Chapter 13
Chapter 13
True to what Samuel said, wala ngang pasok na one week before finals! I mean, may mga prof na nagsabi agad na walang pasok, pero merong iba na one hour before class pa lang nagsasabi na wala. Either way, naniwala na ako na walang pasok at hindi na ako nag-effort pa na magprepare para sa class.
Buong Monday ay nasa loob lang ako ng condo at naghahabol ng backlogs ko. Gusto ko muna kasi tapusin iyon bago ako magreview. Nung Tuesday naman ay napagod ata iyong utak ko nung Monday kaya late na ako nagising. At dahil late na ako nagising ay parang feeling ko, wala ng nangyari masyado sa araw ko. Kaya naman nung Wednesday ay gumising ako nang maaga, naligo agad, at inilagay sa bag ko lahat ng kailangan ko for review. Sa coffee shop ako mag-aaral para at least konsensyahin naman ako sa mahal ng kape ko at ma-force ako magreview.
Naglakad ako sa medyo malayo na coffee shop kasi feel ko maraming tao agad doon sa mga malapit sa school. Tama nga ako kasi mga tatlo na iyong nadadaanan ko na puno agad—to think na 7:09AM pa lang! Iba talaga level ng grind ng law students kapag exam season, e. Kaya minsan talaga feel ko naliligaw lang ako rito.
Finally, sa fifth coffee shop na napuntahan ko ay wala pang masyadong tao. Agad na hinanap ko kung saan iyong pinaka-comfortable na lugar. Gusto ko iyong walang malapit na socket para kapag na-lowbatt iyong gadgets ko ay iyon na 'yon. Naka-dedicate talaga ang araw ngayon sa pagrereview. Ano ba naman iyong ma-stress ako ng dalawang linggo para pumasa sa sem na ito?
At habang nagsscan ang mga mata ko sa pinaka-magandang pwesto, agad na nakita ko si Samuel na nandoon sa pinaka-dulong pwesto doon sa mahabang parang couch. He looked so serious—may bookstand sa harapan niya at mukhang Sales ang binabasa niya. Iyon ba ang pinaka-nahihirapan siya kasi parang lagi niyang binabasa 'yon?
I waited for him to notice me, but it seemed like sobrang focused siya sa pag-aaral dahil nasa libro lang talaga iyong atensyon niya. May mug sa gilid ng libro niya. Kinuha niya iyon at sumimsim sa kape niya tapos ay inabot iyong tissue at pinunasan iyong gilid ng labi niya. Tapos ay maingat niyang ibinalik iyong tissue doon at nagpatuloy sa pag-aaral.
At bakit ba para akong tanga na nanonood sa kanya? Mag-aaral ako today!
Umorder ako ng kape ko—pina-triple shot espresso ko para matapang dahil kailangan ko maka-kalahati sa crim ngayon.
Dahil ayoko naman abalahin si Samuel at wala naman akong balak lumandi ngayon, doon ako naupo sa kabilang dulo. Hindi niya naman ako napansin dahil busy pa rin siya. Inayos ko iyong gamit ko tapos kinuha ko lang iyong kape ko nung ready na. Mayamaya ay dumami na iyong mga tao at may mga naupo na rin sa vacant seats sa pagitan namin. Dala ko naman iyong earphones ko kaya nakapag-aral ako nang tahimik.
"Kanina ka pa dito?" tanong ni Samuel nung tanggalin ko iyong earphones ko. Napansin ko kasi kanina na may pair ng legs na huminto sa harapan ko tapos pagtingin ko ay siya pala iyon. He was saying something na hindi ko maintindihan dahil sa lakas nung tugtog.
I nodded. "Mga 7:30 siguro," I answered tapos tumingin sa phone ko. "Luh... 12 na pala," I continued. Kaya pala gutom na ako. Kape pa lang ang iniinom ko. Ni hindi ako nakapagbreakfast dahil sa sobrang pressure.
"Naglunch ka na?"
Umiling ako. "Ikaw?"
Umiling din siya. "Sabay na tayo?" he asked. I nodded dahil gutom na rin ako. Wala talaga ako sa mood lumandi ngayon dahil mas worried ako sa dami ng kailangan ko pa palang tapusin. Hayop na 'yan! Akala mo hindi ako nag-aral buong sem sa level nung kailangan kong aralin, e!
NagCR muna si Samuel habang inaayos ko muna iyong gamit ko. Iiwan ko na lang dito iyong mga libro. Wala naman siguro mag-iinteres d'yan. Ayoko rin kasi isama dahil for sure may ibang kukuha ng pwesto ko.
"Bibili ulit ako mamaya," sabi ko kay Samuel dahil baka isipin niya hoarder ako ng pwesto.
Natawa siya. "Wala naman akong sinabi."
"Wala lang—gusto ko lang i-defend agad ang sarili ko," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng coffee shop... and finally, hindi na malamig! Jusko! Lamig na lamig ako kanina! Sino ba kasing gago bumili ng iced Americano kahit malamig!
"Mahirap ba finals?" I asked. "Iba ba sa midterms or same lang?"
"Mas mahaba coverage," sagot niya.
"Magfofocus ba ako sa finals coverage lang?"
"Aralin mo pa rin 'yung midterms—minsan marami lumalabas doon."
I groaned. "Hindi na kasya sa utak ko."
Napa-tawa siya. "Ano ba inaaral mo?"
"Walang katapusan na crim," I replied. "Nahihirapan na ako sa stages of crime pa lang."
"Kabisado mo ba?"
"Medyo."
"Hindi pwede na medyo," he said. "Dapat kabisado mo 'yun. Lalabas 'yon sa exam, sigurado," he continued. "Since crim 1 pa lang naman, check mo na 'yung elements ng common crimes like homicide, murder, theft, and robbery. Kapag kumpleto iyong elements, consummated agad. Kapag nagawa lahat pero hindi nagresult sa crime, frustrated. Kapag kulang, attempted."
I nodded. "I know... pero nakaka-lito pa rin."
"Saang part?"
"Sa lahat."
"Hindi pwede sa lahat."
I frowned. "Ano na lang inaaral mo?" I asked.
"Sales," he replied. "Saan ka ba nalilito?" tanong niya sa akin.
Sa fastfood kami pumunta dahil iyon ang pinaka-malapit. Habang nasa pila kami ay sinabi ko kay Samuel iyong concepts na medyo naguguluhan ako. In fairness sa kanya ay sinagot niya iyong mga tanong ko. No wonder, 1S nga siya dati... Talino! Ngayon, alam ko na ang feeling ni Kitty kapag tinuturuan siya ni Jax.
"Grabe, tanda mo pa lahat?" tanong ko habang naglalakad kami at naghahanap ng vacant na pwesto. Tig-isang tray kami. I ordered fun shots meal lang habang si Samuel ay naka-two piece chicken. Mukhang gutom na gutom, e. Sabagay, nakaka-gutom naman talaga mag-aral for some reason.
He shrugged. "I have to—connected lahat," he said. "Minsan kahit sales subject mo, biglang magtatanong about first year subjects."
My lips parted. "What? Seryoso?"
Samuel nodded. "Kaya mas maganda kapag alam mo pa rin mga pinag-aralan mo."
I groaned. "Goldfish pa naman ako!"
"Basahin mo na lang codal kapag wala kang ginagawa mo—alam mo naman na 'yan; kailangan mo lang iremind sarili mo," he said and then began to eat.
We took our time eating. Baka same kami na medyo ayaw pang bumalik sa coffee shop kasi once na bumalik kami doon, it meant na seryosong aralan na naman. And to be honest, medyo masakit pa iyong mga mata ko dahil three days straight na akong nagbabasa.
"You know the stages in arson?" he asked.
I nodded. "Basta may masunog na part ng bahay, consummated arson na?"
He nodded. "Kapag rags lang iyong sinunog pero hindi nasunog iyong part ng bahay, frustrated. Kapag attempted, pouring of the gasoline with the intent to burn. Kapag walang intent to burn, walang crime because the acts were only in the indeterminate stage."
Naka-tingin lang ako habang nagpapaliwanag siya. I was in... awe. Na talaga? Itong cute at matalino na lalaki na 'to, pumayag na kasama niya ako kumain ng lunch? As in? Truly?
"Do you understand?" he asked. "Kasi kung magulo, I'll explain it again."
Slowly, I shook my head as I continued to stare at him in awe. "No... na-gets ko," sabi ko habang naka-tingin sa kanya.
Nung una kong makita si Samuel, alam ko na cute at gwapo siya. Halata naman sa mukha niya. Pero alam ko rin na maraming cute at gwapo sa college. Pero ngayon? Parang siya na lang ang cute at gwapo sa paningin ko kasi alam mo 'yon? Ang bait niya tapos tinuturuan niya ako...
Pota.
Delikado ako—sure na!
Ganito pala feeling ni Kitty! Hindi naman girlfriend pero may undying and unwavering loyalty! Jusko!
"Deanne," pagtawag niya sa akin.
I immediately forced myself to look 'normal' kasi shet, napa-tagal ata ang pagde-daydream ko! "H-ha?"
"Okay ka lang?"
"Yup..." I said with a smile smile. "Medyo masakit lang ulo ko sa kaka-review," dugtong ko.
He nodded. "Kung masakit na ulo mo, matulog ka na muna. Wala kang maiintindihan kapag ganon."
I just smiled because I didn't want to tell him that I lied and I was just staring at him... wondering if he liked me, too... and if he did, ano kaya ang pakiramdam nun?
How does it feel to be... liked by him?
* * *
After naming kumain ay bumalik din kami sa coffee shop. Nandoon ulit kami sa magkabilang gilid. Umorder ulit ako ng kape pero decaf na dahil ramdam ko pa rin iyong triple shot kanina. Naka-sabay ko si Samuel na umorder ng tea... which was surprising but he told me na mas mataas ang caffeine level ng tea.
Nung gabi, nagsandwich na lang ako from the coffee shop dahil ayokong lumabas saka nasa mood na kasi ako sa pag-aaral. Bandang 10PM, sabay kaming lumabas dahil magsasara na iyong coffee shop.
I yawned and stretched as we were walking.
"Grabe, ang productive," sabi ko.
"Natapos ka sa inaaral mo?"
"Nope, pero natapos ko iyong goal ko."
"May goal ka na?"
Umirap ako. "Nahiya naman ako sa calendar mo, so gumawa din ako ng calendar ko," sabi ko sa kanya at saka kinwento ko kung ano ang ginawa ko nung Monday, Tuesday, at saka ngayon. Pagdating namin sa harap ng building, hindi pa ako pumasok kasi... ewan. Gusto ko pa magstay dito kasama siya.
"Walang ganap frat niyo?"
Umiling siya. "Acads first."
"Wow naman."
Natawa siya. "Tahimik talaga kapag exams."
"May party ba kayo after finals?"
"Why? You want to come?" he asked.
I shrugged. "Di ko sure," sabi ko sa kanya. "Baka umuwi na ako agad after nung last exam ko."
"Mindoro, right?"
I nodded. "Puerto Galera—naka-punta ka na 'don?"
He shook his head. "Maganda ba?"
"Grabe, oo naman!" sabi ko sa kanya. "Maganda din iyong beach namin, ah. Try mo minsan," dugtong ko bilang feel na feel kong maging ambassadress ng lugar namin.
"Ikaw tour guide ko?"
Medyo natigilan ako.
Heto na naman siya.
Nilalandi niya ba ako? Yes or no?!
My throat felt dry, but I didn't want to make things... weird. So, I shrugged. "Sige ba," sabi ko sa kanya. "Sabihan mo lang ako kung pupunta ka 'doon."
Tumango siya. "Okay," he said with a smile. "Good night, Deanne," dugtong niya bago tumalikod at naglakad papunta sa condo niya.
Lord... ano ba ito?! Nakaka-confuse na!
**
This story is already at Chapter 21 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top