Chapter 22 : Diary?
New Cover~!
Warning : Sabaw
____________
Chapter 22
Kath's POV
Nandito nanaman ulit kami sa Auditorium Room.
Nag practice, practice, and Practice!
Hindi kami aattend ng Classes kasi excuse kami.
-___- Mas gusto ko pa mag klase kesa mag ganito!
Pinagsuot kami ng 5 inches na Sandals. Da heck?! Ang taas! Feeling ko anytime mapuputol yung paa ko! Huhuhu!
"Rarampa kayo mga girls, ha? Chin up and Smile then pose." Sabi ni ate Heidi. Tumango naman kami.
Rampa dun, rampa dito.
Ako na yung susunod!! Shez!
Dahan dahan pa ko. Isipin mo kath rumarampa kasa Victoria Secret!
Pose dito, pose dun! Ghad!
Nakabalik na ulit ako sa backstage.
Pinalakpakan nila.
"Ang galing mo naman mag pose pose! May future kang maging model!" Sabi ni Ate Heidi. Ngumuti lang ako.
Ako? Malabo yun! Wala sa Dictionary ko maging ganap na Model!
After an Hour nag break na kami!
Gosh! Gutom na gutom na gutom na ko~!!!
Umorder na ko.
Kinain ko na kaagad yung pagkain! Kyaahhh! Ang serep!
"Ang baboy mong kumain." Napatingin naman ako sa nagsalita. Si DJ lang pala.
"Paki mo." At inirapan siya. Gutom ako! Ayoko ng istorbo!
Umupo siya sa harapan ko, pinapanood akong kumain.
Ano ba yan!! >__< Nakakailang!
Tumigil ako sa pagsubo.
"Wag mo nga kong titigan!" Inis na sabi ko. Nakatitig parin siya sakin.
"Hoy!" Doon lang siya natauhan.
"Bakit?"
"Wala! Sabi ko wag mo kong titigan!" Tumango lang siya at umalis. Anong problema nun? Nung isang araw pa yan, simula nung dumating si Angel.
Nawalan na ko ng gana kaya sinauli ko na yung plato kahit may laman pa.
Pumunta ako Field at umakyat sa puno. Dito ang tambayan ko.
Kinuha ko yung phone ko at nag earphone. Pinatugtog ko yung Blank Space.
Inaayos ko yung bag ko na may nahagip akong Notebook. Binuksan ko yun, walang kalaman laman!
Dahil bored ako, gagawin ko na lang diary. Mehehe~! Ang baduy pakinggan! Old School lang ang peg! Pero uso parin yan hanggang ngayon!
October 17, 2014
Dear Diary,
Nabobored ako! Swear! -__- Wala akong masabi! Ay, ewan! Nga pala Diary, Representative ako ng Section namin para sa Prince and Princess LU 2014! Nakakainis! >__< Pero wala na kong magagawa, nanjan na eh! Next next week na yung Event! Kyahh! Tapos ang weird ni DJ! Palaging tulaley! Tsaka break na kami ni Yves, last last week pa kasi nahuli ko sila ni Michelle nag kikiss! Ewww! Gross! Tsaka wala na din naman akong gusto sakaniya kaya nakipag break na din ako. Friends na lang kami ngayon.
Tapos, alam mo ba Diary. Nashock ako nung isang araw kasi nakita namin si Angel! Grabe! That day naiiyak ako! Sa loob ng isang araw na yun, ang daming ng nangyari! Nakakalerke! Ang sakit sa bangs, swear! Ano pa ba... Aha! Kikidnapin sana ni Angel si Sofia pero nahuli namin siya! Tsaka akala namin talaga patay na siya! Kalerke diba?
Tapos, that day. Nagsabihan kami ng "I Love You" at Nicknames namin! Ghad! Nakakahiya kasi pinapanood pala kami ng Instructor namin at yung mga ibang Representatives! Sobrang pula ko nun! Nga pala Diary, Top 2 lang ako! :( Pero oks lang! Si Bes Juls naman ang Top 1! Hindi ko talaga mareach ang utak nun eh! Hehehe! Talino! Pwede ng sumali sa Miss Universe! Tapos si Bes Lia sa Miss World at si Bes Sofy sa Miss International, oh dibuh! Tapos ako taga Cheer nila! Hahaha!
Bye na Diary, madami na masyado akong nachika sayo. Sa muli ulit, Diary! Loveyou! :*
Xx, ChandyRyn
Sinarado ko na yung Notebook at nilagay sa bag. Grabe! Nakaka ginhawa pala kapag nasheshare mo yung mga gusto mong sabihin! Si Notebook/Diary lang pala ang katapat!
Bumaba na ko at pumunta na ulit sa AR.
Meron ng mga Representatives dito. Wala pa si DJ.
Umupo ako sa may sulok at pinapanood yung mga ginagawa nila.
Naboboring ako! Pwede bang magklase muna ako?
Aish!
After a few minutes dumating na din si DJ!
Umupo siya sa tabi ko.
"San ka galing?"napatingin naman siya. Nakita ko siya na nag smirked.
"Naks, Concern!" Asar niya. Inirapan ko siya.
"Concern mo your face!" Inis kong sabi at tumayo ako. Maglalakad sana ako pero nahawakan niya yung braso kaya napaharap ako sakaniya with masamang tingin.
"Toh naman, hindi mabiro! Over Protective ka naman." Mapangasar na sabi niya.
Ghad! Bakit kasi nagtanong pa ko?! Alam ko namang may Meaning sakaniya yun!
"Over Protective agad? Hindi ba pwedeng nagcecare lang ako sayo?" Biglang nanlaki yung mata niya.
Wait... Kyaaahhh! Bad Mouth, Kath! Bad Mouth! Kung ano ano nang lumalabas! Kyaahhh! >___
"J-joke lang naman yun! He-he-he!" Nauutal na sabi ko.
Nag practice na kami. Maya maya, Sabi ni Ate Heidi kami na daw bahala kung anong gusto naming gawin sa Production Number namin.
"Anong gagawin natin? Sasayaw o Kakanta?" I asked.
"Kanta na lang." Sabi niya. Tumango naman ako.
"Anong kakantahin natin?" Tanong ko.
"Ikaw bahala. Basta maganda." He said at ngumiti sakin.
Ok. Sabi niya eh.
May naisip ka agad ako! Feeling ko makakarelate kami dito! Malalaman niyo din kung anong kakantahin namin! ;)
Juls/Mara's POV
Kyahhh!! Huhuhu! Buti pa sila Kath hindi magkaklase! Kami dito, may quiz sa Calculus! Damnit! Ang sakit sa ulo! Bakit kasi Inembeto toh ni Isaac Newton at ni Gottfried Wilhelm Leibniz?! Kakainis! Dapat hindi na lang nila shinare! Hehehe! Genius kasi sila eh! Huhuhu!
Compute dito compute doon. Mali dito mali doon. Huhuhu! Feeling ko masisira na ang Brain Cells ko! Masisira ko na yata yung Calcu ko dahil sa inis na hindi ko makuha yung sagot sa problem! >__
Buti pa sina Kath and DJ, Naka excuse sila sa lahat ng Class, kapag may Quiz and Seatwork perfect na sila! Huhuhu! Hindi ba unfair yun?! Ganun din naman ako nung naging Representative ako ng Year and Section namin eh! Hehehe! Kaya ang taas ng Grades ko nung 2nd Grading, hahaha!
"After 10 minutes, past your papers." Sabi ni Sir. Ghad! 10 mins lang?! Hindi bang pwede 20 mins?! Nasa #16 palang ako eh! Up to 20 kasi toh! Oh dibuh?! Torture kami!
"Psst." Lumingon naman ako. Si Quen pala yun.
"Bakit?" I mouthed. Ayaw kasi ni Sir ng maingay kapag may ginagawa kami.
"Anong number mo na?" Mahinang tanong niya.
"16, ikaw?"
"Hehehe, 10." Sabi niya sabay peace. Napa rolled eyes naman ako. Kahit kailan talaga toh si Quen! Buti nakapasok pa siya ng Top 13! Siya yung 13 -___-
Kumuha ako ng 1/4 na papel sa bag ko at binigyan siya ng sagot. Syempre tatlo lang! Alanganamang lahat ibigay ko?! Dapat paghirapan niya!
"Paabot nga kay Quen." Sabi ko sa likuran ko. Kinuha naman yun at binigay na niya kay Quen yung papel. I saw him smiled.
"Thank you. Libre kita mamaya." He mouthed. Napatawa na lang ako ng mahina at nag compute na ulit ako.
Maya maya..
"Pass your papers, finished or not finish." Sabi ni Sir. Kyaahhh!!! Thank you Lord at nasagot ko lahat! Pinasa ko na yung papel ko at niligpit ko na yung gamit ko.
"Goodbye, Class"
"Goodbye, Sir!" Lumabas na si Sir.
Sinuot ko na yung bag ko sa likod ko at pinuntahan sila Lia, Sofia, Diego, Khalil, and Quen na busy iligpit ang mga gamit.
"Sup~! Musta ang Quiz?" Mapangasar ko na tanong.
"Nakakadugo!" Sabi ni Lia.
"Ang sakit sa ulo! Akala mo magkakaroon ka ng Headache!" Sabi naman ni Sofia.
"Nakakainis!" Sabi ni Diego.
"Nakakabobo!" Sabi naman ni Khalil.
Tinignan ko naman si Quen kung may sasabihin siya. Napansin naman nila Diego kaya kinalabit si Quen.
"Wala ka bang comment tungkol sa Math Quiz natin?" Tanong ni Diego. Umiling siya.
"Bakit? Kami nga halos mabiliw na lahat lahat ikaw wala lang?" Takang tanong ni Khalil.
"Hehehe! Pinakopya kasi ako nung nerdy nerdy na babae na katabi ko kanina, napansin yata niya na hirap na hirap kaya pinakopya ako. May crush yata yun sakin, eh! Hahaha! Gwapo ko talaga!" Sambit ni Quen.
"Ang daya mo Bro!" Sabi ni Khalil sabay hagis kay Quen ng cramp led paper.
"Hindi yun madaya, Bro. Kagwapuhan yun!" Proud na sabi niya. Nagiging mahangin nanaman siya! -__-
"Tara na nga! Kumain na tayo! Gutom lang yan, Quen!" Sabi ni Diego na natatawa. Napatawa naman kami.
Lumabas na kami sa Room.
"Puntahan kaya natin sila Kath, silipin lang natin." Pagaaya ni Sofia. Tumango naman kami at bumaba. Nasa 2nd Floor ang Auditorium Room nakapwesto yun sa may dulo.
Sumilip kami sa may bintana.
Kyaahhh! Kinikilig akoo~!
Nasa sulok sila, share sila sa earphone. Parang may sariling mundo. Yieee~! Sinasabayan yata nila yung kanta.
kanya kanya silang mundo. Siguro nag papractice para sa Production Number nila.
"Tara na, busy sila. Kanya kanya silang mundo." Sabi ko with smile in my face. I have this feeling na magkakabalikan sila! *O*
Pababa na sana kami ng may humarang sa dinadaanan namin.
"Ohh! Look who's here." Sabi ni Michelle na naka smirked. "The Tanga Barkada." Tumawa naman yung mga Alipores niya.
"OMG! Bakit nandito ang mga Clown?! Diba sa Birthday Party lang naman meron nun? Pati pala sa school MERON!" Sabi ko at nag smirked. Napatawa naman na sina Lia at Sofia.
"Hindi ka lang nainform Juls!" Dagdag ni Lia. Nakipag eye to eye contact kami with galit look. Pumagitna na samin yung boys, siguro napansin nila ang intensity pagitan samin ng mga Clown.
"Ahh... He-he-he. Mauuna na kami." Sabi ni Diego at hinila na niya si Lia, hinila na ni Khalil si Sofia, at hinila na ko ni Quen.
Nung hinila ako ni Quen, sinadya kong banggait si Michelle. Mutik na nga siya malaglag buti na lang nasalo ni Jane. Tss! Sayang! Hindi pa natuluyan!
Daniel's POV
"Kyaaahhh! Kinikilig ako kanila Kiko at Jackie!" Sabi ni Kath na kinikilig sabay hampas sa Braso ko. -___- Siguro mamaya pag naligo, magugulat na lang ako sobrang pula na ng braso ko.
"Ang gwapo ni Kiko~! *O*" kinikilig na sabi niya.
"Mas gwapo naman ako jan." Bulong ko.
Bigla namang tumigil si Kath sa kakakilig niya.
"May sinasabi ka?"
"Wala! Nagseselos ako." Biglang napangiti si Kath. o_O Weird!
"Tss! Hoy! Baka mapunit yang labi mo sa sobrang laki ng ngiti mo!" Nakakaselos! >__<
"Walang basagan ng Trip!" Lalo pa niyang nilakihan yung pag ngiti niya. Aish! Nangaasar toh!
"Hello, Mic test Mic test." Umayos na kami ng upo.
"Nakaisip at nakagawa na ba kayo para sa Production Number ninyo?" Tanong ni ate Heidi. Nag "oo" naman kami.
"Sainyo Kath and Daniel, anong gagawin ninyo?"
"Kakanta po!" Sigaw ni Kath.
"Nice, nice choice." Sabi ni ate Heidi. Tinanong niya lahat ng mga Representatives.
"See you in Next Week! Byee~!" Nagpaalam na din kami.
Lumabas na kami sa AR.
Pupunta ako sa Gym, meron din kasi akong Locker doon para sa Basketball Player.
Nasa harap ko si Kath bigla siyang huminto kaya napahinto din ako.
"Sinusundan mo ba ko?!" Lumingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Ha? Magpapalit ako ng damit nasa Gym ng Locker yung damit ko." Bigla namang naiba yung expression niya, yung ba parang napahiya. Napa smirked naman ako.
"He-he-he sabi ko nga." Sabi niya sabay lakad ng mabilis papuntang Gym. Napa iling iling na lang habang nakangiti.
Papasok na sana ako sa Gym ng may humarang sakin.
"Let's Talk?" Tumango naman ako at sinundan siya.
Kath's POV
Ghad! Kath! Bakit mo yun nasabi?! Iisipin nun ang assumera mo! >__<
Nandito na ko sa loob ng Gym, lumingon ako pero walang DJ na naka sunod sakin. Akala ko ba magpapalit siya ng damit?! Bigla bigla na lang mawawala ng parang bula?!
Walang tao sa Gym, ako lang! Huhuhu! Ang scary! Tumakbo papunta sa Locker Room, For Volleyball Players only. May shower room na din naman dito. Ayoko maligo! Mamaya may mumo!
Nagpalit ako ng damit. PE Uniform, mamaya kasing 2PM nag p-pe kami.
Papalabas sana ako pero may humarang sa dadaanan ko. Napatingala ako.
"K-kit.." Natatakot sa sambit ko sakaniya.Bigla siya nag lean at bumulong sa may tenga ko.
"Wag kang matakot, kath. Wala pa naman ako ginagawa sayo." Sabi niya with scary voice. Bigla napataas ang balahibo ko. F*ck you, Kit!
Ngumiti lang siya sakin na parang manyak at umalis na.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
*Inhale Exhale Inhale Exhale*
"Kaya mo yan, Kath." Bulong ko sa sarili ko at lumabas nasa Gym. Dumiretso na ko sa Room namin. Buti na lang, wala pang teacher.
"Gurl! Tapos na ang practice?" Bungad sakin ni Lia. Tumango naman ako. At umupo nasa tabi ni Juls.
"Nasaan si DJ?" Tanong ni Juls. Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman talaga alam! Ang alam ko kasunod ko lang siya biglang paglingon ko nawala! Nag magic siguro. -__-
"Hindi mo alam?!" Ang OA naman nito! Akala mo naman kinidnap si DJ!
"Oo... Kasi kanina kasunod ko lang siya papuntang Gym, paglingon ko wala na siya! Tapos..." Sasabihin ko ba na kinausap ako ni Kit?
"Tapos?"
"A-ano.. Kinausap ako ni Kit kanina sa may Gym..."
"Ano?!" Sigaw niya. "Anong sinabi niya sayo?!"
"Wala naman! Sinabi niya lang sakin na wag daw ako matakot sakaniya kasi wala pa naman daw siya ginagawa sakin." Bigla niyang hinampas yung Libro niya sa may table niya kaya napatingin lahat ng mga kaklase namin.
"He-he-he! Wag niyong pansinin si Juls! High blood lang!" Sabi ni Lia.
"Baka kinidnap na niya si DJ!" Sabi niya na nagaalala. Wait... Bakit hindi ko yun naisip?! Kanina bigla na lang siya nawala tapos kanina kinausap ako ni Kit... Ibig sabihin ba nito.... Kinidnap niya si Daniel?!
_________________
Kinidnap nga ba ni Kit si DJ? Hahaha! Kaloka! Kamusta naman yung Diary ni Kath na may "Xx, ChandyRyn" hahaha! ChandyRyn parang lang Chandelier! Lols!
Sino yung kumausap kay DJ na "Let's Talk?" May ideya ba kayo, readers?
Thanks, Baby-Peng for supporting my Stories! Luvyuh! :* <3 Guys, Basahin niyo po ang Stories niya! Magaganda po yun!
#ReadyForTheBigTwist
Clue : Basahin niyo ang Prologue ;)
Don't forget to Vote and Comment!
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top