Chapter 1
March
"Miss Valiente, why your guardian's didn't get your report card again?" Her teacher asked. She sighed, she knew already that no one will get that card of her. Kung hindi siya lang.
"Wala po sila, Ma'am," Pagdadahilan niya. "Ako nalang po ang kukuha."
Her teacher has a bit hesitation giving the card to her since she was still a student. In the end, binigay niya pa rin ito sakanya. Nagpasalamat siya bago siya naglakad palabas sa classroom. Maaraw pa dahil tanghaling tapat palang. Wala na siyang pasok mamaya, kaya pwede na siyang umuwi.
Nililipad ng hangin ang kulay tsokolate niyang buhok, habang naglalakad ito. Patuloy siyang naglalakad hanggang narating niya ang labas ng campus. Tinignan niya ang pitaka niya, only fifty pesos was left on her allowance. May pasok pa siya bukas. She don't have a choice but to walk.
Maria Archana, or also known as March. A girl with intelligent and beauty. Behind of it, she was treated differently by her aunt. Pinapatuloy siya, pinapakain, binibigyan ng baon pero hindi kalakihan. Walang anak ang auntie niya kaya siguro ang laki ng galit nito sakan'ya. Wala rin itong asawa, dahil namatay.
No'ng makarating siya sa tapat ng gate ay agad niya itong binuksan at pumasok siya sa loob. Natigil ang mga tao sa loob ng bahay ng auntie niya ng makita siya ng mga ito.
So, her investors are here huh?
"March nandyan ka na pala," her aunt says, and give her a beamed. Pero sa likod ng mga ngiti na iyon, naghihintay ang bruhang sasalubong sakanya at babatuhin na naman siya ng mga masasamang salita.
"Opo, mauna muna ako sa taas auntie." Tinanguan lang siya ng auntie niya, tsaka siya nagpatuloy sa taas.
"Bilisan mo, at bumalik ka dito, serves us foods." Pahabol ng auntie niya.
Pagdating niya sa kwarto na tinutuluyan niya ay agad niyang nilapag ang bag niya. Hindi kalakihan ang kwarto niya, sakto lang kung saan pwede siyang makatulog at isang cabinet na malapit nang sumuko.
She hold her necklace and the hourglass as the pendant. Hanggang kailan siya magtitiis sa buhay niyang ganito? Kailan ka babalik? Babalik ka pa ba?
"March!" Nabalik siya sa reyalidad dahil sa sigaw ng auntie niya. Ang lakas ng pagka katok nito sa pintuan. Agad siyang nagtungo doon at binuksan.
"Bakit ang tagal mong lumabas diyan? Hindi ba at may utos pa ako sayo?" She's now glaring at her.
"Magbibihis po muna ako saglit auntie," Sabi niya.
"Huwag ka ng magbihis, nagugutom na ang mga bisita ko. Sinasabi ko sayo March, pag hindi ko nakuha ang loob nila sa labas ka talaga matutulog." Inis na wika ng tiyahin niya.
Wow, wala ka bang kamay?
If she just can utter her thoughts.
Agad siyang bumabaat naabutan niya ang mga tao sa baba nila na nagtatawanan. Natigil ang mga ito ng makita siya.
"Es ella una mortal? Sus ojos son diferentes."
[Is she a mortal? Her eyes are different.]
Natigil siya ng marinig niya ang isa sa mga kasamahan ni auntie na nagsalita ng ibang lenggwahe. If she's not mistaken it was spanish words.
"Anong tinutunganga mo jan March? Get the foods!" Her aunt shouted.
Agad na nagtungo si March sa kusina para kunin ang mga pagkain. Pagkarating niya roon ay agad siyang bumalik sa living room para ilapag ang pagkaing dala niya. She went back to the kitchen to get the drink. Ngunit bago niya pa ito mailapag sa mesa ay nabitawan niya ito at nagkalat sa sahig.
Some of the investors laugh. Nahawakan niya naman ito ng mabuti, not until someone did something to make it fall.
Her aunt was eyeing on her furiously.
"Su rostro era épico..."
[Her face was epic.]
"Ops,"
Are they insulting me? Pag talaga nakaintindi ako ng spanish.
"Tatanga-tanga." Galit na bulong nang tiyahin niya.
"I'm sorry for her carelessness," Her aunt still glaring on her. Tsaka nito inihiwalay ang tingin sakanya at ngumiti sa mga bisita nito. "Go back to the kitchen." Her aunt ordered her.
"Sa susunod nalang natin pag-uusapan kung paano gawin iyon. There are more easy ways to stop their powers." Sambit nang tita niya.
Kahit nasa kusina siya ay naririnig niya ang mga ito. They're all talking about business again.
"Maraming mga magagaling na scientist at doctor dito. You can count on me." She furrowed her eyebrows due to of what she heard.
Scientist?
"Puedo hacer una pregunta," natigil ang auntie niya dahil sa sinabi ng isa sa mga bisita niya.
["Can I asked a question,"]
"Seguir."
"Tu sobrina no parece una humana normal."
[Your niece doesn't look like a normal human.]
"Ella se ve diferente." Dagdag nito.
"We'll go first, Amanda." Sumilip siya doon at nakita niya ang pagtango ng auntie niya at ang pagtayo ng mga bisita nito tsaka ito naglakad palabas.
Noong makalabas ang mga ito, ay nakita niya ang auntie niya na papunta sa gawi niya. Agad siyang bumalik sa may lababo na parang walang narinig.
Hinila ng auntie niya ang braso niya kaya napaaray siya.
"Auntie m-masakit." Nasasaktang sabi niya.
"Masakit talaga, wala ka naman kasing ibang ginawa kung hindi ipahiya ako. Hanggang kailan Maria Archana? Hanggang kailan mo ako ipapahiya? Sana pala hindi kita tinanggap, sana sumama ka nalang sa ina mong may sakit sa utak." Her eyes become dull because of what her aunt says.
Sa lahat ng ayaw niya ay ang iniinsulto ang mga magulang niya. Lalong-lalo na ang ina niya.
"Edi sana hindi mo ako kinukop," Sagot niya.
Nanlaki ang mata ng tiyahin niya sa pagsagot nito at agad siyang sinampal.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw nito sakanya at dinuro siya.
"Mas makapal ang mukha mo. Simula nong umalis si papa at hindi na bumalik, ginawa mo akong alila." Sambit niya na mas lalong nagpakulo ng dugo ng tiyahin n'ya.
Nakakapagod ng maging sunod-sunuran sakanya.
Sasampalin sana ulit siya ng tiyahin niya ngunit nahawakan niya ang kamay nito.
"Insult my mom one more and I won't think twice to leave this house," sambit niya.
Nagulat ang tiyahin niya sa ginawa ng dalaga.
"Edi lumayas ka." Hinila siya nito papunta sa labas at pagkarating nila sa labas ay agad siya nitong tinulak.
"Ayan, maghanap ka ng matutuluyan mo. Huwag na huwag kang babalik dito March. Tu pedacito de mierda." Agad na sinarado ng tiyahin niya ang gate.
"Hindi na talaga ako babalik sa impyernong bahay na 'to na pag-aari ng isang kampon na kagaya mo." Sambit niya bago maglakad paalis doon.
Karmahin ka sana. She eyed the house for the last time before turning her back to it.
Habang naglalakad siya hindi niya mapigilang mag-isip kung saan siya tutuloy. She hold her necklace, a necklace with a symbol of hourglass. It was the only remembrance from her dad that was also from her mom.
Habang naglalakad siya ay narating niya ang isang tulay. Pumunta siya sa may railings ng tulay.
"Bakit kailangan niyo akong iwan?" She asked. "Pinangarap kong magkaroon ng isang kumpletong pamilya..." Bulong niya habang nakatitig sa ilog na nasa ilalim ng tulay.
Walang masyadong sasakyan ang dumadaan, kaya walang makakakita kung sakaling tatalon siya. Natatawa nalang siya sa mga naiisip niya.
Napahawak siya sa peklat na nasa kaliwang bahagi ng pisngi niya. Sa ilalim ng mata niya, malapit sa may eyebags niya. Bigla niyang naalala kung paano niya nakuha ang peklat na iyon. She go it when she was eating a banana cue, kaso masyado siyang tanga hindi niya sinadyang matusok ang kaliwang bahagi ng mukha niya at nagkaroon siya ng peklat. Hanggang sa lumaki siya ay nanatili ang peklat na iyon. It was the last bonding she had from her dad.
"Ma, pa, kung nasaan man kayo. Alam niyo bang ang hirap mabuhay ng sarili mo lang ang kakampi mo?" Para siyang baliw tignan na nagsasalita habang nakatingin sa ilalim ng ilog.
An eighteen years old woman, trying to escape this cruel life of her. Habang nakatitig siya sa ilog hindi niya mapigilang mapangiti ng mapait.
Siguro pag tatalon ako, tapos na ang problema ko.
Then, should I jump?
Natawa nalang siya sa naiisip niya . "No thanks, it was too deep. Sayang ang buhay ko, I am born brave and I will die being brave. Matutuluyan lang hindi ko makita, susuko na agad ako? Ano pa at isa akong Valiente?"
Siguro kung hindi niya sinagot ang tiyahin niya ay wala siya dito ngayon. Ngunit sawang-sawa na siya sa tiyahin niyang iyon na walang ibang alam kung hindi pahirapan siya.
"Ma, pa. I'll be brave," She whispered in the air.
Sumandal muna siya sa may railings at nakita niya ang pagdaan ng ibang sasakyan. Mabibilang lang ang mga ito. Mainit, dahil mga 2:30 palang ata, ngunit hindi niya inalintana ang init. Kahit mukha siyang baliw tignan dahil nakatingin lang siya sa mga sasakyan na dumadaan. Ngunit sa bawat tingin niya ay parang tumitigil ang mga ito.
Ngunit ang reyalidad ay umaandar naman ang mga ito. Sa kaniyang isipan lang iyon na tumitigil ang mga sasakyan.
Kung maibabalik lang niya sana ang mga kahapong nagdaan kung saan kasama niya pa ang ama niya. It was the time that she felt loved but it lasted immediately. It was also the time, that she turned into an independent one. She need to protect and loved herself considering that no one can do it for her. Only herself can.
"March!" She froze, when she heard that familiar voice.
Anong ginagawa nang tiyahin niya dito? Hindi ba't pinalayas siya nito? But she notice something, magulo ang buhok ng tiyahin niya at amoy sunog ito. Anong nangyari sakanya? Nasunugan ba siya o na holdap at pinagtripan pagkatpos?
"ANG KAPAL NG MUKHA MONG SUNUGIN ANG BAHAY KO!"
Harvena: Aire
By DeeYanny
Plagiarism is a crime
Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top