Chapter 8

Letter and the seer


Dalawang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nakakalimutan ni March ang ginawa niya. Paano niya nagawa 'yon? Siya ba talaga ang gumawa no'n? Araw-araw niya pa rin na naiisip 'yon. Ang kakabalaghang ginawa niya. Err with the term, pero iyon talaga ang naiisip niya.

I stopped the time. I did stopped the time!

Bigla niyang naisip ang boses na narinig niya no'ng panahon na 'yon. Maybe the woman help her, or whatever the named they called to the most powerful woman like the woman who talked to her. Ngunit ang daming sinabi ng boses na nakausap niya. Ano ba ang gusto niyang iparating kay March?

May gusto ba itong ipagawa sa dalaga? Ano ba talaga ang rason kung bakit siya nandito?

"Ate March!" Natigil siya sa pag-iisip ng biglang tumawag si Lily sakan'ya. Pumasok ang bata sa kwarto niya ng may malawak na ngiti. "Ate, mag-aaral ka na sa Harvena!" Masayang wika nito st inabot ang isang golden enveloped sakan'ya.

Taray ng envelope, gold. It's was shining so bright like her hair. Kinuha niya ito at dahan-dahang binuksan. Nakita niya ang isang papel na nakatiklop. Binuksan niya ito at nakita niya ang isang letter. It came from the head of the academy.

Dear Ms. Valiente,
         Good day, I am Mr. Asher Rhett Carter. The headmaster of Harvena Academy. I am sending you this letter because you are qualified to enter the Academy. We are looking forward on meeting you. As you read this letter today, the class will start tomorrow. One of Harvena's student will fetching you to bring you to the Academy. He's in your house at this moment, and yes you don't need to bring your stuff. See you, Miss Valiente.

                            HA Head,
                                  — Mr. Carter.

Literal na napanganga si March pagkatapos mabasa ang sulat na galing sa Academy. Ilang saglit ay nasapo niya ang noo niya. Maari kayang hindi aksidente kung bakit siya nahulog sa ilog na 'yon? Maari kayang kailangan talaga iyong maganap? Maloloka na siya kakaisip.

"Ate, nandito na po 'yung susundo sa'yo." Nilingon niya si Lily dahil sa sinabi nito. What the? Hindi pa nga siya nakapag ready ng mga gamit niya.

"Ha? Sino?" Tanong ni March. Nagkibit balikat lamang ang bata.

Tumayo na siya at lumabas para makita ang sumundo sakan'ya. Nadatnan niya ang isang lalaking nasa may pintuan. The boy was so serious, while waiting outside. Lily's mom saw March and called her.

"March, halika, pupunta ka na daw sa Harvena," sambit nito. "Sinusundo ka na, ija."

Bakit iba ata pagkakaintindi ko sa sinusundo?

She stare the man for a while, he has a brownish hair. A pointed nose, his moreno skin make him more handsome. The man eyed him for a moment and smiles on her.

"Oh, ikaw pala 'yan," nakangiting sambit sakan'ya ng lalaki. "Kaya pala nag insist si master." He chuckled lightly and turned to March.

"Before I forgot I'd like to introduce myself to you. I am Kaiden Cyrus Hart you can call me Kai or baby will do." Nakangising wika nito na siyang nagpairap kay March.

Manang-mana nga sa league master nila. Parehong malandi.

"Shall we go beautiful milady's?" He asked March.

Tumingin muna siya saglit kay Lily at sa nanay nitong si Liliane. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi niya sa mundong ito. Hindi naramdaman na hindi siya kabilang dito. Naramdaman niya ang kalinga ng isang ina, at pagmamahal ng isang kapatid sa mag-ina na ito. Mahirap man na iwan silang dalawa pero kailangan. Bumuntong hininga si March at lumapit kay Liliane. Siya ang nagsilbing ina ni March. She hugged Liliane tightly.

"Maraming-maraming salamat po sa pag-aalalaga sa'kin," sambit niya, "kayo ang naging nanay ko dito."

"Mag-ingat ka doon, ma m-miss kita, ija," parang hinaplos ang puso ni March ng marinig niya iyon sa ginang.

Bumitaw na siya kay 'nay Liliane at sunod na pumunta kay Lily.

"Beh, magpakabait ka, sinasabi ko sayo, huwag mong papahirapan si nanay Liliane," nakangising sambit ni March na siyang nagpanguso naman kay Lily.

"Ate naman, mukha ba akong bubuyog? Lily nga ang pangalan ko," natawa nalang siya dahil hanggang ngayon hindi pa rin nito naintindihan kung bakit gano'n ang tawag niya sa bata.

"Oo mukha ka talagang bubuyog, beh." Ngumisi siya tsaka ginulo ang buhok ng bata.

Tumayo na siya at nagpaalam sakanila. Pero bago pa siya makaalis ay niyakap siya ni Lily.

"Mag-iingat ka doon, ate," bilin nito sakan'ya.

"Hmm, I will," she answered.

Kumalas na ito sa pagkakayakap kay Lily at tuluyan na siyang lumabas sa bahay ng mag-ina. The man whistle an a winged pegasus appeared. She's in an awed because of what she'd witness.

"I want to used teleportation but Mr. Pogs won't allowed me. So we'll just ride this," He says.

"Safety ba 'to?" Walang pag-alinlangang tanong ni March.

The man chuckled.

"Of course, mas safety nga kasi ako ang kasama mo." He winked on her, she act like she want to vomit because of Kai's action.

"Manginig ka nga." Parang nadidiring sambit ni March. Natawa nalang ang binata at inalok ang kamay niya.

"Tara na?" Tumitig siya saglit sa kamay nito bago niya inabot ang kamay niya kay Kai. Tinulungan siya nitong makasakay sa pegasus, at nasa likuran niya si Kai noong makasakay na siya.

Napatili siya ng wala sa oras noong lumipad ang Pegasus.

"Mahabaging empre, pashnea, dito ba ako mamatay?!" Sigaw ni March. Pumikit ang dalaga at inaalala ang mga kahapong nagdaan. "Gusto ko pang mabuhay ng matagal, magpakakabait na talaga ako," bulong niya.

Habang ang lalaki na nasa likuran niya ay nakangisi lang at pinipigilan ang sarili niyang humalakhak. Napapaisip ang binata kung dito ba talaga sa mundong ito galing ang babae. Kakaiba kumilos, kakaiba manalita. At ano nga iyong sinambit niya? Pashnea?

The pegasus landed on the ground. Parang bumalik ang nawalang kaluluwa ni March habang nakasakay siya sa pegasus. Tinulungan siya ni Kai na bumaba. Hindi mawala ang ngisi sa mukha ng binata dahil sa nasaksihan niya.

"Is it your first time to ride a pegasus?" Kai asked March and smirk on her. Napairap siya.

"Oo at pake mo?" Mas lalong ngumisi ang binata sakan'ya.

"Si Saint meron," bulong ni Kai, "let's go, March." Naunang naglakad sakan'ya si Kai, nakasunod siya rito.

Narating nila ang harapan ng academy. It's gate was shining like crystal. Nakaukit doon ang malaking katagan ng pangalan ng academy 'Harvena: Aire' kusang bumukas ang gate ng academy. Student's are walking, marami siyang kasabayan sa malaking gate na iyon. May mga kawal rin sa gilid na nakabantay.

The school is huge. This school is no joke. Mas malaki pa ito sa mga unibirsidad sa mundo ng mga mortal. Dinala siya ng binatang sumundo sakan'ya sa entrance hall.

"Proceed to main desk, she'll give you the details of your dormitory. Wake up early tomorrow and proceed to ceremonial hall. You should be there before 8. You need to have your league." Pagpapaliwanag ni Kai. "I'll go first," then he vanished.

Paano kaya nila nagagawa 'yon? Magagawa din kaya ni March 'yon? Ngayong nasa paaralan na siya ng mga hindi pangkaraniwang tao at naiisip niyang katulad din siya nila. Bakit hindi niya agad nalaman? Pinagmasdan niya ang entrance hall. Maraming mga estudyanteng nakakalat. May ibang pumupunta sa mesa na nasa gilid. Walang masyadong pumupunta sa sentro.

Biglang nahagip ni March ang pigura ng isang babae. Wait, she's that woman who'll befriend with her when she's on Harvena Kingdom. Naglakad ito patungo sa lamesang nasa sentro. May babaeng nakaupo doon. Probably an in charge. Dahan-dahan siyang nagtungo sa lamesa na nasa gitna.

Naghintay siyang matapos ang babae. Noong natapos ito ay lumingon ito sa gawi niya. The woman immediately beamed on her.

"It's you! The woman I'd met on the palace two months ago." Sambit ng babae.

"Yeah, Reese right?" March ask. Tumango ang babae na kausap niya.

Gladly may nakilala na rin siyang baguhan na katulad niya. Agad na dumiretso si March sa mesa.

"Name please," The woman says.

"Maria Archana Valiente," she answered. Suddenly a paper was released on her hands.

She give it to March. Agad naman niya iyong kinuha at tinignan. It is a golden paper with the a number was emboldened. Room no. 142. Iyon ang nakalagay sa papel.

"Your clothes and uniforms are in your dorm already, it will be transferred if and only if you'll be one of the most famous league with the least members but if not. You'll be staying on your dorm." Sambit ng babae. Kung gano'n may posibilidad na mapabilang siya sa league nina Saint.

Naglakad siya ng may mabangga siya kaya napatili siya.

"Pashnea, anak ni Marites!" Humawak siya sa puso niya ngunit si Reese lang pala ang nabangga niya.

People was whispering and gossiping. Some where laughing. Great, she just created a scene.

"Pangarap kong maging famous, pero hindi sa ganitong paraan," bulong niya.

"Sorry," Reese apologize.

"Ayos lang," sagot niya kay Reese. "Pwedeng magtanong, saan makikita ang mga dorm dito?" Tanong ni March kay Reese.

"South wing daw, sabi no'ng babae," sagot ni Reese. Ay wow favouritism ang in charge. Si Reese sinabihan si March hindi.

"Sabay na tayo, ano ang room number mo?" Tanong ni Reese.

"142." Sagot ni March.

"Oh, roommate tayo. Siguro sabay nalang tayong pumunta sa dorm?" Suhestiyon ni Reese sakan'ya. Tumango si March dahil wala rin namang ibang paraan para makapunta siya sa dorm.

Hinawakan ni Reese ang kanyang kamay na siyang ikinagulat niya. Narating nila ang harapan ng dorm. Reese got the keys. She give the other one on March. Binuksan ni Reese and pintuan bumungad sakanila ang malinis na sala. There's a two single sofa and a glass table in the center. A chandelier above also, there's also a dining area for them.

"The left side is mine, the right side is yours." Sabi ni Reese.

"Curious lang ako, paano mo nalaman?" Hindi napigilan ni March na magtanong.

"I'm a seer, and I see this coming."

Harvena: Aire
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top