Chapter 16

Chapter 16

"May sakit ka ba?" tanong ni Mommy sa akin.

"Ha? Wala naman po," sagot ko.

"Okay..." she said, naka-tingin sa akin na medyo naka-kunot ang noo. Kumuha pa ako ng isang serving ng kanin dahil magtataka na talaga si Mommy kapag kaunti lang iyong kinain ko dahil usually talaga ay kain kargador ako.

After naming magbreakfast, bumalik na ako sa kwarto at naligo at nagpa-ganda para mas lalong magka-gusto sa akin si Samuel. Nagsuot ako ng cut-off shorts, white shirt na naka-tuck-in, at saka white na sandals. Gusto ko sanang magdress kaya lang ay mahangin at baka makita niya pa ang panty ko—masyado pang maaga para doon. Nagwisik din ako ng pabango. Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy na naka-upo sa couch.

"May lakad kayo nila Don?" she asked.

"Yup," I said, nodding, dahil nasabihan ko na sila Don na may pupuntahan ako. Alam na nila 'yan dahil ginagawa rin naman nila akong dahilan kapag may kababalaghan silang ginagawa.

Dinala ko iyong sasakyan at nagdrive papunta sa resort. Pagbaba ko roon ay nakita ko si Samuel na naka-upo doon sa may couch sa malapit sa reception. Nakita ko na patingin-tingin sa kanya iyong bantay. I mean, gets ko naman—walang ganyan ka-gwapo dito sa lugar namin. Pagbigyan na.

"Good morning," bati ko at agad na napa-tingin siya sa akin. "Hinihintay mo ako?"

He nodded. "Sabay tayong magbe-breakfast, 'di ba?"

I nodded. "Sus, ayaw mo lang akong paakyatin sa kwarto mo, e," sabi ko sa kanya kasi nung papunta ako rito, tinanong ko siya kung pupuntahan ko na lang ba siya sa kwarto niya dahil baka hindi pa siya gising kasi 8AM pa lang? Pero sabi niya ay sa baba na lang daw kami magkita.

Tinawanan niya ako. "Nililigawan pa lang kita, 'di ba?"

"Wow, so kapag tayo na, pwede na akong umakyat sa kwarto?"

He laughed again. "We'll get there eventually," sabi niya at iyong malandi kong imagination ay kung saan-saan na napunta. Lord, gabayan mo po ako dahil jusko... Ang aking masasamang balak kay Samuel...

Dahil marami namang resto sa harap ng beach ay naglakad kami para maghanap ng kakainan. We settled sa isang resto na nagseserve ng ever favorite namin na silog meals. Umorder ako ng tocilog kahit busog pa ako at si Samuel naman ay tapsilog, extra-rice, at brewed coffee.

"Saan tayo magpeperya?" he asked while we were waiting for our order.

I shrugged. "Walang fiesta ngayon, e."

"So, hindi muna?"

"Mall na lang—nood tayong movie and share ng popcorn," sabi ko sa kanya.

He nodded. "Paano kapag hindi natin gusto 'yung movie?" he asked and I shrugged. To be honest, I highly doubted if manonood pa ako ng movie. I just wanted to experience everything I didn't experience when I was younger dahil laging sinasabi sa akin na kailangan magfocus ako sa acads. I wondered if naisip ba ng magulang ko na hindi naman ako katalinuhan at baka hindi ako masaya sa pressure na nakukuha ko.

Dumating na iyong breakfast namin at saka sabay kaming kumain. Pinanood ko lang siya habang pinupunasan niya ng tissue iyong utensils tapos ay iniabot sa akin.

"Thank you," I said.

"You're welcome," he replied with a smile.

Ganito ba maging girlfriend niya? Grabe, parang baby naman ako?! I mean, yes, please, thank you very much?!

Kumain na kami ng breakfast namin. Dahan-dahan lang akong kumain dahil busog pa ako sa kinain ko sa bahay. After nun ay naglakad kami papunta sa sasakyan.

"Gusto mong magdrive?" I asked.

"Ayaw mo bang magdrive?" he asked.

I shrugged. "Okay lang naman," sabi ko kasi medyo malapit lang naman iyong mall.

"Ikaw na lang," sabi niya. "Sasakyan mo 'yan, e. Pero kung ayaw mong magdrive, okay lang naman na ako na."

Dahil hindi naman ako pagod, ako na lang iyong nagdrive. Saka tiwala naman ako sa kanya kasi nung sumakay ako sa Raptor niya, hindi naman siya balasubas magdrive. Saka baka ayaw niyang magdrive kasi ang layo nga pala nung dinrive niya mula Abra papuntang Manila.

Pagdating namin sa mall, kaka-bukas lang. Hindi ko alam kung bakit dahil sabay lang naman kaming naglalakad pero... kinikilig ako?! Normal ba 'to?!

"Okay lang sa 'yo?" he asked while we were standing and reading the movie titles. To be honest, hindi ko rin masyadong type iyong movie, pero iyan lang ang choice.

I nodded. "Yup. Pwede na."

"Okay, pila lang ako," sabi niya tapos ay pumila na siya para bumili ng tickets at ako na nagmamaganda ay naka-tayo lang doon at naghihintay na bumalik siya. Worth it talaga lahat ng inggit na naramdaman ko nung high school at college! Na lahat ata sila ay lumalandi habang ako e focused na focused sa libro.

Pagbalik niya ay may ticket na siya.

"Magkano share ko?" I asked kasi hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko para magpalibre lang sa kanya.

Umiling siya. "This day's on me. Next time na lang," he said.

"Okay," I replied, smiling because... this really felt nice. Para bang worth the wait talaga?

He asked me kung gusto ko bang hawakan iyong ticket ko, pero umiling ako. Siya na lang ang maghawak ng ticket naming dalawa. Pumunta rin kami sa bilihan ng popcorn.

"Share na lang tayo doon sa pinaka-malaki," I said.

"Okay," he replied. "What flavor?"

"Cheese," I said. "Pero kung iba ang gusto mo, okay lang."

"No, okay lang ako sa cheese," sabi niya.

"Sure ka? Baka oo ka lang nang oo sa sinasabi ko."

Natawa siya at napa-iling. "No," sabi niya. "I'll tell you kapag ayaw ko."

"Sure?"

He nodded. "Do you want soft drinks? Kasi ayoko—okay na ako sa tubig," sabi niya. "See? Sasabihin ko kapag ayoko."

Napa-kurap ako. "Wow... okay," sabi ko at natawa siya ulit.

After ibigay sa amin iyong order namin, naglakad kami papasok sa sinehan. Hawak ko iyong tickets dahil hawak ni Samuel iyong malaking tub ng popcorn at saka iyong bottled water namin. Ganda ko lang talaga sa part na ito.

Halos kami lang iyong tao sa loob ng sinehan dahil first showing pa lang at saka hindi masyadong sikat iyong movie na pinili namin.

"Ayaw mo ba?" he asked nung mapansin niya na hindi ko ginagalaw iyong popcorn. Medyo wrong move pala ito! Dapat ginagawa ko 'to kapag jowa na talaga ako na tipong wala ng hiya! Medyo dugyot pa naman kumain ng popcorn dahil may cheese sa daliri mo tapos minsan sumasabit pa sa ngipin mo iyong popcorn.

"Mamaya na," sabi ko. Naka-tingin lang siya sa akin. "Wala akong dalang toothbrush," I said. "Baka manilaw ngipin mo sa popcorn."

Nakita ko natawa siya. "Yan iniisip mo?"

I nodded. "Dapat pala Lays na lang binili natin."

"Sayang naman popcorn," he said. "Hindi ko 'to kayang kainin."

"Baka makita mo akong may tinga-tinga pa."

Natawa siya talaga. "Fine," he said. "After the movie, diretso tayong Watsons, bili tayo ng toothbrush and toothpaste, then brush our teeth sa CR. Okay na?"

"Hmm... fine," sabi ko.

"Good," he replied. "Now, please eat your popcorn and enjoy the movie."

So, we sat there and watched the movie. Sobrang kinikilig ako kahit sa simple lang na pagtama ng mga kamay namin kapag sabay kaming kumukuha ng popcorn. Jusko, sobra na ito! Wala pa kaming ginagawa talaga, pero grabe na ang kilig ko! Paano kapag hinalikan niya ako? Baka himatayin ako sa sobrang kilig!

"Watsons?" he asked after matapos iyong movie. Ano ba namang buhay 'to! Same naman ata kami ng naubos na popcorn pero wala namang tinga sa ngipin niya?! Inabutan pa ako kanina ng wipes para punasan iyong daliri ko na puro cheese. Pero ang cute lang kasi may maliit siya na wipe pouch sa bulsa niya. Always ready ang isang 'to.

I nodded dahil medyo ramdam ko na delikado ang ngipin ko. Pagdating namin sa Watsons, si Samuel iyong namili ng toothbrush namin at saka bumili siya ng dalawang toothpaste at siya rin iyong nagbayad. Naghiwalay kami sandali para magtoothbrush tapos ay nagkita rin after.

"What's next?" he asked.

"Gutom ka na ba?"

"Busog pa ako," he said. "Ikaw?"

"Same," sabi ko.

"Blue Magic," he replied. "O gusto mo iyong chocolate muna kasi baka mahirapan tayo dalhin iyong stuffed toy mo?"

"Bakit? Malaki ba iyong bibilhin mo?"

He nodded. "Kung ano iyong pinaka-malaki," sagot niya. Napaawang iyong labi ko. Natawa siya. "You really want that stuffed toy?" he asked.

I just shrugged, but truth was, I really, really wanted it. Hindi naman dahil sa mahilig lang ako sa stuffed toy—but it just symbolizes the things I missed out on when I was younger... but now, he's here, making sure that the things in my list would be ticked off one at a time.

I really lucked out, huh?

Dumiretso muna kami sa department store. Nandoon nga iyong gusto kong Ferrero.

"Okay na 'to," sabi ko habang hawak iyong 24 pcs na Ferrero.

"Ayaw mo nito?" he asked habang hawak iyong 48 pcs.

Umiling ako. "No, okay na 'to."

"Okay," he replied as he put the 48 pcs back on the shelf. Pumunta na kami sa counter at binayaran niya iyon. Gago, one week ba talaga naming gagawin 'to? Baka mamatay na ako sa dulo nun?!

"What?" he asked when he caught me smiling habang naglalakad kami palabas ng department store. Hawak-hawak ko iyong paperbag na may laman na chocolate.

Umiling ako. "Wala," sagot ko.

"Kinikilig ka, noh?"

Umirap ako. "Bawal?"

Natawa siya. "No," he said. "In fact, it's highly encouraged."

Lord... kaya ko pa ba ito?!

Pagdating namin sa Blue Magic, para akong napa-throwback talaga sa high school days ko. Maliit lang naman iyong store kaya sabay kaming nagtingin ni Samuel.

"This?" tanong niya habang naka-turo sa malaking teddy bear.

"Ito na lang," sabi ko habang hawak iyong normal sized na teddy bear na kulay light blue.

"Ayaw mo nung pinaka-malaki?" he asked.

"Mas gusto ko 'to," sabi ko. "Kapag iyan, paano pa ako matutulog? Sakop iyong buong kama ko."

"Itatabi mo sa pagtulog?" he asked.

I nodded. "Yup," sabi ko. "Ikaw pagbibitbitin ko niyan," dugtong ko. "Dadalhin ko sa condo, e."

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil for five seconds ay parang naka-tingin lang siya sa akin. But after that, tumango na siya.

"Thank you," ngiting-ngiti na sabi ko nung lumabas kami sa may Blue Magic at may dala akong paper bag. Sobrang weird ba pero masaya ako kasi parang natupad iyong high school dream ko? Kasi ganito dati, e. Sukatan ng pagiging maganda iyong pagdadala ng Blue Magic na paper bag tuwing February 14.

"You're welcome," naka-ngiti din na sabi niya sa akin. "Flowers?"

"No, okay na 'to," I said kasi feeling ko malaki na iyong nagastos niya ngayon.

"Sigurado ka?"

I nodded. "Saka na lang," sabi ko.

He nodded. "Okay," sabi niya. "Saan na tayo?"

"Gusto mo bang maligo sa beach?" I asked.

He shrugged. "Yeah, sure."

"Okay, balik na tayo sa resort," sabi ko.

"May dala kang pangswimming?" he asked.

"May 'emergency stash' ako sa sasakyan," sabi ko. Bilang tiga lugar ako na maraming beach, meron ako laging dala na pangligo. Ayoko naman na umuwi na basa o kaya natuyuan ng damit dahil magkaka-sakit ako.

Pagbalik namin sa resort, naghintay lang ako sa lobby after ko magpalit ng white one piece bikini. Ayaw niya akong papuntahin sa kwarto niya. Akala mo naman may gagawin akong hindi niya magugustuhan!

Pagbalik niya ay parang natuyuan ako ng lalamunan dahil naka-black na board shorts lang siya. Meron siyang abs pero hindi sobrang defined pero shet ang gandang tignan?! Bakit ganito?!

"What?" he asked nung maka-lapit siya sa akin.

Umiling ako dahil hindi ako makapagsalita. Parang nagsisisi ako bigla na nililigawan niya pa lang ako? Kapag ba boyfriend ko na siya, pwede na akong humawak d'yan?! Where's the freaking line?!

Tumayo ako. May tapis ako na sarong sa may bewang ko dahil ayoko lang maglakad na naka-bikini dahil medyo pagtitinginan ako ng mga tao dito. Sa Boracay ko pa lang na-try na walang pakielam ang mga tao kahit gaano pa ka-kita ang pwet mo kapag naglalakad ka.

Pagdating namin doon sa part na walang tao halos, tinanggal ko iyong sarong sa bewang ko kasi gagamitin din sana namin para doon kami mauupo.

"What? Ang sexy ko?" sabi ko kasi napa-tingin siya sa akin.

Akala ko ay sasagot agad siya kasi usually kahit ano naman ang sinasabi ko ay mabilis siyang sumagot, pero ngayon ay parang natuyuan din siya ng lalamunan habang tinitignan ako. Bigla tuloy akong na-conscious!

"Tara na nga," sabi ko kasi hindi pa rin siya nagsasalita! Dumiretso na ako sa tubig hanggang nasa bewang ko na iyon. Hindi naman ako ganoon ka-sexy para matulala siya nang ganoon! Medyo nasa lean side lang ako dahil nagmana ako sa nanay ko na sexy. Hindi rin malaki iyong boobs ko, pero hindi rin naman ako flatchested. Iyong pwet ko ay normal at cute size lang din. Walang special! Normal na katawan lang kaya medyo na-conscious ako sa pagtingin niya.

"Samuel!" pagtawag ko sa kanya dahil nandoon pa rin siya. "Tara na!"

Finally ay lumusong na rin siya sa tubig. Dati ay gusto ko lang naman ng jowa na maayos kausap kasi feel ko mapipikon talaga ako kapag wala siyang kwenta kausap—'di ko naman hiniling na sobrang gwapo pero grabe naman iyong napunta sa akin?! Hindi lang maayos kausap, sobrang sarap din tignan?!

"Ano?" tanong ko dahil naka-tingin siya sa akin.

Umiling siya. "Gusto ko ng matapos iyong one week," he said.

"B-bakit?" tanong ko na parang gago na biglang kinabahan.

"I want to kiss you right now."

Nanlaki iyong mga mata ko. Para akong nabulunan kahit wala naman akong kinakain. Para akong hinihika kahit wala naman akong hika.

"P-pwede naman," sabi ko habang rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko.

"Really?" he asked.

I looked around—wala namang tao rito. Saka papa-lubog na rin iyong araw. Mas mahaba na kasi iyong gabi ngayon. Wala namang makaka-kita sa amin basta iyon lang ang gagawin namin. Wala naman akong balak gumawa ng milagro sa public place, noh!

I nodded. "Uhm... yes, basta kiss lang?"

He chuckled. "Yes, promise," he said as he took a step closer at feeling ko ay talagang malalagutan na ako ng hininga?! "Hindi ba 'to bawal dahil nililigawan pa lang kita?" he asked while he was standing just a few inches away from me.

I nervously shrugged. "Ako naman iyong nililigawan mo—I get to decide what's okay and what's not," sabi ko habang pilit na nilalakasan ang loob dahil... jusko, gustung-gusto ko na rin mahalikan niya? Pwede ba paki-kuha na iyong first kiss ko?!

"Okay," he said as he took another step that erased the distance between us.

"First kiss ko 'to—baka mag-expect ka," sabi ko tapos ay para akong malalagutan ng hininga nang hawakan ng mga kamay niya iyong mukha ko. Kung pwede lang tumalon iyong puso palabas ng dibdib ko ay sure ako na tatalon ito palabas!

"Just close your eyes," he said. "I'll take the lead," he continued and I did as he ask and then I felt his lips on mine. 

**
This story is already at Chapter 24 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top