Chapter 04

Chapter 04

Hindi ko alam kung bakit bothered ako na nagwalkout 'yung Samuel na 'yon. 'Di naman kami friends. 'Di ko rin naman siya crush—I mean, gwapo siya... but hindi ko type iyong may 'banal' vibes. Kasi alam mo 'yon? Kapag nagkaboyfriend na ako finally, marami akong masamang balak. Medyo mahirap lang siguro kapag gagawan mo ng masamang bagay iyong tao na banal iyong vibes.

Medyo late akong nakarating sa school dahil na-late ako ng gising. Pagdating ko sa library ay puno na. Grabe naman! 10AM pa lang naman! 'Di naman ganito dati. Dahil ba finals season na kaya ganito? Lumabas na lang ako roon at naghanap ng ibang pwedeng pwestuhan sa school. Mainit na kasi kaya tinatamad na akong lumabas pa at maglakad. I was wearing a white long-sleeved na polo na naka-fold sa braso ko.

I was just walking around hanggang sa mapa-hinto ako roon sa mga benches sa labas ng chapel. Inilagay ko roon iyong mga libro ko kasi baka maagawan na naman ako. Pumunta ako sa cafeteria tapos ay bumili muna ako ng pagkain doon saka nagbreakfast. Pagbalik ko sa may chapel, napa-hinto ako nung makita ko na may naka-upo sa other end nung bench.

I took a deep breath.

Nung maglakad ako papunta roon ay hindi napansin ni Samuel na nandoon ako. He was probably too immersed in whatever he was reading... at dahil natural na chismosa ako ay nakita ko na cases iyong mga binabasa niya. In fairness sa kanya, naka-full text siya. I could never dahil tamad akong magbasa ng full text.

Dahil mukhang hindi niya naman ako papansinin ay nagdecide ako na mag-aral na lang din. Ayoko lang ioverthink na naman iyong ginawa niyang pagwo-walkout. Madaming ganap sa buhay ko at ayoko na iyong idagdag pa.

I was currently deciding kung gagamit ba ako ng memaid o kung maglilibro ba ako nung mapa-tingin ako sa gilid ko. Naka-tingin din siya sa akin.

"Nauna ako rito," defensive na sabi ko kasi baka isipin niya e sinusundan ko siya! Next time talaga lalagyan ko na ng gamit iyong buong bench! Oo, malandi ako, pero 'di ko talaga kaya na katabi ko iyong crush ko. 'Di ako makapagconcentrate sa pag-aaral! Aba e hindi naman pwede na pangalan nila isagot ko sa recit dahil talagang tuluyan na akong makikickout.

"Okay," he replied tapos ay bumalik na siya sa pagbabasa niya. I rolled my eyes. Ano ba'ng problema nito? "Saw that," he said.

"Saw what?"

"You rolling your eyes."

"Galit ka ba?" I asked. "Kasi bigla kang nagwalkout nung isang gabi," I said because I just really didn't want to overthink it... Saka ano ba kasi iyong kasalanan ko if ever? Siya nga 'tong nakinig sa confession ko, e!

"Sinabihan mo akong sinungaling."

Kumunot ang noo ko. "What?"

"I already told you—hindi ko sinabi kay Rhys," he said. "I don't appreciate being called a liar."

My lips parted. "So... galit ka nga?"

"No."

"Ano? Nag-iinarte ka lang?" tanong ko tapos ay tumingin siya sa akin tapos ay seryoso iyong mukha niya. I pressed my lips together. Ang seryoso naman ng isang 'to! "Okay, okay," sabi ko. "I'm sorry sa sinabi ko. I was just... worried na baka sabihin mo kay Rhys."

"But I already told you that your secret's safe with me."

I shrugged. "Kahit na."

"I won't tell him," he replied. "Besides, I don't think we would've even cared."

"Kasi hindi niya ako type?" tanong ko tapos medyo na-conscious ako kasi tinignan niya ako from waist to my face. Agad tuloy akong napa-isip kung ano ba ang itsura ko! Nag-ayos naman ako bago pumunta sa school! Feel ko kasi talaga ay dito ko makikilala ang tunay na pag-ibig kaya kailangan ay maayos ang itsura ko palagi. Hirap pa naman na mukha akong pulubi na naliligaw dito sa SCA.

"Hindi ko alam kung ano ang type niya."

"Weh."

"At least not physically."

"Baka chinita type niya."

"Because of Cha?" he asked, now looking like he was enjoying our conversation. Tignan mo 'to—kanina lang ay parang badtrip sa akin tapos ngayon ay nag-e-enjoy na siya to the point na hindi niya na binabasa iyong cases niya. Sige, magchismisan na lang kami dito at 'wag na magreview for class.

Umirap ako. "Maganda naman talaga 'yon," sagot ko. Kahit nga si Kitty nagseselos doon, e! Feel ko nga crush na rin ni Iñigo 'yun. Siya na talaga ang pinagpala sa lahat.

"I don't think Rhys likes her because of her face," sabi ni Samuel.

"Kasi matalino?"

He shrugged. "Because she's hard to reach," he replied.

"Hard to reach?"

He nodded. "Guys like the chase," sabi niya. "Crush si Cha ng halos lahat sa frat," he casually mentioned. Pota. Ito ang literal na sana all! May choices pa si Charisse Faith Viste! Must be nice to be her.

I just nodded kasi ano ba ang sasabihin ko sa ganon? Sana all? Instead, ibinalik ko na lang iyong atensyon ko sa pagrereview. Naglagay din ako ng earphones para makapagfocus ako. Hindi naman mag-aadjust iyong recit ko dahil sa mga hanash na nangyayari sa buhay ko.

Habang tahimik akong nagbabasa at nagssoundtrip, biglang nanlaki iyong mga mata ko nung nasa harapan ko si Rhys bigla. I knew he was there because... I didn't know... He smelled familiar—he smelled expensive for some reason. Naka-tingin siya kay Samuel at mukhang nag-uusap sila.

Napa-tingin sa akin si Rhys. I removed one of my earphones and nodded at him to acknowledge his presence.

"Deanne," pagtawag sa akin ni Samuel.

"Why?" I asked habang naka-tingin pa rin ako kay Rhys. Bakit... ang gwapo ng taong 'to? Bakit ba nakakadagdag talaga sa ka-gwapuhan ng tao kapag masungit sila? Bakit ba hindi ako pinanganak na masungit at mysterious? Bakit tuwing may bago akong kakilala ay ang unang instinct ko ay ikwento sa kanila ang lifestory ko?

"Can he sit with us?" Samuel asked.

"Uh... yes?" sabi ko kasi hindi naman ako ang may-ari nitong bench.

"Iyong gamit mo," sabi ni Samuel tapos napa-tingin ako kasi nandoon pala nga iyong bag ko tapos iyong Crimlaw book ko.

"Ay, sorry," sabi ko tapos ay kinuha ko iyong bag ko tapos ay inilagay ko sa may sahig sa tabi ko. Rhys sat in between us. Gago, ang bango talaga!

Lord, kung sinuman ang inilaan mo para maging tunay na pag-ibig ko, sana po ay mabango siya.

Gusto ko talagang magfocus sa pagrereview kaya lang ay dahil inborn na chismosa talaga ako, naririnig ko pa rin iyong pinag-uusapan nila. Aba, fault naman nila! Bakit sila nag-uusap e alam naman nila na nasa tabi nila ako?

Tapos ay natigil lang sila nung nag 12 o'clock prayer na. Si Rhys ay tumigil lang habang si Samuel iyong nagsign of the cross. Pupusta talaga ako na sacristan 'to nung bata pa siya!

"Deanne," sabi ni Samuel nung nag-ayos ako ng gamit dahil lunch time na at kailangan ko ng kumain. At saka kahit na nag-eenjoy ako na nandito ako, kailangan ko pa rin na magreview dahil ayokong ma-bokya sa recit mamaya. Finals period na—ever recit counts!

"Yup?" sagot ko habang shinu-shoot sa bag ko iyong notebook ko.

"We have a party this Saturday," sabi ni Samuel.

Napa-tingin ako kay Rhys. "Invited ako?" I asked kasi... huh?

Rhys nodded. "You should come."

Hindi ako naka-galaw. Dahan-dahan lang ako na tumango... kaya naman naunahan nila ako na umalis at ako ay naiwan lang na naka-tulala habang naka-upo pa rin sa may bench.

Huh?!

* * *

Bakit ako pupunta ng party? Una, wala akong kakilala doon. Pangalawa, hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Pero ang pinaka-importante, maraming gwapo roon.

Ang hirap namang magdesisyon!

"Iñigo," pagtawag ko kay Borromeo na gumagawa ng digests. "Ano'ng ganap mo sa Saturday?" I asked. Hindi ko masabi sa kanya iyong tungkol sa party kasi alam ko naman na kung sasabihin ko sa kanya, pipilitin ako nito na hindi pumunta. E hindi pa nga ako nakakapagdecide kung pupunta ba ako o ano.

"Matulog?" he replied na parang hindi pa siya sure. "Bakit?" he asked. I just shrugged. At dahil busy siya sa pagda-digest niya ay hindi na niya ako napansin pa.

The week quickly ended. Hindi na ako masyadong nag-aaral pa sa school dahil pansin ko lang ay simula nung nakilala ko sina Rhys ay nakikita ko na sila lagi sa school. At hindi talaga ako makapagfocus kapag nandyan sila! Mas lamang iyong kalandiaan ko kaysa sa will na maka-pasa sa school.

When Saturday came, I was still undecided. I asked Kitty kung busy ba siya pero sabi niya oo. May pupuntahan ata sila ni Jax. Ayoko namang maging epal na friend kaya hindi ko na siya ininvite.

"C'est la vie!" sabi ko bago ako tumayo sa kama at naghanap ng pwede kong suotin. Sobrang wala rin kasing kwenta mag-invite nung dalawa na 'yon—ni hindi man lang sinabi sa akin kung saan. Kung hindi pa ako magaling na stalker ay hindi ko malalaman na sa isang rooftop bar sa Makati iyong party.

I wore a black shorts and black fitted top na off shoulders. Nagdala lang ako ng sling bag kung nasaan iyong phone at wallet ko.

Pagdating ko sa may venue, medyo napa-hinto ako dahil... leche ang daming magagandang babae?! Mga member ba 'to ng sorority? May isa pa akong nakita na sobrang plunging nung suot sa likod at kita na wala siyang suot na bra.

I debated kung itutuloy ko pa ba ito. I felt so... out of place.

"Deanne."

Napa-tingin ako sa gilid ko nung makita ko si Samuel na naka-tayo roon. He was wearing a black collared polo, black jeans, and white converse sneakers. Mayroon din siyang hawak na beer.

Napa-kunot ang noo ko. "U-uy..." sabi ko dahil medyo nabigla ako na nandito siya. Hindi ko sure kung tama ba iyong nakikita ko dahil medyo madilim din, but his face looked slightly red.

"Didn't think you'd come," sabi niya.

"Bakit mo pa ako ininvite kung sa tingin mo hindi ako pupunta?"

He shrugged. "Bastos naman kung hindi—katabi ka namin nung nag-uusap kami tungkol dito."

"Hindi naman ako ganoon ka-assumera na iisipin ko na iiinvite niyo ako dahil lang narinig ko iyong sa party," sabi ko sa kanya. Saka kasi narinig ko rin nung pinag-uusapan nila na pupunta rito iyong mga frat and soro mula sa ibang school din... which seemed true because there were a lot of unfamiliar faces.

Pero, gago, ang dami ngang gwapo!

"Bakit ka pala nandito sa labas?" I asked dahil mukhang nasa taas iyong party. Although may nagbabantay, alam ko na first year law students sila dahil nakita ko 'yung mga mukha na 'yan nung orientation. Bakit kaya wala si Iñigo dito? Wala talaga akong naririnig tungkol sa frat mula sa tao na 'yon. Minsan napapa-isip ako kung member ba talaga 'yon o kung anuman, e.

"Getting some air," he said.

"Di ba sa rooftop iyong party?" I asked dahil kung may hangin man, nandoon 'yon.

He nodded. "Let's go," he said, instead tapos ay pumasok kami. Iyong mga pumapasok kanina ay may pinapakita pa na invitation pero mukhang big time si Samuel dahil diretso lang kaming pumasok... grabe, ganito ba ang feeling ng VIP?

Sumakay kami sa elevator. Maliit lang iyong elevator kaya naman nung may pumasok pa na apat na tao ay biglang napa-dikit ako rito kay Samuel.

"Sorry," I said when my face was literally just an inch away from his freaking chest! He smelled like cologne and beer. Nung tumango siya ay napa-taas ako ng tingin at doon ko naconfirm na namumula nga iyong mukha niya dahil pati iyong leeg niya ay namumula rin. Ganito pala siyang klaseng lasing, no? Namumula iyong mukha.

I'd been counting the seconds inside my head—ten seconds—bago huminto iyong elevator ay bumukas iyong pintuan.

"Hala, sorry," sabi ko sa kanya nung dumikit sa itim na polo shirt niya iyong foundation sa mukha ko. I tried to wipe it away. Uhm... naggygym ba siya?!

Napa-tingin ako sa kanya at naka-tingin lang siya sa akin na naka-kunot ang noo. Doon ko lang na-realize na naka-lapat pa pala sa dibdib niya iyong palad ko. Tangina naman?!

"Uhm... wala akong wipes, sorry," sabi ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko?! Bakit ba sa more than a week na pagkakakilala namin ay parang ang dami ko ng bloopers sa harapan niya.

"It's fine," sabi niya tapos ay siya na iyong nagtry na alisin iyong foundation mark sa mukha niya. Sumara na naman iyong pintuan nung elevator dahil hindi pa kami lumalabas mula roon. Nawala bigla iyong malakas na music nung sumara iyong pinto.

"May CR ba rito?" I asked.

"Of course," sagot niya.

"Ano'ng floor?"

"This floor and the third floor," he replied and I clicked on the number three button. Paghinto namin doon ay lumabas ako. Kumunot ang noo niya habang naka-tingin sa akin.

"Ayusin muna natin 'yan," sabi ko kasi medyo weird talaga tignan. Kitang-kita kasi black iyong suot niya. Mukhang nandito pa naman iyong congregation ng fraternities sa buong Maynila kaya nakaka-hiya.

Tahimik lang sa third floor at mukhang kami lang ang tao. Sumilip ako sa may girl's bathroom. Naka-hinga ako nang maluwag nung makita ko na mayroong blower doon.

"Walang tao," sabi ko sa kanya habang naka-tayo ako sa may pintuan papasok sa CR. He looked hesitant. "Bilis na," sabi ko. He still looked hesitant. Napa-irap ako nung sumilip pa siya sa loob na para bang ipaprank ko siya at may tao talaga sa loob ng CR.

"Uhm... paano ba 'to," sabi ko kasi matangkad si Samuel. "Yuko ka tapos hugasan natin 'yang damit mo," dugtong ko. "May blower naman so mapapa-tuyo natin."

"I told you, it's fine—"

"Bilis na kasi."

Umirap siya. Ang attitude ng sacristan na 'to! "Fine," sabi niya tapos tinanong niya ako kung paano ba ang gagawin niya. Pina-yuko ko siya tapos ay tinapat ko iyong part ng damit niya sa may faucet.

"Wag ka kasing gumalaw," sabi ko nung siya na mismo iyong nabasa.

"Sandali nga," sabi niya.

"Matatapos na."

"Nahihirapan ako," sabi niya tapos bigla siyang tumayo and in one swift motion, while pulling his shirt from his back collar, hinubad niya iyong damit niya at iniabot sa akin. "Here," he continued.

My lips parted and my eyes widened. "O-okay," sabi ko habang tinanggap iyong polo shirt niya. Hindi ko alam kung ano na iyong mga sumunod na nangyari dahil masyado akong aware na may kasama akong lalaki na half-naked sa CR?!

"For the record, hindi kita pinilit na labhan iyong damit ko," he said while he was sitting on the sink and drinking his beer again.

"Alam ko," sabi ko habang sina-sabon ko iyong part ng shirt niya na may foundation marks. Nung natapos ako ay itatapat ko na sana iyon sa may blower nung tumayo si Samuel at saka pinatong sa sink iyong bote ng beer niya at kinuha mula sa akin iyong damit niya. Siya na iyong nagtapat nun sa may blower.

'Gago, 'yung mata mo?!' sabi ko sa sarili ko nung naka-tingin lang ako sa hubad niyang likod habang pinapa-tuyo niya iyong damit niya. Para akong gago habang sinusubukan kong bilangin iyong mga nunal sa likuran niya.

"Eight," biglang sabi niya.

"Ha?"

"You're counting the moles on my back, right?" he said. Napa-tingin ako sa reflection niya sa salamin at nakita ko na naka-tingin pala siya roon. So, kanina niya pa ako nakikita na naka-tingin sa katawan niya?! Kailangan ko na ata ng beer din!

**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top