Chapter 07
Chapter 07
"Ayos ka lang?" Kitty asked.
"Ha? Oo naman, bakit?" pabalik na tanong ko sa kanya. Nandoon kaming tatlo nila Iñigo sa may benches malapit sa Dean's office. Mayroon kasi dung malaking table. Kahit tatlo lang kami ay sinakop na namin lahat kasi nagsusulat kami ng digests.
She shrugged. "Nothing. Natulala ka lang kanina."
I just nodded at her and proceeded to writing my digests again. Hindi ko dinala iyong digest na pinahiram ni Samuel sa akin kasi baka tanungin pa ako ni Iñigo. Ayoko lang mag-explain kasi tinatamad ako. So, kumo-kopya na lang ako sa internet ng digest—iyon bang digest na nga tapos dinigest ko pa. Wala na atang kwenta iyong facts na naka-lagay dito.
We continued to write in peace. Si Iñigo ay naka-headset habang nagsusulat. Si Kitty naman ay may dalang trail mix snacks at nakiki-kain kami ni Iñigo. Habang ako naman ay nanonood ng Modern Family sa Netflix habang nagsusulat ng digest. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nung mapa-tingin ako sa harap ko dahil nandoon bigla si Lui.
"Hi," he said, smiling.
Kumunot ang noo ko. "Hi?" sagot ko sa kanya pero bigla siyang tumingin kay Iñigo na walang nagawa kung hindi ang bumuntung-hininga. 'Di ko talaga gets kung bakit sumali siya sa frat kung obvious na obvious naman na hindi niya trip iyon? Ang confusing.
Unknowingly ay sinundan ng tingin ko si Iñigo na kasama si Lui na naglalakad palayo. Naka-salubong nila si Yago at Jax na kinausap ni Lui. Ito namang si Jax ay dumiretso sa pwesto namin at tinabihan iyong jowa niya. Gusto ko sanang mainggit pero agad na nawala sa isipan ko iyon nung magtama iyong mga mata namin ni Samuel.
"What?" I mouthed when I caught him staring at me. Imbes na sumagot ay umiling lang siya. Ipinasok niya sa mga bulsa niya iyong kamay niya tapos ay sumunod na siya kay Lui at Iñigo na naglalakad palayo.
Ano kayang problema nun? Bigla na lang naging weird!
"Jax," pagtawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. "Pahiram ng digest," sabi ko. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Kitty.
Jax's lips parted. "Uh... okay," sabi niya.
I pressed my lips together kasi natatawa talaga ako sa itsura nilang dalawa dahil magka-tabi sila. "Joke lang! Baka sakalin ako niyang girlfriend mo," sabi ko sa kanya kasi matagal ng sinabi ni Kitty na pwede kong hiramin lahat sa kanya 'wag lang si Jax at ang digests ni Jax. Madali naman akong kausap, aba!
Nagfocus na lang ako sa pagsusulat ng digest habang naglalandian iyong dalawa. Nung bandang alas tres na ng hapon, biglang nag-announce na walang pasok dahil mayroong mass, pero required iyong attendance. Pumunta ako sa cafeteria para kumain. Pagdating ko roon sa chapel, puno na ng tao kaya tinamad na akong tumuloy. Kaka-simba ko lang din naman nung linggo. Feel ko okay pa naman 'yon.
Naglakad lakad muna ako sa grounds ng school. Gusto ko sanang maupo doon sa pwesto kanina kaya lang may mga guards na nag-iikot. Umakyat ako sa second floor. Naglalakad lang ako at naghahanap ng pwedeng mapwestuhan nung mapa-tigil ako dahil nakita ko si Rhys na naka-upo sa isang gilid 'dun. Tatalikod na sana ako at maghahanap ng ibang pwesto nung mapa-tingin siya sa akin.
"Hi," I said, smiling, dahil hindi naman ako bastos na bata.
"Hi," he replied, slightly nodding at me.
"Di ka magsisimba?" I asked just to keep the conversation going dahil obviously, hindi naman ma-chika ang tao sa harapan ko.
Umiling siya. "Not religious."
"Pero... nasa Catholic school ka?"
"Sectarian," he replied. Kumunot ang noo ko. "SCA is a sectarian school, not a Catholic school."
"Ano'ng pinagkaiba nun?" I asked tapos ay pinaliwanag niya sa akin na hindi requirement ang pagiging Catholic sa school na 'to.
"You're first year, right?"
"1S."
"1S din ako dati."
"Share mo lang?" I asked in jest but he looked at me seriously na bigla akong nagpanic internally. "Joke lang!" sabi ko. "Joke lang, promise!" dugtong ko na naka-amen pa iyong mga kamay ko. "Nagjojoke lang talaga ako, Rhys, hindi kita binabara."
He was looking at me so seriously na talagang kinabahan ako. Shet! Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ko para isipin na pwede akong magjoke sa tao na 'to? Buti sana kung si Samuel—
Samuel ka d'yan?! 'Di ka nga pinapansin nun for some reason!
"I'm just messing with you," sabi niya na may tawa sa mukha. Shet. Marunong palang tumawa 'yung tao na 'to? Akala ko serious lang siya forever! Na gets ko naman dahil top one siya sa batch niya.
"Seryoso 'yan, ha? Mamaya galit ka sa 'kin."
"It's fine. I can take a joke," sabi niya.
Naka-hinga ako nang maluwag. Nanlalambot iyong tuhod ko. "Pwede bang makiupo?" I asked kasi iyong sa inuupuan na steps niya lang iyong pwedeng upuan dito.
"Yeah, sure," sabi niya tapos ay hinatak palapit sa kanya iyong libro na naka-patong.
I sat beside him. Tahimik lang siyang nagbabasa ng libro. He was reading civpro. Napa-titig lang ako sa kanya kasi... wala lang. Ang amazing. Isipin mo 'yun? Hindi lang siya third year—top one pa? Samantalang ako na first year pa lang laging kabado-bente na baka ma-kickout ako by the end of the year! As in isa iyan sa mga problema ko sa buhay!
"Do you have anything to say?" he asked. Nanlaki iyong mga mata ko. Requirement ba sa frat nila iyong peripheral vision?! Ganito rin si Samuel, e! Kita lahat ng pag-irap ko.
"Wala," sabi ko. "Na-amaze lang ako kasi third year ka na."
"Why?"
"Ang hirap kaya. First year pa lang ako, hirap na hirap na ako."
"It will only get harder," he said.
"Wow, thanks," I replied, frowning.
"But you'll get smarter," dugtong niya.
"Nah... 'Di ko nga alam kung nandito pa rin ako next year," I said, honestly. 'Di ko alam kung saan ako humu-hugot ng kapal ng mukha para magvent sa tao na 'to. Ewan ko. Siguro dahil hindi naman kami friends? Saka hindi naman kami nag-uusap? So he wouldn't really care kung anuman ang sabihin ko. He's basically a stranger.
"Everyone has a hard time in law school," sabi niya. "Haven't met anyone who has a great time here."
"Kahit ikaw?"
He nodded. "Why do you think I'm here studying instead of going to the mass?"
"Malay ko ba kung Anti-Christ ka?" His lips parted a little. I pursed my lips. "Joke lang," I clarified. Mag-eexplain pa sana ako sa brand ng humor ko nung mapa-tingin ako sa pinanggalingan ng footsteps at nakita ko na nandoon si Lui at Samuel na may dala-dalang iced coffee.
"What are you two doing?" Lui asked in a teasing tone.
Agad akong napa-tingin kay Samuel dahil siya na ang bagong crush ko! Aba, kung crush ko pa rin si Rhys ay sigurado ako na hindi ako mauupo dito dahil sa sobrang kaba ko. Shet. Kung ano iyong kina-bilis ng pagkaka-crush ko sa kanya ay ganoon din ang bilis ng pagkaka-limot ko sa kanya.
I immediately stood up. "Nakita ko lang si Rhys na nag-aaral dito," I said.
Lumapit si Lui kay Rhys at inabutan ito ng iced coffee. Naupo siya sa tabi ni Rhys. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko at naka-tayo ako sa harap ni Samuel.
"Hindi ka nagsimba?" I asked dahil bilang ex-sacristan, hindi ba dapat nasa simbahan siya ngayon?
Umiling siya. Naghintay ako sa sasabihin niya, pero mukhang wala naman siyang balak na magsalita pa.
"May pupuntahan pa pala ako," I said because I suddenly felt uncomfortable to be here kung hindi naman ako kakausapin ni Samuel.
Napa-tingin ako kay Rhys nung tumayo siya. "What? May pupuntahan din ako," he said as he grabbed his things. Naglakad na siya at sumunod ako kasi doon lang naman iyong daan pababa!
"Saan ka pupunta?" I asked him, feeling more comfortable to talk to him. He wasn't that intimidating naman pala—nakaka-intimidate lang iyong fact na top one siya.
"Uuwi na," he replied.
"Akala ko bawal lumabas hanggang hindi pa tapos iyong mass?"
"Yes."
"So... paano ka lalabas?"
"You know how for every general rule, there's an exception?" he asked and I was so confused until we ended up in the parking lot. Naka-tayo kami sa labas ng isang black Hyundai Santa Fe.
"Papa-labasin sasakyan mo?" I asked.
He nodded and then pointed at the sticker na naka-dikit sa may harap—ΑΦΣ. Iba rin pala talaga kapag member ng frat.
Rhys unlocked the door of his car tapos ay inilagay niya iyong gamit niya sa backseat. Tumingin siya sa akin after. "You wanna get out, too?"
"Isasabay mo ako palabas?" I asked and he shrugged. "Sige, pasabay, if pwede? Baba na lang ako d'yan sa labas," sabi ko kasi after nung misa may awarding keme pa. Gusto ko ng umuwi talaga kasi nandoon iyong digest ni Samuel. Mas mabilis akong magdigest kapag iyon ang ginagamit ko.
I asked Rhys kung saan ako sasakay. Pina-sakay niya ako doon sa may passenger seat. I wore the seatbelt kahit na literal na sa labas lang naman ako pupunta.
"D'yan na lang," sabi ko after palabasin nga kami ng gate. Grabe! Samantalang iyong ibang normal na estudyante ay required na magstay sa loob ng school hanggang matapos lahat ng hanash ng admin.
"I can just drop you off," he said.
"Ha?"
"Sa East ka lang, 'di ba?"
"Paano mo nalaman?"
"Samu mentioned."
Napaawang ang labi ko. What the fuck? Pinag-uusapan nila akong dalawa? As in for reals?!
Hindi ako nakapagsalita hanggang sa huminto na si Rhys sa harap ng building ko kasi literal na malapit lang ako sa school. Bumaba na lang ako kahit super gusto kong itanong sa kanya kung bakit nila ako napag-usapan ni Samuel—kung ano iyong context? Kung sinisiraan ba ako ni Samuel? I needed to know!
"Thank you," iyon lang ang nasabi ko kasi hindi pa naman ganoon kakapal ang mukha ko.
Shet. Paano ako matutulog nito?! Leche naman 'yan, Rhys!
* * *
'Samuel,' I texted nung hindi ako maka-tulog. Napa-upo ako nung makita ko na nagread iyong message ko. It was two in the morning! Bakit gising pa 'tong sacristan na 'to?
'What?' he replied.
'Baka imagination ko lang but galit ka ba sa akin?' I asked. 'Para kasing okay naman tayo before tapos biglang sungit mo na bigla.'
'We literally talked only thrice.'
Napaawang iyong labi ko. Tangina nito. Naghahanap ba 'to ng gulo?
'K.'
Immature na kung immature, pero ako na nga 'tong nagmagandang loob na magtanong sa kanya kung anong problema niya tapos bibigyan ako ng attitude?! Sakit sa ulo, ha! Bakit hindi na lang ako bumalik kay Rhys tutal mukhang mali ako at mas mabait ata iyon?
'Why?' he texted kahit na literal na K lang ang reply ko. 'You don't need me anyway. Close na ata kayo ni Rhys.'
Kumunot ang noo ko sa text niya. Feelingera lang ba ako or may hint ng pagtatampururot iyong message ng tao na 'to? Lecheng 'yan. Nawala na iyong antok ko tuloy.
'Luh? Nag-usap lang, close na agad?' I typed, but decided to delete it. Shet. Ano ba ang irereply ko sa tao na 'to? Medyo risky! Kasi parang siya iyong tipo na kapag mali ang sabihin ko, baka iblock ako nito!
I sat there and stared at my phone. Ano ba ang sasabihin ko? Na close na kami ni Rhys pero baka isipin niya na hindi ko na siya kailangan? O sabihin ko na hindi pa kami close ni Rhys at kailangan ko siya para doon?
'Hindi pa nga e. Patulong naman,' I sent, instead.
It was read.
I saw him typing. And then erasing. And then typing. And then erasing. What the fuck was he doing?
'Yeah sure,' he replied after five minutes.
'Totoo?'
But I didn't get a reply... although he read my message. What the heck was your deal, Samuel? Crush mo na rin ba ako?
**
This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top