Chapter 03
Chapter 03
"Hi," sabi niya habang naka-tingin pa rin kami sa isa't-isa. Sure na sure ako na nanlalaki iyong mga mata ko dahil sa pagka-bigla. Bakit siya nandito?! Parttime priest din ba siya bukod sa pagiging law student niya? Pwede ba 'yon? My god! Ang dami ko ng problema, dumagdag pa 'to!
Ni hindi ako naka-galaw sa kinaluluhuran ko nung lumabas siya sa confession box. He was wearing a light brown chino pants, white polo shirt na naka-tuck in, at saka iyong boat shoes ata ang tawag. Mukha talaga siyang ex-sacristan sa pagkaka-suklay ng buhok niya. Mabuti na lang wala siyang kwintas na crucifix dahil iyon ang kukumpleto sa attire niya talaga.
Para akong si Sadako na dahan-dahan lumingon sa kanya dahil nasa tagiliran ko na siya.
"I—"
"Pari ka ba?" I asked because I needed to know! Kung pari siya, hindi ba may oath siya or something na bawal niyang ipagkalat iyong mga sinabi ko? Kasi feel ko inilabas ko kanina lahat ng kasamaan na ginawa ko rito sa law school—lalo na iyong pangta-trashtalk ko kay Cha at kay Iñigo!
"No," he replied.
"Bakit ka nandoon?"
"May pinagtataguan ako," sabi niya.
"Bakit hindi ka na lang sa CR nagtago?!"
Napa-tawa siya. Mas kumunot lang ang noo ko. Shet. So, hindi siya pari. Hindi naman siguro siya epal na tao para ipagkalat iyong mga narinig niya?
"Ano... iyong narinig mo?" I asked.
"Everything," he replied.
"Everything?" I asked, a little scared.
He nodded in a way na parang gusto niya akong bwisitin. "Don't worry—your secret is safe with me," sabi niya na may ngiti. My god. Narinig niya kung paano ko inistalk si Rhys. Kung paano ako nambash kay Cha kanina nung nag-usap sila sa library. Kung paano ko inaway si Iñigo dahil sabi niya maganda si Cha. Gusto ko na lang mamatay sa kahihiyan.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako nang malalim. Dahan-dahan akong tumayo. Medyo sumakit iyong tuhod ko dahil sa pagkaka-luhod. And then I looked at him.
"Samuel," pagsabi ko sa pangalan niya.
"Yes?" he replied na parang nang-aasar.
"So... narinig mo talaga lahat," I said, wanting to confirm one more time dahil baka naman partially deaf siya at may chance na hindi niya narinig talaga masyado? Kasi paano ako maglalakad sa hallway ng SCA kung alam ko na may isang tao na narinig lahat ng innermost thoughts and feelings ko? Sige nga? Paano?
Hindi siya sumagot pero naka-tingin lang siya sa akin.
Tapos biglang nag three o'clock prayer.
Pota ang awkward. Naka-tingin lang kami sa isa't-isa habang mayroong dasal na naririnig mula sa audio system ng buong school. Habang may dasal, nag-iisip na ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Like magpapa-lusot ba ako? Sasabihin ko ba na 'it's a prank!' Kaso paano? Halata masyado! 'Di naman bobo 'tong nasa harapan ko.
"Chismoso ka ba?" I asked nung matapos na iyong dasal.
"Why?" he asked.
"Since narinig mo na—"
"About how you stalked Rhys?"
I groaned. "Bakit ka kasi nandito?! Dapat nagsabi ka na nung narinig mo pa lang na sinabi ko na 'Lord, forgive me for I have sinned!'" sabi ko sa kanya. "Di mo man lang ba na-realize na hindi ka naman si Father kaya bakit ako mangungumpisal sa 'yo?"
Para akong bata na nagttantrums habang naka-tingin lang siya sa akin. Bigla ay feeling ko entertainment niya ako ngayon dahil parang natatawa siya sa akin.
"Hindi ako maka-singit sa pagsasalita mo," he said.
"Ano?"
"I was about to interrupt you—"
"Bakit hindi mo ginawa?"
Tumingin siya sa akin. He pursed his lips. "Maybe you're right," he said. "Baka chismoso nga ako."
Napaawang ang labi ko. "Iba-blackmail mo ba ako?"
Natawa siya. "What? Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Dahil... sa mga narinig mo?"
Pumasok ulit siya sa may confession box at kinuha niya pala iyong gamit niya. Mayroon siyang dalang isang libro ng Property at saka isang codal. Ito lang dala niya sa pagpasok?
"Na ano? Na may crush ka kay Rhys?" he asked.
"Uh... yes?"
"Do you want me to blackmail you?" tanong niya sa akin. Hindi ko gets kung bakit sabay kaming naglalakad palabas ng chapel?!
"Syempre hindi!"
"Sure?"
"Bakit ko naman—"
Pero agad akong napa-hinto dahil nakita ko si Rhys na papalapit sa amin. Jusko. Uniform ba ito ng group nila?! Si Rhys naman ay naka-suot ng dark jeans at black na polo shirt at may hawak-hawak siya na reading glass. God, ang pogi naman!
"Rhys," pagsabi ni Samuel sa pangalan niya.
Medyo kumunot iyong noo ni Rhys. "Why?" he asked.
"Nothing," Samuel said, shrugging. Kumunot ang noo ni Rhys dahil sa ka-weirduhan ni Samuel. Ako naman ay parang gusto ko na lang himatayin dahil sa sobrang kaba. Hindi naman niya siguro sasabihin, noh? Kasi sobrang epal niya naman! Saka bawas points sa langit 'yan! 'Di naman niya dapat narinig iyong confession ko!
Tumingin si Rhys sa gawi ko tapos bahagyang tumango—was that his way of acknowledging my presence? Kasi leche simpleng tango lang kinilig na ako?!
Nung umalis na si Rhys ay doon lang ako naka-hinga nang maluwag.
"See? I told you your secret's safe with me," sabi niya Samuel sa akin bago siya ngumiti at nagwave ng kamay habang naglalakad palayo.
Lecheng 'yan! Akala ko pa naman good boy siya dahil sa sacristan vibes niya!
* * *
Badtrip ako hanggang sa maka-rating ako sa classroom. Dahil kakatapos lang naman ng midterms period ay parang wala pang masyadong aattend na mga tao. Si Kitty ay mukhang masaya na dahil may lovelife na si gaga.
"Naka-dalawang buwan na ako rito sa school, wala pa rin akong lovelife," sabi ko kay Iñigo habang dakilang tambay kami sa labas ng room.
"Totoo," sagot niya.
"Gago, nakita kita may nilalandi ka sa med," sabi ko sa kanya tapos tinawanan niya ako. "Wala ka ba talagang mairereto d'yan, Iñigo? Kasi kung wala, ano'ng kwenta mo bilang kaibigan ko?"
Tinatawanan lang ako nito na akala niya ay nagjojoke ako! Ito talaga mahirap kapag funny kang tao, e. Akala nila joke lang lahat kahit seryoso ako. Kapag tina-try kong magseryoso, tinatawanan lang ako.
"Akala ko si Rhys?" sabi niya.
Umirap ako. "Masama ba maghanap ng iba pa? 'Di ko naman jowa 'yun para magpaka-loyal ako," sabi ko sa kanya dahil si Kitty lang naman ang kakilala ko na hindi pa girlfriend pero 'yung loyalty e pang asawa na na nagcelebrate ng silver anniversary.
"Bilis mo naman sumuko," sabi niya.
"Maigsi lang ang buhay," I replied.
"Ano ba'ng gusto mo?"
"Hahanap mo ako?"
He shrugged. "Kapag meron."
"Daming gwapo sa frat mo, e."
"Wag ka na 'dun," sabi niya.
"Bakit naman?" I asked but instead of answering, he just shrugged. "Iñigo," I called. Tumingin lang siya sa akin. "Yung ano..." sabi ko. "Ano'ng ugali nung Samuel?" I asked.
Kumunot ang noo niya. "Samuel?"
"Yung ka-frat mo," I replied.
"Tapos ka na kay Rhys, ngayon si Samuel naman? Ano? Next si Lui? Ako ba after ni Lui?" tanong niya.
Tinignan ko siya. "Ako 'wag mo akong hinahamon sa ganyan. Kapag ikaw pinatulan ko," sabi ko sa kanya tapos tinawanan niya lang ako. Lecheng 'to!
"Ano'ng meron kay Samu?" he asked. So, Samu pala ang nickname nung hudas na 'yon.
"Wala lang. Curious lang," I said although sure naman ako na hindi naniniwala sa akin si Iñigo dahil kailan ba ako nagtanong na walang dahilan?
"Okay naman siya," sagot niya.
"Mabait ba 'yon?"
"Oo?"
"Ano'ng oo? 'Di ka sure?"
"Ang labo naman kasi ng tanong mo," he replied. "Ang subjective naman ng pagiging mabait. Mabait in general? Siguro... Pero—" sabi niya tapos napa-hinto. "Bakit mo muna kasi tinatanong para alam ko kung ano ang isasagot ko?"
Tumingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba na tinrashtalk ko siya sa isip ko kaya nagkumpisal ako? Feel ko naman wala lang sa kanya 'yan after ng lahat ng chismis na nakuha niya sa buong batch namin. Ewan ko ba sa mga 'yon, masyadong insecure kay Iñigo. Ako lang ata proud sa kanya kasi working student pero ang ganda ng grades. Hanep sa time management.
"Wala," I said, waving my hand.
At dahil tama nga ako, walang dumating na professor. Lumabas kami ni Iñigo. Lately ay hindi namin kasabay talaga si Kitty dahil busy lumovelife si bakla. Okay lang naman din kasi minsan ay naaambunan ako kapag tinuturuan siya ni Jax. Ang talino nun, e! Mabait pa mag-explain.
Pagbaba namin ni Iñigo, naka-salubong namin iyong tatlong gwapo... Grabe... Package deal ba talaga sila? Bakit lagi sila magkakasama?
"Hi, Deanne," sabi nung si Lui.
Agad kong tinignan nang masama si Samuel. Shet siya! Sure ako sinabi niya kasi bakit naman magha-hi sa akin 'tong si Lui?!
"Uwi na kayo?" Lui asked. Tumango si Iñigo. "Sabay kayo?"
"Hindi—" sabi ko.
"Yup," sabi ni Iñigo tapos ay nagpaalam sa kanila tapos ay hinawakan iyong braso ko at hinila ako palayo. Ni hindi ko gets kung ano iyong nangyari dahil bakit bigla na lang kaming umalis? Hindi pa ako tapos tignan ng masama si Samuel!
"Wag ka na 'dun," sabi ni Iñigo. "Hanap kita ng lovelife sa med," he continued. Hindi na ako nagsalita kasi parang seryoso talaga siya na ayaw niya akong mapa-lapit sa mga 'yon... pero 'di ba 'friends' sila dapat kasi members sila ng iisang frat? Ang gulo naman nila kung frenemies talaga sila? Ano pa 'yang brotherhood kineme nila kung frenemies pala sila?
Nagbye ako kay Iñigo nung maka-uwi ako sa condo. Pagdating ko sa unit ko ay naglinis ako ng katawan at saka nagsuot na ako ng pajama. Tama naman si Iñigo na hindi ko kailangang gayahin iyong schedule niya dahil magkaiba kami ng ginagawa. Kaya naman nagdecide ako na manood ng Netflix na lang ngayong gabi.
I chose to watch Legally Blonde para naman maalala ko kung bakit ako napadpag sa sinumpang lugar na 'to. Kaya lang habang nanonood ako ay bigla akong nagutom. Wala na pala akong pagkain kaya naman kinuha ko iyong wallet ko at nagsuot ng jacket. Ang maganda lang talaga sa pagtira sa condo malapit sa school ay iyong maraming kainan na bukas kahit madaling araw pa.
Marami pang tao sa labas at saka ang liwanag pa kaya feel ko naman safe ako. Naglakad lang ako along the way habang nag-iisip kung ano ang kakainin ko.
Paikut-ikot lang ako at naghahanap ng makakainan nung mapa-hinto ako dahil nakita ko si Samuel na tumu-tusok ng fishball sa kawali.
Taena naman! Kung saan-saan ko nakikita 'tong taong 'to!
Hindi ko alam kung tatalikod ba ako o lalapit kasi balak ko rin bumili sana ng fishball at kwek-kwek, pero ayoko siyang kausapin. Badtrip pa rin ako dahil sa pagsabi niya kay Lui sa sikreto ko. I mean, hindi naman 'yon secret pero wala pa rin siyang karapatan na ipagkalat.
Naka-tayo lang ako roon habang pinapa-nood siya na maglagay ng fishball sa may plastic cup. Nung matapos siya ay naglagay siya ng mixture nung sweet and spicy na sauce at saka sweet and spicy na suka. Akala ko ay aalis na siya pero doon ata siya kakain. Nasaan na ba iyong mga friends niya at bakit dito 'to pakalat-kalat?
Habang papa-subo siya ng fishball ay bigla siyang napa-tingin sa gawi ko. Napa-hinto siya at napa-kunot ang noo.
"Sinu-sundan mo ba ako?" he asked.
"Wow, kapal ng mukha?"
"Nice outfit," sabi niya tapos bigla akong na-conscious dahil naka-Hello Kitty pajamas pa nga pala ako. Bakit ba? Matutulog na ako, e!
I frowned at him at saka lumapit na ako roon tapos nanghingi ng cup kay Manong. Tutal nandito na rin naman ako, e 'di bibili na ako ng fishball.
"Bakit mo sinabi kay Lui?" I asked habang tumu-tusok.
"Sinabi iyong ano?" he asked.
"Iyong sa confession."
"Wala akong sinabi," he replied.
"Sinungaling."
Hindi siya sumagot napa-tingin ako sa kanya. Medyo na caught-off guard ako dahil sa tingin niya sa akin. I cleared my throat.
"Whatever," sabi niya tapos ay nagbayad kay Manong at saka umalis. Pota, ang attitude?!
**
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top