Chapter 20

Chapter 20

Today was February 14th. About three times a week, doon ako natutulog sa condo ni Samuel, pero mas madalas akong matulog sa condo ko. Nandito pa rin naman kasi lahat ng gamit ko saka naisip ko na sayang naman iyong binabayad ng magulang ko rito, noh! Hindi naman biro iyong renta buwan-buwan! Saka minsan may mga ganap si Samuel sa frat niya and hindi ko feel na ako lang mag-isa sa condo niya. Minsan kasi ay madaling araw na siya umuuwi kapag ganoon.

"Ano'ng plano niyo ni Jax?" tanong ko kay Kitty habang naghihintay kami sa prof namin na mukhang hindi dadating. Mukhang may date ang prof namin, e. Chika sa school e engaged na daw at ikakasal.

"Hmm..." she said and then just smiled at me.

Umirap ako. "Fine, hindi ko rin sasabihin plano namin ni Samuel." Iñigo groaned. "Para sa isang tao na maraming nilalandi, napaka-bitter mo," sabi ko sa kanya.

Kitty nodded in agreement. "I know, right? For all we know, marami kang ka-date ngayon."

"Wala akong pangdate," he replied.

"Doesn't have to be expensive," Kitty said, shrugging. "Girls don't need expensive things, you know? For me, attention lang okay na."

I nodded. "True that, sister," sabi ko tapos nag-apir kaming dalawa.

"Paano obsessed kayong dalawa sa mga boyfriend niyo," sabi ni Iñigo.

"Inggit ka lang," Kitty said, sticking her tongue out.

"Pitikin ko pa 'yang Jax mo, e," sabi ni Iñigo kaya sinamaan siya ng tingin ni Kitty. Pinigilan kong matawa kasi laging sinasabihan ni Iñigo si Jax na isang ihip lang daw ng hangin at matutumba na. I mean, hindi mascular built si Jax, pero hindi naman siya mukhang patpat! Lakas lang mang-asar nitong si Iñigo palibhasa may crush kay Kitty dati, e.

As expected ay hindi nga dumating iyong prof namin—mukhang naawa naman siya dahil hindi niya kami hinayaan na maghintay hanggang 9:30PM at nagtext siya bago magsimula iyong class namin ng 6:30PM. Nag-ayos na kami ng gamit. Paglabas pa lang namin ay napa-hinto kaming tatlo nung makita namin si Jax na mayroong hawak na bouquet. Napa-tingin ako kay Kitty na mukhang anime iyong reaksyon dahil nanlaki iyong mga mata niya at nakaawang iyong labi—gulat pa siya niyan, ha? Kahit ilang beses ko siyang narinig na pinaringgan si Jax na gusto niya ng flowers!

"Di na ako magtataka kung bigla na lang magpakasal 'yang dalawa na 'yan kahit 'di pa tayo tapos sa law school," sabi ko kay Iñigo nung bigla na lang kaming iniwan ni Kitty. Sanay na kami. Nagkakaroon ng sariling mundo 'yan kapag nandyan si Jax, e.

Iñigo shrugged. "Wala pa nga silang one year."

"Napaka-bitter mo," sabi ko sa kanya.

"What? Wala naman akong sinasabi."

"Maghanap ka na nga ng jowa."

He scoffed. "Jowa."

"Akala mo 'di kita nakikita na nilalapitan mo si Cha, ah?"

Napa-tingin siya agad sa akin. Aha! Tama nga ako! Akala ko noon ay wala lang pero nung mga thrice ko na sila nakita dito sa school, doon na ako nagsimulang magduda na may something nga. Based kasi sa observation ko ay bukod sa amin ni Kitty, wala namang friends 'yang si Iñigo sa school. Hindi ko naman maconsider na friends niya iyong sa frat. So the fact na nilalapitan niya si Cha? Something's fishy talaga!

"Yiee—may love life ka na, Borromeo?"

"Wala nga. Kulet."

Tumawa ako. "Bakit? 'Di mo kaya si Cha, noh?"

"Bakit? Sino ka ba?" sabi ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin at tinawanan ko lang siya. "So, ano nga ang meron sa inyo? Share naman d'yan! Malay mo may tips pala ako!" pangungulit ko sa kanya pero naka-baba na kami ng building at lahat ay wala man lang akong nakuhang chismis mula sa kanya. Either walang ganap o napaka-secretive lang talaga ng nilalang na 'to! Damot!

Dahil maaga kaming nagdimiss ay bumalik na ako sa condo. Nagtext ako kay Samuel na nasa condo na ako. Balak kasi namin ay magkikita kami after class, kaya lang ay changed of plans dahil nagka-free cut ako instead.

I tried to wait for his reply pero bigla akong naka-tulog dahil inaantok na ako. Nagising lang ako nung maramdaman ko iyong pagvvibrate ng cellphone ko. Inabot ko iyon at sinagot.

"Hello..." sabi ko habang naka-pikit pa rin ang mga mata ko.

"Naka-tulog ka, noh?" rinig kong sabi ni Samuel.

"Yes... Sorry," sabi ko. "Tapos na class mo?"

"Yeah..." sabi niya.

"Okay ka lang ba?" I asked kasi medyo problemado iyong boses niya.

"Pangit lang 'yung recit, but I'm fine."

"Gusto mo pa ba na magdinner?" I asked habang naka-upo na ako sa kama ngayon.

"Yeah. It's Valentine's."

"Pwede namang bukas na lang or sa weekend," I told him.

"No, it's your first Valentine's with a boyfriend," sabi niya. Kinilig ako kasi naisip niya pa iyon, pero ayoko naman na pilitin siya na lumabas kahit obvious naman na wala siya sa mood. Gets ko naman iyong ganyan kasi minsan ganyan din ako kapag bokya sa recit.

"Weekend na lang," I said. "Nakaka-tamad din lumabas ngayon. Ang dami kayang tao," I continued kasi kanina pa lang na naglalakad kami ni Iñigo ang dami na naming naka-salubong, e. Lahat pa ng street vendors may tinda na mga bears at flowers! Valentine's na Valentine's, e.

"Sigurado ka?" he asked.

"Affirmative," sabi ko sa kanya. "Baba na ako. Netflix na lang tayo."

Nagsuot lang ako ng jacket dahil February na at malamig. Itinali ko rin iyong buhok ko tapos ay bumaba na ako. Sakto na pagdating ko sa harap ng building niya ay nakita ko si Samuel. Lumapit agad ako sa kanya tapos ay niyakap siya.

"Bawi na lang next time," sabi ko.

He hugged me back. "Sa 'kin ka matutulog ngayon, 'di ba?" he asked.

I nodded. "May food ba sa room mo or bili muna tayo?"

"Wala," he replied. "Pa-deliver na lang tayo?"

"Okay," sabi ko tapos ay sabay kaming naglakad papasok habang magkahawak iyong mga kamay namin. Pagdating namin sa condo niya ay ibinaba niya iyong bag niya sa may dining chair. Nagsabi siya na maliligo raw muna siya habang ako ay namili na kung saan kami kakain. I tried to order pero lahat ay nagnotify na more than an hour pa iyong delivery. Mukhang gutom na ang jowa ko kaya naman bumalik muna ako sa condo ko at nanguha ng pagkain doon. Pagbalik ko ay akmang tatawagan na ata niya ako dahil akala niya ay nawawala ako.

"Microwavable lasagna and pizza?" sabi ko sabay pakita nung laman ng tote bag.

"Nagpa-deliver ka?"

I shook my head. "Puro late pa madedeliver, e. Galing sa condo ko 'to."

"Okay," he said. "Palitan ko na lang," sabi niya kahit hindi ko naman na hihingin sa kanya 'to. Kapag nandito naman ako sa condo niya ay kahit ano pwede kong kainin kapag nagutom ako. Ako kaya nakaka-ubos ng trail mix niya. Wala naman siyang choice!

Si Samuel iyong nag-ayos ng pagkain habang bumalik ako sa pamimili ng papanoorin namin. Natapos na namin iyong lahat ng season ng Modern Family (na favorite na rin ni Samuel at trip niya na rin panoorin kapag badtrip siya sa school or sa frat niya).

"Movie ba tayo or sitcom?" I asked habang naka-tayo siya sa may harap ng microwave. Ang gwapo talaga ng jowa ko, e! Simpleng white shirt at boxers lang, busog ka na!

"Either way," he said. "Smirnoff?" he asked.

"Yes, please," sagot ko sa kanya.

"Seriously?" sabi niya nung maupo na siya sa tabi ko. May carpet naman doon sa tabi ng kama niya tapos may maliit na table kaming nilalagay kapag doon kami kumakain. Sabi naman ni Samuel regular na vina-vacuum 'yun, so malinis naman daw.

"What? Sabi mo ako mamili," sabi ko sa kanya kasi 10 Things I Hate About You iyong pinapanood namin.

"Fine," sabi niya. "Susunod nating papanoorin The Da Vinci Code."

"Kung gising ka pa nun," tukso ko sa kanya kasi kapag ganito na school day, mabilis siya maka-tulog kasi maaga siya gumigising para mag-aral.

We were sitting on the carpeted floor and the movie was already playing. Walang gumagalaw ng pagkain. Tumingin sa aki si Samuel.

"Hindi ka ba gutom?" he asked.

"Nope," I replied. "Akala ko gutom ka?" tanong ko sa kanya kasi kaya nga nag-effort ako na kunin iyong pagkain sa condo ko kasi ayoko na maghintay ng isang oras pa kasi gutom na siya, e.

"D," he said.

"What?" I asked habang naka-tingin sa kanya. Napanood ko naman na 'yang movie. Gusto ko lang ipanood kay Samuel lahat ng chick flicks.

"I'll date you this weekend, but I wanna give you my gift already," sabi niya tapos ay biglang mayroong kinuha na box mula sa bulsa niya. My eyes widened a little nung buksan niya iyon at mayroon doong kwintas na may emerald stone.

"Hala... Emerald dahil May ang birth month ko?" I asked.

He nodded. "Do you want to try it on?" tanong niya sa akin at mabilis akong tumango. Napa-ngiti siya sa reaksyon ko. Kinuha niya iyong kwintas tapos ay lumapit sa akin. Amoy na amoy ko iyong pabango niya nung kinabit niya iyong kwintas. His face was less than an inch from mine.

"Saan ka pupunta?" he asked.

"Sa CR. Titignan ko sa salamin," sabi ko.

"Kuhanan na lang kita ng picture," sabi niya.

"Fine," I replied. Kinuhanan nga niya ako ng picture. I smiled at his phone. Ibinigay niya sa akin iyong phone niya after. I was wearing my gray hoodie habang medyo magulo iyong pagkaka-tali ng buhok ko. Kita rin sa background iyong maliit na tale kung nasaan iyong pizza, lasagna, at smirnoff namin.

Everything looked like they're in their right place.

"Thank you," sabi ko sa kanya habang naka-hawak sa pendant ng kwintas ko. "I really appreciate this."

He smiled at me. "You're welcome."

"Nasa condo ko pa 'yung gift ko sa 'yo," sabi ko sa kanya kasi binilhan ko siya ng ukulele. Nasabi niya kasi sa akin na gusto niya raw nun.

"Bigay mo na lang sa weekend," he replied.

Umiling ako. "No. Kunin natin sa condo ko," sabi ko sa kanya tapos ay hinatak ko siya patayo tapos ay pumunta kami sa condo ko.

"D'yan ka lang," sabi ko nung nasa harap na kami ng pinto.

Natawa siya. "Gaano ba kadumi iyong condo mo?"

Inirapan ko siya. "Malinis, noh! Ibang level lang talaga 'yung sa 'yo," sabi ko sa kanya. Mabilis akong pumasok para i-check kung maayos nga ba lahat. So far, maayos naman. Walang mga naka-kalat na plato sa sink. Walang mga nagharang na maduming damit. In fairness, nahahawa na ata ako sa kalinisan ng jowa ko!

"Pwede ka ng pumasok," sabi ko sa kanya.

I watched his reaction nung pumasok siya sa loob. Unlike his condo na spacious, nasa studio ako kaya naman isang straight lang iyong unit ko.

"Pikit ka muna," I told him.

"Fine," sabi niya.

Kinuha ko iyong gift niya na nasa ilalim ng kama ko. Pinagpag ko muna ulit iyon para masigurado na malinis. Lumapit ako sa kanya. "Pwede mo na buksan," I said.

He pursed his lips nung makita niya iyong gift. "Wow... Hindi ko mahulaan kung ano," sabi niya kasi literal na binalot ko lang ng gift wrapper! Kasalanan ko ba kung ukulele shape pa rin?!

Umirap ako. "Arte?"

Natawa siya tapos ay kinuha iyong gift mula sa kamay ko. "Hmm... ano kaya 'to?" pang-asar na sabi niya habang binubuksan iyong regalo ko. "Wow, ukulele."

Umirap ulit ako sa kanya. "Grabe! Pinag-ipunan ko 'yan."

"What? I'm very grateful," sabi niya. "Thank you, D. I love this."

"Talaga?" pabebe na sagot ko.

He nodded. "Naalala mo pa 'yung sinabi ko?"

"Syempre naman," sabi ko sa kanya. "Try mo nga."

Dahil wala akong sofa kagaya nung sa condo niya ay naupo kami sa may kama ko. He tried strumming the instrument first—mukhang kinakapa pa niya iyong strings. Ako naman ay kinilig na agad kahit wala pa naman talaga siyang ginagawa.

"What do you want?" he asked nung mukhang okay na siya.

I shrugged. "Kahit ano."

He began strumming the ukulele. Medyo nanlaki iyong mga mata ko nung na-recognize ko kung ano iyong tinutugtog niya.

"Wise men say only fools rush in, but I can't help falling in love with you. Shall I stay? Would it be a sin if I can't help falling in love with you?"

Ramdam ko iyong pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakikinig ako sa kanya. Lord... ano ba itong nangyayari ngayon?! Magsasabi na ba siya ng tatlong salita?! Ito na ba 'yon?!

"Take my hand. Take my whole life, too—for I can't help falling in love with you."

Rinig na rinig ko lang iyong tibok ng puso ko hanggang sa matapos niyang tugtugin iyong buong kanta.

"Alam mo iyong title?" he asked when he finished strumming.

I nodded. "Can't help falling in love?"

Tumango rin siya. "Yes," he replied. "Can't help falling in love with you."

Pakiramdam ko ay biglang nagmalfunction iyong buong sistema ko dahil dinagdagan niya iyong title ng kanta. Iyong assumerang side ng pagkatao ko ay gusto na agad iclaim na nagsabi na siya ng three words, pero iyong isang part ay gusto ng confirmation.

So, I sat there, with my eyes wide open.

"Deanne," he said as he reached for my hand and intertwined our fingers. "Okay ka lang ba?" tanong niya dahil hindi na ata ako humihinga.

Tumango ako. Literal na wala akong masabi!

"Did you understand what I said?" he asked.

Umiling ako. "Nope..."

Napa-ngiti siya. "Really?"

Tumango ako. "Lagging iyong utak ko tonight."

"Okay," he said while still holding my hand and caressing my hand with his thumb. "I..." sabi niya habang naka-tingin sa akin. Pakiramdam ko ay nasa recit ako ngayon na sobrang kinakabahan. "Love..." dugtong niya.

Nagbibilang ako sa utak ko.

Ang tagal!

Nasaan na iyong third word?!

"I love?" sabi ko nung hindi na ako makapaghintay. "I love my gift? I love the world? I love life?!" Tumawa siya. "Wag mo akong tawanan!" I said, frowning.

"I love you," bigla niyang sabi kaya naman natameme na naman ako. "I love you," he repeated again. "I really, really do love you."

Oh, my god.

"I love you, D. You make everything better," he said, looking into my eyes and smiling at me.

"I love—"

"You don't have to say it back," he said. "Just say it when you're ready."

"I love you," mabilis kong sabi. His lips parted. I just caught him off guard. Hindi niya ba ramdam na mahal ko rin siya? Was I not that obvious? Akala ko ay halatang-halata na ako dahil mukha na akong koala at tarsier na naka-kapit sa kanya.

"Really?" hindi maka-paniwala niyang tanong.

Umirap ako. "Bakit naman ako magsisinungaling?"

"I don't know... pressured?"

Umiling ako. "No," mabilis kong sabi. "I love you, Samuel Hayes Fortalejo. I love you. I promise."

He bit his lower lip but it was painfully obvious that he was trying to fight a huge smile from appearing on his face. Ganito talaga itsura niya kapag kinikilig.

"Ano? Kilig ka?" I asked.

He nodded. "Yeah. Thank you."

Natawa ako. "You're welcome, I guess?" sagot ko sa kanya tapos nagulat ako nung bigla niya akong halikan sa labi.

"I love you," he said again after that kiss.

"I love you," I replied as I wrapped my arms around his neck and pulled him closer until I felt his lips on mine again. Samuel kissed me slower this time—na para bang gusto niyang maalala lahat ng nangyayari. We were kissing for what felt like hours pero nung mapa-tingin ako sa orasan ay twenty minutes pa lang pala.

"Do you want to go back—" he asked, panting because of how long we were kissing.

I shook my head. "No. Dito lang tayo," sabi ko tapos ay muli siyang hinatak at hinalikan.

We kissed again. I love it when he kisses me because he was so good that I sometimes forget where we were. His right hand was on the side of my waist, his thumb caressing my skin habang iyong kaliwang kamay niya naman ay nasa may bandang gitna na ng likuran ko.

Hindi ko na kaya. Ilang buwan na naming ginagawa 'to at tuwing tumitigil kami ay pareho kaming frustrated sa isa't-isa.

So, I pushed him on the bed and sat on top of his waist pero ramdam na ramdam ko siya sa may likuran ko.

"Deanne—" he said, but he wasn't able to finish his sentence when I began to remove my hoodie. "What—"

"Sshh," I said nung iyong t-shirt ko naman iyong tanggalin ko. I saw him gulping as he stared at my bra-cladded boobs. I bit my lower lip dahil titig na titig siya doon. I leaned in and planted a kiss on his lips. "Do you want to do the honor?" I whispered against his lips and I felt him nodding. Naramdaman ko iyong kamay niya. Ang bilis niya natanggal iyong bra ko! Grabe naman ang isang 'to!

Kung kanina ay nakaka-frustrate iyong kabagalan naming dalawa, ngayon naman ay parang ang bilis ng pangyayari. When Samuel unclasped my bra, he stared at them like it was the first time that he was seeing them kahit hindi naman. Dahil nga marupok akong tao, after namin mag-one month ay nakita niya na ang boobs ko. Fair lang naman dahil nahawakan ko na rin siya.

"Are we really doing this?" he asked while he was hovering above me.

I nodded. "Yup."

"Really?"

"Finally, huh?"

He chuckled. "Don't get me wrong—I definitely enjoyed the past months—but yes, finally."

Natawa ako sa kanya dahil iyon din ang nararamdaman ko. Samuel never forced me to do things I didn't like. Kung may ginawa man kami, ako iyong nauna doon. He really did let me decide on the pace.

"Do you have a—"

He nodded. "Yes."

"Masarap pa rin ba kapag may condom?" I asked kasi sabi narinig ko lang na sabi ni Iñigo na iba raw kapag wala. Ewan ko ba kung bakit kami napadpad sa usapan na 'yon! Nagtatanong kasi si Kitty about sa sex. Ayaw nga siya sagutin nung una ni Iñigo, pero napilit. Ako naman na chismosa, nakinig kasi feel ko magagamit ko sa future! Ito na nga iyong future!

"Don't worry about me—I just want you to enjoy, okay?" sabi niya habang naka-tingin sa akin.

"Gusto ko. Mag-enjoy ka rin."

"I'll enjoy, I promise," sabi niya tapos ay muli na naman akong hinalikan.

Samuel kissed me again—he wasn't slow before, but he wasn't as fast, either. It felt like he was just taking his time. He kissed me on the lips pababa sa dibdib ko hanggang mapunta sa boobs ko iyong labi niya. I didn't know if I was so turned on, but my nipples felt so... sensitive.

"Dito ka muna," I said nung bumaba sa tiyan ko iyong labi niya.

I felt him laughing again. "Babalik ako mamaya," he said.

"Okay..." malungkot na sabi ko pero agad na napa-dilat iyong mga mata ko nung maramdaman ko na tatanggalin niya na iyong shorts ko. I immediately clasped my legs together. "I'm shy."

Natawa siya. "Hinto na ba natin?"

Umirap ako. "Ako na magbububad ng shorts ko. Dito ka na ulit."

"Please let me do my thing para hindi masakit sa 'yo mamaya," he said... at naniwala naman ako kasi sa size niya pa lang nung hinawakan ko siya before, medyo mapapadasal ako talaga na 'wag naman masyadong masakit sana!

"Okay," sabi ko tapos ay kinuha ko iyong unan at saka tinakip sa mukha ko kasi nahihiya na ako ngayon pa lang kapag naiisip ko iyong gagawin niya.

"Wow, prepared," he said nang matanggal niya na iyong shorts at panty ko.

"Tumigil ka kung ayaw mong masipa kita," sabi ko sa kanya, pero hindi na siya sumagot pa. Instead, I bit my lower lip when I felt him grabbing my right leg and placing it on his shoulder.

"Oh, my god..." I moaned against the pillow when I felt him licking me. Shet na 'yan! Bakit ganito?! Ang saya naman?!

Hindi ko na alam kung ano pa ang pinaggagawa sa akin ni Samuel—ang alam ko lang ay nag-enjoy ako sa lahat ng ginawa niya. I was panting so hard nang matapos ako. Nang tanggalin ko iyong unan sa mukha ko ay buti na lang pala! I saw that he already got his shirt and shorts removed and he was already wearing his condom.

"Daya! 'Di ko nakita na nagstrip off!" I said while I was still trying to catch my breath.

"Next time," he said as he rolled the condom around his impressive length. Lord... papasok sa akin 'yan any second now. Bahala na po kayo.

Samuel hovered over me again.

"So... missionary for the first time dahil ex-sacristan at seminarista ka?" I asked.

He rested his head on the crook of my neck. "Wag mo akong patawanin ngayon," sabi niya.

Umirap ako. "Fine."

"Thank you," he said and my lips parted when I felt the tip of his length. Shet. Ito na. Ito na talaga 'yon! "Sabihin mo sa 'kin kapag masakit, okay?"

"Okay..." I replied, really feeling scared but at the same time, really wanting to do this with him. "Wait," I said before he began to enter. Shet. Iyon pa lang pero medyo masakit na?! Huminto siya at tumingin sa akin. "I love you," I told him one more time as I held on to him before I said goodbye to the social construct that was female virginity. 

**
This story is already at Chapter 27 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top