Chapter 05
Chapter 05
I scoffed kahit mukhang pilit. "Wow," I said, crossing my arms. "Alam mo, wala sa mukha mo na feelingero ka."
He arched his right brow. "So, you weren't staring at my back and counting my moles?"
"Hindi pwede na chine-check ko lang kung may scoliosis ka?"
"Really, then?"
"Akala mo naman sobrang ganda ng likod mo," sabi ko at saka umirap pero narinig ko na lang siya na natawa sa akin. Nanatili ako roon na naka-tayo at naka-cross arms habang pinapa-tuyo niya sa blower iyong shirt niya. Ang tagal, ha! Akala mo naman nilabhan ko lahat e iyong parte lang naman na may foundation!
"Matagal pa ba 'yan?" I asked.
"Malapit na pong matapos," he sarcastically said.
There was silence between us. Sobrang tahimik dito kumpara kanina sa may rooftop na rinig na rinig mo iyong tugtog pati na iyong boses ng mga tao.
"So..." I said to break the silence. "Anong party 'to?"
"Random," he replied.
"Random party?"
He nodded. "Each frat throws at least one party per semester," sabi niya sa akin.
"Tapos required umattend lahat?"
"Not required, but expected."
"Ano'ng pinagkaiba nun?"
"It's not mandatory per se, but... it's good to attend because you'll never know when you'll need something from someone?" sabi niya na parang hindi siya sure kung paano ipapaliwanag sa akin.
"So, for connections?"
"Exactly."
Tumango ako. "Ano ba'ng benefit sa mga ganyan?"
"Why?"
"Wala lang," I replied.
"Walang nagrerecruit sa 'yo?"
"Wala," I said. Sino ba naman ang magrerecruit sa akin? 'Di naman ako sobrang talino, hindi rin ako sobrang yaman. Kumbaga, sobrang normal ko lang na tao sa school. Ang pinaka-edge ko lang ay ang kapal ng mukha ko... na I think ay wala namang ambag sa mga ganitong bagay.
"Ah," sagot niya. "It's done," dugtong niya. Nag-iwas ako ng tingin nung isuot niya muli iyong black poloshirt niya. Napa-tingin ako nung makita ko na inaayos niya na iyong sa collar part.
"Lukot pa rin," I pointed out doon sa part na nilabhan ko.
"It's fine," he replied.
"Sure ka, ha?"
He nodded. "Half the people here are drunk already—I doubt if anyone would notice," sagot niya sa akin. "Do you drink?"
"May San Mig apple ba?"
Natawa siya. "Meron."
"Isa nun," sabi ko sa kanya. "May bayad ba?" I asked kasi first time ko lang naman pumunta sa ganito! Sa Mindoro ako nagcollege. Nakaka-punta naman ako sa Maynila kaso hindi iyong dito talaga naka-tira. Saka nakaka-basa ako sa Internet tungkol sa mga party dito, pero syempre iba pa rin kapag iyong party na mismo. Ayoko lang magkalat kasi nakaka-hiya.
"No, free drinks," sabi niya.
"Wow," sabi ko kasi ang daming tao tapos free drinks? Dami namang pera ng frat niya!
Bumalik kami sa elevator. Tahimik lang ako na naka-tayo sa tabi niya. Nung nasa Mindoro pa ako, akala ko normal height lang ako... pero ang tatangkad ng mga tao rito sa Maynila! Jusko, sa classroom pa lang namin, e. Parang may kasamang dalawang bata si Iñigo kapag naglalakad kaming tatlo nila Kitty. Kahit dito kay Samuel, hanggang balikat niya lang ako.
"May kilala ka ba rito?" he asked.
"Hindi ko alam," sagot ko.
Tumango lang siya tapos ay bumukas na iyong pinto sa elevator. Sumalubong sa amin iyong malakas na tugtog. Madilim dito sa rooftop pero mayroong parang mga neon lights. Marami ding upuan at mga beanbags. Mukhang magkaka-group na iyong mga tao.
"What?" I asked nung mapansin ko na naka-tingin sa akin si Samuel.
"If you don't know anyone here, I can accompany you."
"Wala ka bang gagawin?" I asked kasi syempre party nila 'to... although sobra kong naappreciate na sinabi niya 'yon. Kasi leche, looking around? Medyo napa-isip ako kung bakit ako nandito?!
"Hindi naman ako first year," he replied na napa-kunot ang noo ko. "But if you see someone you know, feel free to talk to them," dugtong niya tapos ay naglakad na siya at ako naman ay naka-sunod lang sa kanya.
Pumasok kami sa loob tapos huminto kami sa parang counter.
"San mig light, right?" he asked, looking at me.
"Apple," I replied tapos ay inulit niya iyong order ko doon sa may lalaki sa bar. Kumuha iyong lalaki ng isang bote tapos ay iniabot sa akin iyon. Binigay sa akin ni Samuel iyon tapos ay inabutan ako ng tissue. "Thank you," sabi ko.
Iinom na sana ako, pero sinabi niya sa akin na sandali lang tapos ay kumuha ulit siya ng tissue at pinunasan niya iyong lid nung bote. "You can drink now."
My lips parted at what he did. "Uh... thank you," I said and he just smiled and shrugged tapos ay uminom na rin siya ng beer niya.
Medyo dumadami na iyong mga tao sa counter kaya naman lumipat kami ni Samuel ng mauupuan. Naglalakad lang siya at naka-sunod lang ako sa kanya. I was just looking around, trying to make sense of what I was seeing. So... this was how the other half of the law school population lives. Interesting.
"Wow, may jacuzzi pala rito," I said nung doon kami napunta.
"Wala naman sigurong maliligo," he said tapos ay naupo siya roon sa may steps. Naupo na rin ako doon sa tabi niya. Naka-tingin kami sa langit. In fairness ay maraming stars ngayong gabi—at may stars pala sa Maynila! Akala ko ay dahil sa sobrang kapal ng polusyon ay never akong makaka-kita ng stars dito.
"Mamaya pa makakarating si Rhys," bigla niyang sabi.
"Ah..." sabi ko kasi ano ako? Jowa? Pwedeng magdemang na malaman kung nasaan si Rhys?
"Paano mo pala nalaman na dito 'yung party? Nalimutan kong sabihin sa 'yo."
"Ako pa ba?" sabi ko sa kanya. He looked amused. Tumungga nga ako roon sa beer ko. "So, kapag may party sa ibang frat pumupunta ka rin?"
"Depende."
"Depende saan?"
"Kung busy ako."
"Akala ko medyo required?"
He nodded. "Yes, but acads is always the priority," he replied. Wow naman. "Minsan kasi iyong schedule ng party nila sumasabay sa exams natin. Syempre uunahin ko 'yon."
"Talaga? Nag-aaral kayo?"
Napa-tingin siya sa akin. "Mukha ba kaming patapon?"
I shrugged. "Wala akong sinabi na ganyan."
Natawa siya. "May grade requirement kami."
"Weh?"
He nodded. "Yeah—there's an image to maintain."
Leche, may ganoon pa palang hanash?! Akala ko ang requirement lang sa frat nila ay maging gwapo at maangas? Required din pala na maganda ang grade? Kaya siguro si Iñigo kahit na mukhang bangag at antok e laging maganda ang recit.
"May parusa ba kapag pangit grades mo?"
"Hmm... wala naman."
"Walang paddle?" I asked tapos natawa siya. Akala ko ay sasagot siya or what pero hindi niya na pinansin pa iyong tanong ko. Leche naman if bagsak ka na nga tapos may paddle pa?! Dobleng sakit?!
"Samuel," pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin habang papalapit pa lang sa bibig niya iyong bote ng beer. "May itatanong ako."
"Okay?" he replied, his forehead slightly creased.
"Dati ka bang sacristan?"
Tuluyan ng kumunot ang noo niya. "What?"
"Curious lang ako."
His lips parted a little. "You're so random."
"Bilis na kasi! Dati kang sacristan, no?"
"Yes... paano mo nalaman?"
I shrugged. "May vibes ka lang na ganoon."
"Vibes?"
I nodded. "Yes. Vibes. May... banal vibes ka," sabi ko habang tinuturo iyong buong pagkatao niya.
"Do tell," he replied.
"Hindi ko rin ma-point out, e," sagot ko. "Basta may ganoon ka lang na vibes. Anyway, natanong ko lang naman."
Grabe, naaalala ko pa noon na kahit labag sa loob ko magsimba, sumasama pa rin ako kasi crush ko iyong isa sa mga sacristan. Tapos doon ako pipila kapag communion na kung nasaan man siya naka-assign. Tsk. Bata pa lang talaga malandi na ako.
"Ikaw? Dati ka bang member ng choir sa simbahan?" he asked.
Natawa ako. "Ako? Member ng choir? Baka magwalkout iyong mga magsisimba kapag narinig nila akong kumanta," sabi ko habang natatawa kasi naiimagine ko na ako iyong kumakanta roon. In fairness naman nakaka-enjoy kantahin iyong mga kanta sa simbahan.
"Samu," biglang pagtawag ng isang lalaki. Napa-tingin doon si Samu. Hindi siya nagsalita. "Si Zach," he said.
Bahagyang kumunot iyong noo ni Samuel. "Maven?" Umiling iyong lalaki. "Wala pa si Rhys?" he asked at muling umiling iyong lalaki. Tumayo si Samuel at saka ipinatong sa tabi ko iyong bote ng beer niya. Tumingin siya sa akin. "May aayusin lang ako," he said.
Tumango ako. Naglakad na siya tapos ay bigla siyang huminto tapos ay tumingin sa akin.
"I don't know if you know this already, but don't accept drinks from strangers," sabi niya tapos ay tumalikod uli siya at naglakad palayo.
Naupo lang ako roon at tahimik na iniinom iyong beer ko. May tatlong lalaki na lumapit sa akin at nagpakilala. Cute naman sila, pero ewan... hindi ako kumportable na makipag-usap sa kanila kasi hindi ko naman sila kilala. So, I just smiled as they tried to talk to me.
"Deanne."
Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses at naka-hinga ako nang maluwag nung makita ko si Lui kahit hindi naman kami close. Mabilis pa sa alas-cuatro na tumayo ako mula sa may steps at saka lumapit sa kanya. Ngumiti lang siya roon sa mga lalaki na mabilis umalis. Grabe? Ganoon lang?
"Si Samuel?" I asked.
"Grabe," he said. "Ako iyong nandito pero iba ang hinahanap?"
Napaawang iyong labi ko. What... the hell? Nilalandi niya ba ako?! Itong gwapong moreno na may dimples na 'to?! I probably looked like an idiot blinking in front of him nang tawanan niya ako.
"He's doing something," he said after a few seconds. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil medyo shocked pa rin ako kung totoo ngang nilalandi niya ako kasi... wow? Ganda ka? Ikaw si Cha?
"Ah..." I said dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin naman alam kung bakit hinanap ko bigla si Samuel sa kanya. Siguro kasi hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa taong 'to.
"First year ka, right?"
I nodded. "Ikaw?" I asked kahit alam ko naman na second year siya kagaya ni Samuel.
"Sophomore," he replied. "Do you mind?" he asked nung ipakita niya sa akin iyong stick ng sigarilyo.
"Okay lang," sabi ko sa kanya kahit sa totoo lang ay hindi naman ako naninigarilyo. Hindi naman siguro ako makaka-develop ng cancer dahil sa isang beses na maka-langhap ako ng secondhand smoke.
Naka-sandal iyong kaliwang braso niya sa may veranda habang naninigarilyo siya.
"How's the party?" he asked.
"Okay naman."
"Not bored?"
"Hindi naman. Kasama ko si Samuel kanina bago siya tawagin nung isang lalaki," sabi ko nung mapa-tigil ako dahil nakita ko si Samuel na naglalakad pabalik sa amin. His face was slightly contorted like he was pissed. Napa-tingin din si Lui doon.
"Zach?" he asked.
"Who else?" Samuel replied. "Bakit ba ako nag-aayos nito?"
Natawa bigla si Lui. "Ano ba'ng aasahan mo kay Maven," he replied and then humithit ng sigarilyo. Napa-tingin sa akin si Lui. "Classmate mo si de Marco?" he asked me. I nodded. "Don't tell him I said that."
Napa-tango ako. "I promise," sabi ko kasi shet? Bakit ko naman sasabihin kay Maven 'yon? Ni hindi ko nga maka-usap iyon dahil nakaka-intimidate siya talaga kahit tignan mo lang.
"Nandito na raw si Rhys," Samuel said. Napa-tingin siya sa akin. Tinignan ko lang din siya. Biglang nag-excuse si Lui dahil pupuntahan niya iyong Jan—kung sino man iyon.
"Baka may gagawin pa kayo," sabi ko dahil mukhang may ginawa iyong Zach. Tumingin ako sa relo ko. "Madaling araw na pala," I said. Ang bilis ng oras? Kanina lang 10PM pa lang! "Uwi na ako."
"Paano ka uuwi?" Samuel asked.
"Grab," I replied.
"Book mo na. Samahan kita sa baba," he said.
"Hala, okay lang," sabi ko kasi may guard naman sa baba kanina. Pero hindi sumagot pa si Samuel kaya nagbook na lang ako ng Grab. "10 minutes away," I said.
"Okay. Baba na tayo," sabi niya tapos ay sumunod ako sa kanya pababa. Tumingin ako sa paligid habang naglalakad kami pabalik sa elevator. Mataas pa rin iyong energy ng mga tao kahit ala-una na. Ako lang ata iyong inaantok na. Sobrang tita levels ko na ba?
Pagbaba namin ay naka-tayo lang kami ni Samuel doon sa labas ng building. Malamig na kasi madaling araw na tapos naka-off shoulders pa ako. I hugged myself.
"Mga anong oras natatapos kapag ganyan na party?" I asked instead to distract myself from the cold.
"Depende," he replied. "Since we're hosting, hanggang may tao, nandito iyong first years," he said.
"So... first years talaga ang in charged?"
He nodded. "Tradition," he replied. "There's your ride," sabi niya sabay tingin doon sa gray Vios na paparating. Lumapit siya roon at kinatok iyong bintana sa tapat ng driver's seat. "Yeah, this is your ride," sabi niya after ibaba iyong bintana doon.
Naglakad ako sa tapat nung pintuan sa backseat. "Uhm... thank you sa pagsama sa akin."
He nodded. "No problem," he replied. "Text me when you get home."
"Wala akong number mo?"
"I'll put my number in your phone," he said tapos confused na iniabot ko sa kanya iyong cellphone ko at inilagay niya doon iyong number niya tapos ay pinindot niya iyong call. Nagring iyong phone niya. "Here," sabi niya nung ibalik niya sa akin iyong cellphone ko.
"Uh... text kita kapag naka-uwi na ako."
He nodded. "Hope you enjoyed," sabi niya tapos ay sumakay na ako sa loob at isinara niya iyong pintuan nung sasakyan. Okay... did he just indirectly ask for my number?!
**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top