Chapter 18
Chapter 18
"Wag mo akong tawanan," sabi ko sa kanya habang may naka-dampi na ice cubes na naka-balot sa bimpo sa labi ko.
"Hindi naman ganoon ka-maga."
Kinuha ko iyong phone ko at binuksan iyong camera. "Ano'ng hindi!" sabi ko habang naka-kunot iyong noo. Paano ako uuwi nito?! May dinner pa kami mamaya! "Kasalanan mo 'to," sabi ko sa kanya na naka-simangot.
Natawa siya. "Kasalanan ko?"
I nodded. "Oo, kasalanan mo."
"Ikaw ayaw tumigil, e."
I frowned at him. "Dapat may pagkukusa ka."
Natawa ulit siya. "E paano kung ayaw ko ring tumigil?" he asked and my lips parted at what I thought he was implying. Pero bago pa man ako makapagsalita ay muli niyang marahan na pinitik iyong noo ko. "Imagination mo," he said.
Umirap na lang ako sa kanya. "Tignan mo nga—maayos na ba?" I asked tapos ay tinanggal ko iyong cold compress at pinakita sa kanya iyong labi ko na namaga dahil sa kahahalik niya. Grabe 'tong ex-sacristan na 'to! Kung humalik akala mo doon naka-salalay ang pag-akyat niya sa langit!
He cupped my face with his hand and stared at me na akala mo e microscopic iyong pinapa-hanap ko sa kanya. Kumunot iyong noo ko dahil sa ginagawa niya dahil para bang nag-iinspect siya sa mukha ko.
"Hmm..." he said as he was 'inspecting' my face. "Looks good."
"Sure ka? Kapag hindi, bigla kong masasabi sa magulang ko na kinagat ako ng putakte."
"Or kinagat ka ni Samuel?"
My eyes widened at what he said. Tignan mo 'to, napaka-landi! Tapos gustung-gusto ko naman! Bagay na bagay talaga kami, e!
I slapped his hand away from my face and he was laughing at me dahil alam niya na naapektuhan ako sa sinabi niya. Tsk. Maghintay lang siya d'yan dahil lintik lang ang walang ganti.
"Tara na," sabi ko nung magvibrate iyong cellphone ko at makita ko na nagtext na si Mommy at sinabi na nasa resto na raw sila.
Lumabas kami mula sa backseat nung mirage. Pumunta na ako sa driver's seat at saka tinignan ulit iyong itsura ko sa salamin kasi nakaka-hiya naman kung pupunta ako 'dun na kaka-iba ang itsura ko! 'Di naman pinanganak kahapon ang magulang ko para hindi nila malaman ang pinaggagawa ko!
"I promise you look fine," he said.
"Alam mo, kung ganito nang ganito, bawal na dapat tayo magkiss three hours bago magstart ang class."
"So, you think we'll be making out four hours before the class starts?"
I shrugged. "Aba, malay ko. Pero ang alam ko lang, hindi ako papasok sa school na ganito ang itsura ko!" sabi ko sa kanya dahil mukha akong nasalanta ng bagyo dahil sa gulo ng buhok ko. Kiss lang 'yon, ah! Hilig kasi nito hatakin iyong buhok ko tapos hahalikan iyong gilid ng leeg ko. Feeling ko talaga nagcrash course ako sa kissing nitong dalawang araw, e. Ni hindi man lang ako dumaan sa pa-cutie na kiss at diniretso ako ng ex-sacristan na 'to sa torrid at french kiss!
Nagsimula na akong magdrive. Huminto ako sa may tapat ng resort. Doon kasi ako nagpark kanina sa medyo liblib na lugar. Siguro kung may ibang makaka-kita sa amin doon, iisipin na may kababalaghan na nagaganap sa sasakyan.
"So... see you tomorrow?" he asked as he unbuckled his seatbelt.
I nodded. "Sa pier."
"Maghihintay ako."
Umirap ako. "Arte," sabi ko pero tinawanan niya lang ako. Akala ko ay baba na siya, pero naka-tingin lang siya sa akin. Naka-tingin lang ako sa kanya. Tapos ay unti-unti na namang bumilis iyong puso ko nung lumapit iyong mukha niya sa akin. He cupped my face with both of his hands and placed a light kiss on my lips.
"See you tomorrow," he said again bago bumaba sa sasakyan. Hanep na 'yan—aalis na lang, may pa-ganon pa! Hindi tuloy agad ako naka-alis!
* * *
Dahil heavily tinted naman nga ang sasakyan ay doon ako nagpalit ng damit nung makarating na ako sa resto. Mabilis lang naman dahil dress naman iyong sinuot ko, so hindi naman ako totally naghubad sa sasakyan. Pagpasok ko ay nakita ko agad sila Mommy. Lumapit ako roon, pero hindi nila ako napansin dahil busy sila sa kung anuman ang pinag-uusapan nila.
"Bayaan na—nandyan na," narinig ko na sabi ni Daddy.
"She's basically still a kid," sagot ni Mommy.
"Ano'ng meron?" I asked nung maka-upo na ako.
"Si Rhea, naaalala mo?"
"Sino?" I asked kasi marami akong kakilala na Rhea dahil nga de facto kapitan ako ng barangay namin. "Iyong kapatid ni Bea?"
Mommy nodded. "Ayun, buntis."
Nanlaki iyong mga mata ko. "Oh..." iyon lang ang nasabi ko dahil ano ba ang dapat kong sabihin? As far as I was concerned, hindi ko naman buhay iyon. At saka 19 na ata iyon kasi umattend ako sa debut nun last year.
"Ni hindi pa graduate ng college 'yun. Sino ngayon ang mag-aalaga sa anak niya? Malamang ang nanay niya pa rin," Mommy said while shaking her head in immense disapproval. "Wag kang gagaya doon," sabi niya bigla sa akin.
I laughed. "Grabe naman," sabi ko na lang.
Instead na 'going away' dinner ko ito ay naging pangaral ni Mommy tungkol sa 'wag na 'wag daw akong gagaya kay Rhea. Tumango na lang ako habang kumakain. 'Di ko alam kasi kung ano ba ang dapat kong sabihin doon. Ayokong mangielam sa buhay ng ibang tao dahil marami na akong sariling problema, noh.
Pag-uwi ko sa bahay ay naligo na agad ako dahil feel ko ang dumi-dumi ko na dahil maghapon akong nasa labas. After nun ay namili ako kung anong picture ni Samuel ang una kong ipopost sa IG... Pero medyo nagdalawang isip ako kasi for sure kilala 'yun ni Iñigo. Iblock ko kaya muna siya?
'Naka-uwi na ko,' text ko sa kanya kahit 'di naman siya nagtatanong. I waited for his reply, but 20 minutes passed and wala akong nareceive. Baka tulog na dahil 10PM na rin naman.
'Ayos na gamit mo bukas?'
'Yup. Ano'ng gawa mo?'
'Watching a movie.'
'Ano?'
'Devil's Advocate.'
'Grabe hanggang sa movie ganyan talaga trip mo?'
'What haha tungkol sa law/supernatural 'to.'
'Oooh sounds exciting panoorin ko rin minsan.'
'Gusto mong panoorin ngayon?'
'Nagstart ka na, e.'
'Okay lang. Ulitin ko ulit sa umpisa.'
So, nanood kami ng movie doon sa discord server na ginawa niya para sa aming dalawa. Sabi niya doon na lang din daw niya ilalagay iyong mga materials na pwede kong gamitin ngayong semester. Grabe... masyado na ata akong sinwerte?
'You fell asleep at 23:09 mins. Tuloy na lang natin next time. Good night, D,' basa ko sa text niya pagka-gising ko kinabukasan. Grabe! Natulugan ko sa FaceTime si Samuel! Kahiya naman! Baka naka-nganga pa ako roon at tuloy laway!
Nagreply muna ako sa kanya ng good morning—wow, ang landi!—tapos ay bumaba na ako para magbreakfast. Thankfully ay naka-move on na ang nanay ko sa topic ng buntis dahil mas abala na siya sa pag-iisip kung ano ang mga pwede niyang ipadala sa akin.
"Ihatid ka na lang namin kaya," she offered.
"Wag na," sabi ko. "Hassle pa," dugtong ko kasi ayaw naman nila pumunta sa Manila ng hindi naka-sasakyan. "Punta na lang kayo next, next week kapag naka-adjust na ulit ako tapos gala tayo? 'Di ba gusto niyo sa Intramuros?" I asked and that seemed to have stopped her from considering na ihatid ako. I mean, ayoko dahil sabay kami ni Samuel pero hassle naman din kasi talaga if ihahatid pa nila ako. Nung dati, oo kasi marami akong dala at kailangan ko talaga ng moral support nun.
As planned, isang backpack lang ang dala ko nung ihatid ako sa pier ng parents ko. Nagbilin agad sila na magtext ako kapag nasa condo na ako. I hugged them both.
"Mag-aral nang mabuti," Mommy said.
I nodded. "Yes po," I replied bago kumaway at maglakad paalis.
Hinanap ko muna si Samuel para sabay sana kaming bumili ng ticket. Nung hindi ko siya agad mahanap ay nagtext ako sa kanya. Naka-titig ako sa phone ko nung biglang mapa-talon ako nung may kumalabit sa akin.
"Grabe, nanggugulat!" sabi ko sa kanya.
"Kinalabit lang kita."
Umirap ako. "Kanina ka pa dito?"
He shook his head. "Mga 20 minutes pa lang," he said. He was wearing a brown cargo shorts, white shirt (naubusan na siguro ng bulaklakin na polo), tapos ay may black na baseball cap siyang suot. Ano kaya itsura niya kapag naka-baliktad iyon? Magmumukha kaya siyang bad boy?
Sabay kaming bumili ng ticket para magkatabi kami. While waiting ay pinagpatuloy namin iyong panonood nung movie. Magka-share kami sa earphones niya. Pagpasok namin ay iyon pa rin ang pinapanood namin hanggang makarating kami sa Batangas.
Kumain kami nang mabilis sa fastfood tapos ay sumakay ng bus papunta sa Cubao. Medyo gusto ko na rin maka-uwi at mahiga sa kama. Kakapagod talagang bumyahe. Imagine pa iyong byahe ni Samuel mula Abra tapos hindi pa nakuntento at pumunta pa sa amin? Ganda ko lang talaga sa part na 'yon!
I yawned habang naka-upo kami sa bus.
"Tulog ka muna," he said, tapping his shoulder.
"Di ka mabobore? Walang dadaldal sa 'yo."
Natawa siya sandali. "Mamaya na lang ulit pagka-gising mo," he said. I was still feeling sleepy, so pumayag na ako sa alok niya. Sinandal ko iyong ulo ko sa may balikat niya. Hindi ko rin alam kung anong klaseng kapal ba ng mukha ang meron ako dahil hindi pa ako roon nakuntento—pinalibot ko pa iyong mga braso ko sa katawan niya para mas comfortable ako. And I wasn't sure if dahil ba nahihirapan siya sa pwesto namin or what, but he wrapped his arm around my shoulders and pulled me close.
Grabe na talaga ito.
"Nandito na tayo," narinig kong sabi niya kaya idinilat ko na iyong mga mata ko. Grabe... naka-yakap pa rin ako sa kanya?! Feel na feel?!
"Hala, sorry, tinulugan lang kita."
"It's fine," he said and then stretched his arms nung kumalas ako sa pagkakayakap. Nangawit ata si Samuel.
"May malapit na mall dito," sabi niya paglabas namin sa bus. "Or maggrab na tayo pabalik sa condo tapos doon na lang tayo magdinner?"
"Condo na," sagot ko kasi uwing-uwi na ako.
Nagbook si Samuel ng sasakyan para sa amin. Pagdating namin sa condo, doon kami dumiretso sa harap nung building ko.
"See you in 30?" sabi niya.
I nodded. "Text kita kapag pababa na ako," sabi ko sa kanya tapos tinanguan niya ako at pumasok na ako sa loob. Pagdating ko sa kwarto ko ay ang una kong ginawa ay naglinis ng katawan—kebs na kung mapasma ako! Lagkit na lagkit ako sa byahe! Kahiya na nag-ala tarsier ako kay Samuel! After that, inilabas ko na iyong mga laman ng bag ko. Ginawa ko na kasi na rule iyon dahil ilang beses na nangyari sa akin na nalilimutan ko na may pagkain pala sa bag ko tapos kapag nakikita ko ay it's been a week already at panis na siya.
"Saan tayo?" I asked nung magkita na kami. Naka-suot siya ng black cotton shorts, white shirt ulit, at black sliders. Ganoon din halos iyong suot ko. Baka ito na ang couple attire!
"Ministop, okay lang?"
"Duh!" sabi ko kasi favorite ko rin iyong chicken nila na akala mo naka-steroids sa laki. Minsan, mapapa-isip ka na lang din talaga, pero kebs dahil masarap naman.
Pumunta kami ni Samuel sa Ministop tapos ay bumili ng chicken with rice at bottled water. Dahil walang space doon, naglakad kami pabalik sa condo.
"May pwede bang kainan dito?" I asked dahil parang wala akong maalala. Pwede naman sa may pagitan ng building namin, pero wala namang table doon at puro benches lang.
"Wala yata," he replied.
"Uh, okay," sabi ko. "Good night na lang?" sabi ko kasi malamang sa kwarto na ako kakain dahil doon ay may table ako.
Tumingin siya sa akin. "I swear I didn't plan this," sabi niya.
"Plan what?"
"Saan tayo kakain?" he asked.
I shrugged. "Ako, sa kwarto ko."
"Babalik ka na?" he asked, sounding a little sad.
Medyo natawa ako. "Parang bata," sagot ko. "Buong araw na tayo magkasama."
"Fine..." sabi niya.
I arched my brow. "Bakit? Papapuntahin mo na ako sa kwarto mo?" tanong ko sa kanya. "May apat na araw ka pa sa panliligaw, uy."
He looked at me. "If I offer... hindi ka papayag?"
I eyed him. "Sinasamantala mo ba ang kahinaan ko?"
Natawa na naman siya. Feel ko talaga minsan ay personal clown ako ng tao na 'to. He shrugged. "Maybe?"
I looked at my watch. Maaga pa nga. "Hmm... kakain lang ng dinner," I said.
He nodded. "Ano ba sa tingin mo ang gagawin natin?" tanong niya habang naglalakad na kami papunta sa building niya.
"Aba, malay ko sa 'yo. Alam mo namang naka-sunod lang ako. Ikaw na mismo ang nagsabi—just follow my lead," sabi ko sa kanya at kitang-kita ko na pati leeg at tenga niya ay namula.
Pagdating namin sa harap ng unit niya ay hindi agad niya binuksan iyong pinto. Naka-tayo lang siya sa harap nun at naka-tingin sa akin.
"We're about to go inside my room," sabi niya.
"Alam ko?"
"Wala tayong gagawin na iba."
"Debatable," I said that made him look at me seriously kaya naman tinawanan ko siya. I mean, hindi naman ako iyong klase ng tao na ang tingin sa virginity ay 'regalo' sa jowa ko. E kung ganyan lang din, nasaan na ang regalo niya sa akin?! Aba, dapat fair lang!
"Deanne," he said.
"Samuel," panggagaya ko, but he looked serious. "Fine," sabi ko. "Promise, dinner lang talaga."
"Okay," sagot niya.
Pagbukas niya ng pinto sa unit niya, ang una kong napansin ay kung gaano kalinis iyon? Kaloka! Hindi ko pala siya pwede talagang papuntahin sa akin dahil compared dito, nagmukhang gubat iyong unit ko!
"Bakit ang laki nung unit mo?" I asked kasi iyong sa akin ay parang isang straight lang.
He shrugged. "One-bedroom yata 'to," sagot niya. Inilagay niya sa dining table iyong paperbag na may pagkain.
"Pwede ba akong maupo?" I asked dahil hindi ko naman kwarto ito. He nodded. Naupo ako roon sa may upuan sa dining table. Nagmasid lang ako sa paligid. May isang corner kung nasaan iyong study table niya. Sa taas nun ay may floating shelves kung saan naka-lagay iyong mga libro niya. May isang drawer din doon na feeling ko ay mga notes niya ang naka-lagay.
Ang organized! Sana all!
Naglabas ng plato si Samuel at inilagay doon sa dining table niya na for two people lang yata dahil maliit lang naman. Naglabas din siya ng utensils.
"What?" he asked nung hindi pa ako nagstart kumain. Medyo nasanay na ata ako na pinupunasan niya ng tissue iyong kutsara ko kaya nag-expect ako.
I shook my head. "Wala," sabi ko. Mukhang kapag nasa labas lang iyong ganoon na gawain ni Samuel dahil hindi niya naman ginawa ngayon.
Kumain lang kami nung naka-steroids na manok tapos ay naupo kami sa couch niya at nanood ng netflix. Ewan ko kung naiinis or nacclingyhan na siya sa akin, pero baka hindi naman... Naka-yakap lang kasi ako sa kanya buong panonood namin.
"Samahan mo ako bukas tumingin ng libro, ha?" sabi ko nung nasa labas na kami ng building ko dahil 11PM na kaya hinatid niya ako.
He nodded. "Text me kapag aalis na tayo."
I nodded, too. "Okay."
"Good night," he said.
"Good night," I replied, wanting to tiptoe and kiss him, but for some reason, nahiya ako kaya hindi ko magawa... but it seemed like he knew what was going on inside this crazy head of mine because he leaned in, planted a quick kiss on my lips, and whispered another good night against my lips.
**
This story is already at Chapter 25 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top