♡ CHAPTER: TWENTY ♡

(A/N: Pahinga muna tayo sa drama ng love team nina Sammuel at Mariecar.. ibang love story at drama naman ito ng isa pang love team na sina Nicky and Gabbriel.)

♡ Letting you go ♡

♡ NOW PLAYING: LETTING YOU GO BY, JBK ♡

♡ NICKY'S POINT OF VIEW ♡

Natulala na lang ako dahil sa naging disisyon na sagot sa akin ng lalaking yu'n. bago siya umalis. hay! kainis siya! akala ko pa naman dahil pinsan ko siya at gusto din naman niya yung babaeng 'yon. makikipagtulungan siya sa akin at susupportahan niya ako sa planong naisip ko yu'n pala.. yu'n pala hindi na niya pala mahal ang bwisit na babaeng 'yon.

Paano ko na niyan mababawi si Gabbriel sakaniya? Kung wala na naman pala akong kakampi?

Eh kung sumuko na nga lang din kaya ako?

No! no no. hindi p'wede! hindi ako p'wedeng sumuko noh. na makuha at mabawi ang dapat na sa akin. sa akin naman kasi talaga si Gabbriel in the first place pa lang. mangaagaw lang talaga yung bwisit na babaeng 'yon!

Anyway, eh kung.. pilitin ko kaya at wag sukuan si Sam na makipagtulungan sa akin? Tama! ganu'n nga! ganu'n nga ang dapat kong gawin. ang tali-talino mo talaga Nicky! ang ganda mong matalino!

Tumayo na ako at umalis duon sa bar. nawalan na ako ng gana eh. Wala na rin naman akong rason para manatili pa duon. sinira niya ang gabi ko eh.

♡♡♡

Kinabukasan, 'agad akong bumyahe papunta sa bahay ni Lolo Andrew, lolo ni Sam at kapatid ng lola ko. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nina Lolo ay bumaba na lang naman ako saka na ako nagdoorbell duon.

"Wait lang!" Rinig kong sabi ni Lola Mona, asawa ni Lolo. "Oh? hija? Anong ginagawa mo dito? bakit ka naparito? May kailangan ka ba? pasok ka muna."

"Ah La, gusto ko lang po sanang itanong kung nand'yan po si Sam? Gusto ko po sana siyang makausap. nand'yan po ba siya?"

"Nako! Hija! eh umalis na si Sam pabalik ng hongkong kaninang madaling araw."

"Po? Ah ganu'n po ba? Sige po. Thank you na lang po. alis na po ako."

"Okay. sige. magiingat ka."

"Opo. bye po!"

"Bye!" Saka na ako naglakad pabalik sa kotse ko. pero pagkabukas ko ng pintuan ng kotse ko at papasakay pa lang sana ako ng may dumating na isa pang sasakyan kaya napahinto ako at nagtatakang napalingon. at saka bumaba duon ang babaeng hate na hate ko.

"What are you doing here?" Mataray na tanong ko at gulat siyang napalingon sa akin.

"You? what are you doing here too?" Tinaasan ko siya ng kilay at tumaas din ang gilid ng labi ko sabay ngiwi ng naiiritang kong mukha sakaniya.

"'Di ba ako ang unang nagtanong? kaya ako dapat ang unang mong sagutin. now, why are you here? what are you doing here?"

"I'm here for Sam." Tipid na sagot niya dahilan para mapangisi. "And.. why are you here too? bakit alam mo kung saan nakatira si Sam? And.. close ba kayo ni Sam?"

"Alam mo.. ang babaeng matanong.. putakera.. kaya.. madaling pagsawaan. at bukod pa duon mapagkakamalan ka pang chismosa."

"Hindi ako chismosa.. ano bang gusto mong palabasin?"

"Wala naman." Ngumisi ulit ako. "At para sagutin lahat ng katanungan mo na 'yan. una, kaya din ako nandito.. ay dahil hinahanap ko din si Sam dahil may kailangan ako sakaniya. pangalawa, kaya alam kong dito nakatira si Sam dahil.. kilala ko siya at ang pamilya niya. pangatlo, kaya close kami ni Sam.. dahil magpinsan kami.. at.. magkadugo, magkapamilya. at bukod duon.. wala din d'yan si Sam.. bumalik na ng hongkong. Kaya maiwan na kita d'yan. mauna na akong umalis sa iyo." Sabi ko sabay talikod ko na sakaniya at akmang sasakay na sana ako loob kotse ko ng magsalita pa ulit siya.

"Wait! ano sabi mo? Bumalik na si Sam ng hongkong?" Humarap ulit ako sakaniya at tumango.

"Oo. bakit? bakit mo nga pala siya hinahanap?"

"W-wala.."

"May karapatan akong malaman dahil pinsan ko siya. saka.. bakit mo pa ba siya hinahanap? 'Di ba nga nangagaw ka pa nga at iniwan mo na siya..?" Nagulat ako ng umiyak siya. "Hey! wala akong ginagawa sa iyo ha? kahit pa gustong gusto na kitang sabunutan d'yan kaya p'wede ba wag kang umiyak d'yan?"

"I-i'm sorry.. w-wala na kami ni.. ni Gabbriel."

"What?!"

"Kung gusto mo sa iyo na lang siya?"

"Ang galing mo nga din talaga namang babae ka eh noh. matapos mong iwan yung pinsan ko.. babalikan mo siya at matapos mong agawin sa akin si Gabbriel.. iiwan mo naman siya.. pero sorry ka na lang girl. huli na ang lahat. nasa huli talaga ang pagsisi. Hindi ka na mahal ng pinsan ko. kaya wala ka ng babalikan pa at sisiguraduhin ko din na pagsisihan mo ding iniwan mo pa si Gabbriel dahil babawin ko na siya sa iyo.." Sabi ko saka na tuluyang sumakay.

Ngayon si Gabbriel na lang ang problema ko. buti nabawasan kahit konti ang problema na kailangan kong gawin para mabawi siya. Kailangan ko na lang na mapilit siyang bumalik sa akin at hindi ko na siya kailangan pang bawiin o agawin pabalik sa akin mula sa babaeng 'yon. dahil wala na pala sila.. mabuti na lang. sa wakas magagawa ko na din ang gusto ko na bawiin siya at maging akin ulit siya...

"Kuya.. sa bahay tayo nina.. nina Gabbriel." Tumango lang naman siya. Spoild brat kasi ako dahil only child lang ako kaya kahit saan ko gustong pumunta ay wala silang magagawa kundi sundin kung saan ko gustong pumunta. dahil lahat ng gusto ko nakukuha ko at binibigay nila sa akin.

Nang makarating at huminto na kami sa tapat ng bahay nila ay bumaba lang naman ako saka na ako nagdoorbell.

"Wait lang po!" Sigaw ng yaya nila at habang naaninag ko na siyang papunta na sa gate. "Oh? ma'am Nicky? Si Sir. Gabbriel po ba ang hanap niyo?" Ngumiti lang ako sakaniya saka na tumango.

"Ah sige po. pasok po muna kayo. tatawagin ko lang po si Sir." Tumango lang ulit ako sakaniya saka na niya ako pinapasok at sumunod lang naman ako sakaniya papasok sa loob.

"Ah wag na. ako na lang ang pupunta sa k'warto niya."

"Ah okay po. gusto niyo po bang dalhan ko kayo ng maiinom duon?"

"Ah hindi na. sige. akyat na ako. gusto ko lang kasi siya makausap."

"Okay po. sige po. tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan kayo." Tumango lang ako saka na nagexcuse saka na umakyat sa taas. Close ko lahat ng tao sa bahay nila. actually, apat lang naman sila dito. only child lang kasi si Gabbriel at yung parents at nagiisang yaya lang nila ang nandirito.

Kumatok ako ng nasa tapat na ako ng pintuan. "Bukas 'yan!" Rinig kong sigaw niya. Huminga ako ng malalim bago ko buksan iyon dahil magmula nuong nakipagbreak siya sa akin matapos nuong modeling show na nagkiss sila ng babaeng iyon ay hindi na kami nagusap pa.

"G-gabbriel." Napabangon siya sa kama niya ng makita niya ako.

"What are you doing here?" Sinarado ko muna yung pinto saka pumusok.

"P'wede ba tayong magusap?" Sabi ko.

"Naguusap na tayo. ano pa bang gusto mong klaseng paguusap ang gawin natin? bukod duon ano pa bang paguusap natin?"

"Please.. come back to me." Mangiyak ngiyak na pagkiusap ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayoko na?! Hindi na ako babalik sa iyo kahit na kailan!"

"Kahit na wala na kayo ng babaeng 'yon?" Kalmado pero madiin at maiiyak ng sabi ko.

"Mahal kita, oo. pero nuon yu'n. alam mo ba kung bakit ako naghanap ng iba? kung bakit ko nagustuhan si Mariecar, kung bakit ko siya niligawan, kung bakit kita pinagpalit at kung bakit kita iniwan? ha? gusto mong malaman?"

"Sige! Bakit?!" Umiiyak ng sigaw ko.

"Kasi.. nasasakal na ako sa iyo.. nakakasakal ka na! kahit wala naman akong ginagawang mali at masama, palagi ka na lang nagseselos. kahit na wala naman akong iba, lagi mong sinasabi meron. kaya pinanindigan ko na lang. Naghanap ako ng iba dahil yu'n ang palagi mong sinasabi. palagi mong sinasabi meron akong iba, edi meron! Sakal na sakal na ako kaya naghanap ako ng iba! Lahat ng bawat galaw ko dapat alam mo. kung nasaan ako? kung anong ginagawa ko? pero pagsinabi ko naman sa iyo lagi mong binabaliktad ay yung sa iyo at sarili mo pa ring panipaniwalaan ang papaniwalaan mo. kaya nagsawa na ako. Kaya ayoko na. tigilan mo na ako! hindi na kita mahal kaya kahit kailan 'di na ako babalik sa iyo!"

"Ganu'n ba talaga? Fine. I'm sorry.. i'm sorry kung nasakal ka na pala sa akin. kung nasasakal ka na pala. kung nasakal na pala kita at kung nasasakal na pala kita. Hindi ko naman alam eh. alam ko.. maldita ako pero.. kahit ganito ako.. madaling masawasak ang puso ko.. hindi ko sinasabi 'to sa iyo dahil gusto kong maawa ka sa akin pero.. gusto ko lang malaman mo na.. hindi ako.. matibay na tao katulad ng nakikita mo na pinapakita ko sa iyo.. madali akong sumuko kaya.. kung.. kung 'yan talaga ang gusto mo. fine. i'm giving up. i'm give up. i'm letting you go. Malaya ka na.. bye.." Saka na ako unti unting tumalikod at naglakad papalabas.

♡♡♡

♡ TO BE CONTINUED... ♡

A/N: Yes! To be continued nga! so yung susunod ay continuation ng chapter na ito! malamang! kaya nga to be continued eh! kaloka ako! anyway, short update lang! haha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top