Chapter 24 : Double Meanings

Sorry!! Ang tagal ko mag UD! Babawi ako dito sa Chapter na toh! *wink*.

Ready your Handkerchiefs.....

___________________

Chapter 24

Kath's POV

*knock knock*

"Hmmm.." Ungot ko. Ugh! Ang aga aga! Tsaka Saturday ngayon, ibig sabihin pwede akong matulog mag damag!!

*knock knock*

Kinuha ko yung unan sa tabi ko at tinakpan ang tenga ko.

*knock knock*

Futamese! Isa pang katok, makakatokan ko yan.

*knock knock*

Bumalikwas na ko sa kinahihigaan ko at binuksan yung pinto ng kwarto ko.

"Ano bang kai------ O___O" Wala namang tao. Tumingin ako sa baba. Patay lahat ng ilaw. Di kayaaaa... Kyaaaahhhh! May multo?! Kyaahhh! Dali dali kong sinarado at nilock yung pintuan ko at dali daling humiga sa kama at nagtalukbong.

*knock knock*

Kyaaahhhh! Yan nanaman! Dahan dahan akong tumingin sa side para makita ko kung anong oras na.

3:00 AM!!!

Waaahhhhhh! Devil's Hour! Lalo ko pang siniksik yung sarili ko sa kumot. Huhuhuhu! Mommy, Daddy!!!! Wuuuwaaahhhh!!!

Feeling ko anytime babagsak na yung luha ko sa takot.

*knock knock*

Kyaaahhh! Yan nanaman! Wuuwaahhhuhuhu!

Kathryn Chandria Bernardo. Wag kang matakot, okay? Mawawala din yan. Balewalain mo na lang yung katok ng katok.

*knock k----*

"Kyaaaahhhh!" Wala na! Natakot na ko! Tumayo ako at pumunta sa may sulok ng kama.

"K-kath..." Boses na nangangatog.

Huwaaahhh~!! Katapusan ko na!!!

Tumingin ako sa terrace ng kwarto.

O___O

M-may t-tao...

Basang basa...

Doon ko lang narealize na umuulan pala ng malakas.

Sa anino nito... Mukhang lalaki... Matangkad...

Parang nawala yung takot ko.. Pero may half pa din...

Mamaya rapist pala yung umakyat sa terrace ko.

Tumayo ako at pumunta sa may terrace.

Bubuksan ko sana yung sliding door....

Bigla siyang tumingala....

Puno ng dugo yung mga mata niya!!

Yung balat niya parang nanglalagas!!

Tumingin ito nang nakakatakot sakin...

-----------

"Kyaaaaahhhhhh!!!" Tili ko.

Napabalikwas ako sa kama.

Napatingin ako sa terrace. Hooo! Thank God at panaginip lahat ng yun!

May sikat na nang araw.

Ghad! Ang super creepy nung guy sa panaginip ko! >___<

Tumingin ako sa wall clock ko.

9:00 AM

Tumayo na ko at pumasok sa CR.

Hilamos, toothbrush, mumog, hilamos, ayos buhok then.. Tada! Maganda na ko! Chos!

Lumabas na ko ng kwarto ko at bumaba.

"Good Morning!" Masayang bati ko sa lahat ng Maid namin. Nakasalubong ko kasi sila na naglilinis sa Living Room.

"Good Morning, Ma'am Kathryn!" Chorus na sabi nila.

"Nakoo! Ilang beses ko ba sasabihin sainyo na wag niyo na kong tawaging Ma'am. Kathryn na lang." Tumango naman sila.

"Opo, Ma--- este Kathryn po!" Chorus nanaman na sabi nila. Yung totoo? Planado ba toh? Chos!

Dumiretso na ko sa Dining Room.

May mga nakahandang pagkain sa hapagkainan pero wala pa sina Mommy and Daddy.

"Manang, nasaan sina Mom and Dad?"

"Nauna na sila. May inaasikaso sila sa Company ninyo. Sabi ng mommy mo ipaghanda na daw kita ng breakfast pagkababa mo." Tumango tango lang ako.

Umupo na ko at nag start nang kumain.

Nasa kalagitnaan ako sa pagkakain ko nang may biglang nangbulabog.

"Good Morning, Kathrenggg!!!"

Napatakip ako sa tenga ko. Ang lakas talaga nang boses nitong babaitang toh!

Sinamaan ko siya nangtingin. Nag peace sign naman siya at umupo sa harapan ko.

Kumuha siya nang tinapay at kumain.

"Tsk! Wala bang pagkain sainyo?" Biro ko.

"Hmmm.. Meshro namshan."

Wala talaga tong manners!

"Alam mo, bes. Hinay hinay lang sa pagkain. Mamaya maging salbabida ka na jan." Biro ko.

Sinamaan niya naman ako nangtingin.

"I don't care. Masarap kayang kumain!" Sabay inom niya nang juice.

"Tss. PG much!" Asar ko.

Nag make face lang siya kaya napa chuckled na lang ako.

Tapos na kaming kumain kaya niyaya ko siya sa kwarto ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay sa Study Table ko kaagad siya pumunta at inopen yung Macbook ko.

Ganyan naman palagi ang routine nitong babaitang toh! Tuwing weekends nandito sa bahay. Makikikain, makikipagchikahan, magiinternet.

Umupo ako sa kama ko at nag cellphone.

"Bes, punta kanila Quen." Napakunot naman noo ko.

"Ano naman gagawin natin dun?"

"Kachat ko kasi siya ngayon. Birthday kasi ng kapatid niya. Si Ella! Iniimbita tayo."

"Oh! Shoot! Akala ko bukas pa! Ngayon na pala!" Napasapo ako sa noo ko. "Nakabili ka na ba ng regalo?"

"Hindi pa. Hehehe."

"Tara bili tayo!" Tumayo na ko sa kama. "Ano?"

"May bukas kayang mall?"

Napa facepalm na lang ako.

"Edi, kanila Diego tayo! Itetext ko siya na pupunta tayo sa mall nila!"

Yup! May mall din sila Diego. Ang yaman nila noh?

Tumango tango naman siya at pinatay na yung laptop ko.

Tumayo na siya.

"Maganda na ba ko?"

"Oo! Maganda ka! Mataba nga lang!" Sinamaan niya ko nangtingin.

"Kesa naman sayo, patpatin!" Sabay dila niya sakin.

Nag make face na lang ako sakaniya at lumabas na kami sa kwarto ko.

Nakasalubong namin si Manang pababa.

"Oh, mga iha. Saan ang punta ninyo?"

"Sa mall lang po ni Diego, bibili lang kami ng regalo para sa kapatid ni Quen."

"Ganun ba. Sige, mag iingat kayo." Tumango na lang kami at nag tungo nasa baba.

"Ate Rina, gising na po ba si Kuya Franco?"

"Oo, iha. Nasa garahe niyo na."

"Salamat!"

Nagtungo na kami sa garahe.

"Good Morning, Kuya Franco!" Bati namin.

"Good Morning, mga iha! Ano ang ipaglilingkod ko sainyo?"

"Hatid niyo po kami sa Mall nila Diego." Tumango naman si Kuya. Pumasok na kami sa Back Seat. Inistart na niya yung Engine at umalis na.

Habang nasa byahe kami busy si Juls magkalikot ng phone niya. Siguro may ka text.

"Psst! Aga aga may ka text ka kaagad. Sino yan? Si Quen?"

"H-ha? O-oo! Si Quen!" Alanganin na sagot niya at tinungo na lang niya ulit ang sarili niya sa cellphone.

Kinuha ko sa bulsa yung phone ko at tinext si Diego.

To : Kuya Diego

Diegoo~!! Pupunta kami sa Mall mo ngayon!!! Pwede mo ba kaming pagbuksan? Kahit ganitong kaaga?

Sent!

After a few minutes. Nag vibrate ang phone ko.

From : Kuya Diego

Saktong sakto! Papunta din ako sa Mall namin! OTW na nga ako, eh! May pinapautos lang sakin si Papa.

Basta para sa Baby Sis ko!

To : Kuya Diego

Ayieeee!! sweesht naman!! hahahaha!

Sent!

Pagkasent ko nun, biglang may nag bump sa Screen ko. Isang text message, hindi galing kay Diego.

From : Bakulaw

Selos nako! :(

o_O Ano daw??!!

Hindi ko na lang siya nireplayan. Tinago ko na lang ulit sa bulsa ng shorts ko.

After 123456789 years! Nandito na kami sa Main Entrance ng Mall.

"Sige, kuya. Ok na po kami dito. Salamat!" Binuksan ko na yung pintuan sa Right side ko at bumaba. Doon din bumaba si Juls at sinarado.

"Tara na." Sabay hila ko sakaniya.

May nakita kaming isang lalaki na nakatayo doon. Sa malayo pa lang alam na kung sino.

"Diego!" Tumingin naman siya sa gawi ko.

"Oh, nanjan na pala kayo! May hinihintay din kasi ako eh." Napakunot naman ang noo ko.

"Sino naman?"

"Si--- oh! Nanjan na pala siya!" Napatingin naman ako sa likuran ko.

Ooooooooooooookkkkkkkkkkkkkkkkk..................

This is just coincidence or not?

"Sup bro!" Nakipag bro fist si Diego kay DJ. Tsk! Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon! >__< Hindi ko naman talaga sinasadya yun eh!

Tumango lang siya. Naka shades siya at nakataas yung buhok niya.

Nung nakita niya ko, nakita ko siyang ngumisi. Feeling ko hindi yun ingisi eh! Smirked yun, eh! Smirked!

Tumungo ang tingin ko kay Juls na busy nanaman makipag text.

"Ayyy! Shoot! Bes, pwede bang ikaw na lang bumili ng regalo kay Ella para sakin?" Napakunot nanaman ang noo ko.

"Please bes!! Pinapapunta kasi ako ni Tita Bambi! Gusto niyang ako ang magluto ng spaghetti para sa Birthday ni Ella!"

"Ok." Kahit labag sa kalooban ko.

"Yaahh~! Thanks Bes!" Sabay yakap sakin saglit. "Geh, una nako! Kita kita na lang tayo mamayang hapon!" Nagsitanguan na lang kami. Pinanood namin siyang sumakay sa Jeep.

Tumungo na ang tingin ko sakanila.

Silence.....

"Ahmm. Tara na, pasok na tayo." Binasag na ni Diego young Silence. Sumunod naman kami sakaniya.

Walang katao tao! Kundi kami lang. Sarap tuloy mag shopping! *O*

Nandito kami sa Second Floor. Sa tapat ng Department Store, huminto si Diego kaya napahinto din kami.

"Ahhh... Maiwan ko muna kayo, may gagawin pa kasi ako sa Office ni Dad. Byee!" Umalis na siya.

Ganern?! Kami lang dalawa ni DJ sa Mall?! Seriously?!

Pumasok nako sa Department Store para makaiwas sa Awkward Atmosphere.

Ramdam kong sumunod din siya.

Pumunta ako sa may dulo na puro dresses.

Kinuha ko yung Red Dress na above the knee.

Hmm.. Mukhang maganda. Kinuha ko na yun. Mamaya ko na lang bayaran kay Diego.

Biglang may kumalabit sakin.

"A-ah, kath. Pwede mo ba kong samahan sa Sapatos ng mga Babae?" Oo or hindi? Oo na nga! Nakakaawa naman eh!

Tumango ako at nauna nang naglakad.

Kinuha niya yung isang Valentino na kulay red.

"Alam mo ba kung ano size ng paa niya?"

"Siguro, 8 or 9. 9 na lang para sure."

"Ok, thanks!" Kinuha na niya yun. Pero sabi ko wag niya yun kukunin. Doon dapat sa mga naka stocks. Alam ko na din kasi ang mga pasikot sikot dito sa Mall.

Kinuha ko sa may cabinet yung isang Box ng Valentino na Red na size 9 at binigay sakaniya.

"Alam na alam mo na ang mga pasikot sikot, ah. Madalas ka siguro dito noh?"

"Oo."-- dati madalas ako dito.

Lumabas na kami sa Department Store, pagkalabas namin, bumungad ang isang Skating Risk.

Waahhh! Ang sarap tuloy mag iskating!

Napansin yata ni DJ na gusto ko mag skating kaya hinila niya ko.

Doon ko lang napansin na nakabukas pala yun!

Nagsuot muna kami ng Boots something like that. At pumasok na kami sa Ice Skating Risk. (A/N : For Hire : A Damn Good Kisser by @beeyotch The Ice Skating Risk!

Ay! Gaga! Nadulas ako! Pagkapasok na pagkapasok ko!"

"Hahahaha!" >___< Umiecho pa yung Boses niya! Sakit lang sa tenga! Swear!

Tumayo ako pero natumba ulit ako kaya tumawa nanaman siya. -_______-

Tumayo ako dahan dahan at humawak nasa riles para hindi ako matumba at hindi ako PAGTAWANAN ng isa jan! -__-

"S-so-- hahaha! Sorry!" Tumigil na siya sa pagtawa pero halatang nagpipigil.

Lumapit siya sakin.

"Halika, tuturuan kita." Sabay lahad niya ng kamay niya. Napatingin naman ako sakaniya at tinitigan yung kamay niya.

Tatanggapin ko ba o Hindi?

Ah... Eh... Ih... Oh.... Uh...

"Huy! Gusto mo ba o hindi? Sige ka, tatawanan nana----"

"Oo na! Ito na nga oh!" Hinawakan ko na yung kamay niya.

Chochossy pa ba ko?! Libreng turo na yun mga Dre!

"Hawakan mo pa toh." Hinawakan ko pa yung isa niyang kamay.

Dahan dahan niya ko hinihila. Medyo hindi ko pa nababalance.

"D-dj..." Natatakot ako! Feeling ko, anytime babagsak ako! Iyakkk!!

"Shhh... Hindi ka mahuhulog, sasaluhin naman kita eh." Tumango tango naman ako. May tiwala naman ako dito sa Bakulaw na toh eh.

After 10 minutes.

Unti unti akong binibitawan ni DJ. Kaya mas lalo kong hinigpitan yung hawak sa kama niya.

"U-uyyy! Wag mo kong bitawan! Paano kapag nahulog ako! Baka hindi mo ko saluhin!" Para na kong nagmamaktol na parang bata na gusto makuha yung gusto niya sa parents niya.

"Paano kapag hindi kita binitawan? Hindi ka matuto niyan! Aasa ka na palagi akong nanjan. Kaya kailangan mong bumitaw at matuto." Binibitawan na niya ko unti unti.

"Paano kapag nahulog ako sayo?!" Naiiyak na ko ah! Napatigil siya sa pagbitaw sakin at tumitig sa mga mata ko.

"Mahuhulog ka nga ba?" Seryoso kami na nakatitig sa isa't isa. Tungkol na ba toh Ice Skating turuan thingy o iba na?

"Kung oo! Masasalo mo ba ko?"

Someone's POV

Nagusap na kami.........

Eh checherish niya daw muna ang Moment kasama ang taong pinakamamahal.

Masakit para sakin pero pinagbigyan ko na din siya.

Dahil sa huli sakin din siya mapupunta......

_______________

Someone.. Someone.... Someone... Who you?

#RIPJamSebastian of JaMich. :( :'( masaya ka jan  kasama ni Papa Jesus! :') We will miss you!! :* :')

Condolence sa Pamilya ni Jam at ni Mich.

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top