Chapter 06
Chapter 06
"Kitty," pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin after niya huminto sa pagsusulat nung digest na sinend sa kanya ni Jax. Minsan, ang sarap sabunutan ng babae na 'to dahil sa haba ng buhok, e. Gusto ko na rin tuloy ng jowa na magsesend sa akin ng digest na kokopyahin ko na lang. "Kung hiningi iyong number mo sa 'yo ng lalaki, ano ibig sabihin nun?"
"Hmm... depends. Groupmates ba kayo sa project?"
"Hindi naman."
"In what context ba hiningi?"
"Nag-uusap lang kami buong gabi tapos bago ako umuwi hiningi niya iyong number ko."
Ibinaba niya iyong ballpen niya na duda ko ay kinulimbat niya kay Jax kasi hindi naman ganito ang ballpen niya talaga. "Adriadna Deanne..." pagtawag niya sa buong pangalan ko. Nung first time nga na tinawag ako as Adriadna sa attendance, tawang-tawa ako sa confusion sa buong room kung sino daw ba iyon. "You have a lovelife?!"
"Luh! Lovelife ka d'yan!" sabi ko sa kanya.
"Oh, come on! Sino? Do I know him? Oh, my god! May something ba sa inyo ni Iñigo?"
Nanlaki iyong mga mata ko. "Gago, ano'ng Iñigo?" kinilabutan na sinabi ko dahil never in my wildest dreams, noh!
"E 'di sino?"
"Wala."
"Please? Share naman?"
"Si—" sabi ko pero biglang dumating si Iñigo kaya hindi ko itinuloy iyong sasabihin ko kasi parang naba-bad mood si Iñigo kapag nababanggit iyong frat.
"Sino—" sabi ni Kitty.
"Si Jax ba 'yon?" sabi ko sabay turo sa labas ng pintuan kaya naman mabilis na tumingin doon si Kitty tapos nung hindi niya nakita ay hindi pa nakuntento at tumayo pa at lumabas para hanapin doon. Crisis averted.
"Okay ka lang?" I asked nung maupo si Iñigo.
"Sana walang pasok," sabi niya. "Inaantok pa ako."
"Nagawa mo na 'yung digest?" I asked him instead tapos ay nag-usap na kami tungkol sa acads habang inuuto ko si Iñigo na ipahiram sa akin iyong mga nagawa niya na para kokopyahin ko na lang.
"Tatandaan ko iyong araw na 'to, Borromeo," sabi ko sa kanya.
"Kung hindi lang Consti 'to, ipapahiram ko sa 'yo. Send ko na lang 'yung full text?" he offered but he knew I didn't need that.
"Tatandaan ko 'to," ulit ko tapos tinawanan niya lang ako. Gets ko naman, though, kasi unang sabi pa lang sa amin ni Sir na alam niya galawan ng law students kaya kapag nakita niya na nagkopyahan kami, babawasan niya iyong grades nung dalawang nagkopyahan.
After nun ay bumalik na rin si Kitty at kaya pala siya bumalik ay papasok na rin iyong prof namin. Nagrecitation lang kami. Natawag ako, pakshet! Pinagrecite ako ng case about sa tribunal decision sa West Philippine Sea na admittedly ay digest lang talaga ang binasa ko dahil nung nagcheck ako ay 400 pages ata iyong decision. Niloloko ko lang ang sarili ko kung babasahin ko 'yon.
"Ingat!" sabi ko kay Iñigo nung makarating kami sa condo ko. Pagdating ko sa unit ay naglinis lang ako ng katawan tapos ay naghanda na ako para sa pagsusulat ng digest. Sobrang pangit nung recit ko kaya alam ko na kailangan kong bawiin iyon sa digest—na kahit iyon man lang ay panghatak ko sa grades ko.
"Kailan pa ako matatapos dito?" I asked myself nung tignan ko iyong syllabus at ma-realize na nasa unahan pa lang ako. Tapos may chismis pa na magpapa-digest din daw sa Persons. Jusko paano na ako nito?!
'Samuel.'
Medyo nanlaki iyong mga mata ko nung maka-kita ako ng typing bubble doon sa maigsi naming thread. Ang una at huling pagtetext ko sa kanya ay iyong sinabi ko na nasa condo na ako at sinabihan niya ako ng have a good sleep.
'Deanne,' he replied.
Putangina naman.
Akala ko ba si Rhys ang crush ko?!
'May digest ka ba sa Consti?'
'Sinong prof?'
'Sandrino.'
'Meron. Kailangan mo?'
'Oo sana. Feeling generous ka ba?'
'Lol pwede naman. Dalhin ko bukas sa school.'
'San ka ba naka-tira? Nasa mood ako magdigest ngayon.'
Nagtype siya tapos biglang nawala iyong typing. Grabe naman. Iniisip niya ba na ipagkakalat ko iyong address niya? Hindi naman ako ganong klaseng tao!
'West Tower,' he replied after a minute.
'Luh? Dito lang ako sa East.'
Kaya ko pala siya nakita sa may fishballan? Tiga-rito lang pala siya?
'Or if busy ka kahit bukas na lang,' I replied again kasi syempre may ginagawa pa rin iyong tao. Kung makapagdemand naman ako... jowa ka, girl?
'No, it's fine. Study break na lang. Dalhin ko. Kita na lang tayo sa lobby sa East.'
Pota. Gago. Delikado. Masyadong mabait.
* * *
Dahil naaalala ko pa rin iyong pagtukso niya sa akin nung naka-suot ako na Hello Kitty, sinigurado ko na maayos iyong itsura ko ngayon. Naka-suot ako ng black na biker shorts at oversized na white shirt na hindi pa naman mukhang one step away sa pagiging basahan.
"Gago ka, Deanne," sabi ko nung makita ko siya mula sa malayo na naglalakad. He was wearing a dark grey string shorts, white shirt, at saka black sliders. May hawak-hawak din siya na kulay red na naka-leather bind na digest.
Lord... Lord, ano ba naman 'tong sacristan mo?
"Di ko lang alam kung pareho pa rin 'yung cases," sabi niya nung maka-lapit siya sa akin at saka iabot niya iyong digests. Naka-lagay pa sa harap nun iyong pangalan niya na Samuel Hayes Fortalejo, 1S. Matalino nga... 1S.
"Thank you dito," sabi ko sa kanya.
"No problem," he replied, shrugging.
"Study break mo talaga?" He nodded. "Ano'ng inaaral mo?"
"Nego."
"Mahirap daw 'yan."
"Nakaka-lito," he replied. "Wala naman na halos guma-gamit ng check. 'Di ko nga rin alam bakit pinag-aaralan pa. Hindi rin naman BAR subject."
I nodded. Hindi ko alam. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Bakit parang bini-bigo ako ng kadaldalan ko ngayon?
"Bibili kang fishball?" I asked.
Kumunot nang bahagya iyong noo niya. "Wala akong dalang pera," he replied. "Dadalhin ko lang dapat sa 'yo 'yan."
"Libre ko," I said. "As thanks for this," I continued sabay pakita sa kanya iyong digest niya.
"Wag na," he said.
"I insist," sabi ko na akala mo naman isang libo magagastos ko sa fishball.
"Okay," he finally said. "Libre na lang kita next time para fair."
Lord... bakit naman napaka-rupok ko na tao? Na-fall na agad ako? Ganoon lang kabilis 'yon?!
Pumunta kami ni Samuel sa may fishballan. Sobrang pogi points nung naghi siya kay Kuya dahil mukhang suki ata ng fishball ang tao na 'to.
"Oh," sabi niya sabay abot sa akin ng cup. "Okay ka lang?" he asked, his forehead slightly creased.
"Okay lang," mabilis kong sabi dahil medyo natulala yata ako sa kanya. Mabilis naman akong naka-recover at kumuha rin ako ng fishball. Gusto ko sanang ibigay kay Kuya para siya na ang maglagay. Mamaya pang 12pesos mailagay ko tapos pang 10pesos lang ibayad ko! Sacristan pa naman katabi ko!
After naming maka-kuha ng fishball ay nagbayad na ako at umalis na kami dahil biglang dumami iyong tao. Hindi ako maka-kain dahil dala-dala ko iyong digest niya. Ayoko rin namang kumain dahil bigla akong na-conscious. Tanginang crush 'yan! Bakit ako nacoconscious?! Hindi ako 'to!
"May tips ka ba sa Consti?" I asked dahil walang nagsasalita dahil mukhang enjoy na enjoy 'tong isa sa fishball.
"Sandrino? Basta complete attendance," he replied. "Saka sobrang haba nung finals nung time namin. Bilisan mo na lang magsagot."
"Mahirap din ba?"
"Hindi naman masyado."
"Wow—sana all."
Natawa siya. "Hindi naman talaga mahirap—more on time pressure kasi sobrang haba. Yes nga lang sagot ko dun sa huling essay kasi hindi na umabot sa oras," sabi niya. "Wag kang kabahan—basta aralin mo lang 'yung nasa syllabus."
"Ang dami kaya."
"Mas dadami 'yan sa second year."
I frowned. "Thanks."
Tumawa siya. "Makaka-adjust ka rin. First sem pa lang naman."
"Finals period na kaya."
"Mas mabait magbigay ng recit grades ang prof kapag finals," he said. "And if you're confident, try to volunteer for recits—mas mataas iyong grades na binibigay."
"Paano kung nagvolunteer tapos walang masagot?"
"Hindi naman siguro to the point na walang masasagot?"
"Hindi mo sure," sabi ko sa kanya tapos kinwento ko iyong time na pinagrecite ako sa Crim ng case na wala akong idea kung ano iyon at dahil makapal ang mukha ko, ako ang nagdesisyon kung anong case ang irerecite ko. Aba, mabuti na iyon kaysa wala akong sabihin at maupo na lang ulit. Pagkakita ko sa class card ko, binigyan ako ni Sir ng 73. Pwede na rin kaysa na 60 kapag absent.
"Seriously? Ginawa mo 'yun kay Mercado?"
I nodded. "Naka-73 naman ako!" sabi ko na proud kasi ewan, mababa lang siguro talaga ang standards ko as a student compared sa mga kaklase ko na hihimatayin ata kapag hindi line of 8 ang grades.
"Ano'ng itsura ni Sir?"
"Mukhang badtrip—pero lagi namang mukhang badtrip 'yon."
Tumango siya. "Na-try niyo na ba magpa-party? Mabait naman si Sir," sabi niya sa akin tapos napansin ko na nasa harap na pala kami ulit nung condo. Huminto kami.
"Thanks ulit dito," I said.
"Thanks din dito," he replied, pertaining to the fishball.
"Good night. Happy aral," sabi ko.
"Good night," he replied. "Happy digest," sabi niya bago kumaway at naglakad pabalik sa condo niya na literal na katabi lang ng condo ko.
* * *
Hindi ko alam kung may hiwaga bang hatid iyong digest ni Samuel pero nagdigest ako hanggang 2AM. Ang dami kong nasulat! Who you ngayon 'yang si Iñigo at Kitty! Matanong nga kung nasaan na sila tutal competitive ako ngayon.
Nagising ako ng 7AM. Mabilis akong naligo dahil target ko na makarating sa library ng 8AM dahil may sa maligno talaga iyong mga law student at bigla na lang lumilitaw sa library.
Pagdating ko roon ay marami ng tao pero hindi pa totally puno. Nagiwan ako ng mga gamit ko roon sa may lamesa tapos ay lumabas ako para bumili ng kape. Pagbalik ko ay bitbit ko iyong hydroflask ko nung makita ko na nandoon ulit si Rhys sa bakanteng spot.
"Hi," bati ko sa kanya.
"Hi," he replied, nodding at me.
Tahimik akong naupo sa tabi niya at nagstart na mag-aral ng Persons. Ni hindi ko nga napansin si Rhys dahil sobrang tahimik lang din niya mag-aral. Walang pansinan sa aming dalawa. Medyo na-intriga na rin kasi ako sa binabasa ko. Dito kasi sa persons kadalasan away ng magpamilya, e. Para ka lang nagbabasa ng chismis lalo na kapag tungkol sa pamilya na nag-aagawan ng lupa.
Nung lunchtime na ay tumayo na ako after nung Angelus. Paglabas ko ay naka-salubong ko si Samuel na kaka-labas lang ng CR.
"Hi," I said.
"Hello," he replied.
"Thank you sa digest mo."
Tumango siya sa akin. His phone vibrated. Saglit na tumingin siya doon. "Got to go," mabilis na sabi niya tapos ay bumaba na siya sa hagdan. Okay... what?
**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top