Chapter 10
Chapter 10
"Di kayo sabay ni Jax ngayon?" I asked Kitty dahil hindi siya nagmamadali lumabas ng classroom after ng class namin.
"Grabe naman," she replied. "Hindi naman ako always nagmamadali."
"Oo kaya," sabi ko.
"Really?"
I nodded. "Okay lang 'yan. Tanggap na namin na ganyan ka talaga," sabi ko tapos tumango si Iñigo in support. Kitty just frowned dahil alam niya na hindi naman siya mananalo sa aming dalawa ni Iñigo kapag pinagtulungan namin siya. "Wings tayo?" I asked kasi kakatapos lang ng recit namin and to be honest, ang hirap nung mga tanong! Sobrang confusing lang kasi nung topic ni Sir—alam mo 'yung naintindihan mo naman 'yung topic pero nung nagtanong si Sir, suddenly, parang puro Latin na iyong sinasabi niya?
"Yes, please," Kitty said.
Naglakad kaming tatlo sa labas ng school. Marami naman kasing kainan dito. Nung unang paglipat ko sa Manila, nag-ikot kami nila Mommy and Daddy dito kasi sabi nila dapat alam ko kung saan ako kakain. Hirap talagang maging only daughter—masyadong nasa akin lahat ng atensyon.
"Kanina pa tayo naglalakad," sabi ni Iñigo. "Magdecide na kayo kung saan tayo kakain."
"Gutom ka na ba?" I asked.
"Medyo."
Inabutan ko siya ng biscuit. "Yan muna kainin mo," I told him and he frowned, pero inaccept niya pa rin naman iyong inabot ko na skyflakes. Minsan kasi nagugutom ako tapos tinatamad akong tumayo kaya may dala akong skyflakes pampalipas gutom.
"Deanne, gutom na rin ako. Let's just eat there," sabi ni Kitty sabay turo sa isang unli wings place. I shrugged tapos ay doon kami dumiretso. We immediately ordered dahil gutom na pala iyong dalawang reklamador na kasama ko. Inilabas ni Kitty iyong sanitizer niya at nilagyan iyong mga palad namin ni Iñigo bago kami nagsuot nung plastic gloves.
"May class daw ba sa Consti sa ibang section?" Kitty asked.
Iñigo nodded. "Recit."
"Promise? Walang quiz?"
"Wala naman akong narinig," Iñigo replied.
Habang kumakain kami ay nagreklamo lang kaming dalawa ni Kitty sa mga katangahan namin sa classroom habang si Iñigo ay masayang kumakain ng chicken wings.
"Alis na ako," sabi bigla ni Iñigo after niyang basahin ang kung anuman sa cellphone niya. Tumingin lang kami sa kanya ni Kitty at saka tumango. Kapag ganito kasi, gets na namin na frat related iyon... And speaking of frat, ano kaya ang ganap kay Samuel Hayes Fortalejo? Three days ko na siyang hindi nakikita. Ganoon siguro kapag kasama mo buong araw, tapos biglang may three days na pagitan.
"Arellano," pagtawag ko kay Kitty na kinikilig sa kung anuman ang nabasa niya sa cellphone niya. Medyo mahirap pa rin sa akin isipin kung paano si Jax magpa-kilig... although debatable naman na kahit paghinga lang ni Jax ay kikiligin na 'tong babae sa harapan ko.
"Why?" she replied.
"Tutal nagawa mo successfully na maging boyfriend ang crush mo, pwede ko bang tanungin kung paano?" I asked kasi nung first day namin, naalala ko pa na hina-habol nito si Jax, literal, sa hallway! Tapos biglang one day, sabi ni gaga ay may boyfriend na raw siya! Akala ko nga si Iñigo kasi crush 'to ni Iñigo, e. Tapos supladito naman si Jax.
"Sino muna crush mo?" she asked, looking at me.
"Wag mong sasabihin kay Iñigo," I replied and her eyes widened. "Gaga, hindi si Iñigo!" sabi ko kasi bakit ba laging nagdududa 'to na may sikretong relasyon kami nung taong 'yon?
"Fine, fine, but who's the lucky guy?"
"Samuel," I said.
"Tiga-school?"
"Yup."
"Ano'ng year?"
"Second."
"Section?"
"1S."
Her eyes widened a little. "Classmate ni Jax?" she asked and I nodded. "Oh... can I tell Jax?"
Normally, I'd say no, but sure naman ako na walang pakielam sa akin si Jax, so I just shrugged.
"So, paano mo naging boyfriend ang crush mo?"
"Hmm... I think I wore him down," sabi ni Kitty tapos kinwento niya sa akin kung paano na nasa college pa lang siya ay crush niya na si Jax. Medyo weird na marinig 'to sa POV niya kasi for sure kung sa POV ng ibang tao, medyo creepy din 'tong babaeng 'to! Buti na lang cute siya.
"I don't think pwedeng mag-apply 'yan kay Samuel," sabi ko kasi hindi naman ako iniignore nung tao na 'yon. Kinakausap naman ako. Tinutulungan pa nga ako sa school.
"Hmm... Pagselosin mo."
"That's on the assumption na may gusto siya sa akin," I said.
She shrugged. "We'll never know, right? Ako kaya ilang beses ko ginamit iyong pangalan ni Iñigo to annoy Jax."
"What? Seriously?"
She nodded. "Yeah... for some reason, Jax didn't believe that he's the only one I like and he believes that I'm capable of liking anybody else," she replied while slightly shaking her head.
"Di ba niya alam na obsessed ka sa kanya?"
"Grabe naman sa obsessed," she said, frowning.
"Hindi ba?" I asked, my brow arched.
"Maybe a little... but I think it's more of an inspiration—na I want him to be proud of me so I study hard and make sure that in whatever I do, I do my best and that I always try to be a better person," sabi niya.
Lord, gusto ko rin ng ganito?!
"Anyway... how can we make this Samuel like you..." sabi niya. "Wait, pakita muna picture! Baka nakita ko na sa school 'yan."
Kinuha ko iyong cellphone ko tapos pinuntahan ko iyong facebook account niya. Pinakita ko iyong isa sa mga tagged pictures niya kay Kitty kasi wala namang kwenta iyong profile pic ni Samuel—logo pa ng school nung huling BAROPS.
"Oh! I know him! Nakikita ko nga siya sa school," she said. "In fairness, he's cute!"
"Oh, walang agawan."
"As if," she replied. "So... paano ba siya?" she asked and nagkwento ako tungkol kay Samuel. Sinabi ko na mabait, responsible, medyo may topak lang minsan na hindi namamansin. Kitty just nodded. She looked like she's planning something evil dahil sa paraan ng pagdrum ng mga daliri niya.
"Follow Rhys and Lui on IG and then 'wag mo ifollow si Samuel," Kitty said.
"Para magselos?"
She nodded. "Trust me—it always works!"
"Paano kung hindi?"
"Then we'll think of a new plan," she said.
"Hmm..." sabi ko kasi hindi ako masyadong sure. Kasi based sa mga alam ko so far, mukhang si Samuel iyong tipo ng tao na loyal sa friendship niya at sa frat nila. E paano kung tuluyang maniwala iyong tao na 'yon na crush ko nga si Rhys?
"Then every time magpopost iyong friends niya, ilike mo iyong pictures. And sa facebook din pala! Always ka magreact," sabi ni Kitty. She looked so excited sa masamang balak namin.
"Kapag ito nagbackfire, ha," sabi ko sa kanya.
"Trust the process," sagot niya lang sa akin hanggang sa umalis na kami sa may chicken wings place. Nagpa-sundo lang si Kitty sa driver niya sa harap nung resto and they she dropped me off sa harap ng condo.
Pagbalik ko sa condo, naglinis muna ako ng katawan and then debated kung gagawin ko ba iyong kalokohan na sinabi sa akin ni Katherine Tyrese. I mean... wala namang mawawala? Saka mabait naman sa akin si Lui and si Rhys, so ifa-follow ko naman talaga sila?
Naka-private iyong Instagram accounts nilang dalawa. After kong magfollower request ay lumabas muna ako para bumili ng pagkain—hoping din na maka-salubong ko si Samuel, pero wala naman akong naka-salubong na lalaking mukhang banal sa labas. Pagbalik ko sa condo, habang inaayos ko iyong binili ko na lugaw at tokwa't baboy, nakita ko na na-approve na ni Lui iyong request ko. Iistalk ko pa lang sana siya nung makita ko na mayroon siyang IGS... at mukhang isinama niya ako sa private list kasi color green iyon.
Being a natural chismosa, I quickly clicked the story.
"Nerds," sabi ni Lui sa may IGS. Mukhang nasa bar sila. Maingay sa background. Nakita ko na may mga nag-iinuman. Tinutok niya iyong camera sa mukha ni Rhys na mabilis iniharang iyong kamay niya sa camer. "Say hi," sabi niya naman kay Samuel na mukhang nasa bar pero nag-aaral dahil may iPad sa harapan niya. "KJ," dugtong ni Lui dahil naka-tingin lang si Samuel sa camera. After nun ay ibinalik ni Lui iyong shot sa mukha niya at ngumiti habang kitang-kita iyong dimples sa magkabilang pisngi niya. May pang-asar talaga 'tong tao na 'to.
Kaya pala hindi ko naka-salubong! Nasa bar pala!
Hindi ko alam kung itetext ko ba si Samuel kasi ano naman ang sasabihin ko? Kahit ako maccreepyhan sa sarili ko kung itetext ko siya ng 'lakas naman. Umiinom ng school night.'
Sabi nga ni Kitty—falling in love is warfare. I needed patience. I needed composure. Kaya naman nagnetflix na lang ako.
* * *
The next day, bandang 2PM na ako pupunta sa school kasi magkikita pa kami ni Kitty para magdiscuss nung mga bagay na naguguluhan kaming dalawa. Ayaw niya ata magtanong kay Jax kasi busy din ata iyon dahil mas mabigat naman talaga ang load ng second year.
"Good morning?" bati ko sa kanya kahit 2PM na dahil mukhang kakagising niya lang. Hanggang anong oras kaya sila sa bar?
"Morning," he replied.
"2PM na," I pointed out.
"I know..." sabi niya tapos ay nagyawn.
"Ano'ng oras ka natulog?" I asked na kunwari ay hindi ko alam na nasa bar siya kagabi kasama iyong mga fratmates niya.
"3?" he replied.
"Grabe. Masakit ulo mo?" I asked kasi kapag ganyan din ako matulog, for sure masakit ang ulo ko kinabukasan. Kaya kung kaya talaga ay pinipilit ko na tulog na ako by 1AM.
"Medyo."
"Inom kang maraming tubig," I said kasi naniniwala ako na tubig ang gamot sa hangover at puyat.
"Thanks," he said with a small smile.
Tahimik na sabay kaming naglalakad papunta sa school. Samuel would sometimes wince kapag mayroong sasakyan na naghonk. I chuckled to myself—may hangover si gago. 'Di mo halata na umiinom, e! Don't judge a book by its cover nga talaga.
Nung papasok pa lang kami sa school ay nadaanan namin si Lui na nandoon sa may designated yosi place ng school. Bawal kasi manigarilyo sa loob kaya sa labas nagyoyosi iyong mga tao. Karamihan ng nandoon ay mga law students na stressed na stressed na sa buhay nila. Doon din may pinaka-maraming pogi pero hindi ako maka-lapit doon dahil mahal ko ang baga ko.
"Hey, Deanne," sabi ni Lui nung maka-lapit siya sa amin. "Thanks for following me in IG," he continued. Napa-tingin si Samuel sa akin na medyo naka-kunot ang noo.
"Uh... thanks din sa pagfollowback," sagot ko although mukhang private naman talaga iyong account ni Lui dahil walang picture ni isa iyong nandoon.
"Finollow mo rin si Rhys?" he asked.
What the heck was he doing? Sinasadya niya 'to! Bakit kaya hindi sila maging friends ni Kitty dahil ganito rin ang trip nung isang 'yun, e.
"Uh... oo, paano mo nalaman?"
Lui shrugged. "Nagpop-up lang sa notif niya," Lui replied, although hindi pa naman ako inaaccept ni Rhys sa IG niya. Okay lang naman. Feel ko naman kagaya 'yun ng IG ni Lui na walang laman. Ano kaya itsura ng IG ni Samuel? May picture kaya siya roon nung high school pa siya? May picture kaya siya nung sacristan pa siya? Shet—mapapa-deep stalk na naman ako nito mamaya!
"Niko!" bigla niyang pagtawag dun sa isang lalaki na naglalakad na mukhang tiga-Brent. Malapit na talaga akong maniwala na lahat ng pogi ay pogi din ang kaibigan kasi grabe? Gwapo rin iyong tinawag ni Lui?! "Gotta go," sabi ni Lui bago naglakad papunta roon sa lalaki na tinawag niya.
Parang naka-program na naglalakad kami ni Samuel. Walang nagsasalita sa amin. Did he want to ask me kung bakit hindi ko siya finollow? Curious ba siya? Or wala lang siyang pakielam? Ang dami kong tanong!
Pero naka-pasok na kami sa school at lahat ay wala siyang sinabi sa akin. Shet—mukhang magbabackfire pa ang plano namin ni kuting!
"Ifa-follow din kita!" bigla kong sabi dahil nagpanic ako. He looked at me. Bahagyang naka-kunot ang noo niya, pero hindi pa rin siya nagsalita. "Naubusan ako ng data kagabi."
"Really," he said while his lips were pressed in a thin line.
I nodded kahit sobrang bobo lang ng dahilan ko. May wifi ako sa condo?! Pero malay ba niya!
"Ano'ng username mo?" I asked, iniiba ang usapan, "holysamuel ganoon ba?" I asked.
"It's fine—ayaw mo akong ifollow sa IG," he said in a much lighter tone. Mukhang nagbago na ang ihip ng hangin bigla.
"Grabe naman—hindi naman ako anak ng may-ari ng Globe? Nauubusan din ako ng data?"
"Sino ba naman ako para ifollow mo?" he asked in a teasing tone.
"Luh siya..." sabi ko. "Ifa-follow na nga."
"Why? Walang picture si Rhys sa profile ko," he replied. Gusto kong umirap at sabihin na wala naman akong pakielam sa picture ni Rhys at mas interesado ako kung may throwback picture ba iyong pagiging sacristan niya sa Instagram niya.
"Ano'ng picture ba nasa profile mo?" I asked. "Controversial ba 'yan?"
"Basta walang picture ni Rhys," he replied.
"Sayang naman," I said in jest. Pero bago pa siya makapag-inarte ay tinype ko na iyong pangalan niya sa IG at agad na lumabas sa suggested iyong account niya. "Ito na, okay? Ifa-follow ka na."
"Salamat na rin," he said.
I rolled my eyes. "Ang arte, grabe."
He just laughed at me. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil naka-pasok na naman kami sa school. For some reason ay napunta kami roon sa may bench sa labas ng chapel kung saan ako unang nagkalat sa harapan niya.
"Ay, taray, marunong kang magpiano?" I asked kasi may isang post doon na video. Hindi ako sure kung siya ba kasi naka-focus lang doon sa mga daliri niya.
"Medyo," he replied.
"Grabe, pa-humble."
"It's been long since I played."
"Hindi naman nalilimutan 'yung ganon, 'di ba? Muscle memory?"
He shrugged. "Maybe..."
Grabe... parang may nadagdag ulit sa list ng mga pangarap ko. Ano kaya ang feeling na mapa-nood siyang tumugtog ng piano? Ang ganda siguro tignan nun kasi ang ganda rin ng mga daliri niya!
"Ano'ng mga alam mong tugtugin?" I asked him.
"Church songs, usually," he replied and I teased him sa pagiging banal niya. Inirapan niya lang ako. "It's easy to play kapag may music sheet," he added.
"Ako nga ni hindi marunong maggitara."
"Maigsi kasi daliri mo," sabi niya habang napa-tingin sa daliri ko.
"Grabe! Foul!" sabi ko sa kanya pero tinwanan niya lang ako. "So, marunong ka rin maggitara?" I asked and he nodded. "Lahat na lang alam mo, e, no?"
"Hindi ako marunong... kumanta," sabi niya.
"Hindi rin ako," sagot ko. "Ang hirap naman maging talentless," dugtong ko. Iyon kaya pinaka-ayaw kong sagutan sa mga form—iyon bang kung ano ang talent mo. Ang nilalagay ko lang ay talent ko magbasa. Bahala na sila d'yan!
"You're blessed in another aspect," he said.
"Saan naman?"
He shrugged. "You're... easy to be with," he said. "You have the talent of making people feel at ease when you're around," he added while looking at the people passing right in front of us habang ako ay naka-tingin lang sa side profile niya. "And I think that's better than knowing how to play the piano," he continued and I swear magtatampo talaga ako kay Lord kung hindi siya ang tunay kong pag-ibig!
**
This story is 9 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you wanna pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top