Chapter 6

The tour

"Iiwan muna namin kayo saglit para makapag-usap kayo." Tsaka dinala ni Liliane ang kaniyang anak na si Lily papunta sa kusina.

Naiwan siya at si Saint sa sala. Nagtitigan lang ang dalawa. Ni isa sakanila ay walang balak magsalita.

"Little brat."

"Maniac." Sabay nilang tawag sa isa't-isa.

Muli silang napatahimik na dalawa.

"Thank you," wika niya. Iyon lang ang kaya niyang sabihin sa ngayon.

"Marunong ka palang magpasalamat." Nakangising wika ng binata. Palihim na pina-ikot ni March ang mga mata niya.

This man really loves to annoyed her.

"Why?" She asked.

"What?" The man asked her too. Nasapo niya ang kaniyang noo dahil hindi sila nagka intindihan na dalawa.

"Bakit mo ako niligtas?" Tanong niya sa binata. Kasi para sakan'ya, hindi niya alam kung dapat pa ba siyang mabuhay. Yet, she's still thankful. May mga tao pa rin palang marunong magpahalaga ng buhay ng isang tao.

"What do you want me to do when a saw a person dying, let them drown? I am not that heartless." Sagot ng binata sakan'ya. His face seems darkened a bit.

Bigla itong tumayo at pormal na nagpaalam sakanila. Humakbang ito papunta sa pintuan, at nakatitig lang siya dito. Hindi niya mawari kung bakit may gusto siyang malaman sa binata.

He's weird, but more in a maniac. Sambit pa nito sa isip niya. Napailing nalang siya dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya.

***

"Ija, wala ka ba talagang naalala sa nakaraan mo?" Biglang kinabahan si March sa tanong ni Liliane. Umiling siya. She tried to compose herself.

"Ang mga lugar sa mundo natin ay nakalimutan mo rin ba?" Tanong nito sakan'ya. She didn't remembered it because from the start she did not know about it.

"Wala po talaga akong naalala eh, tanging pangalan ko lang." Sagot niya.

"Nandito pala si Saint, ipapasyal ka daw niya." Kumunot ang noo ng dalaga sa sinabi ni Liliane. Isang linggo din itong walang paramdam. Himala biglang nagpakita.

She want to refuse but she don't want to look ignorant on this world too.

"Sige po, sasama ako sakan'ya. Baka sakaling may maalala ako tungkol sa nakaraan ko." Pagsisinungaling niya. Wala ba talagang ibang paraan para makauwi siya? Hindi rin ba talaga naghihinala ang mga taong ito na hindi siya tulad nila? Na hindi siya galing sa mundong ito?

"Let's go." Nagulat siya ng biglang hawakan ng binata ang kamay niya. Dalawang segundo na wala siyang nakita at naramdaman niya nalang na bumagsak sila sa tapat ng malalaking pader.

Nasa likurang bahagi sila ng paaralan ng Harvena. Hinila siya ni Saint, at sinikap ng binata na hindi sila mahuling dalawa.

"I can't used my power inside the academy. They can track me, they knew that I am still on a mission." Bulong niya kay March.

"Just pray that the professors or the headmasters won't catch us." Dagdag nito. Naningkit ang mata ni March sa sinabi ni Saint. Talaga bang nilagay niya sarili niya kapahamakan para lang sa isang babaeng tulad ni March na bago niya pa lamang nakilala.

"Are you trying to put yourself into trouble for someone like me?" She ask him without any hesitation.

"If it's for you, then I will little brat." Bigla itong ngumisi sakan'ya at kinindatan siya.

Is this another personality of him? Damn, still the flirt Saint.

"Still maniac," bulong ng dalaga. "Nasaan ba tayo?" Kuryusong tanong ni March.

She remembered that the guy mentioned lately about 'mission' is their chance that they are on a headquarters?

"Harvena Academy," maikling tugon ni Saint.

Nasa paaralan sila? Hindi niya mawari kung bakit nakaramdam siya ng kakaiba sa paaralang ito.

"Ayos ka lang?" Tanong nito kay March. She just nod and continue walking together with Thev.

"Students are still have their classes, let's go to the league first." League. Ano kaya ang purpose nito?

Hinila muli siya ng binata at napunta sila sa south wing ng Academy. This is where leagues are located. Lumiko sila sa kanan at nakita niya ang isang malaking bahay na napapalibutan ng mga tanim at bulaklak. Mga ibong nagliliparan, may isdang lumalangoy sa isang fish pond na hugis pabilog at ang fishpond na ito ay nasa pinaka-ibabaw ng fountain.

Heck, I see something more magical than before. Is this some sort of fantasy house?

Habang nililibot niya ang tingin niya sa bahay dahil sa sobrang pagkamangha ay hindi niya namalayan ang pagbukas ng pintuan. Narinig niya ang mura ni Saint kaya natigil siya sa paghahanga sa kagandahan na nakikita ng mga mata niya. Gano'n nalang din ang gulat niya ng makita ang isang lalaki sa harapan ni Saint at nakasandal sa may pintuan. Nakangisi ito kay Saint at gano'n din ito no'ng lumingon sakan'ya. Kaya agad siyang kinilabutan dito.

"You have a beautiful lady beside you." The guy eyes was still on her. He smirk as how March got nervous at his presence.

"Kailan ka pa dumating?" Pag-iiba ni Saint sa usapan. Mas lalong ngumisi ang lalaki.

"Kakarating ko lang, mabuti nalang din at bumalik ka. Hindi na kita kailangang hanapin, my pinapautos si Sir Carter. You must go to Forste and find the student's from the league named Aventurine, there. They're going to Refi but ended up in Forste because they got the wrong map." Pagpapaliwanag ng isang binata na kasama nila.

"They got the wrong map, or someone sabotage them?" Saint asked seriously.

"The second one I guess, they must find the phoenix, Big Shot and his minion's are in an alert level already." Hindi alam ni March at bakit nakikinig siya sa mga ito. It's somewhat confidential though.

"You must shut her mouth." Seryosong wika ng binata st tinignan siya. Alam niya ang gustong iparating nito kaya tumingin siya doon.

"For your information, I don't even know what you two are talking about. Don't expect me to blabber about it. Hindi rin ako si Marites para maging isang chismosa." Kumunot ang noo ng binatang nagsalita kanina at naningkit din ang mata ni Saint dahil sa sinabi niya.

Natakpan nalang niya ang bibig niya noong ma realize niya ang mga sinabi niya.

"Hindi ko ipagkakalat, It won't give me a benefit." Napaawang ang binatang kausap ni Saint dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng babaeng kasama ni Saint. 

"Why they didn't give it to their master? It's their duty after all." Sambit ni Saint.

"Yuriel is in mission too," sagot ng binata. "Mas madali din daw kung tayo. We can easily teleport, an order from faceless queen too." Naging seryoso si Saint at tumango sa sinabi ng lalaking kausap nito.

"Count me in." He spoke while looking at the guy intently before he went his eyes to March who's listening on them.

"Who is she by the way? New girl?" Natatawang tanong nito.

"Excuse me, I am not his girl and will never be his girl." Tsaka na pag nakalipad na ang mga tigre. She will never like this maniac.

"I just toured her, here. Tigil-tigilan mo iyang iniisip mo, Castel." Tumawa lang ang lalaking kausap ni Saint.

"I'll go to the headmaster's office first." Pagpapaalam nito sakan'ya.

"I-iiwan mo ako dito?" She asked while stuttering.

"Babalik agad ako." Sagot nito at nilingon ang lalaking kausap nito kanina. "Bring her inside, Sev. Baka may makakita pa sakan'ya dito sa labas. Don't do anything stupid or you know already." Seryosong habilin nito sa lalaki.

Nakangising tumango ang lalaking kausap nito at binigyan ng daan si March para makapasok. Sa pagpasok ni March sa loob ay siya namang pag-alis ng binata.

Noong nasa loob si March ay masasabi niyang para lang rin itong ordinaryong bahay. A long sofa bed and a two single sofa in the living room and a small glass table in the center where the flower vase was put. May chandelier rin sa ibabaw. May second floor ito, baka doon ang kwarto nila. Umupo siya doon sa sofa habang sa single sofa naman ang binatang kasama niya. He must be Saint friend.

"I forgot to introduce myself to you, Miss. I am Seven Aldred Castel. You can call me anything you want." He fornamed and smiled on her.

She can say that this man has it's beauty too. A pointed nose, a captivating smile and his brown eyes that make him more handsome. His look is not a joke.  Pashnea bakit ba kasi  may mga magagandang lahi ang mga ito?

Bigla siyang nanliit kasi sobrang gwapo ng mga ito. No'ng nagpaulan ng ka gwapuhan at kagandahan sinalo na ata ng mga taong nandito. Saint was more taller than him, pero hindi nalalayo ang mga katawan nila.

"I am Maria Archana Valiente. March nalang."

"Why are you here in the Academy? Bakit sa lahat ng lugar na pwede kang i tour ni Saint dito pa? You don't look like a student's here, or a transferee it's almost end of school year." Sambit ni Seven.

"I lost my memories and he's just a very kind human who help me when I was drowning in the river and right now he want me to remembered all my past." She emphasize the word kind that make the guy chuckled and smirk.

"Very kind, huh." He's still smirking. "Tignan natin kung hanggang saan aabot ang kind na iyan ni Saint."

"Hindi mo rin ba alam kung ano ka? A Harvena, Alevon, Ordus, or an Laverna?" Umiling si March bilang tugon. Paano niya malalaman kung hindi naman siya nanggaling sa mundong ito. Normalize blaming that river for everything.

"Did you forgot your power too?" The guy asked again. Muling tumango si March at nagsalita.

"Hindi ko maalala ang mundong ito, tanging pangalan ko lang ang alam ko," She lied again. "Kung alam ko lang ang daan pauwi, pashnea," Bulong niya.

"Weird, it's the first time I encountered that kind of case." Seryosong saad nito. Biglang dinumog ng kaba si March, hindi ba bumenta iyon sa lalaki?

"Can you tell me some facts about this academy? Habang naghihintay ako kay Santo." Pag-iiba niya sa usapan. The seriousness of the guy face didn't vanished but he nod. Parang nakahinga ng maluwag si March sa dahil doon.

"This Academy is just like the other Academy from the three kingdoms, the different is you can't choose your league, instead the league will choose you.  The league is your team, they are the one who can be your shoulder during mission's and this is my league and Saint league. Lima lang kami rito." Bigla siyang namangha sa sinabi ni Seven. Siguro special ang league na ito dahil ang mga member's dito ay mabibilang lang.

"Kaya pag may mission ay hindi kami sama-sama. The man that was with you lately, he was the league master." Hindi nakagalaw si March sa sinabi ni Seven.

He can't be a leader if he's not that strong, now she wondered what that man can do.

"A responsibility of a master is not easy. Kaya nga siya laging nasa labas ng Academy. He also wants to face mission's alone. It all started whe--" he dropped the words he almost tell when he remembered something. "Sorry but it's not my story to tell."

May malaking resposibilidad din pala ang binata. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang mga pangyayari. Si Saint ay isa sa mga estudyanteng pinagkakatiwalaan ng reyna ng Harvena. It was Liliane the mother of Lily said that. She thought that the man only knows was flirting. Nakarinig siya ng pagbukas ng pinto kaya biglang kinabahan ang dalaga.

"Training na naman, gusto ko lang matulog buong maghapon." Nakarinig siya ng reklamo malapit sa may pintuan. It was a voice of a girl. Pati si Seven ay biglang natinag.

"Shit ba't ang aga nilang natapos sa klase?" Bulong ni Seven.

"Eriz, shut it. I turned off the lights when we went to class." Seryosong boses ng lalaki ang narinig ni March.

"Unless, Seven or Saint is here." Another voice added.

"Kuya Sev!" Nakarinig siya ng pagtakbo papunta sa gawi nila. Hindi alam ni March ang gagawin niya sa mga panahon na iyon, habang si Seven naman ay hindi rin mapakali.

Biglang yumakap ang babae dito ngunit agad ding napabitaw ng makita niya si March. She breathing heavily. How would she escape this?

"New member ka po?" Tanong nito sakan'ya. Hindi niya mabuksan ang bibig niya.

Shit, ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

"Hi, I am Eriz and you are?" Magiliw na wika ng babae. She just keep on staring at her. Nilahad ni Eriz ang kamay niya at makikipagkamay sana sakan'ya ngunit may kamay na humila nito. Dahilan para mapasimangot ang babae.

The man who dragged Eriz away from March was eyeing her intently, scanning her from head to toe.

"The end of school year is near, such a great news that there's still a student want to catch up." She knew that it's a sarcasm but she just smiled. "Unless, she's an intruder and did manipulate Seven, such a fool. Miss, you manipulate the wrong man and enter the wrong league."

Kalma, March. Wala kang laban sa mga ito.

"Sure ka ba diyan, dre? Hindi naman siya mukhang intruder. Ang cute nga niya eh." Pagtatanggol sakan'ya nong morenong lalaki na kahawig ng babaeng nagpakilala sakan'ya. Both of them had a bright personality. Maliban sa lalaking pinagkamalan siyang intruder.

"Excuse me, mister. Ang ganda ko naman para maging intruder." Wika ni March at nakatingin sa lalaki na masyadong masama ang timpla ng mukha nito.

"Stop it, she's not an intruder. She's with Sai--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng lumitaw si Saint sa harapan nilang lahat.

"Let's go, Ma---" hindi niya natuloy na hawakan ang kamay ni March ng makitang nandito sa loob ang mga kasamahan siya. He cursed silently.

"Kilala mo, master?" Tanong ng morenong lalaki kay Saint.

"Pensé que todavía tenías tu clase. Ese director de escuela ventoso, simplemente me engañó." Naningkit ang mata ni March dahil hindi niya naman naintindihan ang sinabi ni Saint but she knew it was spanish.

[I thought you still have your class. That windy headmaster, he just tricked me.]

"Hindi naman iyon sagot eh." Reklamo ng lalaking moreno.

"Fine, I was the one who brought her, here. Satisfied? I still have a mission to do." Seryosong sambit ni Saint at hinawakan siya nito. Tsaka sila sabay na naglaho at naiwang nakanganga ang mga kasamahan niya doon.

Nakarating sila sa harapan ng Forste. The place where you found an unending trees. It is near in Bloodstone City, "The city of Criminal's." Beast are lurking around so as criminal's.

"Isasama mo ba ako sa misyon mo?" Tanong niya kay Saint, kahit alam na niya kung ano ang sagot. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi ng kaibigan ni Saint.

This man prefer having a mission with himself.

"Hindi na kita maihahatid pa, I only have 47 minutes, 23 seconds, and 31 millisecond to find them. I need to make this quick. Don't worry I won't give you to the criminal's, though you are not their taste. Masyado kang maliit, ang swerte mo na kung magkakagusto ako sa'yo." Wtf. Hindi niya alam kung ma i-insulto ba siya o maiinis. Pero ramdam niyang umiinit ang pisngi niya. Not because she felt butterfly in her stomach but because of embarrassment.

"Ikaw na matangkad." She rolled her eyes.

"Speaking of the criminal's." Agad na hinawakan ng mariin ni Saint ang kamay ni March.  "Stick with me."

"Mga estudyante na naman sa ibang academy. Tangina." Pagmura ng isang lalaki habang nakatingin sakanila. Agad na dinumog ng kaba ang puso ni March, pero sinisikap niyang hindi ipahalata.

"Mukhang anim yata ang kailangan nating iligpit mga pre." Nakangising ani ng isa sakanila at tumingin kay March. Mas lalo itong ngumisi habang nakatitig sakan'ya.

He's creepy.

"You must tell that to yourself." His voice were cold as steel. Biglang kinilabutan si March ng marinig niya ang boses na iyon ng kasama niya.

Another side of Toussaint Ephraim.

"You are gate crashing on our territory," sambit ng lalaki. Nakita niya ang pag ngisi ng kasama niya.

"Gate crashing? As I remember this not Bloodstone," pagsagot ni Saint. "This is no one's territory."

Napabuntong hininga si Saint bago muling nagsalita. "I waste 3 minutes, 4 seconds and 24 milliseconds talking with this people."

Nakita niya ang dahan-dahang pagsugod ng mga ito sakanila. Agad na natinag si March, hawak-hawak pa rin ni Saint ang kamay niya. He raised his right and a sword appeared. "Run!" He shouted.

Magsisimula na sana siyang tumakbo pero nagtaka siya ng hindi man lang umalis sa pwesto si Saint. Halos hindi siya makahinga ng makita niya ang isang malaking ibon-- no it's not a bird. Mukhang ibon pero alam niyang hindi iyon ordinaryong ibon. It's enough to blocked the sun, the place where they went started to get darkened.

"Run, March. I can only blocked this sun within 5 minutes. I promise I will find you." He assured her and handed her a kunai. Nilagay iyon ni March sa likuran niya.

Agad siyang tumango at nagsimulang tumakbo kahit madilim ang daan na kaniyang tinatakbuhan. Alam niyang may nakasunod sakanya dahil naririnig niya ang mga yabag nito. Habang pagtuloy siya sa pagtakbo. Nagsisimula ng lumiwanag ulit. Parang may binubulong ang hangin sakan'ya kaya agad siyang yumuko.

Sinunod niya ang instinct niya na yumuko.

Shit, I almost got hurt.

Someone shot her with a shurekins. Hindi niya alam kong ang layo na ba ng narating niya. Sapagkat nasa tapat na siya ng isang bahay ngayon.

"Dinala mo talaga kami sa pupuntahan namin, ngayon sabay-sabay kayong mamatay dito." Naglabas ulit ng panibagong shurekins ang lalaki. In her frustration, she shouted.

"STOP," A single word that make them all freeze. Prente siyang naglalakad habang nakatingin ng diretso sa mga kriminal. "Ang hilig niyo talagang manggulo, 'no? Sinabihan ko na kayong umalis, kaso wala eh." Kinuha niya ang isang kunai na nasa likuran niya na binigay ni Saint kanina sakan'ya.

Hindi rin siya nagdalawang isip na kunin ang shurekins na binato ng lalaki sakan'ya kanina. Kinuha niya ito sa lupa at muling bumaling sa mga kriminal.

All of them are shaking, maybe they didn't expect that the girl in front of them was indeed a powerful one. That's they thought.

"Run or die." Isang sabi lang niya, at nagsitakbuhan paalis ang nga criminal.

Nagsisimula ng bumalik sa normal ulit ang lahat. Kanina ay parang may binubulong ulit ang hangin sakan'ya. Naramdaman niyang hindi lang siya at ang mga kriminal ang mga nandito bumaling siya sa dumating na tatlong tao kanina. Hindi nalalayo ang kanilang mga edad.

These three didn't look like a criminals.

Napako ang tingin niya sa nag-iisang babae sa tatlo. Her face was familiar. Parang nakita na niya ito.

"Don't thank me, I did that to protect myself." She immediately run through those trees and find Saint.

Those people she encountered, it's seems that they are the people that Saint was searching.

Harvena: Aire
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top