Chapter 19
Chapter 19
'Finally,' sabi ko sa sarili ko nung tumuntong ng 9:30 iyong oras. First week of class ngayon para sa second semester. As expected, walang pumapasok na professor... pero nandito pa rin ako dahil saan naman ako pupunta, if ever? Kanina ko pa rin gustong umalis, pero wala sa mga kaklase ko ang gumagalaw. Sana talaga malipat na ako ng section kung nandito pa rin ako next year. Nakaka-stress 'tong section S!
"Nagmamadali ka?" Iñigo asked.
"May gagawin ako, e," sagot ko. "San ka after nito?" tanong ko. Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala masyadong nakaka-usap si Iñigo dahil lagi akong excited umuwi after ng class. Feel ko naman ay dahil bago pa iyong kalandian ko kaya excited ako palagi. Saka hindi ko pa rin kasi naku-kwento sa kanya iyong kay Samuel! Ewan ko ba! Kasi ganito rin kila Mama, e. Mas feel ko na sarilinin na lang kaysa magcause pa ng gulo or something. Matanda naman na ako saka nag-aaral naman ako sa abot ng aking makakaya.
He shrugged. "Uwi," sabi niya.
I nodded. "Okay."
"Sabay na tayo pauwi?" he asked.
Tumingin ako sa kanya. Sabay kasi kami ni Samuel. Actually, kanina pa ata siya naghihintay sa akin kasi nagtext siya around 9PM na tapos na iyong class nila dahil umattend ata prof nila and nag-introduction lang sila.
"Actually..." sabi ko sa kanya. "May kasama ako, e," dugtong ko. "Si Samuel."
Hindi kumunot ang noo niya. Wala ring sign of shock. Grabe! Hindi ba surprising ang revelation ko?!
"Kayo na?" he asked.
"Bukas," sagot ko kasi last day of ligawan namin ngayon. "I know hindi ka 'pabor' sa kalandian ko sa frat niyo, pero okay naman si Samuel, 'di ba?" tanong ko sa kanya kasi syempre friend ko pa rin naman siya. Masaya nga ako na nagccare siya sa akin, e. But at the same time, I needed him to respect my decision kasi buhay ko pa rin naman 'to. I always get to decide kung ano ang magpapasaya o mananakit sa akin. The people around me can give their opinion, but at the end of the day, I needed them to know that I can decide on my own.
He nodded. "Basta 'wag ka na lang sumama kapag may frat events," he said.
"Naka-attend na kaya ako ng party niyo," sagot ko sa kanya. "Wala ka 'dun. Isa ka talagang pasaway na member."
Natawa siya. "Aling party?" he asked. "Ay, 'yung last sem? 'Yung sa rooftop?"
I nodded. "Yup. Paano mo nalaman?"
He shrugged. "Narinig ko pinag-uusapan nila Lui."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano'ng sabi nila? Share naman d'yan!" pangungulit ko sa kanya dahil interesado ako na malaman kung ano ang pinagchichismisan nila tungkol sa akin, pero sobrang damot ni Iñigo at wala siyang sinabi sa akin. "Grabe, parang hindi friend!"
Tumawa siya ulit. "Wala naman kasi—nabanggit lang ni Lui na nandon ka nga."
"Sus, maniwala sa 'yo."
"Fine," he said. "Hinahanap kasi si Samu kay Lui, so sinabi ni Lui na nasa baba daw si Samu at may hinihintay," he continued. My eyes widened a little. Ako 'yun! Ako iyong hinihintay ni Samuel!
But I needed to pretend like I was cool. "Oh..." iyon lang ang sinabi ko, pero parang kilala talaga ako ni Iñigo dahil tinaasan niya lang ako ng kilay. Umirap ako. "Fine. Ako iyong hinihintay niya. Happy?"
"Boyfriend mo," sabi ni Iñigo kaya napa-tingin ako sa direksyon na tinuro niya. Nandun nga si Samuel sa isang gilid, naka-upo at may binabasa na codal.
"Bukas pa nga," sabi ko. "Nililigawan niya pa ako tonight."
"Pero sasagutin mo?"
I nodded. "Bakit naman hindi?" I asked because Samuel's been nothing but nice to me—although oo, minsan ay may topak siya. I mean, ako rin naman ay may topak, so fair lang. Saka sana totoo iyong sinasabi niya na ganoon pa rin ang trato niya sa akin kapag kami na. Alam ko na clingy ako, pero ayoko lang naman na tine-take for granted. Kasi kapag na-feel ko na parang ayaw mo na sa akin at parang napipilitan ka na lang, ako na iyong kusa na lalayo. Hirap kaya sa feeling na parang pinagsisiksikan mo lang sarili mo.
Tumango rin si Iñigo. "Sige na. Magdate na kayo."
I smiled at him. "Thanks. Ikaw din maghanap ng makaka-date mo," sabi ko sa kanya.
"Sus."
"Wag si Kitty," sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako. "Try mo 'yung kaibigan ni Jax—feel ko bagay kayo," dugtong ko kasi medyo feel ko na bagay sila. Si Iñigo na caring at iyong si Cha na mukhang walang pake. Opposites do attract kaya!
Nagpaalam ako ng isang beses pa kay Iñigo bago ako mabilis na naglakad papunta kay Samuel. Mukhang sobrang focused siya sa binabasa niya kaya hindi niya napansin na nasa harapan niya na ako.
"Samuel," pagtawag ko nung mga 10 seconds na akong naka-tayo, pero nandoon pa rin sa codal iyong atensyon niya. Napa-tingin siya sa agad sa akin. "Masyadong focused?" I asked, my eyebrow arched.
Tumayo siya. Kinilig ako sa fact na mas matangkad siya talaga sa akin. "Hinintay niyong matapos?" he asked, instead.
I nodded. "Yup. Ayaw patinag ng mga tao, e. E 'di nagstay na rin ako kasi nga what if bigla talagang dumating ang prof namin?" sabi ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad palabas ng school. "Saan tayo kakain?" I asked dahil iyan talaga ang madalas na unang tanong kapag magkasama kaming dalawa. Feel ko dadating kami sa point na magkasamang tumaba.
"Ano ba'ng gusto mo?" he asked.
"Ikaw," I replied.
"Kahit ano ako," sabi niya na hindi na-gets iyong sinabi ko. Umirap ako. Kumunot iyong noo niya at parang saka lang niya na-process iyong sinabi ko. "Ah..." he said, grinning. "Ako iyong gusto mo?" he asked, looking smug.
Umirap akong muli. "Wala—tapos na iyong moment."
Humalakhak siya. "Sorry—hindi pa gumagana iyong utak ko kanina," sabi niya. "Banat ka na ulit."
"Wala na. Next time na ulit," sabi ko pero napaawang iyong labi ko nung maramdaman ko iyong braso niya sa mga balikat ko. Napa-tingin ako sa kanya at sakto naman na naka-tingin din siya sa akin.
"What?" he asked.
I shook my head. "Wala..." sabi ko at saka tahimik na inenjoy iyong paglalakad namin habang naka-akbay siya sa akin. Naka-sukbit sa balikat ko iyong shoulder bag ko habang nasa likuran niya naman iyong itim niyang backpack.
Habang naglalakad kami ay nakapagdecide kami na tapsilog ang kakainin namin. Nilagpasan namin iyong kinainan namin noon para magtry ng iba. Pagdating namin doon ay umorder agad kami.
"Mas gusto ko 'yung dati," I said after the first spoonful.
Samuel nodded. "Agreed," he replied. "Sa susunod ba doon na ulit tayo?"
Umiling ako. "Try natin lahat tapos kung saan pinaka-gusto natin, doon na lang tayo lagi kapag gusto natin ng tapsi."
After naming kumain ay naglakad kami pabalik ng condo. Mabuti na lang at malamig ngayon kasi mas masarap maglakad.
"Last day na pala ng panliligaw ko," bigla niyang sabi habang naglalakad kami. Kanina ko pa gustong abutin iyong kamay niya para holding hands kami, but for some reason, bigla akong nahiya. Nakaka-panibago talaga.
"Bukas ay boyfriend na kita," sabi ko sa kanya.
"At girlfriend na kita," he quickly replied that made me blush kasi alam mo 'yon? After ng lahat ng pagpapantasya ko sa kanya, kami na bukas?! Saka ang tagal kong hinintay 'to! Hindi ko pa siya kilala pero hinihintay ko na 'to.
"So, malalaman mo na ang condo unit ko."
"Sasabihin mo ba?"
I shrugged. "Pwede naman kung tatanungin mo."
Napa-ngiti siya na parang amused na amused siya sa akin. "Gusto mo ba akong papasukin sa unit mo?"
I shrugged. "Welcome kang pumasok kahit saan," I casually said tapos ay napa-tingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya. Malakas akong tumawa kasi alam ko kung nasaan iyong isip niya. "Grabe, ang dumi ng utak!"
"Wow," he said. "Ako pa ang madumi ang utak? Ano ba ang ibig sabihin mo sa sinabi mo?" he asked, challenging me.
"Welcome kang pumasok sa condo unit ko, duh?"
"No," he said, shaking his head. "You specifically said 'Welcome kang pumasok kahit saan,'"he said, reciting what I said verbatim na akala mo ay nasa recit kami. "Ano iyong ibig sabihin ng kahit saan?"
"I mean sa pinto papasok sa condo. Sa pinto papasok sa CR sa condo ko," sabi ko sa kanya.
"No, that's not what you meant," he replied.
"Sige nga, ano ba ang ibig sabihin ko?" I challenged him.
Umiling siya. "Not gonna say," he said.
"Oh, e 'di wala."
"Deanne," he said, groaning, tapos ay tinawanan ko lang siya.
Pagbalik namin sa condo, hindi ako maka-alis dahil naka-tingin siya sa akin. Tumitig ako pabalik sa kanya. "Ano? May sasabihin ka ba?" I asked.
Tumingin siya sa relo niya. "Matagal pa pala," sabi niya.
"Ang alin?"
"Magbukas," he replied.
"Why?"
"Para girlfriend na kita."
I pursed my lips together. Lecheng 'to! 'Di ba pwede magdahan-dahan siya kahit kaunti kasi medyo nasa-shock pa rin ako minsan sa mga lumalabas sa bibig niya, e.
"Hindi ka pa ba inaantok?"
"Uminom ako ng kape bago magclass," he said.
"Daya! Saan ka bumili?" I asked kasi magkasama kaming nag-aral kanina bago bumalik sa school para pumasok.
"Sa cafeteria lang. Nagpasama si Zach," he said. "Inaantok ka na ba?"
I arched my brow. "Why? Aayain mo ako sa condo mo?" He nodded like an obedient boy. Natawa ako. "Anong oras na, e..." sabi ko. "Tapos ihahatid mo pa ako mamaya kapag uuwi na ako."
"What if... doon ka matulog?" he asked. My eyes widened a little because of what he just said. "I promise we'll just sleep," he said. "Kahit pilitin mo ako, wala akong gagawin."
Napaawang naman ang labi ko ngayon sa sinabi niya. "Wow, ang kapal!"
"I just know," he said. "Ikaw na ang nagsabi na marupok ka."
"Oo, sinabi ko 'yon, pero sino ba sa atin ngayon ang nag-aaya magsleepover, ha?" I asked him, my brow dangerously arched.
He shrugged. "So?"
"So?"
"Do you want to...?" he asked.
I looked at him. Gusto ko naman. I mean, gusto ko talaga. Nung nanood kami ng Netflix at naka-yakap ako sa kanya, sobrang tempted na ako matulog nun kasi parang ang comfortable ng posisyon, pero pinigilan ko kasi kaka-pasok ko pa lang sa condo niya tapos ay matutulog na agad ako?
"Gusto ko naman pero," I said and then paused. He stared at me, waiting sa kasunod ng sasabihin ko. "Matutulog lang talaga, ha?"
He nodded. "Won't do anything you won't like, I promise."
"D'yan tayo nadadale, e."
Natawa siya. "I promise kahit pilitin mo, walang mangyayari."
Umirap ako. "Totoo ba 'yan?"
He nodded. "Yes. I know consent," sinabi niya. "Bare minimum."
Tumingin ako sa kanya. "Fine..." I said. "Pero hindi naman sa naghihintay ako ng kasal, okay?" sabi ko. "Sorry—masyado ata akong honest. Not a topic for tonight."
Umiling siya. "Not at all. Please tell me. I'd rather you tell me things than get mad at me later on kasi hindi mo pala gusto iyong ginagawa ko."
"Okay," I said. "I mean... I mean pwede naman kaya lang alam mo 'yon? Hindi muna sa ngayon," dugtong ko. Hindi ko lang alam kung naintindihan niya ba iyong sinabi ko kasi medyo magulo ata ako.
"I understand," he said amidst my chaotic explanation. "We should have a safe word."
Kumunot ang noo ko. "Safe word?"
Tumango siya. "So when you say that word, whatever is happening, I promise I would stop myself."
"Weh?"
He nodded. "Kaya ko namang huminto," sabi niya.
"Parang hindi ganyan ang naalala ko," sabi ko sa kanya tapos natawa ako nung irapan ako ng ex-sacristan na 'to.
"So?" sabi niya. "Kung ayaw mo ngayon, okay lang naman. We can do it next week, next month, next year—"
"Wow, futuristic."
He shrugged. "Who knows, right?" sabi niya sa akin. "Point is, ikaw ang masusunod. Won't ever force you to do something you don't like."
"Fine..." I said, bilang marupok akong nilalang. "Kuha lang ako ng gamit," dugtong ko at mabilis na pumasok sa condo bago pa ako tuluyang bumigay at siya naman ang dalhin ko sa unit ko. Pagdating ko roon ay ibinaba ko lang iyong school bag ko. Kumuha ako ng malaking tote bag at saka naglagay doon ng pantulog, jacket para sa kapag babalik na ako sa condo bukas, toiletries, charger ng cellphone ko, at saka wallet. Pagbaba ko ay nandoon pa rin siya pero may binabasa sa phone.
"Okay na?" he asked nung mapa-tingin siya sa akin.
I nodded. "Iyong Hello Kitty na pajama iyong dala ko para hindi ka ma-turn on," sabi ko tapos ang lakas ng tawa niya dahil doon. Ako talaga personal clown ng taong 'to, e!
Pagdating namin sa condo niya, as usual ay nasilaw na naman ako sa kalinisan. Ibinaba niya iyong backpack niya sa may upuan sa dining.
"Ikaw na mauna sa CR," he said.
"Okay," I replied tapos ay inilabas ko iyong pantulog ko na Hello Kitty at saka iyong toiletries ko. "Shet," sabi ko tapos napa-tingin siya sa akin. "Nalimutan kong magdala ng towel."
"You can use my towel," sabi niya. "May mga malinis doon sa taas. Kapag hindi mo nakita, sabihin mo sa akin."
I nodded tapos ay dumiretso ako sa CR niya. Ang ganda ng CR niya kumpara sa CR sa unit ko! Mas magaganda ba ang kwarto sa building niya? Ang unfair, ha! Kasi iyong CR niya ay may glass enclosure at saka may rain shower. Naka-lagay din sa maayos na paraan iyong mga products niya. Ang linis talaga nitong si Samuel, e. Baka ma-shock talaga siya sa unit ko.
Kumuha ako ng towel mula sa rack. Inamoy ko iyon (ang creepy ko ata sa part na 'to) pero kinilig lang ako kasi naamoy ko iyong aftershave niya. Ang bango! Dito pa lang sa part na 'to ay ang swerte ko na!
Naligo ako tapos ay sinuot ko na iyong pantulog ko. Nagdebate pa ako kung lalabas ba ako na naka-palibot sa ulo ko iyong towel kasi medyo hindi maganda tignan, pero kebs na dahil ang goal lang naman ngayon ay matulog. Ma-turn off na siya kung mate-turn off siya.
"Tapos na ko," sabi ko paglabas dahil naabutan ko siya na pinapalitan iyong bedsheet. Napa-tingin siya sa akin. He bit his lower lip na parang pinipigilan ang pagtawa. "Uuwi na lang ako kung tatawanan mo iyong pajama ko."
Umiling siya habang nagpipigil pa rin ng tawa. "Hindi ako tumatawa," sabi niya.
Umirap ako. "May blower—" sabi ko at natigilan kasi bakit naman siya magkaka-blower? "Wala kang electric fan dito?" tanong ko na lang kasi magpapa-tuyo ako ng buhok.
"Wala, e," sagot niya kasi naka-bukas lang ata aircon nito lagi.
"Okay..." I said, pouting a little dahil ayoko pa naman matulog na basa ang buhok.
"Kailangan mo ba?" he asked. "Gusto mong kunin ko sa condo mo? Or samahan kita bumalik tapos kunin mo?"
"No, okay lang," sabi ko. "Ligo ka na."
"Tapusin ko lang 'to," sabi niya tapos ay nilagyan ng bagong pillow case iyong mga unan. In fairness naman sa kanya... pwede na pakasalan. "Tapos na," he announced like he was proud. "Pwede ka na rito. Ligo lang ako," he said tapos ay pumunta na siya sa CR.
Ako ay naka-tingin sa kama. Plain dark gray iyong sheets niya at mayroong apat na unan doon. Mayroon din siyang comforter dahil nga palaging malamig sa kwarto niya. Okay. D'yan ako matutulog. Matutulog ako d'yan katabi si Samuel. Paggising ko bukas, mukha niya ang unang makikita ko.
Oh, my god.
This was really freaking happening!
Bakit ngayon lang ako biglang nagpanic?!
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagpanic dahil paglabas ni Samuel ay nandoon pa rin ako at naka-tulala sa kama niya. Napa-tingin lang ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko at nakita ko na naka-suot siya ng black boxers, white shirt, at nagpapa-tuyo ng buhok gamit ang maliit na towel. Amuy na amoy ko rin iyong aftershave niya.
"Are you okay?" he asked while still drying his hair.
"I think... I think I am having a panic attack," I said.
"What? Why?" he asked nung agad na lumapit siya sa akin. "Dahil ba dito ka matutulog? Gusto mo bang ihatid na kita sa condo mo?" tanong niya. Hindi ako nakapagsalita. "Deanne? What do you want?" he asked again. "Tell me what you want and we'll do it, okay? Please don't panic—I won't do anything to you, I promise."
Tumingin ako sa kanya.
'Si Samuel lang 'yan,' I told myself. 'You can calm down, Deanne. Hindi ka niya sasaktan, okay?'
Huminga nang malalim.
"Deanne—"
"Let's just sleep, okay?" I said.
"Sigurado ka?"
I nodded. "Yes," sabi ko.
So, that night, Samuel calmed me down by having us watch Modern Family. Nung inantok na ako ay lumipat na kami sa kama. It was awkward at first... but it was as if my arms instinctively looked for his body. I slept with my arms wrapped around him, but I woke up sleeping on my side habang naka-yakap siya sa likuran ko. That... was a freaking good sleep.
**
This story is already at Chapter 26 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top