Chapter 09

Chapter 09

By 4PM, wala na talaga akong maintindihan sa binabasa ko, as in! Alam mo 'yung feeling na nag-information overload na? Hindi na talaga kasya? Wala ng nagpa-process at dumadaan na lang iyong mga salita sa paningin mo?

I grunted at saka ipinatong iyong mukha ko sa libro.

"Ayos ka lang?" he asked.

"Sakit na ng ulo ko," I replied.

"Wag ka muna magbasa."

"Nasa half pa lang ako ng case," I said. Inuna ko kasi basahin iyong concept kasi sabi ni Iñigo sa akin dati, mas madali kong maiintindihan iyong case kapag alam ko na iyong concept. Nung first week kasi ay masyado akong na-overwhelm sa dami nung cases kaya doon ako nagfocus. Very wrong move dahil hindi ko rin naman gets iyong mga provisions na nadidiscuss doon sa kaso.

"Pero tapos ka na sa book?"

I nodded. "Yup. Pwede ba pagising after 15 minutes?" I asked him, pero hindi na ako naghintay pa sa isasagot niya dahil talagang antuk na antok na ako at gusto ko ng matulog.

It felt like I just closed my eyes nung marinig ko iyong boses ni Samuel na tinatawag ako. I opened my eyes and saw him looking at me. Ano ba 'yan... ganito ba ang itsura kung boyfriend ko siya? Na siya iyong unang makikita ko pagbukas ng mata ko?

Sige, landi pa! Ni hindi ka pa nga tapos sa binabasa mo!

I yawned as I stretched my arms. "Thank you," sabi ko habang iniisip kung oorder ba ulit ako ng kape kasi so far, nakaka-dalawa na ako. Baka naman hindi na ako maka-tulog nito mamaya!

"Masakit pa rin ulo mo?" he asked.

"Hindi na masyado," I replied and then groaned in frustration nung makita ko iyong syllabus. Meron pa kasing limang kaso roon. Hina-highlight ko kasi iyong mga tapos na akong basahin para makita ko iyong progress. It inspires me kasi minsan, feeling ko ay walang katapusan ang ginagawa ko sa sobrang dami.

"Alam mo na 'yung concepts, 'di ba?" he asked.

I nodded. "Yup, bakit?" tanong ko kasi natanong niya na sa akin 'to kanina bago ako umidlip.

"Ano'ng kaso babasahin mo?"

"People v Lagata," I replied.

Kumunot iyong noo niya. He got went to his laptop at may itinype doon. After a few seconds, tumingin siya sa akin. "Iyong case sa pulis at gabi," sabi niya.

"Ha?"

"Di mo ba ginagawa 'yon?" he asked. "Sa bawat case, dapat alam mo kung tungkol saan para mas madali iyong recall," sabi niya. "Nung first year ako, pini-print ko iyong syllabus na may double space tapos doon ko sa space sinu-sulat iyong summary nung facts at saka clue kung ano iyong concept na na-tackle doon."

My forehead was slightly creased and my lips was slightly parted as he told me that. I mean, I knew about that, but hindi ko ginagawa...

"Yung sa case ng Lagata, na-discuss 'dun 'yung sa mga naka-takas na inmate. Hindi naman masyadong nagtatanong si Mercado sa facts basta masabi mo 'yung basic at ma-explain mo 'yung concept," he said. "In this case, sinasabi lang na 'yung ginawa bang pagbaril nung pulis doon sa mga naka-takas na inmate, justifying circumstance ba 'yon? Kasi 'di ba under the guise of authority, may karapatan iyong mga pulis na gumamit ng force para gawin iyong trabaho nila? But in this case, the Supreme Court decided that human life is more valuable. They said that unless there is a proof that using such force, and in this case, firing a gun, is necessary, there would only be an incomplete justifying circumstance to be applied."

Naka-tingin lang ako sa kanya.

Shucks... ganito ba iyong tinuturuan ka ng upperclass jowa mo sa subjects mo?!

"Deanne," pagtawag niya sa pangalan ko nung hindi ako nagsasalita. "Naintindihan mo ba?" he asked.

I looked at him, still in daze about the fact that I was living my main character dreams. I nodded. "Uhm... yup," sagot ko sa kanya habang rinig na rinig ko pa rin iyong tibok ng puso ko. "Wala ka bang aaralin?" I asked.

"Kanina pa ako tapos."

Napaawang iyong labi ko. Gusto ko sanang tanungin na kung kanina pa pala siya tapos, bakit nandito pa siya? But I decided against it. At this very moment, I just wanted to enjoy this... I wanted to enjoy the fact that Samuel Hayes Fortalejo was helping me study.

"Ano'ng next case?" he asked and then I told him the title, he looked it up, at saka kinwento niya sa akin iyong kaso. Sigurado ako kung matatawag ako para irecite iyong mga kaso na tinuro sa akin ni Samuel, mataas ang grade ko.

* * *

First time ko lang yata sa buong buhay ko mag-enjoy sa pag-aaral. Bandang 5:45PM ay nag-ayos na kami para nasa school na kami ng 6PM. Sumakay ulit ako doon sa Ford ni Samuel.

"Question," I said as he was starting the car. "Hindi ka ba nalalakihan sa sasakyan mo?" I asked dahil medyo nahihirapan kaya akong umakyat kasi mataas siya, in fairness!

"Hindi naman," he replied as he began to drive. Jusko. Ang gwapo talaga ng lalaki kapag nagmamaneho! Tapos nakita ko na naman iyang rosaryo na 'yan! Kinilig na naman ako.

"Ayaw mo ng sedan?" I asked.

"I like bigger cars," he replied. "Nung college pa ako, sedan iyong sasakyan ko. Naabutan ako ng bagyo. Nabaha iyong sasakyan. Hassle," kwento niya sa akin. Bahagya siyang lumingon sa gawi ko. "Why? Ayaw mo sa sasakyan ko?"

Medyo nanlaki iyong mga mata ko. "Ha? Wala naman akong sinasabi," sabi ko sa kanya saka as if naman magmamatter ang opinyon ko! Sasakyan niya 'to, e. Nakiki-sakay lang naman ako.

Nung huminto kami dahil sa traffic lights, nakita ko iyong marahan na pagdrum ng mga daliri niya sa steering wheel. Ang ganda-ganda pati ng daliri ng taong 'to—parang kandila. Sarap sigurong ka-holding hands.

"Another question," I said.

"Yeah, sure," he replied, his eyes on the road.

"Since dati kang sacristan—"

"Why are you so fixated on that?" he asked.

"Wala lang," sabi ko sa kanya. Alangan namang aminin ko na nung elementary ako ay marami akong crush na sacristan sa lugar namin?

"Really..." sabi niya habang tumingin sa akin na parang nang-aasar.

Umirap ako. "Wala nga," sabi ko sa kanya. "Pumasok ka rin ba sa seminaryo?"

Natawa siya. "What? May vibes din ako na seminarista?"

I nodded. "Meron talaga, promise!" sabi ko sa kanya.

Alam mo kasi 'yon? Sobrang... clean looking. Iyon talaga iyong pinaka-magandang description sa kanya—parang ang linis-linis niyang tao. Pati lagi siyang clean-cut sa buhok—never ko pa ata nakita 'tong medyo mahaba ang buhok. Nagpapa-gupit siguro 'to every two weeks!

"Paano mo nasabi?" I asked.

"Hindi naman na-eexplain ang vibes."

"Try," he replied na para bang hina-hamon ako.

Sumandal ako sa upuan at saka humalukipkip. Nakita ko na tumingin siya sa akin doon sa rearview mirror. Tinaasan ko siya ng kilay. He chuckled a little. Leche. Crush pa lang ba 'to, ha, Adriadna Deanne?!

"May... banal vibes ka," sabi ko. "Pero hindi naman to the point na mukha kang may halo sa tuktok ng ulo mo," dugtong ko kahit hindi na ako sure sa mga pinagsasabi ko talaga. Gusto ko lang naman malaman kung galing siya sa seminaryo!

"Hmm..." he simply said.

"So... galing ka ba sa seminaryo?" I asked. "Pero kung confidential information, 'wag mo ng sagutin," dugtong ko kasi baka naman makulitan siya sa akin. Syempre kahit mukhang mahaba naman ang pasensya niya, lahat ng tao ay may hangganan.

"Went to the seminary and then law school," bigla niyang sabi habang nagda-drive na siya. Tumingin siya sa akin muli gamit iyong rearview mirror.

"Hindi mo tinuloy?"

"Obviously," he replied. "Nasa law school ako, e."

Sinamaan ko siya ng tingin kasi may pagka-pilosopo rin talaga 'tong tao na 'to kapag gusto niya. Tinawanan niya lang ako.

"Ano'ng ginagawa sa seminaryo?" tanong ko sa kanya. "Nagdadasal kayo 24/7?" I asked, really curious kung ano ba ang ganap doon dahil once in my life, medyo pinangarap kong maging madre for some reason.

Natawa siya. "Hindi naman," sabi niya sa akin. "Nag-aaral din kami 'don. Parang school din, pero mas strict," dugtong niya tapos medyo nagkwento siya sa mga ginagawa nila doon kagaya ng super early wake up call nila sa madaling araw para magdasal. Nabitin nga ako sa kwento dahil nasa school na kami bigla, e.

After niya magpark ay inunbuckle ko na iyong seatbelt ko. Ang gwapo niya magpark! Alam mo iyong parang kabisado niya na? Si Daddy kasi kapag magpapark e pinapa-labas pa ako ng sasakyan para mag-ala traffic enforcer kahit may camera naman iyong likod ng sasakyan.

"Wait," sabi niya nung bubuksan ko iyong sasakyan.

Napa-tingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko pero hindi siya nagsalita kaya naman tinignan ko na lang kung saan siya naka-tingin. Nakita ko na naka-tingin siya kay Lui na papa-labas ng sasakyan niya. May hawak pa siya na box ng sigarilyo.

"Nagtatago ka kay Lui?"

"No," mabilis niyang sagot.

"Weh?"

Tumingin siya sa akin. "Pwede na tayong lumabas," sabi niya. Medyo kinilig naman ako sa tayo. Haaay, happy crush.

Lumabas na ako sa sasakyan ni Samuel. May kinuha siya sa may backseat. Dala-dala niya lang iyong libro niya sa Sales tapos nakita ko na mayroong naka-ipit doon na mga yellow paper.

"Yan notes mo?" I asked kasi kanina doon siya nagsusulat. Hindi ko lang maabala na itanong kasi mukhang naka-focus siya masyado sa pag-aaral.

He nodded. "Yes."

"Hindi ba magulo?"

"Hindi naman," he replied. "Mas madali kasi sa 'kin na magnote sa yellow paper. I compile them kapag tapos na sa coverage tapos 'yon inaaral ko kapag exam na," he explained.

"Hindi naman nakaka-lito?"

Umiling siya. "By subject naman. Saka mas maganda para sa 'kin kasi kahit kapag nagrerecit, nasusulat ko lang sa kahit saang papel iyong mga sinasagot ng classmates ko na hindi ko nabasa," sabi niya. "You should really listen to your blockmate's recit—marami kang matututunan."

"E busy ako magpanic sa kapag tatawagin na ako."

Natawa siya. "Kakabahan ka lang naman ata kapag hindi ka nag-aral?"

"Wow... ang yabang naman!"

Tumawa ulit siya. "Kidding," he said. "But I learned that to be able to recite properly, you just have to take a deep breath and remind yourself that you reviewed and you got this. Kasi kapag alam mo naman iyong sagot, masasagot mo naman—ang kaibahan lang kapag kinakabahan ka, you'll stutter. Pero kapag hindi mo talaga alam kasi hindi ka naman nagbasa, wala ka talagang masasagot. So, just breathe and relax."

"Does that work?"

"For me? Yes," sabi niya. "I think there's no other way around law school but to study, study, and study some more."

I groaned. "What have I gotten myself into?"

He chuckled again and it sounded like music to my ears. "I'm a few months late, but welcome to hell, Adriadna Deanne," sabi niya, pero bakit feeling ko sinabihan niya ako ng welcome to heaven?

Kinilig ako, but I tried my hardest to frown.

"Wow, salamat," sabi ko sa kanya.

"It'll get better."

"Sana nandito pa ako ng second year."

"Just do your readings."

"I always do," I said. "Mahilig lang ako magreklamo, pero nag-aaral naman ako. Pinanganak ako para magreklamo, sorry na."

Tinawanan niya ako. "Good luck sa class," he said nung malapit na kami papasok sa building.

"Thank you," sabi ko sa kanya. "Good luck din sa class mo—sales, right?"

He nodded. "Matawag ka sana sa alam mo."

"Amen, almost father Samuel. Amen," sabi ko pero tumawa na lang siya ng naiiling bago kami maghiwalay ng landas. 

**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top