Chapter 21

Chapter 21

"So, ayun nga," sabi ko in between pagtoothbrush ko at pagku-kwento sa kanya dahil dito ako dumiretso sa condo ni Samuel after ng class ko. Mas maaga kasi iyong dismissal niya kaysa sa akin. Ngayon na third year na siya and second year na ako, mas maaga na iyong simula ng mga class niya. Mas mahihirap na rin iyong subjects niya. Kapag naka-kunot na ang noo niya, ibig sabihin ay CivPro na iyong inaaral niya. Required kasi na memorized niya iyong provisions kaya thrice a week na stressed ang isang 'to.

"Huy," sabi ko dahil parang natapos na ako sa pagkukwento sa kanya sa magandang recit ko sa property. "Okay ka lang?" I asked nung maupo ako sa tabi niya.

Napa-tingin siya sa akin. "Ha?"

"Busy?"

Isinara niya iyong laptop niya. "No," sabi niya habang pinapalibot sa bewang ko iyong mga braso niya. "Si Dean prof mo sa property, 'di ba?" he asked. So, nakikinig naman pala siya.

I nodded and then animatedly repeated my story. Tuwang-tuwa ako kasi first time ko magkaroon nung ganoon kaganda na recit! Sakto lang kasi na kaka-basa ko lang nung tinanong sa akin ni Dean kaya naman nung nagtanong siya sa akin ay na-recite ko iyong exact definition. Mukhang impressed siya and akala niya ata todo aral ako kaya almost 30 minutes iyong recit ko. Sa awa naman ng Diyos ay may naisagot ako.

"Galing ko, 'di ba?" mayabang na sabi ko sa third year student na boyfriend ko.

He nodded. "Ano'ng prize ang gusto mo?"

"Hmm..." I said, acting like I was thinking. "Wala akong maisip ngayon."

"Okay. Sabihin mo na lang sa akin kapag may naisip ka na," he said. "Dinner na tayo?"

"Hindi ka pa kumakain?" I asked kasi 7:30PM pa iyong end ng class niya and almost 10PM na ngayon. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang na mauna na siya kumain. Hindi naman kailangan na sabay kami palagi.

"Hihintay kita," he replied, but I knew that he wasn't being completely honest.

"Okay," I said, instead, dahil ayoko na magtanong ulit sa kanya tungkol sa frat na 'yan. Lumabas na lang kaming dalawa at saka naghanap ng kakainan. We ended up eating at our favorite tapsi place. After nun, bumalik na kami sa condo niya.

"What?" he asked when we were both brushing our teeth at napa-tagal ata iyong pagtitig ko sa kanya.

Umiling ako. "Wala... Gwapo mo kako," sabi ko at saka inirapan niya lang ako, pero for all I knew, kinikilig lang 'yan! Sus, ako pa ba!

After naming magtoothbrush, akala ko ay mag-aaral pa siya kasi usually ay natutulog lang naman ako. Hindi kasi talaga ako nakakapag-aral after class dahil feeling ko ay masyado ng nagamit ang braincells ko for today. Si Samuel naman ay pinaka-masipag mag-aral kapag madaling-araw dahil tahimik daw. Pero ngayon, tinabihan niya agad ako sa kama.

"Di ka na magrereview?" I asked habang naka-yakap siya mula sa likuran ko.

Naramdaman kong umiling siya. "Bukas na," he replied.

"Kamusta 'yung sa frat niyo?" I chose to ask kahit na alam ko na hindi niya gusto na pinag-uusapan iyon. Kaso pwede ba iyong hindi talaga namin pag-uusapan kahit na alam ko na iyon iyong dahilan kaya medyo weird siya lately?

"Okay naman," he said.

"Ano'ng pinagkaiba ngayon na vice ka na?" I asked.

"More responsibilities," he said.

"Halata nga," mahinang sabi ko kasi may mga araw na dito ako didiretso tapos wala siya. Makaka-tulog na lang ako, wala pa siya. Pero paggising ko, nasa tabi ko na siya.

Hindi siya sumagot pero ramdam ko iyong paghagod ng palad niya sa braso ko. Humigpit din iyong yakap niya sa akin at saka naramdaman ko iyong paghalik niya sa likuran ng ulo ko. I wanted to ask him kung ano ba ang nakukuha niya d'yan sa frat na 'yan, but I also didn't want to...

Instead, I just settled myself with the thought that whatever may happen, nandito lang naman ako para sa kanya...

* * *

Pagdating sa school, nakita ko si Iñigo sa labas ng classroom namin. Tumayo ako sa tabi niya.

"Di pa rin nagsasalita?"

"Hindi pa rin," sagot ni Iñigo habang sabay kaming naka-tingin kay Kitty na tahimik lang na naka-upo at sinusubukan na magbasa. Nung unang mga linggo ng first sem sa second year, hindi siya pumapasok talaga kaya si Jax iyong nag-aayos nung mga digests niya and ibang mga requirements niya... Dumating nga sa point na nagsuntukan pala si Jax at Iñigo sa hallway. Nagulat ako kasi galing kami ni Samuel nun sa cafeteria tapos pagbalik namin, suspended na sila. Sobrang wild!

"Di pa rin sila okay ni Jax?" I asked.

Umiling si Iñigo. "Hindi pa rin ata. Nagbreak na ba sila?" he asked.

I shrugged. "Hindi ko alam," sagot ko kasi kahit ako hindi rin kinakausap ni Kitty. Ayoko naman na mangielam kasi alam ko na nahihirapan din siya... Isipin mo nawala iyong dalawang magulang mo ng isang iglap? Hindi ko maimagine kung gaano kahirap 'yon... Kaya naiintindihan ko rin kung bakit siya nagkakaganyan... Sana hindi mapagod si Jax... Kasi syempre kahit mahal mo, tao ka lang din naman na marunong mapagod.

Nung pumasok kami sa classroom ay tahimik akong naupo sa tabi ni Kitty. Tahimik lang siya buong klase at tatayo lang kapag natawag. Nakaka-sagot naman siya kahit papaano, pero alam ko na hindi ganito iyong normal na performance niya sa klase. No one's judging her—alam namin lahat ang nangyayari sa buhay niya. I just wished that the school administration would cut her some slack dahil mahigpit sila sa retention.

After ng class, I asked Kitty kung gusto niya ba na magdinner kaming tatlo nila Iñigo, pero nagdecline siya. Wala na kaming nagawa ni Iñigo kung hindi ang panoorin siyang maglakad pauwi.

Pagdating ko sa condo, nagpalit na ako ng damit. Naghanap na rin ako ng kakainin. I was busy deciding kung enough na ba ang cup noodles at sandwich nung biglang makita ko na tumatawag sa FaceTime si Samuel.

"Wala kang class?" I asked.

"Wala," he replied. "San ka?"

"Condo," I said.

"Wala ka naman dito?"

Umirap ako. "Condo ko, duh?"

"Punta ka dito..." maarte na sabi niya. Kapag kaming dalawa lang, ganito ang tono ng tao na 'to. Kapag sa frat nila, ang seryoso niya—lalo na nung naging VP siya, mas naging seryoso si Samuel.

"Hindi ka ba aalis?" I asked.

"Hindi," sabi niya.

"Sure 'yan?" I asked.

"Hindi nga," sagot niya. "Bakit?"

I shrugged. "Weird kasi na nandyan ako tapos wala iyong may-ari nung condo," sabi ko sa kanya kasi ilang beses na nangyari 'yun na sabi niya papauwi na siya tapos biglang may kailangan siyang gawin na kung anu-ano tungkol sa frat. Ayoko naman talaga mangielam doon, pero syempre magwowonder din ako kung para saan ba ako naghihintay?

"Condo mo rin 'to," malambing na sabi niya sa paraan na alam niya kung paano ako kumbinsihin.

Umirap ako. "Fine... Pupunta na po ako," sabi ko tapos ay inilagay ko na lang sa tote bag ko iyong cup noodles at saka iyong isang balot ng gardenia at palaman ko na peanut butter.

Pagdating ko sa condo niya, unang katok pa lang ay binuksan niya na agad iyong pinto.

Naka-angat iyong kilay ko. "Grabe, inaabangan ako?" Natawa siya sabay yakap sa akin. "Grabe, miss na miss?" tanong ko kahit mukhang tanga kami na naglalakad papasok sa condo niya ng magka-yakap.

"Wala kayong civpro for a change?"

"May emergency ata prof ko," he said.

"So, masaya ka ngayon?"

He nodded. "Very," sabi niya sabay yakap sa akin nang mahigpit tapos ay hinalikan iyong balikat ko. "Gutom ka na ba o pwede na mamaya na tayo kumain?" he asked in a way na alam na alam ko na kung saan kami papunta.

"Gutom..." I said. "Pero makakapaghintay naman 'yon," sabi ko tapos ay binitawan ko na iyong hawak ko na tote bag at saka pinalibot iyong mga kamay ko sa leeg niya.

* * *

Samuel seemed to be very happy na wala siyang CivPro ngayon because he was more attentive than usual. He made me come five times bago niya ako tigilan. 'Di na talaga ako makakapag-aral niyan?! Not that may balak ako, pero just in case?!

I borrowed his white shirt and boxers kasi parang ang lagkit na nung suot ko. Nung maka-kuha na ulit ako ng lakas ay niluto ko na iyong cup noodles ko. I asked him kung gusto niya ba ng sandwich and he nodded kaya naman ginawan ko rin siya.

"Dito ka lang," he said nung maupo ako tapos ay tatayo na sana ako kasi nakita ko na frat related iyong inaayos niya sa may excel file.

"Baka bawal ko 'yan makita," I replied.

"Schedule lang naman 'to," sabi niya.

"Okay..." sagot ko na lang tapos ay tahimik ako na kumain ng late night dinner ko habang busy siya sa mga nilalagay niya sa file niya. Patingin-tingin lang ako roon tapos ay nakita ko na para pala sa BAROPS ng fraternity nila iyong ginagawa niya na schedule. Ang dami kong nakita na familiar na pangalan... May mga kakilala ko from school... May mga familiar din dahil mga sikat na politicians.

"Pwedeng magtanong?" I asked.

"Yes," he replied.

"Bakit nandyan pangalan ni Congressman Ramirez?" tanong ko. "Member niyo rin siya?" Samuel nodded. I just nodded, as well. Masama kasi iyong reputation nung congressman na 'yon. Member pala nila... Makes you wonder kung ano ba talaga ang nasa frat nila... No wonder tinataguan sila ni Iñigo... 'Di ko lang gets itong jowa ko kung bakit loyal siya rito...

"What?" he asked.

"Wala."

"Sure?"

I nodded. "Yup," sabi ko. "Bakit pala ikaw gumagawa niyan? 'Di ba VP ka na? Dapat boss ka na," pasimpleng sabi ko sa kanya.

"Hindi ako 'yung gumawa nito. Nagddouble check lang ako. Main project 'to kada taon kaya dapat maayos lahat," sabi niya sa akin. "Maraming pupunta na alumni sa BAROPS kaya wala dapat mali."

Tumango na lang ako. Wala kasi akong balak sumali sa mga sorority. Kung mga materials lang din naman, bibigyan naman ako ni Samuel—kahit si Iñigo sure ako na bibigyan ako kapag nanghingi ako, e. Saka hindi ko kasi trip iyong ugali ng mga 'members' nila. Nung first year ako, ang alam ko ay member nila sila Abby—isa pa iyong controversial na tao, e! Gusto ko lang ng peaceful life, noh.

* * *

The months kept on rolling and I thought na once na matapos na iyong BAR month, magiging less busy na si Samuel. But apparently, I thought wrong. Kasi after ng BAR month, marami pa silang ibang project. At dahil VP si Samuel, kailangan na present siya palagi sa mga meeting nila at kung anu-ano pa.

I wanted to be busy, too, kaya naman sumali ako sa debate society kahit na hindi naman ako magaling sa ganoon. Pero sabi nga nila, kailangan mo iimprove iyong mga bagay na mahina ka. Kasi if hindi, e 'di weakness mo na lang 'yon forever.

"Hi," sabi ko kay Jax kasi tabi kami sa meeting. Sa tabi na lang kasi niya iyong vacant na upuan. Break na sila ni Kitty. Nagbreak sila almost a month after ng midterms namin. Second semester na ngayon. Mukhang okay na siya. Ewan. Malay ko ba sa kung ano ang nasa isip niya.

Hindi siya sumagot, pero tumango lang siya sa akin. The meeting began. Dahil baguhan pa lang ako sa team ay binigyan ako ng partner na magtuturo sa akin ng mga dos and don'ts ng debate. Nakikinig ako nang sobra kasi champion ang debate team namin sa Conflicts! For sure kapag sineryoso ko 'to ay marami akong matututunan.

"If you have any question, just message me," pormal na sabi ni Jax sa akin nung matapos iyong 'meeting' naming dalawa. Kami kasi iyong partners. Ang stance namin ay against sa topic na Should Philippines Continue Its Withdrawal From The United Nations? Nag-usap kami ni Jax na gagawa muna kami ng both pros and cons para alam namin kung ano ang possible na points ng kabilang team para pwede naming irefute. Akala ko ay magfofocus kami sa cons since against iyong stance namin. Sabi niya mas maganda daw na holistic iyong view sa debate para mas madaling makipag-argue.

In fairness—matalino nga talaga siya.

Natapos na kami sa meeting namin, pero never siya nagtanong about kay Kitty. He was very formal. Naka-focus lang sa tasks at hand. Nung matapos ay diretso lang na umuwi. Ako naman ay umuwi na lang din at dumiretso sa condo ni Samuel, pero nung makita ko na wala siya roon ay umuwi na lang din ako sa condo ko.

Paggising ko, agad na text niya ang nakita ko. He was asking me if I wanted to have breakfast with him. I immediately said yes because I really missed him. I felt like I hadn't seen him in ages—ganoon siya ka-busy.

"Sumali ako sa debate team," biglang sabi ko sa kanya. Nasa tapsilog place kami. Ngayon na lang ulit kami napunta rito.

"Wow. Congrats, D."

"Thank you," I replied with a smile. "Magkaka-practice debate kami. Kinakabahan ako, but at the same time, excited kasi for sure marami akong matututunan. At saka magandang skill na magaling makipagdebate in case na gusto ko maglitigation."

Gusto ko pa sana na magkwento pero nakita ko na busy siya sa binabasa niya na text kaya tumigil na ako. Kumain na lang ako nang tahimik.

"Pwede bang manood sa practice debate niyo?" he asked nung matapos siya sa binabasa niya.

I shrugged. "Tanungin ko muna," sabi ko.

"Okay. Kung pwede, manonood ako."

I just smiled, but ayoko na umasa na manonood siya knowing kung gaano siya ka-busy talaga. "Okay," simpleng sagot ko.

Napa-tingin siya sa akin. "Manonood talaga ako," he said na para bang naramdaman niya iyong pag-iiba ng tono ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Ayoko naman mamilit. Ayoko ng namimilit. Kung manonood siya, e 'di manood siya. Kung hindi... e 'di hindi siguro talaga.  

**
This story is already at Chapter 28 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top