Chapter 02

Chapter 02

Maaga akong dumating sa school. Hindi talaga ako mahilig mag-aral dito sa library dahil feeling ko ay mas mape-pressure lang ako dahil sa tindi ng pag-aaral ng mga tao rito. Medyo naranasan ko na iyong lumindol habang nasa library ako. Nung college ako, nangyari din iyon tapos ang una naming reaksyon ay lumabas ng building. Samantalang dito sa bago kong school ay natigilan lang sandali ang mga tao tapos ay balik sila sa pag-aaral na parang walang nangyari. Sobrang... wow. Ang intense?

Habang naghahanap ako ng mauupuan ko ay nakita ko si Kitty na katabi si Jax. Good for her! Ako na iyong nahihirapan kapag palakad-lakad siya sa second floor para sumulyap sa crush niya. Kulang na lang ay magdala siya roon ng table at upuan tapos doon na rin siya magklase.

Naka-kita ako ng free na upuan doon sa may medyo bandang dulo. Inilagay ko roon iyong gamit ko tapos lumabas muna ako para bumili ng kape. Bawal talagang magdala ng food dito pero parang wala namang may pakielam? Dami kayang kumakain dito.

Bumili ako ng kape doon sa may cafeteria. Pwede na rin pag pangmabilisan na kape. Pinalagay ko iyong kape doon sa may hydroflask ko para hanggang mamaya na sana. Pagbalik ko sa may library, medyo napa-hinto ako nang makita ko na mayroong naka-pwesto doon sa tabi ng mga gamit ko.

"Grabe naman ata ako magmanifest..." sabi ko sa sarili ko habang naka-tingin ako kay Rhys Arevalo na naka-upo roon at isa-isang inaayos ang mga gamit niya. Inilabas niya iyong libro niya sa civil procedure at naglabas ng pen capsule.

Shet. 'Di ko alam kung ano ang gagawin ko. 'Di naman niya alam na ako iyong naka-pwesto doon sa kabila? Saka bakit ba ako kinakabahan? 'Di naman niya alam na nagstalk ako kagabi?! 'Di naman niya alam na alam ko na ang pangalan niya ay Rhys Arevalo ang ang meaning ay inspired by God, na third year law student siya, na legal management ang pre-law niya, na may kakambal siya na med student, na vice president siya ng frat nila, na mahilig siyang magtravel. 'Di naman niya alam na alam ko 'yan!

"Kaya mo 'yan, girl," bulong ko sa sarili ko matapos huminga nang malalim at naglakad papunta sa pwesto ko. Bakit ba? Ako kaya nauna doon? Bakit ako mahihiya?

Nang hatakin ko iyong upuan ay napa-tingin siya sa akin. Medyo kumunot iyong noo niya—he's probably trying to remember kung saan niya ako nakita. Grabe? Kagabi lang 'yon? Para sa top 1 ng batch nila, ang hina ng memory niya, if ever!

"Deanne," I said matapos kong ipunin iyong kapal ng mukha ko.

"I know," he replied.

Tangina ka, Deanne... Dalawang salita lang sinabi sa 'yo, kinilig ka na agad?!

"Ah... okay," sabi ko na kunwari ay cool girl ako kahit sa totoo lang ay bakit ba ako nandito?! Sure ako na hindi ako makakapag-aral dahil paano ako mag-aaral kung katabi ko ang crush ko? Mas mukhang pagpapanggap lang na nag-aaral ang mangyayari ngayon.

Ibinalik niya na iyong atensyon niya sa pag-aaral. Sobrang pasimple ako na sumisilip sa ginagawa niya. He was wearing his white headphones para siguro walang ingay siya na marinig. He was only using his pencil to write his notes at minsan ay mag-underline o magbilog sa binabasa niya.

Nagtry din naman ako na magreview dahil may class naman talaga ako sa crim mamaya! Gusto kong lumandi sa happy crush ko, pero may balak din naman akong grumaduate!

I was in the middle of reading the cases nang biglang mapa-tingin ako dahil nakita ko sa peripheral vision ko na tinanggal ni Rhys iyong headphones niya. Kanina pa kasi siya nag-aaral at nandoon lang talaga iyong focus niya kaya naman nung ginawa niya iyon ay napa-tingin ako.

'Siya na naman?!' I said inside my head nang makita ko na kaya tinanggal ni Rhys iyong headphones niya at para kausapin si Charisse Faith Viste—oo, alam ko ang complete name niya dahil one sided mortal enemy ni Kitty 'yan. Kaagaw na nga ni Kitty kay Jax, pati ba naman sa crush ko? Ano 'to, lahat na lang?

"What's your class today?" tanong ni Rhys sa kanya.

"Transpo."

Tumango si Rhys tapos ay may sinabi pero mabilis na nagpaalam iyong si Cha dahil mag-aaral pa raw siya... pero nakaka-badtrip dahil hanggang sa paglalakad ni Cha palayo ay naka-tingin sa kanya si Rhys.

Gusto ko lang naman mag-aral pero bakit nasira ang umaga ko? Hirap naman magka-crush, leche.

* * *

Nung umalis si Rhys para maglunch ay kinuha ko iyong mga gamit ko at saka pumunta sa coffee shop sa labas at doon na ako nag-aral. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko kayang mag-aral sa tabi ng crush ko dahil iyon ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. Medyo humanga ako kay Kitty na kinakaya magpanggap na nag-aaral sa tabi ni Jax.

Nung malapit ng magsimula ang class namin sa crim ay naglakad na ako pabalik sa school. Naka-sabay ko si Iñigo na kaka-baba lang ng jeep.

"Natapos mo coverage?" he asked.

"Syempre hindi," sagot ko. "Bwisit kasi 'yang si Rhys."

Kumunot ang noo niya. "Si Rhys?"

"Oo. Alam mo ba tabi kami kanina?"

Napa-tingin siya sa akin. "Real life ba o imagination mo ang pinag-uusapan natin?"

Sumimangot ako. "Gago?" sabi ko tapos tinawanan ako.

"Bakit kayo tabi kanina?"

"Nauna kasi ako doon sa library tapos bumili lang ako ng kape. Pagbalik ko, nandoon na siya sa tabi ng mga gamit ko."

Tumango si Iñigo. "Okay... Bakit siya bwisit bigla?" tanong niya tapos nagkwento ako sa kanya sa nangyari kanina. Ewan ko kung bakit naiinis ako? Wala namang ginagawa iyong Cha sa akin. Saka 'di ko naman jowa si Rhys? Pero bakit ba? Main character ako ng buhay ko!

"Cha?" sabi ni Iñigo.

"Yung mukhang Chinese," I said. "Yung sinasabi lagi ni Kitty."

Tumango si Iñigo. "Ah..." sabi niya tapos hindi ko na naituloy iyong kwento ko dahil nakarating na kami sa classroom. Jusko. Sana naman ay maka-sagot ako ngayon for a change!

Pagdating ni Atty. Mercado ay nagsimula na agad ang recit. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko habang nagsshuffle ng classcard si Sir para sa bagong round ng recitation.

"Bakit ang saya mo?" tanong ko kay Kitty dahil ngiting-ngiti si gaga pagdating sa classroom.

She shrugged. "Wala. I just feel happy."

"Seriously? Where's the Kitty I know na stressed tuwing may lumalabas na bagong list of cases?" I asked her pero tinawanan lang ako na para bang nagjoke ako.

Nagsimula na iyong recit. Dasal ako ng dasal na sana ay 'wag na akong matawag sa kaso dahil nahihirapan akong magrecite sa ganoon. Mas gusto kong magrecite sa concepts dahil mas madali siyang iexplain para sa akin. Kapag kaso kasi ay hindi naman ako pwedeng mag-imbento ng facts.

"Manjarrez," pagtawag ni Sir.

Lord, kayo na po ang bahala.

"Ivler v San Pedro?" tanong niya sa lahat naman ng cases na binasa ko, doon pa talaga ako natawag sa pinaka-hindi ko naintindihan.

Huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang magrecite ng case. Alam ko naman iyong case dahil medyo sikat 'to. Medyo nagstruggle ako sa pagdiscuss nung decision ng court dahil feel ko ay masyado siyang kumplikado para sa first year na kagaya ko. Litung-lito ang pagkatao ko habang nagdidiscuss ako ng concept ng reckless imprudence resulting to homicide at kung ano ang connection niya sa double jeopardy.

Lecheng buhay 'to.

"Thanks," I mouthed when I saw Iñigo giving me a thumbs-up sign. Okay naman... pero ewan... feel ko kung iba ang natawag sa akin mas makaka-sagot ako.

Pag-upo ko ay huminga na lang ako ng malalim. No use naman kung magmumukmok pa ako. Nailagay na ni Sir iyong grade ko sa classcard ko.

"Nice one," sabi ko kay Kitty nang magrecite siya tapos ang ganda ng discussion niya doon sa case. Kinabahan pa naman ako para sa kanya kasi biglang tumalon si Sir. Usually kasi sunud-sunod siya magtanong. "Kabisado mo lahat ng case? How to be you?" I asked, but she just shrugged.

Nang matapos iyon ay as usual, kami na naman ni Iñigo iyong sabay na naglakad palabas ng school. Si Kitty ay parang si road runner na nawawala bigla kapag dismissal na namin dahil usually ay sabay kami ng dismissal ng crush niya.

"Maganda ba siya?" I asked Iñigo nung pagbaba namin ay makita namin si Cha na wala namang ginagawa. Naka-tayo lang naman siya sa may harap ng bulletin board at binabasa kung anuman ang naka-lagay doon.

Iñigo shrugged. "Sinungaling," I said.

Tumawa siya. "Ayokong magsinungaling kapag sinabi ko na panget para gumaan ang loob mo."

Umirap ako kasi totoo naman na maganda si Cha saka matalino pa... no wonder crush siya ni Rhys. Pero mukha namang 'di siya type ni Cha dahil parang wala naman iyong pakielam kanina nung kausap niya.

"Paano ba maging habulin ng lalaki?" I asked him dahil lalaki naman siya, so feel ko ay valid naman ang opinyon niya.

"What?" he asked na naka-kunot ang noo.

"Wala lang... curious lang..." sabi ko. Buong college life ko kasi ay wala akong jowa. Minsan iniisip ko na dahil lang 'yan focused ako sa pag-aaral, pero mas madalas ay naiisip ko na isa ako sa mga babae na hindi ligawin. Awkward din ako lumandi. Tanging kapal ng mukha lang ang mayroon ako.

"Gutom lang 'yan," sabi niya sa akin.

"Ano'ng type nung Rhys?" I asked.

"Bakit ako tinatanong mo?"

"Best friend... or ex mo iyong kambal niya," sabi ko. Napa-tingin siya sa akin. "Oo, inistalk ko siya. Inaamin ko."

"Grabe... malala ka na."

Umirap ako. "Naka-public naman profile nila! For public consumption," sabi ko. "So, ano nga type niya?"

"Di ko alam," sabi ni Iñigo. "Di ko naman close 'yon. 'Di ko alam mga ganon."

"Yung sa kagabi?" I asked.

"Wala 'yun," he said. I knew it was something related to frat, but I didn't ask dahil mukhang ayaw niya namang pag-usapan. Okay lang naman. 'Di naman ako nagtatanong pa kapag ramdam ko na ayaw pag-usapan.

"Di ko lang sigurado kung ganoon pa rin, pero alam ko mahilig 'yan sa matalino," sabi bigla ni Iñigo.

Sumimangot ako. "E 'di wala na agad ako!"

Tumawa siya. "Malay mo naman changed person na siya."

"Gago, para ka na ring nag-agree na bobo ako!" sabi ko sa kanya tapos ay tinawanan niya lang ako hanggang sa makarating na kami sa harap ng condo ko tapos ay pumasok na ako roon at siya naman ay sumakay na sa jeep pauwi.

* * *

That night, nag-aral ako nang mabuti. Ewan. Dahil ba kay Rhys? 'Di ko sure. Pero ang mahalaga, inspired akong mag-aral. Nakaka-hiya naman sa magulang ko na nagbabayad ng pagkamahal-mahal na tuition sa school na 'to tapos ay puro ako bagsak!

Iyong mga sumunod na recit ay okay naman... merong mga pangit pa rin, pero merong magaganda. Nag-aral ako nang mabuti para sa midterms exam. Ni hindi ako nagnetflix at talagang nag-aral lang ako. Nagsimba pa nga ako kay St. Jude para lang sa mataas na grade! Medyo weird lang dahil nakita ko na nandoon din si Samuel. Bobo rin ba siya na nagdadasal para sa grade?

"Lord, please..." sabi ko habang nandoon ako sa gilid ng chapel at naka-upo. Ngayon kasi ilalabas iyong grades para sa midterm standing. It's a third of my grade. Kailangan ko ng at least 75 para hindi ako maghingalo na maghabol sa finals period.

Huminga ako nang malalim. Binuksan ko iyong school email. Nakita ko na may email na roon galing sa school. Napaawang ang labi ko nung makita ko iyong grades ko.

Mommy calling...

Napa-tingin ako sa likod ko. Talagang dito pa ako tinawagan ni Mommy kung saan hindi ako pwedeng magsinungaling! Tumayo ako at naglakad sa medyo malayo.

"Hi," sabi ko nung sagutin ko iyong tawag.

"Kamusta iyong grades?" she asked kasi nung isang gabi ay bigla akong nag-emote at tumawag ako sa kanya at umiyak at sinabi na nahihirapan na ako sa school na ito at gusto ko ng umuwi sa Mindoro at magbeach na lang.

"Okay naman po..." I said because... I really didn't have the heart to tell her na iyong unica hija niya ay naghihikahos sa law school. Nung sinabi ko sa kanya na nahihirapan ako, ramdam ko na mas nahirapan siya para sa akin. Since that night, I'd decided to only share the good things with them. Kaya ko naman 'to... Nag-aadjust pa lang siguro ako. First sem pa lang naman.

"Sabi sa 'yo, e, magtiwala ka lang sa sarili mo," sabi niya na napa-ngiti ako at hindi ko alam, pero medyo naluha ako dahil sa tiwala na meron siya sa akin kahit ako mismo sa sarili ko ay walang tiwala sa akin.

Nang matapos iyong tawag ay dumiretso ako sa chapel. Lumapit ako roon sa may kumpisalan.

Nagsign of the cross ako. "Lord, forgive me for I have sinned," panimula ko tapos ay nagkumpisal ako sa pagsisinungaling ko kay Mama. Nagkumpisal na rin ako pagta-trashtalk ko kay Cha at Iñigo dahil feel ko ay kina-karma ako dahil doon. Nang matapos ako magkumpisal ay hinihintay ko na ang sasabihin ni Father sa akin kung ano ang kailangan kong dasalin. But almost a minute passed at wala akong narinig. Sinubukan kong sumilip sa mga butas doon para makita kung naka-tulog ba si Father sa loob or what... nang manlaki ang mga mata ko nung magtama ang mga mata namin ni Samuel. 

**
This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top