♡ CHAPTER: THIRTEEN ♡
♡ Begging you to come back ♡
♡ SAM'S POINT OF VIEW ♡
Kinabukasan, matapos nuong party at nuong nangyari sa barko. Hindi ako nakatulog at makatulog. tapos pinauwi na muna ako ni Tita Queen sa bahay para daw makapagpahinga daw muna ako at mamayang madaling araw pa naman yung flight namin pabalik ng china. kaya hinatid na nila ako sa bahay pero pagdating ko sa bahay namin ibinaba ko lang ang mga gamit o maleta ko sa bahay namin at saka na ako nagpaalam lang ulit ako kina mama na may pupuntahan lang ako saka na ako pumara ulit ng taxi at sumakay duon at umalis.
At yuon nga ay yung nuong nagpunta ako sakanila.. sa bahay nina Mariecar at nung naabutan ko, namin ni Tita Bella kung anong ginagawa nila? na naghahalikan sila. Ang sakit. ang sakit sakit lang.
Pero hindi ako susuko 'agad. kaya naman nang magmadaling araw na at bago kami umalis, hinanap ko kaagad yung box at sulat na binigay niya sa akin saka ko na iyon binasa. naiyak ako ng mabasa ko iyon at nang matapos ko na iyong mabasa, at saktong nand'ya-d'yaan na din naman sina Tita Queen ay nagready lang ako at nagpaalam na ulit kina mama bago saka na kami tuluyang umalis.
Dala dala ko ang sulat na 'yon papunta sa airport. at nang makarating na kami duon, 'agad kong hinanap ang mga magbo-boarding papunta taiwan. saka ako tumakbo papunta duon. naghahalo na ang pawis at luha sa mukha ko habang tumatakbo at umiiyak na din ako. Maya maya pa nakita ko na silang paalis na, kaya 'agad ko siyang tinawag.
"Mariecar!" Umiiyak ng sigaw ko habang tumatakbo papalapit sakaniya. huminto siya saka humarap sa akin. nang humarap siya ay tumakbo pa ulit ako hanggang sa 'agad ko siyang sinunggaban ng yakap ng makalapit na ako sakaniya.
"Please.. nakikiusap ako.. nakikiusap ako sa iyo.. bumalik ka na sa akin.. please.. come back to me.. i'm begging you.. just this once.. kapag sinabi mong hindi mo na ako mahal.. then fine.. pero mahal na mahal kita eh.. mahal na mahal kita Mariecar.. please.. don't leave me.. i'm begging you.. please come to me.. I'm begging you to come back to me.. and tell me that you still you love me. that you love me.. na ako pa rin ang mahal mo.. kasi ako..? mahal na mahal kita.. for this last time.. tell me.. tell me.. that you still love me.. you love me right?" Humahagulgol na sabi ko at humagulgol na din siya saka niya ako tinulak palayo sakaniya.
"No! hindi kita mahal! hindi na kita mahal!in fact 'di naman talaga kita minahal eh.. naguluhan lang siguro ako.. kasi bumalik ka pa at in fact si Gabbriel na naman talaga yung mahal ko.. kaya please. lang. lubayan at layuan mo na ako. pinaglaruan lang kita! pinaasa! ba't ba hindi mo maintindihan yu'n?" Seryoso ng sabi niya. Huminga ako ng malalim.
"Fine. Kung 'yan na talaga ang disisyon mo. then tatagapin ko.. pero bago yu'n. ibabalik ko lang sana 'to.." Sabi ko saka nakangiti ng masakit saka ko na inabot sakaniya yung letter. Tiningnan niya muna yu'n saka siya tumingin ulit sa akin.
"Bye.. I love you.." Saka na ako tumalikod at umalis na.. habang umiiyak.. kahit na labag sa loob ko na.. i-let go na siya..
Kinuha at inilayo mo na nga yung puso ko.. iiwan mo pa..
Mariecar.. bakit ba nag unfair unfair mo?
Matapos nuon ay pinunasan ko lang ang luha ko bago na ako pumunta kina Tita Queen. Pagdating at pagbalik ko duon ay ngumiti lang ako ng pilit pero napaiwas din ako ng tingin. Maya maya pa ay boarding na din naman namin.
♡♡♡
Matapos ng mahabang byahe sa ere sakay ng pang himpapawid na sasakyan ay nakarating at nakalapag na din naman kami sa airport ng china. Nang makalapag na kami at pagkalapag namin, hinatid lang naman ako nina Tita Queen papunta at pabalik ng hotel. nang makarating at nang maihatid na naman ako nina Tita sa hotel ay nagpaalam lang kami sa isa't isa. saka na ako umakyat sa k'warto ko dito sa hotel. nakacheck in pa din naman ako dahil Three years ng binayaran ni Tita yung k'warto ko dito.
Pagkaakyat ko at pagpasok at nang makapasok na ako sa k'warto ko ay nilagay ko lang yung maleta ko sa gilid ng pinto saka na ako naglakad papalapit sa kama ko at umupo saka bago humiga na ako duon. Tulala lang ako sa kawalan habang malalim ang iniisip na nakatitig ako sa kisame. Naalala ko pa din yung mga masasayang alaala naming dalawa ng magkasama pati na rin yung kanina, na kung saan tinapos na niya ang lahat sa amin. ngayon. sa pagbalik ko dito ngayon, wala na akong girlfriend na tatawag tawagan. nakakatawa lang!
Maya maya, sa kalagitnaan ng malalim na pagiisip ko, biglang may kumatok. kaya napabangon ako.
"Who is that?"
"It's me! Withney!"
"Oh! Wait!"
Tumayo na ako at nagayos lang ako saka na ako lumapit sa pinto at binuksan na iyon. Pagbukas ko, may inangat siyang dalawang plastik. yung isa may lamang dalawang kahon ng jumbo chicken Mcdo at yung isa naman ay.. mga bote ng beer.
"Can i come in first?" Ngiting sabi niya. sabay beautiful eyes pa. natawa na lang naman ako. pacute pa kasi siya eh.
"Tss. you make me laugh.. even if i'm sad now.. anyway, oh yeah. you can come in here." Sabi ko saka na siya pinapasok at inayang pumasok na sa loob.
"Buti naman! and woah! really? Napatawa ba talaga kita? Buti naman at ngumiti ka na and since.. i know naman na.. malungkot ka.. pero i'm here! i'm here for you.. para patawanin ka at samahan ka.. samahan kang uminom. so.. let's go?" Tumango at ngumiti na lang naman ako. Saka na kami nagkayayang maginuman, at nasimula na kaming uminom.
"Teka lang ha! may dapat lang akong tawagan. wag kang maingay d'yan ha? May tatawagan lang ako saglit." Lasing na sabi ko kay Withney at lasing naman siyang tumango at ngumiti saka nagapprove sign pa sa akin.
Lasing na kami, lasing na ako, lasing na kami dalawa. at nang malasing kami at lasing ako. saka ko kinuha yung cellphone ko sa bulsa ko saka ko na iyon binuhay. pagkabuhay ko pa lang ng phone ko, tumambad sa akin ang picture naming dalawa. napangiti tuloy ako pero 'di kagaya ng dati na matamis na ngiti iyon at ngayon ay isa na iyong mapait na ngiti.
Inopen o ini-unlock ko yung lock screen nuon at tumambad naman sa akin ang picture niya nung first and last date namin na wallpaper ko. Hindi ko na namalayan na kinilick ko na pala yung menu nuon at yung contacts at hinanap ko ang pangalan niya duon. tapos saka ko iyon kinilick at pinindot ko yung call. saka ko iyon inilagay sa tenga ko na kinakabahan. naririring at nakailan pang riring bago niya na sinagot.
"Hello? Who's this?" Napalunok ako. Boses lalaki ang bungad sa akin kaya alam ko na si Gabbriel 'to at magkasama sila ngayon.
"Babe! May tumawag!" Tawag niya. Aray! pinarinig niya pa talaga, ha? anyway, bakit sila may endearment samantalang kami nuon wala. bukod duon ayaw niya pang ako ang may tatawagan ibang babe samantalanag siya pala itong nanloloko sa aming dalawa. nakakatawa!
"Sino daw?"
"'Di ko alam eh. number lang. oh." Oh! number lang? ibig bang sabihin nito dinelete na niya kaagad yung number ko? Wow! galing lang! Tuluyan na niya ba talaga akong kinalimutan?
"Hello..? i know Sam.. it's you."
"Alam mo na naman pala eh.. anyway, klaseng.. tatanda mo yung number ko.. kahit dinelete mo na." Saglit siyang 'di sumagot sa kabilang linya.
"Lasing ka ba? kung lasing ka.. wag tayo ngayon magusap. in fact! wala na naman talaga kasi tayong dapat pang pagusapan pa!"
"Talaga ba? ganiyan na lang ba? wala na ba talaga ha? May.. may isa lang akong gusto linawin.. do.. you.. still.. love me.. do you love me.. minahal mo ba ako..? minahal mo ba talaga ako.. o.. pinagmukha mo lang akong tanga?"
"Pinamukha lang kitang tanga. hindi na kita mahal.. i don't love you.."
"Really? If you really, really love me malhaejeo. pero.. wala na ba talaga? hindi mo na ba talaga ako mahal? Just say you love me.. i'm begging you.. i'm begging to come back to me and say that you still love.. that you love me.."
"Ba't ba ang kulit mo? Hindi na nga sabi eh!pinaglaruan lang kita! pinagmukhang tanga! at ikaw naman itong si tanga, kumagat ka sa ipinain ko sa iyo. kaya 'yan. namumukha ka na ngang tanga, nagpapakatanga ka pa din sa akin! ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na hindi na kita mahal! hindi naman talaga kasi kita minahal eh! si Gabbriel ang mahal ko!"
"But i love you.."
"But i don't love you.. goodbye.. sammuel.."
Dati kapag nag-i love you ako sa iyo, sasagutin mo ako ng i love you too pero bakit ngayon na sinabi kong mahal kita..
Hindi mo na ako mahal..
At matapos niyang sabihin ang mga masasakit na salita na yu'n na binitawan niya sa akin sa telepono, ay ibinababa na niya at pingbabaan na niya ako ng telepono. Saka ko na naman na ibato yung phone ko.
"AAHHHHHH!! AYOKO NA!! Ang sakit sakit na.." Sigaw ko habang nakahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ko ang sarili ko. saka naman may yumakap sa akin.
"Sam.. tama na.. magiging maayos din ang lahat.. makakahanap ka pa ng mas deserve na babae para sa iyo.. malay mo baka hindi lang talaga siya ang nakalaan na babae para sa iyo.." Saglit akong hindi sumagot at nakasagot.
"Hindi eh.. mahal ko siya.. mahal na mahal.. pero bakit niya ako nagawang traydurin?"
"Alam mo ba.. Sam? Palaging sinasabi sa akin ni mommy na.. hindi ko deserve yung lalaking gusto ko kasi.. hindi naman niya ako kaya magustuhan at mas lalo na ang mahalin ako.. pero sabi ko kay mommy, na.. wala paki alam. kung hindi niya ako gusto o hindi niya ako kayang magustuhan at mahalin. tapos.. sabi niya pa.. makakahanap pa daw ako ng ibang lalaki.. na mas deserve ko at ang pagmamahal ko. Hindi lang daw sa.. iisang lalaki.. umiikot ang buong mundo.. buong mundo ko.. pero.. dahil nga.. siya.. ang mahal ko.. kaya hindi ako nakikinig sa mga payo nila, ni mommy sa akin. but i don't care.. pero.. sinusubukan ko naman eh.. kaya.. ang gusto ko lang sabihin sa iyo. hindi ko sinasabi na wag mo na siyang mahalin dahil hindi ka niya deserve at hindi mo na siya deserve. ang akin lang.. ang gusto ko lang sabihin sa iyo ay.. subukan mo.. subukan mong buksan mo ang puso mo.. para sa iba.. nandito lang ako.."
"Nagmamahal sa iyo.."
Lumingon ako sakaniya pagkasabi niya nu'n. Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakangiti sa akin. Nagkatitigan kami ng mga mata namin. tiningnan at tinititigan ko siya sa mata niya.. Maya maya pa, unti unti ko ng nararamdaman na nilalapit niya ang mukha niya sa akin. pumikit siya kaya pumikit na din ako..
Maya maya pa ay saka ko na naramdaman ang mga labi niya sa labi ko. humarap ako sakaniya at hinawakan ko ang mukha niya.. at hinalikan din siya pabalik. habang palalim ng palalim ang paghahalikan namin hanggang sa mapahiga siya sa sofa. Humiwalay naman ako..
"I love you.. Sammuel.." Nakangiting sabi niya habang nakahawak siya sa mga pisngi ko. Ngumiti din naman ako sakaniya..
"I'm trying.. but not now. hindi ko pa masasagot 'yan.. sa ngayon. pero susubukan ko katulad ng sabi mo.."
Ngumiti siya at ganu'n din ako sakaniya. saka ko na siyang hinalikan ulit.
Mariecar.. maaaring sa ngayon.. mahal pa kita.. pero darating din yung araw na masasabi ko sa harap mo na hindi na kita mahal at hindi na ikaw ang mahal ko.. maaring sa ngayon nasasaktan pa ako.. pero.. darating yung araw na.. haharap ako sa iyo na may iba ng nagpapasaya sa puso ko.. at hindi na ikaw yu'n. hindi na Mariecar ang pangalan ng taong yu'n.
Sa araw na magkaharap o magkita ulit tayo.. may bago na ako..
You can cheated on me.. then i can too.. may mga lalaking kayang magmahal ng totoo.. pero sinasayang lang ng mga babae.. at walang lalaking kayang magtiis at magpakatanga ng sobra.. dahil lahat ng lalaki.. kaya maghanap ng iba...
♡♡♡
♡ TO BE CONTINUED... ♡
Quote: Kinuha mo na nga yung puso ko.. tapos iiwan mo pa.. (Sa FB ko lang po kinuha o nakita 'to. di ko din alam kung ito nga yon pero parang ganon nga. de joke.. ewan! basta! yun na yun!)
Baka hindi ako makapag-update bukas at sa mga susunod na araw.. dahil baka magcut na ang load ko tomorrow. so, kung kailan na lang ulit ako makakapagload at kung kailan na lang ulit ako magkaload at paloadan ng momshie ko! saka ako magkakapagUD ulit!
Haruman Neowa Naega will be 14-Chapters to go before magEPILOGUE at makakatapos na naman ako. ito ang unang story na nagawa at matatapos ko sa taong ito! at please po! supportahan niyo din po ang iba ko pang story at magiging story! yu'n lamang po! KAMSAHAMNIDA! GODBLESS!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top