Chapter 11

Chapter 11

"Deanne!"

Agad na kumunot ang noo ko nung malakas ang boses na tawagin ako ni Kitty. "Ano?" sagot ko sa kanya dahil sa totoo lang, masakit ang ulo ko sa dami nung inaral ko. Sabi nga, kung hindi ka natural na matalino, daanin mo sa sipag. E paano kung tamad din ako?

"Nothing," she said, smiling as she took her seat. "Anong balita sa inyo ni Samuel?" she asked. Mabuti na lang at nasa kabilang column si Iñigo kaya hindi niya maririnig kung anuman ang pag-uusapan namin ni kuting.

"Hindi ko nga sure!" sabi ko sa kanya nung isara ko iyong codal ng RPC na binabasa ko. "Sabi niya kasi last time nung nagkita kami, 'I'm easy to be with' daw. Hindi ba parang friendzone 'yun?"

"Hindi naman siguro," she replied. "Besides, I believe in... perseverance," she continued and then told me kung gaano siya inignore ni Jax nung nasa college pa sila. Medyo hindi na ako sure kung tinutulungan lang ba ako ni Kitty o gusto niya lang magreminisce sa love story nilang dalawa. Either way, kinain ko na lang iyong dala niyang cookies habang nakikinig sa kwento niya.

After ng class namin, nagpaalam na si Kitty dahil sabay sila ni Jax.

"Masakit ba?" tanong ko kay Iñigo na nag-aayos ng gamit niya.

"Ang alin?"

"Na makita ang pangarap mo na may ibang pinapangarap?"

His lips parted. Tapos ay napa-kurap siya. "Tangina..." he uttered under his breath. "May lagnat ka ba?" tanong niya sa akin tapos ay hinawakan iyong noo ko.

Tinapik ko paalis iyong kamay niya. "Magmove on ka na kasi kay Kitty. Kita mong nasa happily ever after na ang ating kaibigan habang nasa once upon a time pa lang tayong dalawa."

Umirap si Borromeo. "Crush lang kasi 'yon. Ewan ko sa 'yo bakit iniisip mo na in love ako 'dun kay Kitty," sabi niya habang sabay kaming naglalakad palabas ng classroom.

"Weh?"

"Oo nga."

Sasagot pa sana ako kay Iñigo nung matigilan ako dahil nakita ko si Samuel na pababa ng hagdan. Mag-isa lang siyang naglalakad at medyo seryoso iyong itsura. Grabe, kahit malayo pa lang ramdam na ramdam ko na agad na crush ko siya? Hustisya naman! Fair ba 'yon?!

"Deanne," pagtawag ni Iñigo sa pangalan ko.

"Hmm?" I replied, still looking at Samuel's way kahit na naka-baba na siya sa hagdan.

"Nothing," sabi niya nung tumingin na ako sa kanya at wala naman siyang sinabi.

"Sure ka?" I asked.

He nodded. "Ano nga pala..." sabi niya nung pababa na rin kami. Normal ba na feeling ko naaamoy ko iyong si Samuel?! Jusko, delikado na talaga ako! "May ipapakilala ako sa 'yo sa med kung interesado ka pa rin magpa-reto."

Napa-tingin ako sa kanya at napaawang iyong labi ko. I tried to say something pero parang biglang hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Uh..." I said habang bumababa kami sa hagdan. "Sure?" dugtong ko kasi ako naman nagsabi sa kanya. Seryoso naman iyong sinabi ko sa kanya before kasi gusto ko naman talaga magka-jowa! Pero pre-Samuel 'yon! Iyon ang nag-iisang target ko ngayon. Gusto ko sanang sabihin kay Iñigo na no need na kaso baka magtaka siya.

"Sure ka ba?"

I nodded. "Yup," I said, forcing a smile on my face. "Ano'ng name?" I asked him as he proceeded to tell me about this med student na ipapakilala niya sa akin this weekend daw.

Pag-uwi ko sa bahay, agad kong tinawagan si Kitty para sa emergency meeting.

"What?!" she said. "Bakit ka pumayag?"

"Di ko alam!" sagot ko. "Alam mo naman na weird si Iñigo sa frat niya."

"I know! So weird na kasama siya doon," sagot ni Kitty. "Anyway, it's okay naman na makipagdate ka since single ka naman technically."

"Ouch."

She laughed. "No harm naman! What I meant lang was, you're free to explore but we both know naman na you like Samuel lang."

"I know pero ayoko lang sayangin iyong oras nung pupuntahan ko sa weekend."

"Gusto mo ba sumama kami ni Jax para hindi weird for you?"

"Talaga?"

"Yup."

"Pero sasama rin daw si Iñigo and Gracey," sabi ko kasi sabi ni Iñigo sa akin syempre hindi naman daw niya ako iiwan kasama iyong lalaki na hindi ko kilala.

"Girlfriend ni Iñigo?"

"No, ex niya."

"Ooh! Do tell!" sabi niya tapos imbes na problema ko iyong pag-usapan naming dalawa ay biglang napunta kami sa love life ni Iñigo nung high school pa siya. Kapag talaga magka-usap kami nito, napaka-layo ng nararating ng topic namin.

Kinabukasan, dumating ako sa school 30 minutes before magstart iyong klase dahil balak kong magtanong tungkol sa mga cases na medyo nalito ako sa concepts. Pagpasok ko sa classroom, takang-taka ako dahil walang tao. Usually kasi kapag ganito marami ng tao sa loob dahil intense iyong block ko. And then I opened my phone and saw na wala palang pasok ngayon.

So, naglalakad ako sa hallway na naka-kunot iyong noo at binabasa iyong group chat namin na ghosttown. Dapat talaga bago ako pumunta sa school gawin kong hobby na icheck iyon kahit usually walang laman, e!

"Sorr—" I said nung may naka-bangga ako. "Lui," sabi ko nung makita ko na siya pala iyon. Usually, ayoko talaga ng amoy ng sigarilyo pero may pabango kasi si Lui kaya parang... ang sexy nung pinaghalong amoy ng sigarilyo at kung anuman ang pabango niya.

"Hi, Deanne," he replied while showing me his dimpled smile. Ito talaga iyong tao na masasabi ko na he's attractive and he knows it. Sobrang landi without even trying! Sana all! Ako kapag nagta-try lumandi mukha lang akong constipated, e.

"Hi," sabi ko.

"Wala raw kayong pasok ngayon," he said. Napa-kunot ang noo ko. "Heard from your classmate," he continued. Si Iñigo? Si Maven? Hindi ko sure kung sino pero hindi na ako nagtanong pa.

"Yup," sabi ko. "Ngayon ko lang nakita sa gc."

I stood there awkwardly dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Lui. May vibes kasi siya na friendly but at the same time... be wary? Hindi ko gets. Mas feel ko iyong sacristan vibes ni Samuel. Nasaan na kaya iyon?

"Palabas na 'yun," sabi ni Lui. Hindi ko na-gets kung ano iyong sinasabi niya nung biglang mapa-tingin ako doon sa may dulo ng hall. Lumabas nga roon si Samuel sa may pintuan. Napa-tingin din siya sa akin. His eyes widened a bit but he quickly regained composure.

Shet. Kung may crush ka sa akin, pwede bang sabihin mo na?! Like can we skip to the good part?!

"Hi," sabi ko nung lumapit siya sa amin.

"Invite her," sabi bigla ni Lui. Tumingin sa kanya si Samuel. "We have outreach programs. If you wanna come? It's fun."

"Outreach?"

Lui nodded. "For this year, it's cancer patients, right?" Tumango si Samuel. "Anyway, una na ako," sabi ni Lui tapos umakyat na sa hagdan. Hanep talaga iyong trip nung isang 'yun! Magsasalita tapos mang-iiwan!

"Saturday 'yun," sabi ni Samuel. "Gusto mo bang pumunta?"

I chewed on my lower lip. "Gusto ko sana..." sabi ko. "Kaso may pupuntahan ako."

He nodded. "Okay," sabi niya.

"May blind date ako," biglang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko 'to dahil hindi naman niya tinatanong. Lecheng bibig 'to! Walang preno!

His lips parted a little. Na-shock siguro sa kapal ng mukha ko.

"Ah. Okay. Bye!" mabilis na sabi ko tapos ay bumaba na ako sa hagdan. Lecheng 'yan! Kung anu-ano na nangyari sa buhay ko dahil lang hindi ako nagcheck ng group chat!

* * *

Kaysa kung anu-ano ang maisip ko, nagdigest na lang ako buong gabi. Nanood ako ng Modern Family para sumaya-saya naman ako kahit papaano. Nung study break ko, nakita ko na nag IG story si Samuel. Picture lang 'yun nung parang garden sa gitna nung building namin. Alam ko iyong picture na 'yon kasi araw-araw kong nadadaanan iyon. May caption din iyong picture niya na study break.

"Ano? Dadagdagan mo na naman iyong kahihiyan mo sa buhay? 'Di pa ba sapat iyong kanina?" sabi ko sa sarili ko habang nagdedecide ako kung hidden message ba ni Samuel iyon para pumunta ako doon sa garden?

Leche! Hirap naman maging nbsb na assumera! Hindi ako makapagdecide kung sino ang mananalo!

After five minutes, naka-hanap na ako ng compromise. Sinuot ko iyong jacket ko at saka nagdala ako ng wallet. Tutal mapapa-daan naman talaga ako roon, magpapanggap na lang ako na lalabas talaga ako para bumili ng midnight snacks ko. Bakit? Bawal magutom? Siya ba may-ari ng daan?

"Shet," sabi ko nung makita ko si Samuel na naka-upo doon sa isang wooden bench pagbukas nung elevator. Huminga ako nang malalim. Ano'ng sasabihin ko sa kanya kapag dumaan ako doon?! Hindi ko rin talaga pinag-isipan 'to, e!

"Bibili ka ng fishball," I reminded myself. "Nagsusulat ka ng digest kaya nagutom ka. Syempre ano ang gagawin kapag nagutom? Maghahanap ng pagkain. Hindi naman sketchy 'yan, Adriadna," sabi ko sa sarili ko bago huminga muli nang malalim at saka lumabas na sa elevator.

Kunwari ay wala akong alam habang naglalakad ako nung mapa-tingin si Samuel sa akin.

"Uy," sabi ko habang naka-ngiti. "Naka-tambay ka rito?"

He stood up and put his hands in his pocket. Naka-suot siya ng black na drawstring shorts at puting t-shirt. Bakit kahit gabi parang ang fresh niya pa rin? Ganito ba talaga kapag ex-sacristan na laging clean cut ang buhok?

"Midnight snack?" he asked like he read my mind.

I nodded. "Ikaw?"

"Nag-iisip ako ng kakainin."

"Fishball?"

"Wala si manong."

"Talaga? Sayang naman!" I said. "Ano pa pwedeng kainan dito? Iyong hindi fastfood," dugtong ko kasi feel ko magkaka-sakit ako kapag laging fastfood ang kinakain ko.

"Maarte ka ba sa pagkain?" he asked.

"Ako? Hindi, ah. Kakainin ko lahat," sabi ko sa kanya tapos agad siyang napa-tingin sa akin na para bang may sinabi akong mali. Medyo kumunot ang noo ko nung ma-realize ko kung bakit siya napa-tingin. Umawang ang labi ko. "Oh, my god. Sacristan na madumi ang isip!"

His lips parted. "What? Wala naman akong sinabi!"

I shook my head as I pressed my lips to hold my laughter. "Oh, my god, Samuel. Minus points ka sa langit niyan. Tsk. Madumi ang utak mo."

"Wala naman akong sinabi!" he argued.

"Tsk."

His lips parted. "Tumingin lang ako!"

"Bakit ka tumingin? Kasi 'di ba may naisip ka na hindi dapat? Tsk."

"Hindi pwede na tumingin lang ako kasi nagandahan ako sa 'yo?"

And... it was my turn to be shocked.

Napaawang iyong labi ko sa sinabi niya. Alam ko naman na sinabi niya lang iyon para mapa-tahimik ako at mapa-tigil sa panunukso ko sa kanya, pero kahit na! Foul! Hindi ba niya alam na madali akong mahulog sa mga ganyan?!

I cleared my throat. "Sus," I said as I tried to compose myself. "Palusot dot com. Okay lang 'yan, Samuel. It means you're a normal boy."

His lips parted again at hanggang naglalakad kami sa kalye ay todo explain pa rin siya na wala siyang iniisip na bastos kaya siya napa-tingin sa akin. Hindi ko napansin na kanina pa pala kami palakad-lakad sa kalye.

"Gutom na ako," sabi ko for real.

"Lugaw?" he asked.

"May tokwa't baboy?" He nodded. "Yes, please," sabi ko tapos ay sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang lugawan. In fairness ay medyo malayo na kami sa condo. Medyo maraming tao na kumakain kahit pasado alas-dose na ng gabi. Umorder kami ng tig-isang lugaw, tokwa't baboy, at saka lumpiang toge.

"Ang dami mong alam na kainan dito," sabi ko sa kanya.

He nodded. "Malalaman mo rin 'yan kapag naglakad-lakad ka dito," he said.

"Ano'ng top one?"

"Top one?"

"Na pinaka-masarap na kainan—" Napa-hinto ako. "Again, hindi bastos ang sinabi ko."

"Hindi rin naman bastos ang iniisip ko," mabilis na sagot niya sa akin.

"Sure ba 'yan?"

"Bakit ko naman iisipin 'yon?"

I shrugged. "Aba, malay ko. Ikaw nagsimula."

"Ano'ng ako? Ikaw kaya."

"Nananahimik akong sumasagot sa tanong mo tapos iniisip mo bastos ibig sabihin ko," sabi ko sa kanya tapos napa-hilamos na siya sa mukha niya dahil nafu-frustrate na ata siya sa akin. I bit my lower lip to stop myself from laughing kasi nakaka-tawa iyong itsura niya.

"Thank you po," sabay naming sabi nung dalhin nung matandang babae iyong order namin. Siguro out of habit na ni Samuel dahil pinunasan niya ng tissue iyong kutsara at tinidor na naka-babad sa mainit ng tubig bago iabot sa akin iyon. Nagpasalamat ako sa kanya. Nilagyan ko ng kalamansi iyong lugaw ko at saka paminta. Susubo na sana ako nung mapa-sign of the cross din ako nung nagsign of the cross siya.

"Bless us—" sabi ko nung hindi siya nagsalita dahil nagsign of the cross lang siya. Napa-tingin siya sa akin at napa-kunot ang noo. Napa-kunot din ang noo ko. "Oh Lord..." sabi ko at saka tinuluy-tuloy na iyong dasal ko kasi weird naman kung hihinto ako bigla! "Amen," sabi ko nung tapos na.

I looked at Samuel and he was biting his lower lip like he was trying to stop himself from laughing or smiling.

"What?" I asked.

He shook his head. "Nothing," sagot niya. "Kain—" he said and then stopped. "And now, I can't say that word anymore without thinking about what you said."

I rolled my eyes. "Kasalanan ko pa ngayon?" sagot ko sa kanya at nagtalo lang kami tungkol sa kung bastos ba talaga iyong salita na iyon.

Nang matapos kaming kumain ay naglakad kami pero mas mabagal this time para matunawan kami.

"Ano'ng gagawin niyo sa outreach?" I asked out of curiosity kasi wala lang. Ang cute lang isipin na silang frat member nasa outreach. Para kasing out of place sila sa ganoong bagay.

"Wala naman masyado," he replied.

"Kasi first year ang gagawa?" I asked kasi ganito rin iyong sagot niya sa akin dati sa party nila, e.

He nodded. "Yes and we hired hosts for the party. Nandoon lang kami kasi required iyong attendance."

"Ganoon din kapag sa BAR?" I asked.

"Yeah."

"Cool naman. Kapag sorority ba ganyan din?"

"Why?" he asked.

I shrugged. "Wala lang. Curious lang."

"If you want the materials, I can just send them to you," sabi niya sa akin.

Napa-tingin ako sa kanya. "Grabe. Hindi kasi ako sorority material, no?" sabi ko sa kanya. Tanggap ko naman. I mean, hindi rin naman kasi ako masyadong interesado ngayon. Kasi ang mga sumasali doon ay mga taong pangarap maging mga presidente o pangulo. Ang tanging pangarap ko lang naman ay maka-graduate. Ni hindi ko pa nga sure kung anong klaseng lawyer ang magiging ako dahil gusto ko munang grumaduate. Kumbaga, one dream at a time para hindi nakaka-pressure.

"What? That's not it," mabilis na sagot niya.

"Alam ko naman," I said because it's no big deal. Hindi rin naman ako interesadong sumali talaga. Saka paano ako magiging interesado kung si Iñigo nga mismo tinataguan frat niya, e.

"Why do you think that?" he asked.

"Kasi alam ko iyong itsura nung mga nasa sorority. Lahat sila maganda and sexy. Hindi ako ganon."

I wasn't bringing myself down—I just knew who I was. Hindi ako sobrang ganda pero hindi naman ako pangit. Hindi ako sexy pero normal BMI naman ako! Dinadaan ko na lang sa personality lahat kasi ganoon talaga. Hindi patas ang buhay.

"Sino ba'ng nagsabi sa 'yo na pangit ka?" he suddenly asked.

"Ha?" tanong ko na napa-tingin sa kanya.

"Kanina mo pa sinasabi na pangit ka."

"Grabe ka! Kapag hindi maganda, pangit na agad? Hindi pwede na nasa average muna ako? Grabe ka, Samuel!" sabi ko sa kanya at napaawang iyong labi niya sa sinabi ko.

"Wow..." he said as he blinked his eyes in confusion. "Here I was, prepared to tell you that you're beautiful but for some reason... it's my fault?" sabi niya na confused. "You'd make a good lawyer with all that mental gymnastics," sabi niya na mukhang bilib na bilib sa akin habang ako ay na-stuck sa sinabi niya na sasabihin niya na maganda ako.

Fuck.

"So... maganda ako?" sabi ko sa kanya kasi kailangan ko lang ng clarification. Instead of answering, nagpatuloy siya sa paglalakad habang nasa loob na naman ng bulsa niya iyong mga kamay niya.

"Hindi ka pangit," he replied nung medyo malayo na siya sa akin.

"Hindi naman 'yan 'yung sinabi mo!" sagot ko nung nagjog ako para magka-sabay ulit kami maglakad.

"Talaga? Wala akong maalala," sabi niya at hanggang maka-balik kami sa condo ay todo deny lang siya na sinabi niya iyon. Leche! Paano ako matutulog nito?! Puyat na naman ako!

**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you wanna pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top