang higpit nung yakap niya na parang medyo mahirap huminga, kaloka!

"Kapagod," bulong niya habang naka-yakap siya sa akin.

Posible pala 'yun, noh? Na kahit sa yakap lang, mararamdaman mo kung anuman iyong nararamdaman nung kayakap mo? Kasi ramdam ko iyong pagod ni Samuel. Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod? Sabi niya simula nung nagsecond year si Maven ay naging masyadong mabusisi na sa frat compared daw nung first year sila na halos pangalan lang ang ambag—according kay Lui na mahilig itrashtalk si Maven in private.

"Kawawa naman," I said as I caressed his back.

"Dito ako matutulog," he announced.

"Wala kang damit dito," I replied.

"I'll sleep naked."

Natawa ako. "Di tayo kasya sa kama ko," sabi ko sa kanya dahil nung una at nag-iisang beses na natulog siya rito, sobrang dikit kami. Single bed lang naman kasi kama ko! Pangsingle na tao!

"Matulog ka sa taas ko."

Natawa ulit ako. "Baliw."

Ininit ko iyong pagkain habang naka-upo lang si Samuel sa kama ko. Ayaw pa nga niya kanina kasi madumi daw siya. I told him na papalitan ko naman na iyong bed sheet para lang maupo siya roon. Mukha kasing pagod na talaga siya.

"Sa 'yo na 'yan lahat," I said.

"Ayaw mo?" he asked.

"Busog pa ako," sabi ko sa kanya kasi binigay ko sa kanya lahat nung tapsi. Busog pa rin naman kasi talaga ako saka mukhang pagod at gutom 'tong taong 'to.

He nodded. It felt like he still had something to say, but he seemed too tired to even argue about it. Ayoko na rin naman mag-usisa, so hindi na rin ako nagtanong pa.

Samuel quickly finished the food.

"Di ka ba kumain sa pinanggalingan mo?" I asked.

"Hindi ako makakain 'dun," sabi niya.

I just nodded because it felt like it was an uncharted territory. In all fairness sa akin, para sa isang tao na mahilig sa chismis, hindi na ako masyadong natetempt magtanong kay Samuel tungkol sa frat niya. Totoo pala iyong operant conditioning, noh? Na-condition ko na ata iyong pagkatao ko na maging off limits sa topic na iyon.

He yawned again.

"Inaantok ka na?" I asked kasi kakatapos niya lang kumain.

He nodded. "Tulog muna ako," sabi niya tapos ay parang tanga na gumapang papunta sa kama ko, pero bago pa man siya maka-higa ay tumingin siya sa akin. "Still in my outside clothes—papalitan ko mamaya 'yung bedsheet mo," he continued almost incoherently at mabilis din siyang naka-tulog.

I stared at his sleeping face. Sobrang pagod na siya. Nakakaawa naman 'to. To think na right before ng BAR month na 'to, kakatapos lang ng midterms namin. Wala pa siyang pahinga.

Hinintay ko na magising siya para sa dinner namin, pero mukhang bukas pa siya gigising kaya kumain na lang ako mag-isa. Hindi rin ako maka-higa sa kama kasi occupied niya na. Hindi pa rin naman ako inaantok, so nagbasa na lang ako ng cases habang nagpapa-antok.

"D," narinig ko na pagtawag niya sa akin. Napa-tingin ako sa kanya. "Anong oras na?" he asked.

I looked at my phone. "1AM," I replied.

"Fuck," he uttered under his breath. Napa-upo siya tapos ay sinuklay iyong medyo magulo niyang buhok gamit ang mga daliri niya. "Naka-limutan kong mag-alarm. Nagdinner ka na?" he asked.

I nodded. "Gigisingin sana kita, pero mukhang pagod ka. Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya kasi nilagay ko naman iyong pagkain sa ref kasi naisip ko na baka gutom siya kapag nagising siya.

Imbes na sumagot, tumingin siya sa akin. Napa-kunot iyong noo ko dahil sa pagiging seryoso niya. I forced a laugh dahil parang biglang ang seryoso nung atmosphere. Hindi ako sanay. Naaawkwardan ako bigla.

"Ano?" natatawa kong tanong sa kanya dahil seryoso pa rin siya hanggang ngayon.

"I know I probably sound repetitive already, but I'm really sorry," he said. "I feel like I've done nothing lately but to disappoint you."

I shrugged. "Alam ko naman na busy ka."

"Not an excuse," he said.

"I know," sabi ko tapos ibinalik ko iyong atensyon ko sa binabasa ko.

"D..." pagtawag niya na naman sa akin.

"Bakit?" I replied habang nagpapanggap na nagbabasa, pero wala rin naman akong naiintindihan sa binabasa ko ngayon.

"Galit ka ba?"

"Hindi."

"Are you sure—"

"Hindi ako galit," ulit ko sa kanya. "Hindi ako galit. Hindi ako nagtatampo. Hindi ako nag-eexpect, to be honest. Alam ko na priority mo 'yang frat."

"It's not that priority ko sila—"

"It's okay," I told him. "You don't have to lie to make me feel better. Alam ko naman na marami kang responsibility d'yan kaya nga hindi ako nagdedemand, 'di ba? Alam ko naman kung saan ako lulugar."

Biglang parang lalong sumikip iyong condo ko. Bakit ba kasi siya nagtatanong pa ng ganito? Hindi naman ako nagrereklamo sa kanya. Tuwing busy siya, hindi naman ako nagta-tantrums para puntahan ako. Alam ko naman na marami siyang ginagawa sa frat niya. Kaya nga imbes na isipin ko 'yon, gumawa rin ako ng pagkakaabalahan ko.

"Hindi naman ako demanding, 'di ba?"

Hindi siya nagsalita.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Alam mo naman na ikaw unang boyfriend ko... Hindi ko rin alam kung ano ginagawa ko pero alam ko na ayokong maging demanding kasi pangit tignan..."

"You can demand," he said.

"Talaga?" I asked. "Ngayon na feeling ko seryoso iyong pag-uusap natin, kapag tumawag 'yang frat mo, magsstay ka ba rito o aalis agad?" tanong ko sa kanya. I stared at him. A few seconds passed. Wala akong narinig sa kanya. "See? Kaya ayokong magdemand."

Pilit akong tumayo kasi ayoko na ituloy 'yung pag-uusap na 'to kasi parang wala namang sense.

"After the BAR—"

"After the BAR, for sure mayroon na namang ibang kailangang gawin d'yan sa frat mo," I said, cutting him off. "I won't be demanding, I promise, just... don't make promises you can't keep, Samuel."

Tumingin siya sa akin.

Huminga ako nang malalim.

"I love you, you know that... pero marunong din akong mapagod," dugtong ko bago tumayo at lumabas dahil pakiramdam ko, kailangan ko ng hangin.


**
This story is already at Chapter 29 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top