Chapter 14
Chapter 14
Huminga ako nang malalim. Last na 'to. After nitong huli naming exam, makaka-uwi na ako. Uwing-uwi na ako, sa totoo lang! Kahit pagod pa ako sa pagrereview, didiretso na talaga ako sa LRT para maka-uwi na ako.
"Uwi ka na talaga?" Iñigo asked nung maka-salubong ko siya sa labas ng room.
I nodded. "Yup. Gusto ko ng takasan ang impyerno na 'to," sabi ko sa kanya at tinawanan niya lang ako. "Ikaw? May gala ka?"
He shrugged. "Di ko pa alam," sabi niya tapos napa-kunot ang noo namin nung biglang mabangga kami ni Kitty dahil nagmamadali na umalis. Pupuntahan na naman nun jowa niya, for sure.
"Tulog mo na lang 'yan," sabi ko dahil halata sa kanya na kulang siya sa tulog. I mean, lahat naman kami kulang sa tulog dahil sa dami ng inaral namin ngayong finals season, pero si Iñigo kasi iyong tipo na mukhang sleep deprived kahit simula pa lang ng semester.
"Saan ka nga uuwi?" he asked.
"Mindoro," sagot ko sa kanya. "Some friend you are—hindi mo alam kung taga-saan ako."
Tumawa siya. "Bakit? Alam mo ba kung taga-saan ako?"
"Oo—tiga d'yan ka lang, e."
"Saan iyong d'yan?"
I shrugged. "Manila?"
"Wow, ang general."
Umirap ako tapos ay bigla kong nakita si Samuel na naglalakad. May thirty minutes interval kasi bago iyong start ng exam niya. Nauuna iyong exam ng first year and third years tapos ay iyong sa second years and fourth years. Naka-tingin siya sa codal habang naglalakad. Seryosong-seryoso iyong itsura niya. Medyo naka-kunot pa iyong noo niya. Ang cute talaga nito!
"Deanne," pagtawag sa akin ni Iñigo.
"Hmm?" sagot ko nung tumingin na ako sa kanya.
Hindi agad nagsalita si Iñigo. Instead, he shrugged. Alam ko naman na tungkol kay Samuel iyong itatanong niya sa akin. But for some reason, he chose not to verbalize whatever question he had for me.
"Bye! See you next sem—hopefully!" sabi ko nung nasa harap na kami ng condo ko kasi minsan sabay pa rin kami umuwi kapag wala siyang pinupuntahan.
"See you next sem, for sure," sagot niya.
"Di mo sure," balik na sagot ko.
"Libre mo na lang akong iced coffee kapag nagkita tayo next sem."
"Deal," sabi ko kasi kebs lang naman. Tinuturuan ako ni Iñigo kapag hindi ko gets mga topic, so no big deal naman na ilibre ko siya ng kape. "Ingat pauwi! Itulog mo na 'yan!" dugtong ko bago ako kumaway sa kanya at naglakad papasok sa building.
Dahil excited na akong umuwi, naka-ready na iyong mga gamit ko. Nagdouble check lang ako if natanggal ko na sa saksak iyong mga appliance ko at saka dinala ko iyong mga natira kong pagkain sa ref kasi sayang naman. After that, dumiretso na ako sa LRT para maka-uwi na ako.
Sinundo ako nila Daddy sa port pagdating ko. Sobrang pagod ko siguro kaya hindi ko na naalala talaga kung paano ako naka-balik sa kwarto ko. Basta paggising ko, parang recharged na ulit ako kasi nasa kwarto ko na ako. Grabe! It felt like it's been forever! Kaloka na 'yan!
"Good morning," bati ko kay Mommy nung makita ko siya na naghahain ng breakfast. Agad na kumulo iyong tiyan ko nung makita ko na fried rice, hotdog, and bacon iyong nandoon. Mayroon ding freshly brewed black coffee. Grabe! Na-miss ko talaga 'to!
"Si daddy?" I asked, but mommy just shrugged. Hindi na ako nagtanong after pa. Kumain kami ng breakfast. Nagpa-kwento si mommy tungkol sa mga nangyari sa akin sa school na akala mo e hindi ko siya kausap palagi. Nung first few weeks ng klase kaya, required na tumawag ako sa kanya after class! Palibasa nag-iisang anak ako kaya obsessed siya sa akin, e.
"Ano'ng gusto mong lunch?" tanong niya sa akin kahit kakatapos lang namin kumain ng breakfast.
I shrugged. "Kahit ano—ay, 'yung may sabaw pala!" sabi ko kasi madalas talaga fastfood ako doon. After nun ay bumalik ako sa kwarto ko dahil seryoso talaga ako sa pagtulog.
Siguro ay first three days ng bakasyon ay tulog lang ako. After nun ay nagpakita ako sa mga college friends ko from Divine. Sinabi nila na 'di na raw ako ma-reach dahil law student na ako—ang 'di nila alam, patapon pa rin ako. Nag-inuman lang kami ng san mig at nagchismisan, as usual.
'Hi.'
Agad na napa-upo ako sa kama nung mabasa ko iyong pangalan ni Samuel sa cellphone ko. Akala ko ay lasing lang ako nung mabasa ko 'yun.
'Hello,' reply ko after kong huminga ng mga five times.
'Resort recommendation?'
'Pupunta ka nga dito?'
'Yes. Daan muna ako before bumalik sa school.'
Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko talaga ay joke lang na pupunta siya. To be honest, medyo umasa ako nung umpisa. As in buong week ako naghintay na magparamdam siya, pero wala. So, inisip ko na baka spur of the moment kalandian niya lang iyong sinabi niya. Saka ayoko rin naman na isipin iyon buong sembreak kaya mas nagfocus ako sa pagpapahinga at pakikipagbonding sa mga friends ko rito.
Tapos... ako pala iyong huli niyang pupuntahan before bumalik sa school?! I mean, iyong Puerto Galera?!
'Saan ka ba galing?' I asked.
'Abra,' he replied.
'Paano ka dadaan sa amin?' I asked, medyo confused dahil based sa existing knowledge ko sa geography, medyo nasa magkabilang dulo kami ng Pilipinas.
'🤷🏻,' he replied.
At this point, I was biting my lower lip. Gago... bakit siya pupunta sa Puerto? For sure naman may beach malapit sa kanila! Pupuntahan niya ba ako? Gustung-gusto ko itanong kaya lang ayoko itanong sa text dahil baka ma-seenzone ako bigla. At least kapag sa personal, pwede ko sabihin na joke lang! bigla.
That entire night, nag-usap lang kami sa kung saan siya pwedeng pumunta na resort. Marami akong sinuggest doon sa mga white beach resort, but when he asked kung malapit ba iyon sa amin, sinabi ko na medyo malayo. He asked kung ano iyong mga malapit sa akin na resort, so nagbigay ako ng list.
'Sure ka? Hindi white beach 'yon.'
'It's fine.'
'Okay... Pupunta ka nga?'
'Yeah. In three days,' he replied. 'Free ka ba?'
Shet.
Okay. Hinga nang malalim, Deanne. Kalma ka lang, girl.
'Hindi ko sure. Check ko muna,' send ko sa kanya para isipin niya na may ginagawa naman ako sa buhay ko, noh!
'Okay :-)' he replied.
Hindi na ako nagreply kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko after... medyo kinilig din kasi ako kasi pota? Abra 'yon! Naggoogle pa ako at na-realize ko na sobrang layo niya talaga sa akin! Gago, ang ganda-ganda ko naman, if ever!
Dahil hindi ako maka-tulog sa sobrang kilig ay lumabas ako. Nakita ko si Daddy sa may sala. Halos hindi ko nga siya napansin dahil naka-patay iyong ilaw. Nakita ko na may hawak siya na baso na sigurado ako ay alak. Tumalikod na lang ako at naglakad pabalik sa kwarto ko kasi ayoko siyang maabala.
I forced myself to sleep and when I couldn't, nanood na lang ako ng Netflix hanggang sa sukuan ako ng mga mata ko.
* * *
The next morning, sabay-sabay kaming nagbreakfast for a change. Sinabi ni mommy na may pupuntahan kami sa isang araw na birthday. I asked kung hanggang anong oras.
"Bakit? May lakad ka ba?" she asked.
I shrugged. "Hmm... wala naman," sabi ko. "Malapit na kasi pasukan—gusto kong mag-advanced reading," I told her and she immediately lightened up. My mom worked as a flight attendant when she was younger—six months lang siyang nakapagtrabaho bago siya nabuntis sa akin. Hindi ko lang sure kung bakit hindi na siya bumalik after kasi ayaw niya rin naman na pag-usapan iyon, so hindi na rin ako nagtanong.
The day Samuel's supposed to come here, pagka-gising na pagka-gising ko pa lang ay tinignan ko agad iyong cellphone ko. Walang text galing sa kanya—mukhang tanga talaga ako sa part na nag-eexpect. Girlfriend ka, girl?! May pa-good morning message?! But napadpad ako sa IG at nakita ko na may private IGS na naman si Lui. I immediately clicked on that at nakita ko na nasa parang bahay sila at nag-iinuman or something. Nakita ko sa video iyong ibang mga ka-schoolmate namin. Nandoon din si Iñigo, for a change.
'Why are you not drinking?' tanong ni Lui habang naka-tapat kay Samuel iyong camera.
'I told you—aalis ako bukas.'
'Where again?'
'Galera,' he simply replied.
'Because?' Lui asked like he was baiting Samuel but instead of answering, Samuel just shook his head and ignored Lui.
I bit my lower lip again. Lecheng 'yan! Dahil hindi rin naman ako makapagconcentrate sa pagpapanggap na mag-advance review, naghanap na lang ako ng isusuot ko in case na imessage ako ni Samuel. Hindi niya pa kasi ako ulit tinanong if free ako today. I'd decided na if tanungin niya ulit ako, sabihin ko na lang na na-cancel iyong plano ko kaya free na ako. Feel ko naman obvious ako, pero kebs na. Gusto ko na lang talaga siya makita in person! Isang buwan na rin nung last ko siya makita!
Around 5PM, hindi na ako naka-tiis.
'Natuloy ka ba?' I texted.
I drummed my finger against my thigh while waiting for him to see my text. And after a few seconds, nakita ko na nabasa niya na iyon at may tatlong tuldok na akong nakikita na ibig sabihin ay nagta-type na siya ng irereply niya sa akin.
'Yeah. Naka-tulog ako pagdating. Kanina pa akong 2 nandito.'
'Nagdrive ka ba?'
'Hindi. Katamad.'
'Nagcommute ka? Buti di ka naligaw?'
'Binigyan ako ng direction nung resort.'
'Di ka na lang nagtanong sa akin.'
'Busy ka e.'
I bit my lower lip again. Ganito ba makipaglandian?! Ganito ba kiligin?! Torn ako between bakit ngayon ko lang 'to naeexperience at magpasalamat kay Lord kasi kay Samuel ko naeexperience iyong kalandian na 'to.
'Arte haha nagdinner ka na?'
'Nope. Kakagising ko lang.'
'Kain ka na.'
'Natuloy lakad mo?'
'Hindi e. Nagcancel friends ko.'
'Nagdinner ka na?'
'Hindi pa,' reply ko. 'Gusto mo ng kasama magdinner?'
Bigla akong nahiga sa kama at saka kinuha iyong unan at tinakip sa mukha ko at saka ako tumili dahil sa kapal ng mukha ko at sa sobrang kaba.
'I was about to ask you but then I realized that it's weird if I ask you to come here and even weirder if I ask you to invite me to your house lol'
Pota ka talaga, Samuel Hayes Fortalejo.
'Lapit lang naman 'yang resort mo sa min. Puntahan na lang kita.'
'Di magagalit parents mo?'
'Di yan.'
'Sigurado ka?'
'Affirmative,' sagot ko.
'Okay. Baka kung ano isipin nila.'
'Bakit? Nakikipagdinner naman talaga ako sa friends ko.'
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naghihintay ako sa sagot niya. Para akong aatakihin sa puso habang nakatingin sa tatlong tuldok habang nagta-type siya ng reply niya sa akin.
'Okay,' he replied kahit parang isang buong minuto ata siya nagtype. Mamamatay na naman ako sa curiosity nito kung ano ba iyong dapat isesend niya sa akin!
'Oks. Nandyan na ako in 20 mins siguro,' sabi ko bago ibinaba iyong phone ko at mabilis na nag-ayos dahil excited na rin ako talaga na makita siya.
I wore a white romper and white sandals. Nagpabango ako nang kaunti tapos naka-lugay lang iyong buhok ko. Dahil feelingera ako, hindi ko alam kung anong oras ako makaka-uwi, so dinala ko iyong sasakyan. Kung friends ko lang ang pupuntahan ko, magta-tricycle lang ako.
Pagdating ko sa resort, paghinto ko pa lang ay nakita ko na si Samuel na naka-upo lang doon sa isang gilid. He was not doing anything—just sitting there but he looked so cute... I chuckled to myself, though, dahil mukha siyang turista dahil naka-suot siya ng medyo bulaklakin na polo.
Huminga ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Ni hindi ko na siya kailangang tawagin dahil napa-tingin siya agad sa gawi ko na para bang naramdaman niya na papalapit na ako.
"Naks naman sa polo," bati ko nung maka-lapit ako sa kanya. Napa-kamot siya sa batok niya na parang na-conscious. "Sorry," sabi ko. "Di na kita tutuksuhin, promise," dugtong ko na naka-taas iyong kanang kamay. "Saan mo gustong magdinner?" I asked.
"Where do you recommend?"
"Kahit ano ba?"
He nodded. "Pero wala ba iyong kita iyong beach?" he asked kaya naman nirecommend ko iyong alam kong resto na kita mo iyong beach habang nagdidinner ka.
"Nakapag-enroll ka na?" he asked while we were waiting for the food. Umorder kami ng dalawang ulam and dalawang kanin—share na lang daw kami, wow.
I nodded. "Yup. Ikaw?"
He nodded, too. "Kailan ka babalik sa Manila?"
"Saturday," sabi ko sa kanya. "Ikaw?"
"Saturday din," he replied. "Sabay na tayo, gusto mo?" tanong niya habang naka-tingin sa akin. Shet na 'yan... bakit parang ang dali-dali lang sa kanya magtanong ng mga ganitong bagay samantalang ako e parang mauubusan na ng oxygen?!
I gulped like five times. "Uhm... okay," sabi ko.
"Okay," he replied, smiling and nodding.
Dumating na iyong food at kumain na kami. Mukhang gutom iyong kasama ko dahil tahimik lang siya habang kumakain at mukhang seryoso sa pagkain.
"Do you have a curfew?" he asked.
"Wala naman," sagot ko kasi sanay na magulang ko na minsan madaling araw ako umuuwi kapag nagkikita kami ng college friends ko.
"But you're driving..." sabi niya bigla.
"Why?"
He shrugged. "I'd ask you if you want to drink, but you're driving home, so 'wag na."
Ay, shet, sayang nga, oh! Pero it's either that o magpapa-sundo ako sa parents ko, so 'wag na, noh!
"Di naman kailangan ng alak para mag-enjoy," I said.
Napa-tingin siya sa akin at ngumiti. "You're right," sabi niya. "So... wanna walk along the shore, instead?" he asked and sino ba naman ako para tumanggi?
**
This story is already at Chapter 22 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top