♡ EPILOGUE ♡

(A/N: Para sa pagtatapos ng 'HARUMAN NEOWA NAEGA' Paki play ng MV ng theme song ng story na 'to. Inspired po sa kantang 'yan ang title ng story na 'to)

♡ Epilogue ♡

♡ SAM'S POINT OF VIEW ♡

♡ JUST ONE DAY BY, (MY FAVORITE) BTS ♡

After One Year..

Makalipas ang isang taon, nakapag-pagawa ako ng isang sarili kong building kung saan duon kami magpo-photoshoot ng mga may gustong kumuha sa akin para ako ang magpicture sakanila at minsan naman ay sa gusto nilang place ko sila kukuhanan. pero sa sarili kong building ako mismo ang may sariling hawak, walang manager. hawak ko ang lahat ng oras ko.. oras ko para kina mama at papa, oras ko para sa pamilya at lalong lalo na sa parents ko.

At nakapagpagawa din ako ng sarili kong bahay mula sa perang naipundar ko sa mga photoshoot na tinatanggap ko. kakauwi ko lang galing trabaho pero dahil ayaw nina mamang umalis kami dito sa bahay namin dati na tangi daw naiwan na pamana sakaniya ni Lola Annie bago ito mamatay ay dito pa rin kami nakatira. pina-renovite ko lang ulit ito.

May maliit na pagsasalo ngayon dahil.. birthday ko. at paguwi ko.. may cute na cute ding munting sanggol ang sumalubong sa akin..

"Nandito na siya Baby!"

"Hi! Baby ko! namiss mo ba ako. ang cute cute naman talaga.. pakaraga nga!"

"Oh? Dahan dahan lang." Saka ko siya kinuha kay Ate.

Nagtataka ba kayo kung kanino siyang anak? Well.. kay Ate at kay kuya Seb lang naman.. in short pamangkin ko lang siya. Akala niyo noh! wala pa akong anak noh! ni-wala pa nga akong asawa eh.

"Namiss ka ni Baby. anyway, Samsamngit.. kailan ka ba kasi makakabalak na magasawa? bakit ayaw mo pang magasawa? May hinihintay ka pa ba?" Tukso ni Ate..

"Ate.. wala.. wala na akong balak magasawa. at wala din akong hinihintay.. wala na sa isip ko 'yan."

"Nako! Sam! wag mo nga akong lokohin! anong walang balak balak ka d'yan?! Sabihin mo ayaw mo lang dahil.."

"Ate.."

"Oo na. shut up na ako. sabi ko nga.."

Maya maya, biglang may tumawag. kaya 'agad ko naman ibinalik si Baby Saeca kay Ate at 'agad na kinuha ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at saka 'agad na sinagot yung kung sinong natawag.

"Hello po? Who's this?"

"Hello? Is this Sam?"

"Yes po. Why po?"

"Oh! Hello Sam? I'm Misis sanchuez, manager of the one modeling company here in Manila. and i want to invite you for the up coming modeling show.. tomorrow at my modeling company nearby in the luneta park. Seven pm sharp."

"Oh! Okay po. Salamat po sa pagimbita."

"Sige. walang anuman. bye."

"Bye po."

*Call Ended*

'Agad ko namang ibinalita iyon kina mama. at pagkatapos ng party ay saka na kami natulog para makapagpahinga na ako lalo na para bukas.

♡♡♡

Kinabukasan, nang magseven na ng gabi ay pumunta na naman ako kaagad duon. at pagdating ko naman kaagad duon ay 'agad lang nila akong winelcome. Maya maya lang naman ay nagumpisa na ang pageant at todo kuha lang naman ako ng picture sa model ng bigla ako matigilan dahil sa huling lumabas na nagmodel.

She's so stunning, gorgeous and beautiful as always like one year ago..

Nang tumingin siya sa akin ay mas lalo pa akong natigilan o naistatwa.. at huminto ang pagikot ng mundo, pagtakbo ng oras at bawat kilos ng mga taong nasa paligid namin ay parang nagmute at stop din. pati ang pagtibok at pagkabog ng puso ko ay tila huminto rin... ulit katulad ng huli kaming magkita.. at hanggang ngayon na muli kaming nagkita..

Matapos ng modeling ay award winning naman at siya ang nagbigay ng sash at crown dahil siya pala ang huling nanalo sa modeling show. Matapos nuon ay nagkayayaan na naman kaming lahat na magkainan na at matapos naman naming magkainan ay nagpaalam na ako ng uuwi na. At pumayag naman sila at nang makalabas at nasa labas na ako ng may marinig ako.

"Miss Mariecar.. ayos ka lang po ba?" Rinig kong sabi isang babae..

"Oo. a-ayos lang ako. ano ba kayo girls?! Acck acck! parang alak lang.. kayang kaya ko 'to!" Rinig kong sabi niya saka kaya ako napalingon sakaniya.. at nakita ko na hawak hawak siya ng dalawang babae sa braso habang patuloy siya sa pagsusuka. Mukhang lasing at nakainom pa yata ang babaeng 'to. kaya hindi na ako nagaksaya ng oras na lumapit at lapitan sila.

"What the matter here girls? do you need anything?" Medyo natulala pa yata sila ng lumapit ako. "Hey! girls!"

"S-sam.." Rinig ko sabi niya kaya napabaling ang tingin ko sakaniya.

"Miss Mariecar.. kilala niyo po siya? magkakilala kayo?"

"Yes. magkakilala kami.. at.. magkaibigan." Sabi ko. "Ah girls. kung okay lang sa inyo at kung gusto niyo, bumalik na kayo sa loob at ako na lang ang bahalang magintindi at maghatid sakaniya pauwi sa bahay nila?"

"Eh paano kung masamang tao ka pala at kung saan mo lang dalhin si Miss Mariecar.. tapos gasahain mo? Paano kami makakasigurong kakilala ka nga niya? Kahit gwapo ka kuya ha, hindi kami papadaig d'yans a kapugian mo."

"Bakit hindi niyo itanong sakaniya?"

"Miss Mariecar.. kilala mo ba talaga 'tong lalaking 'to?"

"Yes. He is.. my.. ex.."

"Woah!"

"At.. kaya p'wede niyo na akong iwan sakaniya. sige na girls. kaya ko na 'to. bumalik na kayo du'n sa party at baka hinahanap na kayo ni Misis Sanchuez."

"Are you sure with him Miss Mariecar?" Tumango lang naman si Mariecar at ganu'n lang din naman sila saka na nagpaalam na papasok na sa loob bago na sila tuluyang umalis.

"Long time no see."

"Let's go. ihahatid na kita pauwi sa inyo."

"Sam.. may.. itatanong lang ako.. alam ko.. kakakita pa lang natin ulit sa isa't isa.. at hindi ko alam kung ito na ba yung tamang panahon para itanong ko sa iyo ito. pero.. umaasa kasi ako eh.. isang taon.. isang taon na ako umaasa.. na balang araw.. bigla ka na lang tatawag at magpapakita at sasabihing mahal mo pa ako.. pero wala.. at ngayon na nagkita na tayo. gusto ko lang itanong.. may pagasa pa ba? may pagasa pa ba akong mahal mo ulit?"

Hindi ako nakasagot..

"'Di ba wala kang masagot? hindi mo ako masagot kasi.. alam ko na namang wala pa rin. hindi mo pa din ako mahal.. sino nga bang tanga na mamahalin pa ang taong nanakit sakaniya dati? Don't mind me na.. kaya ko pang umuwing magisa.."

Saka na siya naglakad papalayo habang bitbit ang saya ng gown. gusto ko siyang habulin pero.. hindi ko magawa.. gusto kong sabihin sakaniya na..

Mahal ko pa din siya..

Pero.. not now.. maybe tomorrow. mahirap makipagusap sa taong lasing at nakainom. madaling makalimot.

♡♡♡

Kinabukasan, kinuntyaba ko si Adrian para hanapin lahat ang mga naging kakilala niya sa pagmo-model at kasama na din duon si.. Withney at Shena. Tuwang tuwang sila na malaman na.. basta! Maya maya din naman ay ready na ang lahat, hinihintay na lang naman namin siya. ang plano, may big event o big reunion na dadaluhan ang mga model kaya pinahanap ko sila kay Adrian tapos kusa namang dadating ang mga magulang niya at dito nila mismo malalaman na pakana ko pala ito. so far. wala pa silang alam. at nandito na din sina mama at ang pamilya ko.

Maya maya pa ay dumating na din naman siya.. kaya inutusan ko na si Adrian na magsimula na.. Habang pinapatugtog ni Adrian sa background music yung..

JUST ONE DAY BY, BTS

At may mga sumasayaw na backup dancers sa likuran ko at sinasabay ko naman yung kanta at may para MV na lumalabas duon sa big screen sa likuran ko ay unti unti akong naglakad papalapit sakaniya habang gulat na gulat naman ang itsura ng mukha niya at habang ako naman ay nakangiti lang sakaniya.

'Dalawang pusong.. pinaglayo.. nagtaguan.. pinagtagpong muli.. nabuo ngunit na wasak din.. at ngayon.. may pagasa pa bang sila ay muli.. mabuo at magkasama.. at magmahalang muli..?'

Lumuhod ako sa harapan niya.

'Haruman Neowa Naega.. One day you and i.. Mariecar..' ngayon na ba ang araw na iyon?

"Ngayon na ba yu'n? One day you and i.. ikaw at ako balang araw.. Mariecar.. ngayon na ba yu'n?"

"Kung mahal mo pa ako? Baka oo. kasi.. ikaw.. mahal na mahal pa din kita.. pero kung hindi mo na ako mahal..? Baka.. wala na talaga one day you and i."

"Eh paano kapag sinabi kong.. mahal na mahal pa din kita... mahal na mahal na mahal kita Mariecar!"

"Mahal na mahal din kita SAMMUEL MATTHEW!"

Tumayo na ako at ibinigay sakaniya yung bulaklak na hawak ko saka ko siya hinawakan sa magkabila niyang pisngi.. saka ko na siya unti unting hinalikan..

"HARUMAN NEOWA NAEGA.. will be Mr. And Mrs. MATTHEW!"

Ngumiti siya saka ulit kami naghalikan.. masaya na ulit ang puso ko dahil kasama ko na ulit ang babaeng pinakainaasam asam at pangarap kong makasama habang buhay.

Wala na akong hihilingin pa.. hanggang dito na lang po.. MISS A.

♡♡♡

Haruman Neowa Naega Lesson Learn:

Lesson 1. Wag kang papasok sa isang relasyon kung hindi mo pa alam ang kahihinatnan nito. at kapag alam mo sa sarili mong hindi ka pa talaga ready-ing pumasok sa isang relationship na papasukin mo.

And lesson 2. Wag kang basta basta magdidisisyon kapag alam mo sa sarili mong hindi ka pa talaga sigurado sa pipiliin mong disisyon. siguraduhin at isipin mo munang mabuti kung tama ba ang disisyong pipiliin mo. kung anong kahihinatnan nito at kung ano bagay na maaring mawala sa iyo sa maling disisyong pipiliin mo.

♡ THE END ♡

AUTHOR'S NOTE:
Unang una sa lahat, wag niyo pong pansinin yung lesson learn. pakana ko lang po 'yan! Pangalawa, Humihingi po ako ng pasensya kung maikli lang ang mga chapters na nagagawa ko compare sa iba nitong chapters at kasama na itong EPILOGUE... pero still sana nagustuhan niyo pa din and.. kaya po ako humihingi ng pasensya dahil hindi pa naman po ako ganuon gaanong kagaling magimagine. haha! so pagpasensyahan niyo na kung maikili lang at may limitations kasi ang WORDS nito ng bawat chapter. 2k+ pero ang nagiging word ay 1k lang. actually wala naman talagang limitations, pakana ko lang po iyon kaeklabushan ko. At kaya din akong humihingi ng pasensya kasi ayoko lang kasi na sabihin niyo o ng ibang readers na.. ay ang ikili naman ng mga chapters.. ay sobrang mahaba naman. minsan kasi may ibang ganuong readers eh. aminin!

Anyway, but still thank you sa lahat ng mga magbabasa, nagbasa, bumasa, at nagbabasa ng story na 'to at ng lahat ng story ko! lalo na kay na siya unang nagcomment! sana po basahin niyo din po yung iba ko pang sa story at magiging story! lalo na yung THE EXIES dahil duon nagsimula ang lahat pero paalala maraming wrong grammar at typos duon sa story na 'yon. dahil hindi pa po ako ganuon kagaling kaya kailangan ko po ng editor! Pero again! THANK YOU SA LAHAT!

WANTED: EDITOR
Kailangan na kailangan ko po ng editor! para sa lahat ng wrong grammar at typos ko sa lahat ng story ko. please! nagmamakaawa po ako! 'Di makapal ang mukha, deseperada lang! haha! Pero please po! kailangan na kailangan ko po talaga ng editor!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top