Chapter 17

Chapter 17

Oh, my god.

Kinurot ko iyong sarili ko para sigurado ako na hindi ako nananaginip—na lahat nung nangyaring kalandian kanina sa beach ay totoong naganap!

"Deanne..." sabi ni Kitty nung finally ay sagutin niya na ang tawag ko.

"Buti sumagot ka!"

"Wow, sorry naman, kaka-gising ko lang."

"Kasama mo si Jax, noh?"

"No," she replied. "Contrary to popular opinion, we're not always literally together. May ginagawa rin ako mag-isa," she continued. "But what's up?"

Napa-upo ako sa kama. "Nandito si Samuel sa amin."

Kumunot iyong noo niya. "What do you mean nandyan sa inyo? Nasa province ka pa ba?"

I nodded. "Yup! Pumunta siya rito nung isang araw and magkasama kami buong araw kahapon," I said and then shrieked kasi lecheng 'yan, kilig na kilig talaga ako! Ganito pala kiligin?! 'Di ko akalain na literal na gugulong ako sa kama sa sobrang kilig! Hirap na hirap akong magpoker face kanina nung pag-uwi ko kasi ngiting-ngiti talaga ako sa lahat ng nangyari. Mabuti na lang at gabi na at madilim na kaya hindi ako nakita nila Mommy. Nung tinignan ko kasi iyong itsura ko sa salamin ay medyo namamaga iyong lips ko—well deserved naman!

Her eyes widened a little. "What? Seriously? He went there for you?" she asked and I nodded. "Oh, my god! Ano'ng nangyari? Share!" sabi niya tapos ay napa-upo na rin siya sa kama niya.

So, I began to tell her about what happened nung unang dating ni Samuel hanggang sa mag-usap kami sa beach about sa aminan namin and sa 'date' namin sa mall.

"Tapos..." I said, and then took a deep breath. "Hinalikan niya ako."

Kitty's eyes widened tapos sabay kaming napa-tili dahil sa sobrang kilig. "Oh, my god! Oh, my god! How was it?!"

"Sobrang—" sabi ko tapos napa-hinto ako kasi hindi ko mahanap iyong tamang salita. "Basta!" dugtong ko. "Ganon pala feeling nun!"

Kasi nung hinahalikan niya ako kahapon, para akong lumulutang sa alapaap. Tapos hindi ko alam, pero ramdam ko iyong bawat paghawak niya sa bewang ko at paggalaw ng labi niya. First kiss ko pa lang iyong nangyari kahapon, pero feeling ko master na ako. Kahit ata sa panaginip ko ay hinahalikan pa rin niya ako. Shet na 'yan.

Iba talaga at mapapa-sabi ka na lang talaga ng Let Samuel Lead.

Nagchismisan lang kami ni Kitty hanggang sa katukin na ako para sa breakfast.

"Good morning," I greeted my parents with a huge smile on my face.

Naka-kunot iyong noo ni Mommy. "Ang saya mo yata ngayon," she said.

I shrugged. "Wala lang. Woke up with a good mood," simpleng sagot ko at saka inenjoy ko iyong luto niya na breakfast. Nag-usap din kami tungkol sa dinner namin mamaya dahil aalis na ako bukas pabalik sa Manila. Wala naman akong masyadong kailangang dalhin dahil nandon naman mga gamit ko sa condo. Excited lang ako na bumalik na kasi mas magiging magkasama na kami ni Samuel dahil magkalapit lang naman iyong condo namin.

"Gusto mo ba na ihatid ka namin?" Daddy asked.

Umiling ako. "Nope," sabi ko. "Kahit sa pier na lang."

After breakfast ay bumalik na ako sa kwarto at nag-ayos ng bag ko. Aalis ulit kasi ako after lunch and ayoko na 'tong isipin bukas kasi for sure late na naman ako makaka-uwi mamaya. Sakto naman na may pinuntahan iyong parents ko kaya walang tanong sa akin nung umalis ako.

"Hi," sabi ko nung makarating ako sa resort ni Samuel. Nagtext na rin ako kay Don na pagtakpan ako in case na hanapin ako. Ayoko lang magsabi sa parents ko about dito dahil for sure sasabihan ako nun na magfocus sa pag-aaral. Tanda-tanda ko na, e—bawal sabayan ng paglandi?

"Hi," sagot niya sa akin habang naka-ngiti. "Lunch?"

Umiling ako. "Hindi pa. Akala ko sabay tayo?"

He nodded. "Hinihintay din kita," sabi niya.

Lecheng 'yan—ganitong usap lang namin pero kilig na kilig na ako?! Malala na talaga 'to! Delikado!

Naglakad lang kami habang naghahanap ng makakainan. Normally ayokong naglalakad kapag ganitong oras kasi mainit plus nasa tabing dagat pa kami kaya medyo malagkit sa feeling. Pero kapag kalandian, susuungin ang lahat talaga, noh?

"Ano'ng oras aalis bukas?" I asked. "I mean, if sabay pa rin tayo."

"Of course," he replied. "12noon iyong check out, pero kung gusto mong mas maaga, ayos lang naman."

"Okay na ako sa 12," sagot ko sa kanya.

"Marami ka bang dala?" he asked.

Umiling ako. "Isang backpack lang. Nasa condo naman lahat ng gamit ko," I said.

"Naka-bili ka na ng libro for second sem?"

"Hindi pa—tulungan mo ba ako?" I asked kasi ito nakikita ko kina Kitty and Jax noon, e. Sabi ko sa sarili ko nun, gagawin ko rin iyon kapag nagka-jowa ako. Ito na 'yon!

He nodded. "Let's go to the bookstore tomorrow?" he asked and I nodded kasi aarte pa ba ako? "Pero bili ka ng books kapag may prof ka na. Sayang kapag hindi iyon 'yung recommended."

"E ano gagamitin ko? Balak ko sana mag-advance," sabi ko sa kanya kasi balak ko naman talaga iyon. Nung tinignan ko iyong subject list namin, medyo na-overwhelm agad ako. Sa oblicon pa lang ay parang kinakabahan na talaga ako.

"Gamitin mo muna 'yung sa 'kin."

Napa-tingin ako sa kanya. "Weh? Talaga?"

He nodded. "Although may highlight na 'yun at notes," sabi niya.

"Okay lang," sabi ko sa kanya. "Baka naman may reviewer ka rin d'yan."

Natawa siya. "Send ko sa 'yo 'yung link ng dropbox."

"Weh? Seryoso?" I asked kasi niloloko ko lang naman siya. He nodded. "Hindi ka ba papagalitan?" tanong ko pa kasi narinig ko kay Iñigo na 'yung mga ganito na resources, dapat sa frat lang nila kasi sila rin gumagawa, e. Pero kahit ganoon ang sinabi niya, binigyan niya rin naman kami—although hindi interesado si Kitty.

"Ng frat?" he asked and I nodded. "No, iba 'yung ibibigay ko sa 'yo."

"Gumagawa ka ng sarili mong reviewer?" I asked in awe.

Tumango siya. "Nung first year lang," sabi niya. "Hindi na ngayon—marami na akong ginagawa," dugtong niya.

Pagdating namin sa resto ay umorder kami ng pagkain. After ng lunch ay naglakad-lakad kami hanggang maka-hanap kami ng pwedeng upuan sa may lilim ng puno ng niyog.

Dahil girl scout ako ay may dala akong sarong na inupuan namin. Magkatabi lang kami, pero feeling ko okay na 'yon. Malakas din iyong hangin tapos ang sarap lang tignan nung bawat hampas ng alon sa dalampasigan.

"Mamimiss ko 'to," I said.

"Magkasama na tayo, miss mo na agad ako?"

I looked at him and frowned. "I mean 'yung dagat," sabi ko sa kanya. "Feelingero, amp."

He blushed a little but he was quick on his feet. "Okay, sabi mo, e," sabi niya sa akin.

"Bakit naman kita mamimiss?" I asked. "Magpapa-miss ka ba?" I asked again, my brow arched this time.

He shrugged. "Malay mo?"

"Magkatabi lang condo natin."

"Hindi mo naman alam room number ko."

"Ibigay mo sa akin."

Natawa siya. "Pupuntahan mo ba ako?"

"Pag-iisipan ko," sabi ko sa kanya. "As nililigawan slash future girlfriend, hindi ba isa sa mga rights ko ang malaman kung ano ang room number mo?" I asked.

Kita ko na natatawa siya sa akin. "Sige," sagot niya. "Sabihin ko sa 'yo kapag girlfriend na kita."

"Fine," I replied. "Sabihin ko rin sa 'yo 'yung sa 'kin kapag boyfriend na kita."

We were just doing a staring competition nang biglang mapa-ngiti siya.

"What?" I asked.

Umiling siya. "Cute mo."

Agad na naramdaman ko iyong pag-iinit ng pisngi ko. I sucked my cheeks in para pigilan iyong pagngiti, pero feel ko ay worthless naman dahil kita ko na naman iyong amused look sa mukha niya.

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko.

"Kilig ka?"

"Hindi, ah," sabi ko. "Tumayo ka nga 'dun. Pipicture-an kita."

"Doon?" he asked habang naka-tingin sa may malapit sa beach. I nodded. "Bakit doon? Ang init."

"Sige, mamaya na lang," sabi ko kasi reasonable naman iyong sinabi niya.

"Bakit?"

I shrugged. "Soft launch mo sa IG," sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Soft launch?"

I nodded. "Yup. Una, malayong shot. Tapos likod mo, then kamay, then sideview, then finally, selfie nating dalawa."

His forehead creased. "Wow—you have a plan."

Tumango ako. "Told you—you're about to be the first boyfriend. Marami akong plano."

He cocked his head to the side. "Tell me about these 'plans,'" he said, using air quotes with the last word.

I stuck my tongue out. "Saka na kapag boyfriend na," sabi ko sa kanya.

"Don't I have the right to know since I'm about to be 'soft launched'?" he asked, using air quotes again.

Gago, bakit ang cute-cute niya talaga?! Saka gusto ko na siyang tanungin kung bakit puro bulaklakin na polo ang dala niya. Baka 'yan din iregalo ko sa birthday niya kung sakali.

"Fine," sabi ko. "Sabihin ko sa 'yo iyong iba."

Natawa siya. "So, marami nga?"

I nodded. "Marami."

"Should I be scared?" he asked.

I shrugged. "Depends."

"Depends on what?"

"Basta."

"Come on—tell me."

Umiling ako. "Saka na," sabi ko sa kanya pero mukhang curious talaga siya dahil bumaba na iyong sikat ng araw, pero kinukulit pa rin niya ako kung ano iyong mga 'balak' ko sa kanya.

"You know, you're just making my imagination work hard," sabi niya.

Natawa ako. "Bawas points ka sa langit niyan!"

He groaned. "Ano muna kasi? Sinabi mo lang 'yung holding hands and kiss."

"Oh? Kasama naman talaga sa listahan ko 'yon?"

"Fine," he said. "I demand to know about that list next week."

I shrugged. "Fine."

"Fine," sagot niya.

And then nagstaring competition na naman kami. Gago, normal ba 'to na parang gusto ko na lang siyang halikan every second of the day?! Nakaka-adik ba talaga ito?! Normal pa ba ako?!

I groaned saka nag-iwas ng tingin. "Wag mo akong tignan nang ganon."

Natawa siya. "Ano?"

"Para namang hindi mo pa ako kilala—marupok ako, Samuel."

Lumakas iyong tawa niya. "Wala naman akong ginagawa, Deanne."

"Iyong tingin mo pa lang, may ginagawa na!"

"Should I just close my eyes?"

I groaned again. "Ewan ko!"

"Hindi kita pwedeng halikan ngayon—may araw pa."

"Ano tayo? Nightshift?"

Lumakas na naman iyong tawa niya. Glad to be of service dahil kanina pa siya tawang-tawa sa akin, apparently. "No," he said. "I mean, maaga pa—marami pang tao sa paligid. You know how provinces are—baka ma-chismis ka pa."

"So... ito ba ang way mo para ayain ako sa kwarto mo?"

Marahan niya na pinitik iyong noo ko. "No," sabi niya. "Wag ka muna ma-excite sa kwarto ko. Kapag naka-pasok ka na don, baka hindi ka na maka-labas," he said like a threat pero bakit na-excite lang yata ako?

"Fine," sabi ko. "Pero hindi pala kita masasamahan sa dinner. May pupuntahan kami ng parents ko."

He nodded. "Okay, no problem."

"Hindi naman sa ayaw kitang ipakilala."

"Not thinking that at all."

"Okay."

"Take your time," sabi niya.

I nodded. "Okay. Thank you."

He gently tousled my hair. "Paano bukas? Pupuntahan mo ako rito?"

Umiling ako. "No. Sa pier na lang tayo magkita?"

Tumango siya. "Okay," sagot niya. "So, bukas na ng tanghali tayo magkikita ulit?"

"Apparently."

"Tinted sasakyan mo, 'di ba?"

Kumunot iyong noo ko. "Yes..." sabi ko na may pagdududa.

Tumayo siya at saka pinagpag iyong shorts niya tapos ay lumingon siya sa akin at nilahad niya iyong kamay niya. "Tara na."

"Saan?" I asked as I accepted his hand, anyway.

"Your car," he said. "Let's make out since bukas pa pala ulit kita makikita."

**
This story is already at Chapter 25 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top