One Shot : Dreamcatcher

Happy 2k+ Readers HAFS!! :))

Please Read My New Story "Marrying My Professor" hindi po siya KN. Kahit po hindi siya KN sana po supportahan niyo pa din po. Salamat~! :)))

Ito na yung Request mo @Baby-Peng yung Dream Catcher! ;)

It's only an One Shot! :)))

Xx

___________

One Shot : Dream Catcher

Kath's POV

*In Baguio*

Hayyyyy!!! Ang sarap talaga dito sa Baguio! At ang lamig pa! Nakaka relaxed!

Biglang may yumakap sakin sa likod ko.

"Good Morning, Baby." Sabi ni DJ with his Husky Voice. Kakagising niya pa lang, eh.

"Good Morning din!" Nilagay niya yung baba niya sa balikat ko kaya hinalikan ko siya sa pisngi. Napa automatic na nag smile siya.

"Bakit sa pisngi? Dapat sa lips." Tapos kinindatan niya ko. Hinampas ko nga yung braso niya pero mahina lang. Napa chuckled na lang siya.

"Kumain ka na ba, Babe?" Umiling siya.

"Halika, ipaghahain kita." Sabi ko. Hihilahin ko sana siya pero hinawakan niya yung bewang ko kaya napalapit ako sakaniya.

"Ayaw ko nun. Gusto ko ikaw ang kainin ko." Nanlaki yung mata ko. Aba! Namimihasa, ha! Lahat yata ng dugo ko umakyat nasa mukha ko! >__<

"Joke lang, Baby. Alam kong pagod ka pa." Ngumiti siya nangnakakaloko. Sinukmuran ko nga. Kaya napabitaw siya sa pagkapit sa bewang ko at napahawak sa tiyan niya.

"Buti nga sayo! Bleehh!" Iniwan ko siya dun namimilipit sa sakit ang tiyan niya. >____< Bwisit na, Bakulaw na yun!

Naghain na ako ng pagkain. Nakita ko si DJ napapunta dito sa kusina. Lumapit siya sakin.

"Uyyy, Baby! Sorry na...." Hindi ko siya pinansin. Busy ako magtimpla ng kape namin.

"Baby...." Wala ako naririnig! Bwisit siya! Inopen niya pa talaga yung topic na yun! Eh, ang awkward awkward kaya para sakin! >__<

Nilagay ko na sa Lamesa yung kape at umupo. Umupo din siya sa harapan ko.

"Baby, sorry na talaga... Uyy!" Kukuhanin ko sana yung fried rice nang hawakan niya yung kamay ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Baby, naman eh! Para na kong sirang plaka! Sorry na talaga!" Napa rolled eyes na lang ako.

"Oo na! Ok na!"

"Talaga?!" Hindi mapaniwalang sambit niya.

"Gusto mong bawiin ko?"

"Sabi ko nga! Ok na tayo!" Ngumiti siya sakin at binitawan na yung kamay ko kaya nakasandok na ko ng fried rice.

"Swosh.. (So) Saansha tayosh pupuntash?" Tanong niya nang puno ang bibig ng pagkain. Napa chuckled na lang ako. Ang cute cute niya kasi eh!

Ok! Ang moody ko, today!

"Sa... Uhmm.. Punta tayo sa Wright Park then picture picture tayo sa The Mansion! At punta tayo sa Botanical Garden!" Excited~! Actually, Dito namin naisipan na Maghoneymoon. Ayaw ko na kasi lumabas pa ng bansa. Tsaka maganda din naman dito, ah! Malamig din~!

"Ok, Boss!" Sabay salute niya pa. Napatawa na lang kami.

Pagkatapos ng chitchat namin. Natapos na din kaming kumain.

"Babe, ligo na ako ah!"

"Geh, Baby! Ako na bahala dito." Pumunta na ko sa kwarto namin at nag ready nang susootin namin. Kinuha ko na yung twalya at pumasok nasa CR.

Napatingin ako sa may likod. Shemay~! Meron nga pala ako ngayon! Buti na lang may dala ako!

Toothbrush, Hilamos, Buhos, Shampoo, Sabon, buhos, buhos, buhos.. Then! Tapos na!!

Pinulupot ko na yung twalya ko sa katawan ko at lumabas nasa CR. Pagkalabas na pagkalabas ko, bumungad sakin si DJ na nakaupo sa kama.

"Naks! Sexy naman ng asawa ko!" At ngumiti ito nang nakakaloko. Nag make face lang ako. Umiinit bigla ang pisngi ko. Ghadd~! Namumula nanaman ako! Alam na alam talaga ni Bakulaw kung paano ako papakiligin eh, noh.

"Maligo ka na nga!" Bulyaw ko sakaniya habang naglalagay ako ng lipgloss sa lips ko.

"Wala akong twalya! Nasa sayo!" Tapos nakita ko siya sa salamin na nag smirked. >___< Nangaasar nanaman toh

"Duhh! May twalya pa kaya sa Cabinet!" Mwahaha~! Akala mo maiisahan mo ko? No Way, Highway!

"Talaga?" Ngumiti ito nangnakakaloko at tumayo at binuksan ang cabinet. "Bakit wala?" Huh? Paano mawawala dun yun, eh kanina doon nga ako kumuha ng twalya. Napakunot ang noo ko at pumunta sa gawi niya.

"Paano ma----" Wala nga! Paano nangyari yun? Ano yun magic? Bigla na lang mawawala at lalabas na lang ng kusa kung hindi na kailangan?

Tumingin ako sakaniya nang nakakunot ang noo ko.

"Paano mawawala yun dito? Wala namang ibang tao dito kung hindi ikaw at ako lang..." Napatingin ulit ako sa Cabinet at pinagmasdan.

Wait....

Parang may nakita akong Color Blue na parang twalya na nakataklob sa damit niya.

Kukuhanin ko sana nang bigla niyang sinarado yung Cabinet. Muntik nakong maipit, ah!

"Ano ba?! Iipitin mo ba ako?! Tsaka bakit may nakatagong twalya dun sa may damit mo?" Ngumiti ako nang mapangasar. Akala mo talaga maiisahan mo ko. Tsk tsk tsk! Wise yata toh, mHeN! Bakit naging Jeje nako ngayon? Jejeje! #JejeStalker

"Y-yun? Hindi y-yun twalya! P-polo yun! O-oo tama! Polo yun! He-he-he!" Nag smirked ako sakaniya at kumapit sa may batok.

"Bakit nauutal, Babe?"

"A-ano? H-hindi ah! Geh, maliligo nako! Sunod mo na lang sakin yang twalya." Sabi niya at kumawala nasa bisig ko. Lolz! Dumiretso na siya sa CR. Mwahaha~! I always win!! Kath - 1 point.      DJ - 0. ;)

-----------------

Nandito kami ngayon sa Wright Park! Hindi pa kami nakakaakyat. Pinagmamasdan ko lang yung hagdanan kung keribells ko ba yun?

Dito sa baba, may mga kabayo. Waahhh~! Gusto ko sumakay! Pero, may trauma na kasi ako eh! Iyaakkk~! Kasi nung bata ako, nalaglag ako sa Horse Riding! Buti na lang hindi tumama ang Beautiful Face ko!

Nag picture picture muna kami ni DJ bago kami umakyat.

Nasa kalagitnaan na kami  nang mapagod ako.

"Babe, ang sakit na ng legs ko." Pumwesto siya sa harapan ko at lumuhod patalikod.

"Anong gagawin ko diyan?" Curious na tanong ko.

"Sasakay? Peggy back ride?" Napasapo na lang ako ng noo ko. Bakit ang slowpoke ko?

Sumakay na ako sa likod niya at nagstart na siyang umakyat ulit.

"Awwww! Ang sweet nila!" Tuwing may nadadaanan kami yan ang naririnig ko.

"Waahhh~! Ang gwapo niyaaa~! Mukha silang magkapatid!" Aaaannooo??!!! Gusto mo bang ilublob kita sa kumukulo na asido?! Sinamaan ko nga nang tingin ang nag sabi nun.

"Hala~! Baliw ka kasi, bakla! Mukha kaya sila mag jowa! Hindi magkapatid!"

"Aww! Sayang! Inggit akooo~!" Yeaahh! Mamatay ka sa inggit! Buset!

Sinandal ko yung baba ko sa shoulder niya.

"Babe...."

"Hmmm?"

"Mahal mo ko diba?"

"Sobra kitang mahal! Higit pa sa buhay ko!" Namula naman ako sa sinabi niya. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa mundo! Nakakilala ako ng lalaki na nagmamahal sakin ng tunay!

Yung iba sinasayang lang nila ang pagmamahal ng isang lalaki. Makikipag break ng walang dahilan. Happiness lang niya ang iniisip niya. Hindi niya alam na may nasasaktan na pala siya. Sabihin niyo nga sakin. Bakit may mga ganyan na tao? Parang nilalaro lang nila ang Love. Kapag pinagsawaan itatapon na lang, tapos nakakita ng bago pagsasawan ulit.  Tsaka kapag may manliligaw sayo, wag kang basta't basta sumasagot! Hindi mo din alam ang nararamdam nila kapag makikipag break ka ng "No Reason". Okkkk.. Masyado nakong humuhuGOAT! Hahaha! nakita ko lang yan somewhere over the rainbow!

"Baby, baba ka na. Nandito na tayo." Tumingin ako sa mga paligid at bumaba nasa pagkapeggy back ride ko.

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Baby, picturan kita." Sinunod ko naman siya at nag pose pose lang ako. Nag selfie selfie din kami. Habang nililibot ko ang aking mga mata sa ganda ng place ay may nakita akong Dreamcatcher na kwintas.

Kinalabit ko si dj na busy yata mag upload ng mga pictures.

"Bakit, Baby?"

"Babe, bili mo ko ng Necklace na dreamcatcher, yun oh!" Sabay turo ko sakaniya na may mamang nagtitinda nun. Napakunot naman noo niya.

"Babe, pleaseee~!" Sabay puppy eyes ko sakaniya. Sana umubra!!

"K."

"Waaahhh~! Thanks, Babe! I love you! Hihihi~!" Hinila ko siya sa may nagtitinda ng dreamcatcher.

"Hii~! Kuya Manong! ^__^ Magkano po yan?" Turo ko sa dreamcatcher na necklace.

"100 pesos isa, iha."

"Dalawa nga po!" Tumingin ako kay dj na may malawak na ngiti sa aking mga labi. ^_________^

"Bakit dalawa?"

"Tig isa tayo, babe!" Sinuot ko sakaniya yung isa at sinuot ko din yung akin,

"Thanks, Baby" sabi niya sabay halik sa lips ko. Kaya ko yun binili para hindi na kami magkaroon ng mga Bad Dreams ba.

>>>>> THE END OF ONE SHOT : DREAMCATCHER <<<<<

___________

Sorry!! Ang sabaw! One Shot lang po ito! Hindi ito related sa HAFS! Siningit ko lang dito! Hehehe! Para isahan ba! ;)

Requested by : @Baby-Peng

Magkakaroon din dito sa Chapter something na may title ding "Dreamcatcher".

Then, Read My New Story, tignan niyo po sa Profile ko! :) Prologue pa lang po ang napapublished ko. Kapag naka gawa nako ng Chapter 2 doon tsaka ko lang ipapublish yung 1! :))

Yun lang po!

Malapit na ang Graduation!! :')

#March202015

Vote and Comment!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top