Chapter 17 : Meet The Casts Of Ex-Boyfriend Turn To Fiance?

Napag desisyonan ko na ituloy na lang dahil para matapos na! Gusto ko kasi ulit gumawa ng New Story eh! KN din! Sana abangan ninyo! ^___^ Siguro hanggang Chapter 30 or 40 something matatapos ito! Plus! The Epilogue! :)

Xoxo, LouiseAlejandre
_____________________

Chapter 17

Kath's POV

Tapos na ang Bakasyon namin sa Boracay! Na una na nga pala si Mama umuwi dito sa Manila.

Back to Study na ulit. Pagkatapos nung nangyari kay Daniel ay umuwi na din kami kinabukasan.

Nandito nga pala ako sa Hallway naglalakad, gusto ko kasi pumunta sa Library eh. Wala kasi akong magawa.

"Hi, Ms!" Pabulong na bati ko sa librarian. Ngumiti lang siya sakin at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

May gusto kasi akong basahin, eh!

Tungkol kung paano maging magaling na Architecture. Simula bata pa lang ako, mahilig na ko mag drawing ng Bahay at Mag design.

Pag ka graduate ko ng High School, Syempre mag eenroll na ko for College! Gusto kong University eh, Frandellia University! Also known as FU! Ayaw ko kasi dito mag College dahil sobrang kilala na nila ako. Syempre gusto ko New Life, New Friends, at New Year! Kumbaga Fresh pa yung Record mo. Eh, dito? Nahh! Kilala na ko.

Hanap-hanap..... Then........ Boom! Nakita na din kita!

Kinuha ko na agad! Baka may makakuha pa!

Dali-dali akong umupo at binasa yung Libro.

After a few Hours

Nangangalahati pa lang ako sa binabasa ko!

Tumingin ako sa Wrist Watch ko.

O__O Hala!

4:30 na!!! 30 minutes na lang magsasarado na yung Library!!!

Tumakbo ako papunta sa Counter kung nasaan yung Libratian.

"Ms? Pwede ko bang hiramin itong libro?"

"Oo naman, iha. Basta ibabalik mo ha?"

"Oo naman po!"

"Bago ka umalis, pahiram muna ng libro mo. Lalagyan lang natin Sticker palatandaan na pag mamayari ng Library. Yung iba kasi hindi na sinasauli eh. Nga pala ilagay mo dito pangalan mo *sabay bigay sakin ng Notebook* para kung sakaling hindi mo nasauli yung libro eh mahahanap ka namin. Nga pala, ilagay mo diyan kung anong libro yung hiniram mo"

Sinulat ko na yung Pangalan ko at Name din ng Libro.

"Ito na iha" sabay bigay sakin ng libro

"Salamat ho!"

"Ssshhhh!!" Mga nagbabasa. Napalakas yata yung boses ko. Hehehe!

Nag wave goodbye na lang ako sa Librarian bago ako lumabas.

Nakasalubong ko sila Juls.

"Hooyy! Babae! Bakit ka nag ditch ng Class?! Akala ko ba mag iikot-ikot ka lang? Dahil wala kang magawa? Tsaka hindi ka din kumain ng Meryenda kanina! 2:00 PM ang balik natin sa Classroom! Akala ko nandoon ka na! Lalabas na sana ako kaso bigalang dumating si Sir. Bakla! Tinanong ka niya sakin kung bakit wala ka, sabi ko "umuwi po kasi siya. Nilalaganat, nakalimutan niyang dalhin bag niya" palusot ko! Buti na lang umipek! Saan ka bang lupalop ng Mundo ka nanggaling?! Alam mo ba mahigit 2 hours kang wala! Alam mo----" juls

"Juls! Hinay-hinay lang! Sorry naman! Hindi ko namalayan yung oras! Tumambay kasi ako sa Library eh! Nagbasa basa! Kaya hindi nako nakabalik sa Classroom dahil nakalimot ako na meron pa palang Klase"

"Nako, kath! Tigil-tigilan mo yang pagiging Bookworm mo! Alam mo ba tuwing nagbabasa ka, hindi ka na namin nakakausap!"

"Ngayon lang naman eh" sabay frowned ko at pout

"Tara na nga! Uwi na tayo" sabay hila sakin.

"Saglit!" Napatigil naman siya sa paghila ko.

"Nasaan bag ko?"

"Na kay Daniel" pagkatapos niyang sabihin iyon eh, nagsialisan na sila kaya naiwan na kaming dalawa.

Bitbit-bit niya nga ang bag ko.

"Akin na" binigay naman niya sakin

"Thank You" tumalikod nako at maglalakad sana ng hinawakan niya ako sa braso.

Tinaasan ko siya ng kilay at nag tanong ng bakit-look

"Pwede mo bang samahan ako?"

"Saan?"

"Sa Airport. Susunduin ko lang sila Mama sa Airport"

"Bakit ako? Tsaka kaya mo naman eh!"

"Ayaw mo ba? Sige, bahala ka. Wala kang pasa----"

"Tara na!" Sabay takbo ko. Akala ko nakasunod siya pero nakastatwa lang siya sa kinatatayuan niya kanina.

"Hoy! Ano na nga hinihintay mo?! Pasko?! Di bale malapit na! Hahahaha! Tara na! Bago, magbago ang isip ko!"

"Ito na nga oh!" Sabay takbo sakin.

Tumakbo kami papunta sa Parking Lot.

Makikita ko na ulit sila Tita at Tito after 2 years.

Ano kaya Reaksyon nila na magkasama kami?

Mag aacting nanaman ba ko na meron akong amnesia?

Lia's POV

"Guys, pwede niyo ba ko samahan sa Airport?"

"Bakit Lia? Sino naman susunduin natin doon?" Tanong ni Quen

"Pinsan ko lang naman. Ayaw daw kasi ni Charles na sunduin siya doon! Kanina pa din daw siya nandoon" (A/N : Pamilyar ba kayo sa Pangalang Charles? Let's see!)

"Baliw talaga kahit kailangan si Kayden Charles!" Sabi ni Khalil

"Ano?! Sasamahan niyo ba ako?"

"Oo naman! Tara! Baka may pasalubong ako! Este tayo pala! He he he!" Sabi ni Diego.

Nagsakayanan na agad kami sa Van ko.

Ang na da-drive syempre, driver ko!

Tetext ko nga si Charles.

To: KC (Kayden Charles)

4:56 PM

Hoyyyyy!! Lalaki!!! Bakit hindi mo Sinundo ang Aking Magandang Pinsan?! Sinigawan mo pa daw sa phone?! Aba! Lagot ka sakin!

Sent!

Mas matured pa yata ako dito eh! Kahit kailan talaga to!

Daniel's POV

Nandito na kami sa Airport.

Pumasok na kami. Tumingin ako sa Wrist Watch ko.

5:20 PM. Palang. Mga 6 daw sabi ni Mama na nandito na sila.

"Wala pa?" Tanong ni Kath.

"Wala pa eh. Mga 6 pa daw"

"Ganun ba"

"Tara, doon muna tayo sa Cafeteria" aya ko

Tumango lang siya.

Pumasok kami sa Cafe. Nakahanap agad kami ng upuan.

Buzz buzz

Vibrate ng phone ko.

From: Mara

5:25 PM

Daniel?! Nasaan kayo?! Papunta din kami jan! Susunduin lang namin pinsan ni Lia!

Seryoso?! Nandito na yun?!

To: Mara

5:27 PM

Nasa Cafeteria kami! Seryoso?! Nandito na yun?! Mapag tripan nga! Hahahaha!

Sent!

Nako! Dumating na nga isang Dakilang Maarte na Pinsan ni Lia!

"Aargghh! Ano ba yan! Ang tagal nila! Kanina pa ko naghihintay!" Rinig kong sigaw ng Babae sa tabi ng table namin.

Tumingin ako kay Kath na nakatitig sa Babae na sumigaw.

Lumingon samin yung Babae.

O_____O

"Sabrina/Daniel?!" Sigaw namin pareho.

"No Time No See! Brader!" Sabrina. Sabay tayo at yakap sakin.

Kumawala naman din siya kaagad.

"Hi, Kath! No Time No See din! Naka a---" sinundot ko nga bewang niya kaya sinamaan niya ko ng tingin.

Nakipag beso-beso na lang siya kay Kath.

Umupo si Sabrina sa tabi ni Kath.

"Why are you so Irritating?" Tanong ni Kath. Wow! Nosebleed! English! Hahahaha!

"Kasi naiinis ako! Hindi ako masundo-sundo nila! Tumawag ako kay Charles, niloko loko siya nga lang minura ako sabay binabaan" kwento niya. "Pero susunduin naman ako ni Insan Lia"

"Siguro badtrip lang yun" sabi ko.

"Halata sa boses niya" sabay sip niya ng Shake.

Nakita kong mukhang tangang naghahanap sila Charles! Hahaha!

"Excuse Me" sabi ko sakanila.

Tumayo ako at lumabas sa Cafeteria.

Paalis na sana ulit sila para hanapin si Sabrina tinawag ko sila.

"Hooyy! Nandito na siya!" Sigaw ko. Lumingon naman sila at gulat na gulat ang mga mukha nila! Hahaha! Gagi! Parang nakakita ng Multo! Hahaha!

"Daniel/DJ?!" Sabay sabay nilang sabi.

"Wwwaaahhhh" tili ng mga Girls.

"Wala ka paring pinagbago Dj! Ay! Meron pala!" Sabi ni Charlotte.

"Ano?" Natatawang tanong ko.

"Kagwapuhan! Waaahh!!" Sabi niya. Binatukan siya nila Abigail.

"Aray!" Rinig kong sabi ni Charlotte. Natatawa na lang ako sa iniisip ko. Parang silang hindi College Students, kapag titignan mo mukhang High School. Kami naman hindi mo mapaghahalataan na High School Students lang kami, palagi kaming pinagkakamalan na College Students! Hahaha! Pero mas matanda lang sila saamin ng 1 or 2 years ganun.

"Tama na yan! Hahahaha!'" Saway ko sa mga Girls. "Akala ko ba hindi niyo susunduin si Sabrina?"

Nagkatinginan sila.

"Blinackmail lang naman ni Abigail si Charles! Hahaha!" Sabi ni Jerome.

"Ano naman yung blinackmail ni Abigail?" Tanong ko sabay taas baba ng kilay ko.

Nakita kong bigla namula si Abigail! Hahaha!

"W-wala lang yun, Dj. Tara na! Pasok na tayo sa Cafeteria" aya niya.

Hahaha! Ang Cute talaga niya! Wala akong gusto sakaniya ha! Hahaha! Parang kapatid ko na nga toh, eh!

Pumasok na sila sa Cafeteria.

Tinuro ko kaagad sakanila kung nasaan si Sabrina.

"Sabrina?" Tanong ni Abigail.

Nagulat si Sab dahil dumating sila. Hindi niya inexpect iyon. Akala niya hindi na siya susunduin ng barkada niya.

Tumunog yung pinto.

Napatingin kami doon. At ang barkada lang naman pala iyon.

"Sabrina?!" Lia.

"Yes, Insan!" Sabay takbo ni Sab kay Lia.

Kumawala din sila kaagad.

Third Person POV

"Grabe! Laki na ng Ginanda mo, Sab!" Sabi ni Quen.

Nasa Iisang Van na sila kasama sila Abigail.

Pinakuha na lang nila sa Driver yung Van at Kotse nila.

Siniko nga ni Juls si Quen. Napa "aww" naman siya.

Tinawanan na lang ng Barkada nila Abigail ang mga ginagawang Kalokohan ng mga Kabarkada nila Kath.

"Soooo... Kamusta na kayo Charles ni Abigail?" Nakakalokong tanong ni Lia.

Bigla namang namula si Abigail! Hahahaha!

"Ok naman kami. We're Friends" si Charles na ang Sumagot.

"We're Friends? Soooo.. May balak ka ulit balikan siya?" Lalong namula si Abigail! Hahaha!

"Ano bayang mga tanong ninyo! Alam niyo namang Awkward para sakanila yun, eh!" Sabi ni Kath.

Biglang binuksan ni Diego yung Radio siya kasi nasa harapan eh.

"Lagi Kitang Naaalala sa Tuwing Ako'y may Kinakasama

Mula ng tayo ay magkita

Kung ikaw ay Nagtatampo

Kailan bang ganito.."

"Magandang kantang ito!" Sabi ni Lyndon.

"May tama ka jan, Lyndon! Tara mga Guys! Sabay-sabay tayo sa Chorus!" Sigaw ni Quen.

"Bakit Hindi natin....

Muling ibalik ang Tamis ng Pag-ibig

Muling pagbigyan ang puso nagmamahal

Muling ibalik ang tamis ng Pag-ibig

Sayang naman ang puso nagmamahal..." Kanta nila except Kath, Dj, Abigail, and Charles. Sila ay mga Namumula! Hahaha! Lam na Dis!

Tinapos ng Barkada ang Kanta sabay tawanan! Hahaha!

"Oh, bakit kayo tahimik? Diba sabi ni Quen KANTA TAYONG LAHAT hindi yung kami-kami lang! Ang Unfair!" Sabi ni Sofia.

"*ehem!* Natamaan sila *ehem!*" Pagpaparinig ni Luke.

Sobrang Ang, Awkward awkward nilang Apat! Natamaan kasi sa Kanta eh!

Pinakinggan nila Ang DJ sa Radio

"Napakaganda talaga ng Kantang ito! Walang kupas talaga si April Boy Regino! *clap clap clap clap* Ang mensahe itong ay para sa mga Mag kasintahan na naghiwalay at hanggang Mag kaibigan na  lang ngayon pero May Nararamdam parin sila sa isa't isa." Sabi nung DJ sa Radio

Nabulunan sila Kath, Daniel, Abigail, at Charles. Kasi umiinom sila.

"Ano bayan, Dj! Your so Kadir Kadir!" Maarteng sabi ni Chloei

"Patama talaga ang DJ, oh! Hahahaha!" Sabi ni Kyle.

"Nako nako nako! May kilala akong Ganyan!" Sabi ni Charlotte.

"Ako din!" Sabi ni Juls.

"Patayin niyo na nga yang Radio. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niyo eh." Sabi ni Daniel. Bago pa man patayin yung Radio eh may nagsalita ulit.

"May Nararamdam ang sila sa isa't isa pero hindi nila Alam na Mahal na mahal parin nila ang isa't isa! Kapag hiniwalayan ka niya at iniwan ay MAY DAHILAN. Siguro parang Teleserye yang lovelife niyo o kaya mala Wattpad! Hahaha! Sa Teleserye ang Mother ang Kontrabida! Sa Wattpad Ang Mga Exes or Family ang Kontrabida! Hahaha!" Sabi nung DJ sa Radio.

Pinatay na ni Diego ang Radio bago pa mainis si Daniel.

"Nga pala, Sabrina. Saan ka magaaral?" Tanong ni Khalil.

"Sa CU!" Sabrina.

"Bakit Hindi ka samin? Maganda din naman doon eh!" Sabi ni Kath.

"Guys! High School pa lang kayo. Ako, kami College na! Hindi ko din naman kayo makakasama dahil iba ang Building ng HS sa College!" Sabi ni Sab kanila Kath.

"Hoyy! KkkCcc!!" Tawag ni Lia kay Charles! Hahaha!

Sinamaan ng tingin ni Charles si Lia "You know what?! Stop calling me KC! I'm not a Girl!" Sabi ni Charles

"Eh, sa trip ko eh!" Sabi ni Lia sabay dila niya kay Charles. "Nga pala, Kayden! Wag mong sisigawan at iiwan itong si Insan! Kung hindi mo ginawa iyon! Isusumbong kita sa Nanay mo! Ingat-ingatan mo yan!" Pagpapaalala ni Lia kay Charles.

"Oo naman! Kapag hindi, baka bigla nanaman akong Mahampas ng Latigo sa Likod at may kasama pang hampas sa Braso. Masakit kaya yun" Charles.

"Yieee!! Sweet naman ni Babe!!" Mapangasar na sabi ni Sabrina.

"Tigil-tigilan mo nga ako! Napapagkamalan tayo eh!" Charles.

"Nga pala, Juls. Bakit ang aga niyong lumabas kanina?" Tanong ni Kath.

"May Meeting kasi ang mga Teachers eh. Biglaan" sagot ni Juls.

"Aahhh" sabi ni Kath.

Huminto sila Maganda at Malaking Bahay! Parang Mansion siya! Grabe! (A/N : See the Multimedia)

"Wow!" Sabay sabay na sabi nila except kay Sabrina. Pagkababa na pagkababa nila hindi natanggal ang tingin nila sa Bahay este Parang Mansion.

"Ito ba yung pinagawa ni Tito bago kayo umalis?" Tanong ni Charles.

"Oo. Actually dapat kasama ko si Dad umuwi dito nga lang kailangan siya ng Company natin." Sabi ni Sabrina.

"Ganun ba.. Kailan siya uuwi"

"Siguro Next Year pa"

Nagsimula na sila Maglakad. Hangang hanga parin sila!

"May kasama dito?"

"Katulong lang. Pero sabi ni Daddy na Dito ka muna para may kasama ako tsaka si Lia at Family niya. Ayos lang ba sayo?"

"Oo naman!"

Kath's POV

busying busy nakikipag usap si Charles kay Sabrina.

Napansin ko na kanina pang nakatitig si Abigail sa gawi nila.

Nilapitan ko nga.

"Selos ka noh?!" Bulong ko sakaniya.

"Ay tinapa!" Sigaw niya. Nagulat ko yata.

"Anong Selos?! Hindi noh!" Tanggi niya.

"Kilalang-kilala mo na ba si Sabrina?"

"Oo naman! Matagal na kaya kaming Mag kaibigan!"

"Kapag magkasama sila ni Charles, anong tingin mo?"

"Parang silang Mag Jowa. Baka nga sila na eh. Hindi lang nagkukwento si Sabrina"

"Hahahahaha!!" Napatawa tuloy ako! Pffftt!! Wala siyang alam?! Eh, ang tagal tagal na nilang magkaibigan at jowa niya pa noon si Charles, Hindi niya natanong?!

"Anong nakakatawa dun sa sinabi ko?"

"Wala ka kasing alam eh! Hahaha"

"Anong walang alam? Ano bang dapat kong malaman?" Curious na tanong niya.

"Na mag kapatid lang sila!" Nagulat siya.

"S-seryoso? Bakit parang hindi sila Mag kamukha? Tsaka hindi halata! Bakit tinatawag na 'Babe' ni Sab si Charles?"

"Iniinis lang ni Sab si Charles! Hahaha! Wala ba sila nakwento sayo?"

"Wala eh"

"Nga pala, Abigail. Half Sibling lang sila kasi iba ang ama nila"

"Half?"

"Yup! Unang asawa ni Tita nanay ni Charles at Sabrina si Tito Jerico Barretto, after 2 years nagpa annul sila dahil buntis si Tita sa ibang lalaki si Tito Ravine Luciano tatay ni Charles. Hanggang ngayon sila parin! 18 years na sila Tito Ravine at Tita Louisa." Kwento ko.

"Kaya pala.. Naalala ko na. Kinuwento niya pala niya sakin yan! Hehehehe! Nakalimutan ko lang"

"Mag memory plus gold ka nga! Hahaha"

Nagtawanan lang kami.

"Guys! Tara na Dinner is Ready!!" Tawag samin ni Sabrina.

"I lab you, Sabrina! Madami nanaman akong makakain na masarap!" Sigaw ni Diego. Binatukan nga ni Lia.

"Ang salaw mo talaga!"

"Ganyan talaga, Lia Babe"

Nagsipuntahan na kami sa Dining Room.

To be Continue
________

Guys! Bisitahin niyo po Profile ko at doon ninyo makikita ang Istorya kong Ex Boyfriend Turn To Fiance! Basahin ninyo po! Para makilala niyo sila Abigail, Charles, Charlotte,Rianna,Chloei,Kyle,Lyndon,Luke,at Sabrina! Pero dito ko sinulat kung ano ba sila Charles at Sabrina! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top