♡ CHAPTER: TWENTY THREE ♡

♡ Is this really the end? ♡

♡ MARIECAR'S POINT OF VIEW ♡

Kinabukasan, Imbis na magmukmok ako dito dahil sa nangyari kahapon ng gabi ay mas lalo pa akong nagpursigi na pilitin siyang bumalik sa akin. Hindi ako makakapayag na basta na lang makuha ng babaeng 'yon si Sam sa akin. alam ko! alam ko kasalanan ko ang lahat ng ito na kung anong nangyayari ngayon pero.. gagawin at ginagawa ko naman ang lahat para maitama ang lahat ng 'to eh. ang lahat ng naging kasalanan ko sakaniya at mga pagkakamali ko. para bumalik na siya sa akin.

Ang tanga tanga ko kasi eh..

Pero hindi. babawiin ko siya kaya naman maaaga akong gumising para magready at puntahan siya sa company building nina Tita Queen, kung saan siya nagta-trabaho. kaya tinanong ko lang kay manong taxi driver na sinakyan ko kung alam niya kung saan yung company building ng mga GO at buti at alam naman niya kaya mabilis din akong nakarating at nakapunta duon.

Pagdating at nang makarating na ako duon ay bago ako pumasok ay tinanong muna ako nung guard kung ano daw ang kailangan ko? sinabi ko lang naman na kilala ako ni Sammuel Matthew na nagtatrabaho sa building na ito! At buti at pinapasok na din naman niya ako.

Pagpasok ko, nagtanong tanong lang naman ulit ako sa mga taong nakakasulubong ko sa paglalakad papasok ng building at sa mga taong mapagtatanungan ko kung saan yung photoshoot room nila dito. hanggang sa makarating ako sa may nagpo-photoshoot at pagsilip ko sa kurtina na nakatakip sa isang pintuan ay nakita ko kaagad siya na may pinipicturan ibang babae kaya 'agad akong nagtaka. pero maya maya ay natapos na naman kaagad iyon at lalapit at papasok na sana ako para kausapin na ulit siya at pilitin na pabalikin sa akin at bumalik na siya ng may umepal pang babae.

"Sam."

"Yes my princess?" Ngumiti naman ng pagka-tamis tamis na ngiti yung nakakairitang ngiti naman ang babaeng 'to.

"You want to eat already?"

"Sure. where?"

"Sa bahay. ipagluluto kita. pero 'di ako marunong ah. papa.. turo na lang ako kay yaya."

"Effort kung effort ah. Okay. sige. sabi mo 'yan eh, my dear princess."

At dahil duon ay mabilis na akong umalis sa tapat ng pinto. mahirap na baka mahuli pa nila ako. Umuwi na lang naman ako sa hotel ng walang ginawa, pero hiningi ko sa crew o stuff ng hotel yung spare key ng k'warto ni Sam. Gabi na siya nakauwi at akala ko magisa na lang siya pero pare-pareho kaming tatlo na natigilan.

"Anong ginagawa mo dito? paano ka nakapasok sa k'warto ko?"

"A-ah.. Sam.. uuwi na ako."

"No! You stay here."

"P-pero.. Sam."

"I said stay here."

"O-okay."

"Hindi na mahalaga yu'n. basta.. makausap lang kita.. please? let's talk? Yung tayong dalawa lang."

"Walang tayo. ni-wala nga ring ikaw at ako eh.. huh! tayo pa kaya? eh iniwan mo na nga ako.. tapos kung kailan na ako masaya.. saka ka naman ulit bigla biglang mang gugulo sa buhay ko. ano pa bang dapat nating pagusapan? tinapos mo na 'di ba? tinapos mo na 'di ba ang lahat sa atin. p'wes ngayon! tinatapos ko na din! tapos na ang lahat sa atin simula ng iniwan mo ako at hanggang ngayon wala na yu'n. tapos na yu'n. tapos na.."

"Tapos na ba talaga ang lahat sa atin? nagsisi na naman ako.. hindi mo na ba talaga ako mahal? kasi kung ako yung tatanungin mo.. mahal na mahal kita.. nagsisi ako sa ginawa ko dahil iniwan kita.. at mas pinili ko.. si Gabbriel kaysa sa iyo.. yu'n lang naman ay dahil gusto kong matapos mo yung pangarap mo ng wala girlfriend na aalalahanin mo sa malayo habang nagta-trabaho ka.. pero yung makita ka sa piling ng iba? ang sakit pala.. ang sakit sakit pala.. mas ginusto ko.. na piliin mo yung pangarap mo kaysa sa akin.. pero.. hindi ko pala kaya makita ka sa piling ng iba.. mahal kita Sam.. kaya mas pinili ko na.. piliin mo yung.. pangarap mo kaysa sa akin pero ang sakit.. ang sakit sakit pa lang makita ka sa piling ng iba.. pero kung 'yan ang gusto mo.. ibibigay ko.. mahal kita.. kaya sa huling tanong ko sa iyo.. pagkatapos nito.. wala ka ng Mariecar na makikita na.. aligid aligid sa iyo, na mang gugulo sa iyo.. dahil tanggap ko na kung ano ang sasabihin mo na hindi mo na ako mahal sa huling pagkakataon. mahal mo pa ba ako.. o hindi na..?"

"'Yan din ang tinanong ko sa iyo nuon.. pero anong sabi mo? hindi 'di ba..? kaya hindi na din kita mahal.. umalis ka na.. Mariecar.."

"Fine.. If.. Is this really the end? the of us.. then.. ang huli ko na lang na masasabi para sa iyo.. ay.. maging masaya ka.. maging masaya ka na sana sa piling niya.. maging masaya sana kayong dalawa.. GOODBYE.."

Saka na ako tumakbo palabas ng k'warto niya at saka na nagimpake. back and fort naman yung ticket ko kaya okay na..

♡♡♡

♡ TO BE CONTINUED... ♡

A/N: Sorry! Short update na naman! kung kailan patapos na!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top