Chapter 23
King of the Seas
Ang kaninang mga kampanteng Aragons ay agad na nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. They knew Reese gift is strong but a mammoth also is, the fact that it's more huge than their league mate gift. Hindi ba pwedeng 'yong kasing laki at kauri lang din?
"Don't give Reese a face like that. Para namang sinasabi niyong hindi niya kaya," saad ni Kai, "remember she's Reese, and raised by the queen. Never underestimate her."
Tama nga naman si Kai, dapat kampante lang sila. Pero hindi nila mapigilang mag-alala para kay Reese.
Nagtagisan muli ng tingin ang dalawa, tsaka parehong nagbago ang kulay ng mga mata nila. Iyon ang naging hudyat ng pagsisimula ng laban ng kanilang mga gift. Reese gift had advantage, mabilis itong nakakagalaw kasi hindi sobrang kalakihan, habang ang mammoth naman ay hindi dahil sa bigat ata ng katawan.
May mga beses na nababalibag ang gift ni Reese ngunit agad din naman itong nakakagawa ng atake. Kahit hirap na hirap na itong patumbahin ang gift nang kalaban ay nagpatuloy pa rin ito.
"Make her stop," Seven uttered.
Agad naman siyang kinunotan ng noo ni March. Even Kai eyed him weirdly.
"Pinagsasabi mo?" Tanong ni Kai.
"She need to stop or else she can't advance on third round. Mahihirapan siya, or worse, hindi na siya makakasali," Seryosong aniya ni Seven.
"No, she won't stop. Ginagawa niya ito para sa league natin. Alam kong kaya niya 'yon, can you at least give her a support instead of worrying. Make her feel that we're ready to lend a hand for her even she's the only one fighting in the field." Dahil sa sinabi ni Kai ay napatingin si March sakan'ya. It's her first time seeing him like Kai being like that. Puno ito ng kalokohan na tinatago, pero ngayon, ibang-iba.
"Okay lang sa'kin na matalo tayo, at least she can still fight for the third round. Paano nalang kung hindi niya kayanin? Tignan mo kung gaano na siya nahihirapan." Nabaling muli ang tingin ni March sa field.
Reese is sweating, and even panting. Makikita mo talaga ang pagod sa mukha nito. Ngunit pinili niyang magpatuloy.
For Aragons, my league.
"My partner can do it, she can't be in Aragons if she will stopped. I and you, still didn't witness what really she can do." Saad ni Kai tsaka muling tinuon ang focus sa field.
"Seven, just watch okay," March mumbled.
Pagkatapos sabihin iyon ni March ay natigil na sa pagsasagutan ang dalawa at bumalik ang tingin nila kay Reese na nasa field na hanggang ngayon ay ginagawa talaga ang lahat na makakaya niya.
Sa kabilang banda naman ay parang si Kai ang nakikipaglaban dahil pinagpapawisan na ito. Then there, March realized how much Reese worth to him as his partner.
Ang taga Azurite naman na kalaban ni Reese ay mukhang nahihirapan na rin. Hindi biro ang pagpapalabas ng gift niya, it need a lot of strength to summoned that mammoth.
"I think it's time to end this, shall we?" The representative from Azurite asked.
Na siya namang agad na sinang-ayunan ni Reese.
"Well I'm thinking about that too," Reese uttered.
Both of their gift ready to launch an attacked, but before the mammoth can move. Dinambahan na agad ito ng fenrir ni Reese na siyang ikinabigla nang lahat. Natumba ang mammoth at walang pasintabing pinagpiyestahan noong fenrir. Even Reese league mates didn't thought that her gift could do it. All of them are in an awe. No wonder why she's an Aragons, ibang klase din pala talaga ang babaeng ito pag nasa field na.
Hindi nagtagal ay ini announce ng announcer kung sino ang panalo. Halos ang mga tao ay hindi pa rin makapaniwala sa kanilang nasaksihan, they defeated the league who wins consecutively in this event. Who wouldn't be astonished on that?
"I told you, my baby can do it. She freaking did it!" Masayang sambit ni Kai.
"Now I realized why she want to be the representative in our league," March stated, "before the Clash started, she knew already that it will happened. She let the fate dance within her palm and make people believe about the outcome they had in their minds." March can't help but too grin while she uttered it.
"Woah, oo nga March noh. She's a freaking seer." Hindi makapaniwalang saad ni Seven. Naigulong nalang ni March ang mga mata niya sa sinabi ni Seven
Nakipagtalo ka pa kaninang mokong ka.
"Such a dangerous lady," Cain stated.
"Mga rookie sa Aragons, mukhang hindi rookie." Nakangising saad ni Saint. This league master of them must be really proud, his rookies raising their league. Who wouldn't be proud though?
"Yes, nanalo tayo!" Masayang sambit ni Eriz. Ang late naman nito mag react.
Habang nagsasaya sila ay si March naman ay tinuon na muli ang tingin sa field para tignan ang susunod na maglalaban. Napatingin siya sa monitor para makita kung sino ang sunod maglalaban.
Selene and Admiral
"Wait, Admiral is a first timer like us, and Selene was rank second last year in Clash of League, sila ang sunod sa Azurite," seryosong wika ni Seven.
"Bakit kaya mga first timer ang pinapares nila sa mga nangunguna?" Hindi mapigilang tanong ni Kai sa sarili niya.
"Malamang, to test us, kuya." Eriz can't stopped herself from rolling her eyes to his brother.
"Is it really about testing us? Or more on it?" Sambit ni Saint na nagpakunot sa noo ni March.
Tumigil na ang Aragons sa pag-uusap at tinuon ang tingin sa maglalaban. Unang pumunta sa field ang taga Selene. He look so proud of his self. Na siyang nagpataas sa kilay ni March. Hindi pa man dumating ang representative ng Admiral ay si summon na nito ang gift niya.
Saglit na yumanig ang lupa sa pag summoned ng gift ng taga Selene. Agad na nagsimulang manginig ang mga tao ng saglit na tumaas ang lebel ng dagat at unti-unting nakita doon ang gift ng taga Selene. Kahit ang ibang miyembro ng Aragons ay biglang nagbago ang ekspresyon ng makita ang gift nang taga Selene.
A megalodon shark.
Kaya pala kampanteng-kampante 'to. His gift is freaking strong. Sinong tangang magtatangkang kalabanin ang lalaking ito? Ngunit may babaeng casual na naglakad papunta sa field. Masyadong seryoso ang mukha nito at parang wala lang sakan'ya ang gift no'ng taga Selene. Seryoso ba ang babaeng ito?
Ito ang babaeng nakakuha ng atensyon kay March sa lahat ng miyembro ng Admiral. Pagkarating na pagkarating niya sa gitna ay walang gana nitong tinignan ang gift ng mga taga Selene.
The girl smile at the representative from the Selene. It's not a genuine or a friendly one, a mocking smile instead. That makes the representative of the Selene forehead creased.
"Eh, si ate Luna 'yan di ba? Hindi ko pa nakikita ang gift niya." Nagtatakang saad ni Eriz.
"Maybe it's related to the sea, afterall she's the daughter of the Headmistress in Avelon Academy." Dagdag ni Saint sa sinabi ni Eriz.
Napaawang ang bibig ni March. So this woman is a daughter of Great Nine? Now she wondered already what this woman can do.
Muling yumanig ang lupa, ngunit ang kaibahan ay mas malakas ito kesa nauna. Nagsimulang bumitak ang hagdan ng Battle Arena na siyang ikinabigla ng lahat. Muli na namang tumaas ang lebel ng tubig ng dagat, at sinamahan pa ng kulog at pag kidlat. People inside the Arena started to get scared on death.
March orbs widened and her jaw drop as she saw the gift of the woman coming. Unti-unting lumitaw ang ulo nang halimaw na kinakatakutan ng lahat. Hindi mapigilang manginig ni March ng makita ang katawan nito na unti-unti na ring lumalabas.
Not just her, but also the people inside the battle arena.
"So the rumors are true huh. The monster of the sea is someone's gift also. Her presence is already frightening, the fact that she's the daughter of the headmistress in Avelon Academy, how much more if she had this kind of gift." Saad ni Saint na ikinabigla ni March. Kasi hindi man lang ito natakot sa halimaw. "No ones knew it's someone gift, the daughter of the curse able to summoned it at first because the owner was once afraid from her gift."
If the T-rex was the ruler of the land, then Leviathan was the King of the Seas.
Hindi pinapahalata ni March na kabado siya, maging ang iba rin na Aragons, ngunit may sadyang kupal talaga sa grupo nila na sigaw ng sigaw at walang iba kung hindi si Kai. Mukha siyang tanga kakasigaw niya.
"Tangina naman, kuya. Nakakabingi ka!" Naiinis na saad ni Eriz.
March suddenly astonished. Did Eriz really curse? Ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin tumitigil kakatili si Kai. Kaya napatakip nalang ang mga ito sa kanilang mga tenga.
Natuon muli ang tingin ni March sa field, kakaibang takot ang namuntawi sa miyembro ng taga Selene. Muli na namang tumaas ang lebel ng tubig sa dagat at pati ang mga alon nito. Si Saint na hindi man lang kinabahan kanina ay biglang naging seryoso.
"Hoy, gago, seryoso ba itong babaeng ito? Madadamay pa ata tayo nito," kinakabahang saad ni Seven.
Habang ang babaeng taga Admiral naman na tinawag ni Eriz na Luna ay mukhang walang balak na pahintuin ang gift niya. Seryoso ba ang babaeng iyon?
March thinking of making the time stopped.
Pero bago pa niya magawa iyon, at maging seryoso ang lahat ay may babaeng ka edad ng mga headmaster at headmistress na naglakad papunta sa gitna ng field at malakas na binatukan ang babaeng nagngangalan na Luna. This presence . . . One of Great Nine.
"Are you thinking of drowning them all to death, Louisiana Nahara?!" Dumagungdong ang boses nito sa loob ng Battle Arena.
"Oh, here comes the mother, nabatukan tuloy." Natatawang saad ni Saint.
Habang ang mga tao sa Battle Arena ay napanganga sa biglaang pagsulpot ni Freah sa gitna ng field.
Napanguso naman ang babaeng taga Admiral dahil sa ginawa ng ina nito. It's Freira Assana Lorel - Vidarte, the mother of Louisiana Nahara Lorel - Vidarte.
"I apologize, we'll accept defeat. The point is yours." Saad ni Freah habang nakatingin sa representative ng taga Selene. Tsaka hinila ang anak niya paalis doon sa gitna ng field.
Ilang minuto pa ang lumipas bago naka react ang announcer, tsaka inanunsyo ang pagka panalo ng taga Selene. Pero kahit panalo ito, ni hindi man nga lang nito nagawang maka galaw ulit.
He got frozen on his place.
Harvena: Aire
By DeeYanny
Plagiarism is a crime
Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top