Chapter 12
Chapter 12
"Thank you," sabi ko kina Iñigo at Gracey nung huminto sila sa harap nung condo. Sobrang... weird. Nagpasalamat pa ako ulit bago ako pumasok sa loob. Kaka-tapos lang nung dinner slash date. Okay naman. Ganoon pala feeling nun?
"Uy," sabi ko nung maka-salubong ko bigla si Samuel. "Tapos na outreach niyo?" I asked nung maalala ko na ngayon iyon kasi inaya rin ako ni Lui before.
He nodded. "How was your—" sabi niya tapos natigilan na parang inaalala kung ano ang sasabihin na susunod.
"Date?" pagtapos ko sa sasabihin niya. He nodded. "Uh... okay naman," I said. I looked at him. Naka-tingin siya sa akin. "Kamusta 'yung outreach niyo?" I asked.
He shrugged. "Okay naman."
Naka-tingin lang kami sa isa't-isa. I arched my brow. "Curious ka ba sa naging date ko?" tanong ko sa kanya kasi naka-tingin lang talaga siya sa akin!
He shrugged. "Not really... pero kung gusto mong ikwento."
I bit the inside of my lip to stop myself from smiling. Siguro mga 60% na akong convinced na may crush siya sa akin!
"Okay," I said. "Pero nagdinner ka na ba?"
"Hindi pa," he replied. "Hindi ka pa ba kumakain?"
"Hindi masyado," sagot ko sa kanya. "Nakaka-tense pala makipagdate! Hindi ako nakakain nang masyado kanina," dugtong ko tapos sinimulan ko na iyong kwento na kung paano una kong nakita iyong lalaki na nirereto sa akin ni Iñigo.
"Med student?"
I nodded. "Kaibigan ni Gracey," I replied. "Kakilala mo si Gracey, 'di ba?" He nodded. To be honest, I was really curious kay Gracey dahil ex siya ni Iñigo at kakambal ni Rhys. Suffice to say—she did not disappoint. In fairness naman sa type ni Iñigo—si Kitty, si Gracey. Medyo may nakikita akong similiarity... at least physically. Sa ugali, medyo weird kasi mabait si Gracey samantalang si Kitty may topak.
"Why did you say that the date was bad?" he asked.
"Hindi naman sa bad..." sabi ko. "Medyo awkward lang kasi hindi ko naman kakilala talaga iyong lalaki. Saka parang wala kaming common interests masyado," dagdag ko. We really did try to find something in common, pero wala talaga! Buti na lang si Gracey ang nagsasalba ng conversation palagi. Nasubok ang pagiging Ms. Friendship ko kanina!
"I mean, he's in med, I assume?"
I nodded. "Third year," I said. "Gusto mo makita itsura?"
"Friends na kayo sa facebook?"
"Hindi, ah," sabi ko sa kanya. Gustung-gusto ko na siyang tanungin kung ano ba trip niya—if nagseselos ba siya or what kasi kung oo, aba, pwede naman na gawan ng paraan! Madali naman akong kausap! Kaso biglang dumating iyong order namin na tapsilog, so natahimik ako bigla.
"Amen," I said with my hands clasped together after ko magdasal nung before meal prayer. "Ano?" tanong ko nung makita ko na naka-tingin sa akin si Samuel.
He just shook his head. "Wala," sabi niya tapos ay kumuha ng tissue at inabot sa akin kahit within reach ko naman iyong tissue. Nagthank you na lang ako tapos ay pinunasan ko iyong utensils bago nagsimulang kumain.
"Ginutom ka ba ni Iñigo?" he asked nung parang huminga lang ako e naubos ko agad iyong fried rice! Dami pang ulam na natira.
"Kumain nga kami," sagot ko sa kanya. "Hindi lang ako nakakain nang maayos kasi syempre pa-demure ako kanina," sabi ko. "Wait lang, order lang ako ng extra-rice. Gusto mo pa?" tanong ko, pero umiling siya kasi ni hindi pa nakakalahati iyong nasa plato niya.
Tumayo ako tapos ay lumapit doon sa counter. Umorder ako ng isa pang garlic rice saka nagbayad. Pagbalik ko ay inilagay ko agad iyong kanin sa plato ko.
"As I was saying, sa sobrang pagpapaka-demure ko, hindi ko na-feel masyado iyong kinain ko," sabi ko sa kanya. "In fairness naman, iyong ka-date ko iyong nagbayad. Pero ready naman akong magbayad, pero sinabihan niya ako ng 'I insist," sabi ko tapos medyo kinilig ako. "And that was the moment when the feminist in me died."
Samuel didn't say anything, but he resumed eating. Ako naman ay kumain na rin. After naming kumain ay naglakad na ulit kami. Mabagal lang kasi busog na busog ako. Nasobrahan ata ako sa kain!
"Wait lang," I said. "Pwede upo muna tayo?"
"Okay ka lang?"
I nodded. "Medyo napadami ata iyong pagkain ko," sabi ko sa kanya. "Pwede upo muna tayo dito? Mukhang safe naman," dugtong ko kasi parang nasa park kami. Meron palang ganito rito? Ang dami ko pa pala talagang hindi napupuntahan! Palibasa, school at fishball-an lang ang alam kong puntahan, e.
Naupo kami ni Samuel doon sa may bench.
"Hindi ko alam kung bakit kumain ako nang marami kahit alam ko naman na nahihilo ako kapag ganoon," sabi ko habang naka-upo kami at naka-sandal ako doon at naka-pikit ang mga mata.
"Gusto mo ba ng gamot?"
"No, okay lang. Palipasin ko lang 'to," sabi ko sa kanya. Nung ibukas ko ang mga mata ko, nakita ko na may mga bituin pala sa langit. "May stars pala dito sa Maynila... Akala ko sa sobrang pollution, wala akong makikitang stars dito..." I said in awe kahit na mabibilang ko naman sa daliri iyong nakikita kong bituin. "Sa amin kasi, madaming bituin palagi, e. Sarap kayang magstargazing doon lalo na sa malapit sa beach."
Shet. Miss na miss ko na iyong Mindoro. Kung pwede lang umuwi na doon kaso ang hassle naman kung for the weekend lang. Hihintayin ko na lang magkaroon ng long weekend para maka-uwi ako.
"Why?" he asked when I sighed.
"Wala lang. Namimiss ko na sa amin."
"Hindi ka pa ba nakaka-uwi?"
"Hindi pa. Malayo kasi, e. Sayang lang din."
"Hindi ka umuwi nung after midterms?" he asked. "Walang pumapasok na prof usually."
"Oo nga, e. Wala kayang nagsabi sa akin!" reklamo ko kasi medyo na-realize ko na walang papasok sa amin ay Thursday na. Nanghinayang ako umuwi ng Friday kasi for sure recit agad sa Monday.
"Usually, a week before the finals, wala ng pasok," sabi niya bigla. Napa-tingin ako sa kanya. "What? At least sinasabi ko sa 'yo ngayon."
Napa-upo ako nang maayos. Tumingin ako sa kanya. Suot-suot niya pa iyong polo ng frat nila—nakita ko kasi doon sa may bandang kaliwa iyong logo ng frat nila.
"Sure ka sa walang pasok?" I asked.
He nodded. "Integration week," sabi niya.
"Ano 'yun?"
"Parang Intrams," sagot niya. "Hindi mo ba tinignan iyong school calendar?" he asked and I shook my head. Napaawang iyong labi niya. "Pero alam mo kung kailan ang finals?"
"Next month, 'di ba?"
"Yeah... pero alam mo iyong exact date?"
"Hindi," sagot ko. "Iaannounce naman sa class 'yon."
"Paano ka nagrereview?"
"Nagbabasa, duh?"
"Hindi mo inaayos kung kailan mo kailangang magreview sa finals?" he asked.
"Grabe, may judgment ba?"
Kumunot iyong noo niya. "No—just curious," sabi niya. "Ice cream?" bigla niyang tanong. Napa-tingin ako doon sa lalaki na naglalakad. I immediately nodded tapos ay lumapit kami roon sa nagbebenta ng ice cream.
"Hmm..." sabi ko habang naka-tingin doon sa flavors. May strawberry, chocolate, at mango. Gusto ko ng cone... pero hindi kakasya lahat ng flavor na gusto ko. "Manong, sa cup na lang tapos pabili din ng cone," sabi ko. "Lahat ng flavor. Thank you po," dugtong ko tapos ay pinanood ko habang ginagawa niya iyong order ko. "Ano'ng sa 'yo?" I asked nung nabigay na sa akin iyong order ko.
"Chocolate lang," sabi niya tapos ay binigyan siya ni Manong ng order niya sa cup. Ang plain naman ng order nito!
"Oh, bayad ko," sabi ko sa kanya kasi siya iyong nagbayad kanina kay Manong nung order namin. Hindi na ako sumabat kasi baka wala ring panukli si Manong sa amin.
"Libre ko na," he replied habang naka-upo ulit kami sa may bench.
"Kung alam kong ikaw magbabayad, e 'di sana normal na order lang ginawa ko," sabi ko kasi ten pesos lang iyong kanya pero sa akin maraming kaartehan kaya bente iyong bayad.
"It's fine—hindi naman ako maghihirap dahil sa order mo."
"Ay, wow, rich kid," tukso ko sa kanya.
"No," he replied.
"Weh?"
"My family's not rich—just comfortable," sabi niya.
"Linya ng mga rich kid," sabi ko kasi ganyan din ang sabi ni Kitty sa akin tapos malaman-laman ko, anak pala ng may ari nung logistics company na lagi kong pinagpapadalhan! Kung alam ko lang, nanghingi na sana ako ng discount code!
"How do you define rich?" he asked.
I shrugged. "Hmm... siguro iyong mga tao na hindi tumi-tingin sa price tag kasi anuman ang naka-lagay doon, sure siya na afford niya naman?"
"If that's the definition, then hindi ako rich kid. Tumitingin kaya ako sa price tag."
Tumingin ako sa kanya. Kung titignan lang sa mukha, mukha naman talagang rich kid si Samuel... pero kumakain siya ng fishball at kumakain sa carinderia kasama ko... so, medyo confusing siya.
I shrugged, instead. Baka hindi nga siya rich kid at isa lang siyang normal na tao kagaya ko.
"About finals schedule..." sabi ko sa kanya. "Paano ba gagawin doon?" tanong ko.
"Saan ka ba pinaka-nahihirapan?"
"Sa lahat."
"Hindi pwedeng sa lahat," he replied.
I took a spoonful of my ice cream. "Try me."
Tumingin siya sa akin. "Ano'ng mas mahirap? Statcon or crim?"
"Crim, duh!"
"See? Hindi ka pinaka-nahihirapan sa lahat."
Umirap ako. "Grabe, okay po, Father Samuel."
"Father Samuel," he said, scoffing.
"Bakit? Muntik ka naman na talagang maging father, 'di ba?"
He shrugged. "Not really."
"Not really? Ano 'yon, trip-trip mo lang?"
"Hindi naman," sabi niya.
"May naging girlfriend ka ba habang nasa seminaryo ka?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Nanlaki ang mga mata ko. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Grabe! Akala ko dapat loyal ka kay Lord!" panunukso ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin at kinakain niya lang iyong ice cream niya.
"Sino?" I asked. "Clue naman d'yan..." dugtong ko. "Iyon bang nanghihingi ng barya kapag may mass?"
"Nanghihingi?" sabi niya sa akin. "Ginawa mo namang pulubi."
"Ikaw nagsabi niya! Literal naman iyong meaning ko," sagot ko sa kanya. "So, nagka-jowa ka nga ng coin girl? Or member ng choir? O iyong nagbabasa sa misa?"
"Ubusin mo na ice cream mo."
I gasped. "So... all of the above?"
"No," he said. "Eat your ice cream," sabi niya tapos ay tinawanan ko lang siya. Mukhang hindi naman siya naiinis sa akin dahil alam ko iyong itsura niya kapag naiinis siya. So far, he was still tolerating me... which felt nice. Minsan kasi nasabihan na ako ng sobrang daldal ko, e.
"Bakit ka lumabas?" I asked. "Pwede ko bang tanungin? If not, pa-void na lang po."
He shrugged. "I don't know. Just one day, I realized... it's not for me."
"Ganoon lang?"
He nodded. "Yeah."
"Grabe, ang bilis mo naman magdecide."
He shrugged again. "Life's short—bakit ko gagawin iyong bagay na hindi ko naman talaga gusto?" sabi niya habang naka-tingin sa akin. Unti-unti kong naramdaman iyong pagbilis ng tibok ng puso ko. Pakshet na mga mata 'yan! Bakit naka-tingin sa akin?! Natutunaw na iyong ice cream ko!
I cleared my throat just to do something. Umayos ulit ako ng upo tapos ay pinaglaruan na iyong ice cream ko.
"Sana all," sabi ko na lang.
"Why?"
"Hindi kasi ako ganyan," sabi ko. "I'd like to think that I am, but reality is, marami pa rin akong kino-consider," sabi ko sa kanya. Kasi kung totoong c'est la vie akong nilalang, e 'di pinrangka ko na 'tong si Samuel at tinanong siya kung type niya ba ako kasi ako type ko siya! Pero ngayon? Parang medyo marami akong kailangang iconsider.
I grew to like him as my friend already. Paano kung hindi niya ako type? I should tread carefully. Sayang naman iyong 'friendship' kineme namin. Saka ko na siguro siya tatanungin kapag marami na akong friends pa.
He shrugged again. "Well, iba-iba tayo. Don't force yourself to do something you're not comfortable with."
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Thanks," I said. "I really appreciate that."
"No problem," sagot niya at ngumiti pabalik at sabay naming inubos iyong ice cream bago kami naglakad pabalik sa condo.
**
This story is already at Chapter 21 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top