♡ CHAPTER: TWENTY TWO ♡
(A/N: Oh! Balik na tayo ulit sakanila! sa tunay na love story ng kwento ito!)
♡ Mahal na mahal kita ♡
♡ MARIECAR'S POINT OF VIEW ♡
Kinabukasan, Matapos nuong araw na nakita ko na magkausap yung ex ni Gabbriel at siya ay nagpasiya akong puntahan siya sa bahay nila para kausapin. pero pagdating at pagpunta ko duon. pagbaba ko pa lang ng kotse nang may nagsalita.
"What are you doing here?" Mataray na tanong niya. kaya gulat naman akong napalingon sakaniya.
"You? what are you doing here too?" Tinaasan niya 'ko ng kilay at nakita kong tumaas din ang gilid ng labi niya sabay ngiwi na parang naiirita ang mukha niya.
"'Di ba ako ang unang nagtanong? kaya ako dapat ang unang mong sagutin. now, why are you here? what are you doing here?"
"I'm here for Sam." Tipid na sagot ko na lang at napangisi siya. "And.. why are you here too? bakit alam mo kung saan nakatira si Sam? And.. close ba kayo ni Sam?"
"Alam mo.. ang babaeng matanong.. putakera.. kaya.. madaling pagsawaan. at bukod pa duon mapagkakamalan ka pang chismosa."
"Hindi ako chismosa.. ano bang gusto mong palabasin?"
"Wala naman." Ngumisi na naman ulit siya. "At para sagutin lahat ng katanung mo na 'yan. una, kaya din ako nandito.. ay dahil hinahanap ko din si Sam dahil may kailangan ako sakaniya. pangalawa, kaya alam kong dito nakatira si Sam dahil.. kilala ko siya at ang pamilya niya. pangatlo, kaya close kami ni Sam.. dahil magpinsan kami.. at.. magkadugo, magkapamilya. at bukod duon.. wala din d'yan si Sam.. bumalik na ng hongkong. Kaya maiwan na kita d'yan. mauna na akong umalis sa iyo." Sabi niya. na iki-nagulat ko naman dahil sa lahat ng nalaman ko. sabay talikod na niya sa akin at akma sasakay na sana siya loob kotse niya ng magsalita pa ulit ako.
"Wait! ano sabi mo? Bumalik na si Sam ng hongkong?" Humarap ulit siya sa akin at tumango.
"Oo. bakit? bakit mo nga pala siya hinahanap?"
"W-wala.."
"May karapatan akong malaman dahil pinsan ko siya. saka.. bakit mo pa ba siya hinahanap? 'Di ba nga nangagaw ka pa nga at iniwan mo na siya..?" Napayuko at naiyak. tama siya. "Hey! wala akong ginagawa sa iyo ha? kahit pa gustong gusto na kitang sabunutan d'yan kaya p'wede ba wag kang umiyak d'yan?"
"I-i'm sorry.. w-wala na kami ni.. ni Gabbriel."
"What?!"
"Kung gusto mo sa iyo na lang siya?"
"Ang galing mo nga din talaga namang babae ka eh noh. matapos mong iwan yung pinsan ko.. babalikan mo siya at matapos mong agawin sa akin si Gabbriel.. iiwan mo naman siya.. pero sorry ka na lang girl. huli na ang lahat. nasa huli talaga ang pagsisi. Hindi ka na mahal ng pinsan ko. kaya wala ka ng babalikan pa at sisiguraduhin ko din na pagsisihan mo ding iniwan mo pa si Gabbriel dahil babawin ko na siya sa iyo.." Sabi niya saka na tuluyang sumakay sa kotse niya at saka na umalis.
Natulala na lang naman ako. pero nang matauhan ako ay nagpasya pa din akong magdoorbell. May itatanong pa kasi ako.
"Wait lang!" Rinig ko sabi ni Lola Mona. saka ko siya naaninag na naglalakad papalapit sa gate. "Oh? Mariecar hija! napadalaw ka! nako! hanap mo ba si Sam? umalis na siya kaninang madaling araw eh, pabalik ng hongkong kung saan na siya nakaassign na nagtatrabaho ngayon." Sabi ni Lola Mona pagkabukas niya gate.
"Ahm. alam ko na po na bumalik na si Sam sa hongkong at na duon na po siya ng tatrabaho pero ang hindi ko po alam eh.. kung saan po siya nakatira duon. baka sakaling alam niyo lang po?"
"Nak'wento ni Sam na ayos naman daw siyang tumutuloy sa isang hotel."
"Hotel ho? ano hong pangalan ng hotel?"
"Princess na ang sulat ay sulat ng china."
"Princess po?"
"Oo. isa daw kasi iyon sa hotel na pagmamay-ari nuong manager niya dito sa iba't ibang panig ng china."
"Ah okay po. sige po. mauna na po ako."
"Oh sige. magiingat ka hija. nga pala balita ko.. break na kayo ng apo ko.. pero.. hindi pa huli ang lahat. naniniwala lang akong mahal ka pa niya kaya wag kang sumuko.. sige na. puntahan mo na siya kung saan mo man siya dapat na puntahan kung nasaan man siya ngayon." Sabi ni Lola saka niya tinapik ang balikat ko at ngumiti. tumango at ngumiti lang naman ako saka na ako tuluyan ng nagpaalam ulit at umalis na.
Pagdating sa bahay, sinabi at nagpaalam lang ako kina mommy at daddy. sinabi ko na lang na kailangan ko ng vacation para sa stress reliever at pumayag naman sila kaagad. saka na ako nagpabook sa secretary ni mommy.
♡♡♡
Madaling araw ang flight ko at nakasakay na ako ngayon ng eroplano. Matapos naman ng byahe ay nakarating na din naman ako ng hongkong. Wala na akong inaksayang oras, pagkadating ko duon ay hinanap ko kung saang hotel nakacheck in si Sam kaya hinanap ko kaagad kung nasaan yung hotel na may pangalang Princess na 'yon.
Pagdating ko 'agad duon ay 'agad kong pinahanap sa stuff o crew ng hotel duon kung saang number nakacheck in si Sammuel Matthew at nagcheck in na din ako sa katabing number ng k'warto niya. saka na naman ako sumakay ng elevator paakyat sa taas. Wala ng patumpik tumpik pa, huminto ako kaagad sa tapat ng pintuan ng k'warto ni Sam. at kakatok na sana ako ng..
May mga boses akong naririnig sa loob.
"Igilid mo kasi!" Boses babae. "'Yan! itaas mo naman! ibaba mo naman. 'yan."
"Ikaw naman kaya!" Boses niya. "'Yan! 'Yan! Ganiyan nga! Ang galing mo!"
"Sabi sa iyo eh! mas magaling kasi ako sa iyo!"
"Gusto mo halikan kita d'yan eh?!"
"Sige nga!"
Hindi ko alam kung ba't ko pa ba iyon binuksan? pero.. nakita ko silang naghalikan pero saglit lang naman.
"Maglaro ka na nga lang d'yan! i-beat mo nga yung score ko! wag ka kasing magpataya du'n sa monster!"
"Oo na! mas magaling ka na sa akin dito sa tumple run! pero tatalunin pa din kita! 'di ako papatalo noh!" Sinarado ko na lang naman ulit iyon saka na ako nagtatakbo papunta sa kabilang k'warto at duon umiyak ng umiyak.
♡♡♡
Kinabukasan, maghapon lang akong hindi lumalabas ng k'warto ko dito sa hotel. ni-hindi nga din ako kumakain eh, puro tubig lang ako. wala akong gana eh. hanggang sa magkagabi na, hindi pa din ako kumakain at hindi pa din ako makatulog. puro higa lang ako at walang ginagawa kung hindi ang magmukmok sa isang tabi, sa isang sulok ng k'warto na ito.
Hanggang sa bumango ako at may naisip na gawin. 'Agad kong kinuha ang phone ko sa ibabaw ng sidetable ko. at nagcompose ako ng text message ko para sakaniya.
To: Sam
Kita tayo sa restaurant sa baba ng hotel kung saan ka nakacheck in. don't worry hindi ako masama tao. Gusto ko lang na magusap tayo. saka mo na lang malalaman kung sino ako, kapag nagkita na tayo at kapag nakipagkita ka na sa akin. Seven pm sharp. Table sixteen.
At eksaktong seven pm sharp ay nakaready na ako kaya bumaba na ako. Matapos ko siyang itext kanina ay pinatay ko ang phone ko para hindi siya magtanong. pagdating ko naman duon ay naabutan ko nanduon na siya at nakaupo na siya duon habang nakayuko. nakajacket ako ng itim na may hood at na may patong pang black cup. at siya naman ay nakasuot ng leather Jacket na kulay brown, white T-shirt, black pans and white sneakers. nakagell din ang buhok niya na mas lalong nagpagwapo sakaniya. gusto ko tuloy siyang sunggaban ng yakap pero yu'n ang bagay na hinding hindi ko gagawin dahil alam kong ika-gagalit niya iyon. nagmadali na naman ako lumapit sakaniya.
"S-sam.." Dahan dahan siyang nagangat ng tingin at nang makita niya ako ay napatayo siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong niya na may diin na alam mong galit siya sa akin. sino bang hindi? Yumuko ako dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang luha ko. "Ikaw ba ang nagpapunta sa akin dito?!" Napasigaw na siya. nakikita ko sa mga mata niya ang matinding galit at na nanginginig din siya dahil sa matinding galit sa ginawa ko sakaniya. napahagulgol na lang ako.
"I'm sorry.. i'm sorry... huminahon ka please. pakinggan mo muna ako."
"Ba't ka pa bumalik?! Bakit ka nandito?! sinundan mo ba ako dito?!"
"Please.. Sam.. let me explain.. pakinggan mo na muna ako.. please.. kahit ngayon lang.. please.. magusap tayo.."
"Wala na tayong pagusapan pa.. ang mga lalaki.. kapag nagsawa.. mahirap ng pabalikin.. at hindi ako tanga.. para bumalik pa sa iyo.."
"Ganiyan na lang ba talaga..? Hindi mo na ba talaga ako mahal?"
"Hindi na!" Madiing sabi niya saka na siya tumalikod pero bago pa siya makaalis ng dalawa kaming tumawag sakaniya.
"Sam! wait!" Huminto si Sam at lalapitan ko sana siya ng may nauna na. "What's happening?"
"Wala.. tara na.."
"Sam! Wait! I.. really.. really.. love you.. mahal.. na.. mahal.. kita.. and i'm sorry.. i'm made a wrong dicision to my life.. a wrong dicision that.. that i let you go.. and let you to be with others."
"Hindi na kita mahal.. 'di ba 'yan din naman ang sinabi mo nuon.. nuong nagmamakaawa pa ako sa iyo na balikan mo ako? pero ano? hindi mo ako pinili.. hindi mo ako binalikan.. hindi ka bumalik sa akin at simula nu'n. pinangako ko sa sarili ko.. na makakaya ko ding humarap sa iyo na hindi ako nasasaktan at sa oras na yu'n maipapakita ko na sa iyo na kaya ko ng wala ka sa buhay ko. hindi ka kawalan.. na may mahal na akong iba at sa mga oras na yu'n, sa mga oras na 'to.. hindi na ikaw yu'n.." Saka na sila umalis..
Mahal na mahal kita Sam.. i'm sorry.. ang tanga tanga ko..
♡♡♡
♡ TO BE CONTINUED.. ♡
A/N: I remember na yung TAIWAN AT HONGKONG nga pala ay parehong nasa CHINA! Pareho silang bahagi ng china! PERHAPS?! I DON'T REALLY KNOW TOO! TRY KONG I-SEARCH!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top