Chapter 01

Chapter 01

"Sige, enjoy ka lang d'yan," sabi ko kay Kitty habang nasa second floor kami. Wala pa iyong prof namin, although feeling ko talaga ay hindi siya dadating ngayon. Ewan ko... meron talaga akong sixth sense sa mga ganitong bagay. Sinabi ko naman na kina Iñigo na sure ako na walang dadating na prof, pero ayaw nilang maniwala. E 'di 'wag. E 'di sabay-sabay kaming maghintay hanggang 9:30PM dito.

Habang naglalakad si Kitty sa may harap ng classroom ng forever crush niyang si Jax, naka-tayo lang ako sa isang gilid. Buong araw akong nag-aral. Nakaka-inis nga kasi no choice ako at napunta ako sa section na 'yon! Hindi naman ako ganoong katalino! Feel ko talaga kasalanan 'to ng nanay ko na masyadong generous sa pagbibigay ng mga kakanin sa prof ko nung college, e. Ayan tuloy, napunta si gaga sa section ng mga laude.

"Okay na?" tanong ko kay Kitty nung nasa harapan ko na siya ulit.

She nodded, grinning. "Yeah, I'm okay!"

Natawa ako sa kanya. Kanina lang ay ang gloomy ng babaeng 'to for some reason tapos ngayon ay para siyang powerbank na fully charged na ulit.

"Saya talaga ng may crush," I said.

"Hanap ka na rin ng crush mo," she replied. "But 'wag si Jax."

"Di ko naman type, sis. Don't worry," sagot ko sa kanya.

"Good," she replied. Mukhang seryoso naman kasi ang isang 'to na mangangalmot ata kapag may ibang nagka-crush sa crush niya. I mean, gets ko naman. Gwapo naman talaga iyong si Jax, pero since alam ko na patay na patay sa kanya 'tong kaibigan ko, syempre automatic off limits na 'yan. Girl code!

"Nasaan na ba ang mga gwapo sa school na 'to?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa hagdan. Nasa third floor kasi iyong mga first years na gaya namin. Nasa second floor iyong mga second year kagaya ni Jax. Nasa first floor naman iyong mga third years at nasa kabilang building iyong mga fourth years aka mga untouchables dahil hindi na sila pwedeng ma-evict sa college na ito.

"Marami namang gwapo," Kitty said.

"Nasaan?"

"Iñigo?"

I faked a gag. "Yuck."

She laughed. "Grabe! He's cute naman!"

"Acute kamo," I said.

"Maven?"

"Intimidating," I replied. It's true, though! Super intimidating ng tao na 'yon! As in never ko nakausap. Feeling ko friendly naman ako na tao pero hindi siya kaya ng powers ko.

"Really?" parang 'di makapaniwala na sabi ni Kitty. "I think he's nice naman. Sinubukan mo na bang kausapin?"

"Hindi."

"Tapos intimidating agad?" sabi niya.

"Bakit ko naman kakausapin? Ano itatanong ko, sige nga?"

She shrugged. "Ask him about school stuff."

"Baka abutan ako ng syllabus bigla."

Natawa siya. "Na-imagine ko bigla!"

"Right?! Feel ko talaga aabutan lang ako ng syllabus nun o kaya book."

"Try mo magpa-help kay Iñigo? I think kilala niya si Maven?" she suggested.

Pagbalik namin sa room, akala mo mayroong dumaan na anghel dahil sobrang tahimik doon. Nagbabasa ang mga tao ng libro o codal. Wala kang ingay na maririnig bukod sa pagflip ng pages ng libro. Mayroon ding mga nagbabasa ng cases. Sobrang hanga ako sa iba dahil binabasa nila iyong full texts—digest girl through and through kasi talaga ako. 'Di ko keri iyong full text ng mga kaso.

Naupo na kami sa pwesto namin. Iñigo was napping—na feeling ko okay naman kasi nakaka-sagot naman siya kapag may recit kami. Badtrip nga nung una si Kitty sa kanya kasi madalas magkasunod silang natatawag. E 'di laging pale in comparison si Kitty kay Iñigo. Pero mabuti na lang friends na sila ngayon.

I tried to study din dahil pakiramdam ko ay may peer pressure pero naaral ko na kasi 'to kagabi at kaninang buong araw. Nakakapagod basahin ulit kasi feel ko paulit-ulit na. Lumabas na lang ako dahil nakaka-tuliro iyong katahimikan sa loob ng classroom.

"Good morning," pagbati ko nung makita ko si Iñigo na lumabas din. He was stretching and yawning.

"Wala talaga si Sir?" he asked.

"Kanina ko pa kaya sinasabi," I said. "Borromeo," I called.

"Manjarrez," he replied.

"Friends kayo ni de Marco?"

Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. "Ano na naman 'yan?" tanong niya agad kahit wala pa nga akong sinabi!

"Grabe, nagtatanong lang!"

"Di ako naniniwala sa mga 'tanong' mo," sabi niya na may airquotes pa.

Umirap ako. "Deh, ano nga? Friends kayo?" I asked kasi minsan nga nakikita ko nag-uusap sila.

"Bakit muna?"

"Ako kaya unang nagtanong?"

"First come, first serve ba 'to?"

"Bilis na. Daming ebas," sabi ko.

"Di kami friends; magkakilala lang," sagot niya. "Bakit mo tinatanong? Papa-lakad ka?" he asked, his left brow arched a little like he was challenging me kung sasabihin ko na oo.

"May girlfriend ba 'yun?"

"Di ko alam."

"Tsk."

"Balak mo bang maging future first lady?"

"Yuck—hindi, ah. Wala akong balak pumasok sa politics," sabi ko sa kanya kasi as in never in my dreams! Feel ko kasi ako iyong klase ng tao na madaling madala sa tukso. Kaya kahit na no to corruption ako, feel ko kapag napalibutan ako ng mga ganong tao ay eventually, magiging ganoon na rin ako. So prevention is better than cure talaga.

"May ibang gwapo ka pa bang ipapakilala?" I asked.

Nilahad niya iyong kamay niya. "Iñigo Borromeo nga pala."

Napa-kurap ako dahil 'di ko agad na-gets. "Gago," sabi ko nung ma-realize ko na siya pala iyong gwapo na tinutukoy niya.

"Grabe, 'di naman ako panget!" sabi niya.

"Wala akong sinabi na ganyan," sagot ko. "Crush mo kaya si Kitty."

"Di, ah."

"Swear on your BAR?" I asked him, my brow arched.

Napa-talikod siya at napa-hawak doon sa iron grills. Bakit kaya kailangan pa ng iron grills dito? May nagtangka na kayang tumalon?

"Crush lang naman," pag-amin niya.

"Kilala mo naman crush nun, 'di ba?" I asked because it's not like binubuking ko si Kitty! Alam nga ata ng buong college of law na crush niya si Jax, e.

"Malamang," sagot niya.

"Yung crush mo may crush na iba? Sakit naman niyan, erp," sabi ko habang tinatapik iyong balikat niya.

"Crush lang naman."

"Okay lang 'yan," sabi ko habang tinatapik pa iyong balikat... pero mukhang tunay nga na mabilis ang karma dahil nakita ko si Sir na naglalakad papunta sa classroom namin. Oh, shit!

* * *

May quiz.

Tapos recit.

Sa thirty minutes na natitira sa klase namin ay nagawa ni Sir na magquiz kami at magrecit. Lahat kami ay natawag! Nagmamadali ata siya dahil kapag hindi ka naka-sagot in five seconds ay sasabihan ka lang niya ng 'thank you, Manjarrez' kagaya nung sinabi niya sa akin kanina nung pinagrecite niya ako ruling sa isang case and for the life of me, hindi ko maaalala iyong ruling dahil ni facts ay hindi ko rin maalala!

Karma ko talaga 'to. 'Di ko na ulit tutuksuhin si Iñigo.

"Si Kitty?" I asked nang matapos ako sa pagmumukmok dahil feel ko bagsak na ako sa quiz at pangit pa iyong recit ko.

"Umalis na," sabi niya. "Di mo ba narinig na nagsabi kanina?"

Umiling ako. Sabay kaming lumabas ni Iñigo sa classroom. Almost 10PM na rin pala kaya wala na halos tao sa school. Kaming College of Law na lang ang nandito kapag ganitong oras.

"First sem pa lang pero pagod na ako," reklamo ko.

"Itulog mo na lang 'yan," sabi niya.

"Di ba working ka?" I asked and he nodded. "Paano mo napapagsabay?"

He shrugged. "Wala naman akong choice."

"Paano schedule mo?" I asked kasi kanina nung natawag siya, case din naman iyong natanong sa kanya pero nasagot ni Iñigo iyong ruling nung Supreme Court—naisingit pa nga niya iyong isang related case na pinagbasehan nung ruling.

"Trabaho umaga tapos aral sa gabi."

"Mag-aaral ka pa mamaya?"

He nodded. "Syempre kakain muna ako tapos magpapahinga pero mag-aaral ako bago matulog," he replied.

"Grabe... Nanonood lang ako ng Netflix after class," I said... and then wondered kung kaya ko rin bang iadjust iyong schedule ko para gayahin iyong kay Iñigo. Kasi kung siya nga na working nagagawa, ako pa kaya na scholar ng magulang ko?

"May buong araw ka naman kasi bukas para mag-aral," he replied. "Wag mong icompare 'yung sched ko sa sched mo. Magka-iba naman tayo ng ginagawa."

"Ikaw nga naka-sagot kanina kahit working tapos ako na hindi naman working parang tanga kanina. Ang bobo ko talaga—" sabi ko tapos ay napa-hinto ako dahil mayroong tatlong gwapong lalaki ang nasa harap ko ngayon.

Tangina, Deanne? Kanina lang stressed ka sa kabobohan mo sa school, tapos ngayon naman lalaki na agad iniisip mo?! Iba rin talaga priorities mo sa buhay!

"Pupunta ako bukas," biglang sabi ni Iñigo kahit wala namang nagsasalita doon sa tatlong gwapo sa harapan namin.

Tumango iyong nasa gitna. He looked serious... medyo ka-vibes niya iyong forever crush ni Kitty. Tumingin ako roon sa dalawa—iyong isa mukhang playboy dahil sa paraan ng pagngiti niya. Iyong pangalawa ay mukhang may past bilang sakristan dahil ewan... may vibes siya na ganoon.

Ang gwapo nung nasa gitna.

Shet. Same pa ata kami ng type ni Kitty!

"Also, Gracey's birthday," biglang sabi nung lalaki.

Tumango si Iñigo. "Alam ko."

Tumango lang din iyong lalaki. Tumingin siya sa akin. Gusto kong sikuhin si Iñigo para sabihin na ipakilala niya naman ako pero mukhang nasa ibang planeta iyong utak ng lalaki na 'to dahil wala siyang sinasabi?! Weird ba kung ako na mag-introduce sa sarili ko?

"Deanne," I said. Feel ko medyo nanginginig pa iyong boses ko. Wala naman kasing ganito ka-gwapo sa Mindoro! Kaloka!

"Lui," biglang sabi nung moreno na mukhang playboy.

"Samuel," sabi nung ex-sacristan. Bakit ganoon? Parang naiimagine ko siya na naglalakad sa simbahan at may dalang bible?

Tumingin ako sa crush ko. Grabe? Pa-yummy? Pangalan lang, e! Damot!

"Rhys," sabi niya finally!

'Small talk, D!' sabi ko sa sarili ko. Ngayon mo ilabas ang daldal mo! Gamitin mo lahat ng natutunan mo sa paghohost sa mga talkshow nung nasa college ka!

Pero bago pa man ako makapagsalita ay nagpaalam na sila.

"Tomorrow, 11PM," sabi nung Lui tapos tumingin siya sa akin at ngumiti. "Nice to meet you, Deanne," dugtong niya bago sila naglakad tatlo paalis.

At pagkaalis na pagkaalis pa lang nila, mabilis kong hinampas si Iñigo sa braso niya dahil napaka-walang kwenta niyang kaibigan!

"Aray naman!" sabi niya nung finally ay nagising na siya.

"Di mo man lang ako pinakilala!" sabi ko.

"Nagpakilala naman sila," he said.

"Ka-batch natin 'yung Rhys?" I asked.

"Hindi," he said. Pinanlakihan ko siya ng mata. Para sa isang tao na ang daming details na sinasabi kapag nagrerecite, napaka-walang kwenta niyang kausap ngayon. "Third year na 'yon."

"Iyong dalawa rin?"

"Second year," sabi niya.

Grabe... Nasa second year ata ang tunay na pag-ibig. Doon din iyong batch ni Jax. Nandoon din si Yago na ex-crush ko. Bakit ba hindi ako doon napunta na batch?

Hanggang sa maka-labas kami ng school ay tinanong ko lang si Iñigo tungkol sa tatlong lalaki pero napaka-damot sa details! Akala mo naman 'di kami friends!

Sinabayan ako ni Iñigo na maglakad papunta sa condo ko. Nagrerent kasi ako dahil tiga probinsya ako at wala kaming bahay dito. Saka doon ata siya sumasakay ng jeep sa malapit sa condo ko. In fairness naman dito kay Borromeo ay mabait naman din talaga. Minsan lang walang kwenta.

Pagdating ko sa condo, naglinis lang ako ng katawan. I forced myself not to open the TV dahil sabi ko talaga ay magbabagong buhay na ako. Binuksan ko na iyong laptop para tignan kung ano iyong coverage... pero ang traydor kong kamay ay biglang napunta sa Facebook.

'Rhys Arevalo,' I typed on the search bar and instead of reviewing as planned, I stalked him on all his social media accounts. 

**
This story is 8 chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top